Share

CHAPTER 03

Penulis: Paupau
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-10 12:15:29

Kusinerang Seniorita...

Labag man sa loob ko'y pumunta ako sa kusina at nakipagtitigan sa kaldero tulad ng sinabi ni Blue.

Binigyan niya ako ng limang pirasong hotdog na nasa plato at sandok na kahoy. Iluto ko raw ang hotdog habang siya ay mag aayos pa ng ibang gamit niya. Ewan ko ba sa kanya, naka-color coding pa kasi ang mga gamit niya, ewan lang kung pati brief niya ay may pattern sa pagtitiklop.

Sinipat kong muli ang hotdog at muli rin akong nayamot. "Where the hell on earth should I get the idea on how to cook this red thingy called fucking hotdog?!" naiinis kong tanong sa aking sarili. Kahit yata abutin ako ng pasko ay hindi ko pa rin alam kung paano iluluto ito.

And to think na halos masiraan na ako ng bait kanina ng pag hiwain ako ni Blue ng sibuyas, baka itong hotdog na ito naman ang maging mitsa ng buhay ko. Ilang galon yata ang iniluha ko makaraos lang sa isang sibuyas kanina. Tapos ngayon, itong hotdog naman ang kailangan kong igapang! Jusmio marimar!

Nang wala talaga akong maisip na ideya kung anong gagawin sa pesteng hotdog ay nag sign of the cross na lang ako. Wala pa kasi akong internet kaya hindi ako makapag YT. Ah basta, bahala na kung ano ang kalalabasan, susundin ko na lang ang sinasabi ng instinct ko.

Kinuha ko ang sibuyas na pinahiwa ni Blue sa akin kanina saka ko inilagay sa casserole. Nilagyan ko yon ng tatlong basong tubig, bay leaf na nakita ko sa tabi, saka paminta.

"Oh god, 'wag naman sanang masira ang tiyan naming dalawa pagkatapos ng sakunang ito!" napapakamot sa ulong dalangin ko.

Nilagyan ko rin ng asin at nang kung anu-ano pang powdered condements ang kaserola saka ko ibinagsak doon ang hotdog. Kailangan niyang maluto ng kusa kung hindi ay malilintikan na talaga ako ng tuluyan.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag alarm ng two minutes. Buti na lang naituro sa akin ni Blue kung paano kalikutin ang kalan kanina bago niya ako iniwan. 

Nang mag alarm na ang cellphone ko makalipas ang dalawang minuto ay binuksan ko na ang kaserola. Tamang may bula-bula lang ang tubig doon at parang matigas pa ang hotdog gawa ng matagal na pagkakalagay sa fridge. Nag adjust pa ako ng isa pang minuto saka ko ulit tinignan. Nang sa tingin ko'y oka'y na ay pinatay ko na ang kalan.

Nag handa na ako ng plato at baso sa mesa. Inihanda ko na rin ang cutlery from smallest to largest saka nanguha ng table napkin. Kahit papaano ay marunong akong mag ayos ng mesa at kung saan ba naka-assign ang puwesto ng mga kutsara, tinidor, at pati na rin kutsilyo. Nakikita ko kasi minsan si Ara kung paano niya ayusin ang mga inihahanda niyang pagkain para sa akin.

Nang sa tingin ko'y maayos naman na, at presentable naman na ang mesa ay nagpunta na ako sa kuwarto ni Blue. "Mahal na Seniorito, luto na po ang pagkain. Kumain ka na kung gusto mo pang mabuhay, pero kung gusto mo nang bumitaw... edi go!"

"I can't believe that you cook almost two hours for a simple dish."

"Puwes maniwala ka na," baliwalang sagot ko saka siya tinalikuran.

Daming satsat, buti nga ipinagluto pa siya!

Pag dating sa kusina ay kaagad na naupo si Blue at pumwesto na. Ni hindi na nga ako naalala pa at tamang ready na siya sa chibugan. Pero nang mapansin niyang wala pang nakahaing pagkain ay muli siyang tumingin sa akin.

"Maghain ka na," aniya sa hindi naman mayabang na tono pero nakakairita.

Tumayo ako at kumuha ng niluto kong hotdog. Wala namang gagawa niyon kun'di ako pa rin. Baka kasi dumanak pa ang dugo kapag nakipagmatigasan pa ako sa kanya sa pagkuha lang ng pagkain. Dalawang piraso lang muna ng hotdog ang kinuha ko saka ko nilagyan ng sabaw para hindi nakakaumay, bago sinerve sa harap niya. 

"Ito na po mahal na hari!" sarkastiko kong sabi.

"Salamat--" Natigilan siya at nanlalaki ang mga matang tinuro ang inihanda kong pagkain na nasa mesa. "What the F! Ano yan?!"

"Hotdog," baliwalang sagot ko.

"I know that's a fucking hotdog pero bakit ganyan? Why did you put sabaw on it?" sunud-sunod niyang tanong na para bang karumal dumal na krimen ang nagawa ko. 

"Sabi mo iluto ko, right? Edi niluto ko! And duhh... anong luto ba ang dapat para sa lintek na hotdog na yan?!" Nakakairita. Hindi na lang magpasalamat dahil may makakain na siya kahit hindi naman siya ang nagpakahirap sa pagluluto. Subukan niya talagang mag-inarte, babatukan ko siya sa noo!

"You can simply fry that hotdog, not sinabawang hotdog!" singhal niya naman sa akin.

"And you can simply get the hotdog from that sabaw kung ayaw mo ng soup, gosh!" Inirapan ko siya sa sobrang inis ko sa kanya. 

"You know what, ikaw na lang ang kumain niyang niluto mo." Tumayo siya at may kinuha sa loob ng drawer saka muling umupo sa katapat kong upuan. "Magdedelata na lang ako. Bahala ka na sa buhay mo, pag nalason ka d'yan sa niluto mo ipagdarasal na lang kita tuwing fiestang patay." 

"Alam mo yang ugali mo parang attitude!" Sa inis ko'y pinagtutusok ko ang hotdog saka nilagay sa plato niya. "Magpasalamat ka naman dahil pinagsilbihan kita. Ngayon lang ako naging kusinerang seniorita pero ganyan pa ang asta mo. Kainin mo yan kung ayaw mong tuhugin kita at gawing Letchon de Blue ngayon!"  

Mukhang kinabahan naman siya dahil natulala siya ng slight sa akin. Siguro'y nakikita niya rin ang invisible na apoy sa ilong at tenga ko kaya naman wala na siyang nagawa kun'di ang sumunod sa akin.

Kinuha niya ang isang hotdog saka iyon tinusok-tusok without care nga lang. Sa bawat pag subo niya ay napapailing siya. Dama ko 'yong pagpipigil niyang iluwa ang pagkain pero hindi niya magawa dahil pinanlilisikan ko talaga siya ng tingin.

Nang maubos niya ang isang hotdog ay kaagad siyang kumuha ng isang basong tubig at inubos iyon. 

"Those hotdogs taste sweet, instead of salt, you put sugar on it." Walang ganang nakatingin siya sa akin habang nag le-lecture about sa sinabawang hotdog. "Hindi pa rin luto. Matigas pa ang gitna, and you put a lot of bay leaf and pepper. Sana nilason mo na lang ako baka naatim ko pa."

Bagsak ang pangang napasunod na lang ako ng tingin sa kanya ng tila seryoso siyang tumalikod at umalis ng kusina. Hindi naman siguro siya mamamatay kaagad nang dahil lang sa sinabawang hotdog, right? And one more thing, I make sure na niluto ko 'yon ng three minutes. Halos makabuo na nga ako ng pangarap kahihintay kanina kung okay na ba or hindi pa.

Sa sobrang sama ng loob ko'y kinuha ko ang tatlo pang natira na hotdog sa kaserola at kaagad na kinagat ang isa. Pero nang kumalat sa bibig ko ang lasa niyon ay kaagad ko ring niluwa.

"What the hell?! Bakit ganito kasama ang lasa?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili saka tinitigang mabuti ang hotdog.

Mukha naman siyang luto na at masarap, pero pag tinikman na'y daig ko pa nga ang unti-unting nilalason na ewan. 

"Gosh! I have to learn how to cook! Kailangan kong maging bihasa sa pagluluto hindi lang para sa sarili kong sikmura kun'di para na rin sa sikmura ng ma-attitude na si Blue!" giit ko pa.

And when that happens, I swear to all the goddesses in the world that I'll be the best! Who you sa akin si Blue, kahit na anong hiling niya'y hindi ko siya ipagluluto, puwera na lang kung pipilitin niya ako at lalambingin. Tho, I doubt about that! Forget about that lambingin part dahil hindi naman mangyayari 'yon.

"Yang Azul pa na yan! Super choosy, kala mo sobrang yummy! Ang lapad-lapad naman ng noo, hmp!" nagpupuyos ang kaloobang sambit ko kahit na sa ibang parte ng isip ko'y alam kong hindi totoo ang mga pinagsasabi ko. Kasi nga, guwapo talaga si Blue. A drop-dead-gorgeous who can easily make girls go crazy!

*****

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Promesa Rota   NOTE

    Promesa Rota has ended. Salamat po sa oras na ibinigay nyo upang basahin ang kuwento ni Lenny. Sa totoo lang, hindi talaga kasama si Lenny sa The Neighborhood Series. And yes, Series po talaga ang story ng mga Macho Gwapitos na una kong isinulat sa W*****d. It was originally The Neighborhood Series, at ang story ni Lenny ay pasilip lang mula sa “Forget Me Not” na story ni Pauline at Blue, at “Te Quiero” na story naman ni Nico at Ely. Hindi ako sure kung mailalagay ko ba ang kuwento dito ni Nico dahil plano ko po sana ‘yon na ipasalibro.Muli, maraming salamat po sa inyong lahat na sumuporta at nagbasa. Sana ay suportahan at basahin nyo rin ang iba ko pang mga s. Salamat po heart heart.SNEAK PEEK of TE QUIERO:"I, Eliana Lopez promised to love and cherish you, from the beginning till end; for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. And I... set you free." ~Ely~ " ***Eliana 'Ely' Lopez woke up feel

  • Promesa Rota   EPILOGUE

    It was my last day here in Linden Hall as a Business Management student. After this boring ceremony, I will stay for almost two weeks before I go back to the Philippines. Kahit papaano ay marami naman akong natutunan na puwede kong dalhin at gamitin sa pagpapatakbo ng business namin. Sa loob ng halos tatlong taon na pananatili ko rito sa U.S wala naman akong ibang inatupag kun'di ang mag aral, kumain at matulog. Wala rin akong masyadong kaibigan dito na matatawag kong sanggang dikit tulad ng mga naging kaibigan ko sa Pilipinas noon. Ganoon pa man, may matatawag pa rin naman akong tropa and that was Azul Dela Vega. Pinoy rin kaya naman kaagad kaming nagkasundo. Nauna nga lang siyang nagtapos kaysa sa akin, kaya nauna na rin siyang bumalik sa Pinas."One cappuccino for Mr. Niccolo!" dinig kong sigaw ng kahera kaya naman kaagad akong tumayo at lumapit sa cashier. I just bought a cup of coffee to take-out and then plan to go back to my unit. Wala naman akong ibang gagawin kun'di ang ma

  • Promesa Rota   CHAPTER 40

    [Trigger Warning]My chest hurts so bad! Halos liparin ko na ang pinto palabas ng library room kung saan ko siya iniwan. Hindi ko kayang tignan ang malungkot niyang mga mata. Ang pag luha niya. Ang sakit na bumabalatay sa mukha niya habang binabanggit ang pangalan ni Zara. Pangalan ng panganay niyang anak na kinuha sa kanila... pangalan ko."Fuck! Not now, please!" Dali-dali ko nang tinakbo ang pagitan mula sa sala hanggang sa pinto ng hacienda Mejia."Seniorita!" tawag sa akin ni Ara pero hindi ko na siya nilingon pa.Kaagad akong sumakay sa aking sasakyan at nag maniobra paalis. Hindi ko na alam. Iba ang aking pakiramdam. Para akong nakalutang sa kawalan at naglalakbay ang diwa sa nakaraan."Oh God... not now!" My voice is shaking and I can feel that my body is trembling. As I looked at my hands on the steering wheel, it was shaking too. I have to calm down... I need to. But I can't, fuck!I drive as fast as I can just to stay away from where I am. Gusto kong makatakas sa nakaraan

  • Promesa Rota   CHAPTER 39

    "ALINNYTA CARMI AVILLA!"Hindi pa man ako nakakababa ay dinig na dinig ko na ang matining na boses ni Zafy. Nakakamiss din, pero nangingibabaw pa rin 'yong irita. Bukod kasi sa napaka tining at masakit sa tenga, binanggit niya pa talaga ng buo ang napakabantot kong pangalan!Pagbaba ko ng sasakyan ay kaagad akong sinalubong ni Zafy at niyakap ng mahigpit. "Na miss kitang bruha ka! Ano na? For good ka na ba dito? For bad? O tamang visit lang? Sumagot ka!"Kusang umikot ang eyeballs ko, wala pa rin siyang pinagbago. Napakataklesa pa rin kahit na happily married with two children's."Zafy puwede ba pagpahingahin mo muna ako. Okay lang ba 'yon? Puwede ba 'yon?" Inirapan ko siya."O.A mo ha! Pasalamat ka nga at sinalubong pa kita!""Oh edi thank you!" pasaring kong sagot. Akmang sasagot pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng kotse at bumaba doon si Ara."Kumusta Seniorita Zafira?" aniya ng nakangiti. Zafy wanted to greet Ara, but here comes the cutest one."Holla!" my daughter said

  • Promesa Rota   CHAPTER 38

    "SENIORITA!"Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit muli ring napapikit ng dahil sa nakasisilaw na liwanag."Mommy..."But when I heard Nica's voice, doon ako tuluyang nagising. "Anong nangyari?" tanong ko habang palipat-lipat ng tingin kay Ara at kay Nica na halos mangulay papel ang mga mukha habang nakatitig sa akin."Mommy are you feeling better now?" balik tanong ni Nica sa akin. "You passed out a while ago... you scared me, mom."Nagtatakang napatingin ako kay Ara. Nag trigger na naman ang depression ko kaya nag papanic attack ako. Pero pagkatapos niyon ay hindi ko kaagad maalala kung ano ang eksaktong nangyari."Mabuti na lang at nagising si Nica," ani Ara. "Ginising niya ako kaagad, ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Tatawag na ako ng doktor-""No... n-no need Ara, I'm okay." Napabuntong hininga ako. Hindi kaagad umepekto ang gamot kong pangpakalma kaya nagkaganon. Hindi na rin naman masakit ang dibdib ko. Maliban sa mga kalmot sa aking braso, leeg, a

  • Promesa Rota   CHAPTER 37

    [PRESENT...]"Mommy... are you oh-tay?"Nilingon ko si Nica, ang tatlong taon gulang kong anak. With her deep gray eyes, pointed nose, rosy cheeks, kissable lips, and curly eyelashes... she really looks like her father. Wala nga yatang nakuha sa akin kun'di ang kepyas.I smiled and pinched her rosy cheeks. "Yes, mommy's okay. You should sleep now Nica, hindi magandang magpuyat ang batang katulad mo.""Mommy, can you sing foh me?" I smiled again. Hanggang ngayon kasi ay medyo bulol pa siya. May mga salita at letra pa rin na hirap siyang bigkasin ng tama. "Ara used to sing a lullaby so that I would sleep fast, but you know what mommy... her voice is panget. Sakit sa ears, that's why natutulog nalan ako."Bahagya akong natawa saka siya hinawi ang buhok niyang bumagsak sa makinis niyang pisngi. "I don't sing, but maybe your Dad can sing-" Huli na ng maisip ko ang lumabas sa aking bibig. Nang tignan ko si Nica ay kunot ang noong nakatitig siya sa akin."Daddy?" nagtatakang tanong niya. "Wh

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status