Share

CHAPTER 4

Penulis: Flammara
Dinala niya ang sarili niyang proposal pabalik sa opisina. Nang makita siya ni Aurore, nagsenyas ito at nagtatanong kung ano ang nangyari, dahil maputla ang kanyang mukha.

“Diana, ayos ka lang ba? Talaga bang ibinigay sa iba ang project ng Oasis?”

Hinawaka ni Diana ang kaibigan saka hinila sa kamay, “Halika, mag usap muna tayo..”

Pumasok silang dalawa sa pantry. Seryoso ang mukha ni Dianan habang nagsasalita.

“Kailangan ko ng tulong mo.. may mahalaga akong bagay na kailangang gawin.”

“Sige, tungkol saan?” mababakas sa mukha ng kaibigan ang pag aalala.

“Narinig ko minsan na nais pala ng LS ang Oasis project. Ngayon, habang hindi pa naguumpisa ang construction, kung may lalabas na mas magandang plano at makuha nila ang operating rights, hindi na magkakaroon ng pagdadalawang isip ang lide, at siguradong sa kanila ibibigay ang proyekto.”

Namula ang mukha niAurore. Nag-sign siya nang mabilis. Hindi pa alam ng kaibigan na nakakarinig na siya.

“Naiinip ka ba?! Kung makialam ka at malalaman nila ang ginawa mo, corporate espionage ‘yan. Wala ka nang career pagkatapos!

At narinig ko sa industriya na komplikado ang background ng boss ng LS. Halos wala kang makuhang impormasyon tungkol sa kanya online. Kapag pumasok ka, para kang papasok sa bitag. Kung ipapasa mo yan sa kanila… tapos ka na!”

Kahit simpleng plano lang ni Diana, nagpapabilis na ng tibok ng puso ni Aurore. Pero para kay Diana, wala nang balikan pa. Nais niyang ituloy iyon.

“Ito ang huling hiling ng nanay ko. Kailangan kong tuparin ito.”

Nauubos na ang oras niya.

Matagal nang kilala ni Aurore si Diana mula pa sa university na pinasukan nila. Alam niya na kapag gumawa ng desisyon ang kaibigan, hindi na ito nagbabago pa iyon. Napaisip siya sandali, pagkatapos ay huminga ng malalim.

“Sige. Tutulong ako sayo sa abot ng aking makakaya. Pero kailangan mong maging maingat. Kapag nalaman ng lahat na ang asawa ng presidente ng Valencia Group ay tumutulong sa pinakamalaking kalaban nila, magiging eskandalo ‘yan.”

“Huwag kang mag-alala, magiging maingat ako.”

Mahigpit na hinawakan ni Diana ang kamay ng kaibigan, puno ng pasasalamat.

Pagbalik sa kanyang mesa, tahimik siyang nagsimulang mag-empake ng gamit. Habang nag-aayos, nabasag niya ang isang bagay.

Bumaba siya at nakita na ito pala ay ang kanilang larawan—ang kuha noong una nilang kinumpirma ang relasyon nila. Magkatabi ang kanilang mga ulo, nagliliwanag ang mukha dahil sa saya dulot ng kanilang kabataan. Noon, sobrang saya nila, naniniwala na basta magkasama, walang bagay sa mundo ang masyadong mahirap.

Ngayon, tila biro na lang ang lahat.

Kinuha niya ang basag na frame at itinapon sa basurahan.

Habang natatapos siyang mag-empake, nagpadala si Aurore ng message sa kanya.

AURORE:

(Ginamit ko na lahat ng koneksyon ko. Mayroon kang labinlimang minuto)

(Sapat na iyon para tapusin mo ang lahat!)

Buhay o kamatayan, nakasalalay sa pagkakataong ito.

Dinala ni Diana ang kanyang proposal at pumunta sa LS. Hinaplos ni Aurore ang kanyang balikat bilang pagpapakalma at pagbibigay ng kapanatagan.

“Kailangan mong patunayan ang galing mo. Kung hindi magtagumpay—gamitin mo ang iyong ganda!”

Napangiti si Diana sa sinabi ng kaibigan. Talagang maaasahan ito.

“Paano kung bakla siya?” biro niya.

“Ah… eh…” biglang napaisip si Aurore, hindi alam ang sasabihin.

Pagkatapos ng paalaman, pumasok si Diana sa gusali ng LS. Habang nakatayo sa elevator, biglang nakaramdam siya ng alinlangan.

Sinasabi sa mga tsismis na mahirap kausap ang boss ng LS—isang lalaking bihirang makita, ngunit ang performance ng kumpanya niya ay higit na lumalampas sa Lide. Ang founder na si Lander Sales ay nakapagpaangat ng ordinaryong negosyo sa lider ng industriya sa loob lamang ng dalawa o tatlong taon. Siya mismo ay itinuturing na alamat, na ngayon lang naisulat sa aklat.

Pagdating sa pinto ng opisina, itinaas niya ang kamay at kumatok.

“Pumasok,” malamig na tugon mula sa loob.

Huminga ng malalim si Diana at binuksan ang pinto.

Nakita niya ang isang silid na may kulay itim, puti, at abong design. Ang lalaking naroon ay may matalim at matigas na mukha, na nagpapakita ng distansya at malamig na aura. Nagbibigay pa rin ito ng instruction sa mga tauhan, ngunit nang tumutok ang tingin nito sa kanya, hindi niya maiwasang tumitig. Nakakabighani ang presensya ng lalaki.

Hindi tulad ng mayabang na anyo at aura ni Timothy, ang hitsura ni Lander ay mas matalim at delikado. Mas malamig ang ekspresyon, mas matalim ang facial structure.

Hindi inaasahan ni Diana na may ibang tao pa doon, kaya mabagal na umupo siya sa sofa.

Nakatuon sa trabaho, hindi siya pinansin ng lalaki. Hindi nagmamadali si Diana at tahimik na naghintay.

Nang matapos ng tauhan ang report at papalabas na, biglang nagsalita ang malamig na boses ng lalaki habang pumipirma sa kontrata:

“Alamin kung sino ang nagpasok ng walang clearance. Tanggalin lahat ng sangkot.”

Natigilan ang tauhan, at instinctively, tiningnan si Diana sa sofa bago tumango.

“Opo, President Sales.”

Humigpit ang dibdib ni Diana. Narinig niya na walang habag ang presidente ng LS, hindi nagtitiis sa pagkakamali. Nang makita niya ito sa unang pagkakataon, naunawaan niya na hindi pinalalaki ang mga kwento. May katotohanan nga ang sabi sabi.

Pinapagalitan ang isa sa mga tauhan sa oras na kailangan lang pumirma ng kontrata.

Bago pa siya paalisin, mabilis na ipinaliwanag ni Diana ang dahilan ng kanyang pagpunta. Hindi man siya tiningnan, alam niyang nakikinig siya, kaya nagpatuloy siya sa plano.

Nang matapos, itinaas nito ang tingin. Ang mga mata nito’y malalim at matalim, tila kayang sumilip sa bawat depensa. Labis ang pressure.

Kakaiba, kahit unang pagkikita nila ito, parang nakita na niya ang lalaki dati.

Handa na siya sa kanyang sasabihin.

“President Sales, kung matutulungan ko ang kumpanya ninyo na makuha ang operating rights para sa Oasis project, sa susunod na tatlong taon, magkakaroon ng malaking pag-unlad ang LS. Ang lupa sa paligid ng Oasis—malawak ang puwang para sa pagpapalawak…”

“Mrs. Valencia, ito ba ay dahil nag-away kayo ng asawa mo, o bagong taktika lang ito ng kumpanya ninyo?” tanong ni Lander. Tumingin siya ng matalim na parang lawin.

Nabigla si Diana sa narinig, pero pinanatiling kalma ang sarili.

“Alam kong may duda kayo, pero tunay kong nais na kayo ay tulungan na makuha ang rights. Wala nang nakakaalam ng proyektong ito gaya ko.”

Ipinahinga ni Lander Sales ang ballpen at umupo ng nakasandal sa swivel chair, bahagyang nakataas ang mga sulok ng labi. “Immortals fight, mortals suffer?”

Pinisil ni Diana ang labi, sinusubukang ipaliwanag.

“Hindi ko nais ang kahit isang sentimo. Isa lang ang kondisyon ko—kung manalo tayo sa rights, makokontrol ko ang design nang buo.”

Lalong tumindi ang tingin ni aLnder habang bahagyang yumuko.

“Dapat mo nang malaman ang ibig sabihin nito, na pumunta ka dito para makipagnegosasyon sa akin.”

“Alam ko. Ibig sabihin nito, nanganganib akong hindi mapasaya ang alinmang panig. Kapag nalaman ng iba, ipaparatang sa akin ng Lide na nagtaksil ako, at maaari mo ring isipin na espiya ako na ipinadala nila.” tugon ni Diana.

Mukhang naging interesado ang lalaki sa sinasabi niya.

“Kung ganon, bakit pa? Sa inyo na ang proyekto ng Oasis. Bakit mo pa ito ginagawa?”

Bumaba ang tingin ni Diana, nalungkot ang ekspresyon niya.

“Dahil sa personal na dahilan. Hindi ko maipaliwanag, pero mahalaga ang proyektong ito sa akin.”

“Narinig ko na. Ang Oasis lead ay hindi sayo ibinigay, kundi isang bagong tao lang.”

Magkakabit ang mga daliri niya, kumikislap ang mata habang sinasadyang huminto.

“Pero wala iyon sa akin. Wala akong dahilan para lumusong sa gulo para sa private things ninyo.”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 100

    Sa dami ng taong nagdaraan, hindi nakaligtas sa mga mata ng iba ang kakaibang ekspresyon ni Lander. Marami ang napatingin, nagtataka, kaya’t dahan-dahang lumapit siya kay Diana at mababang bumulong sa tainga nito:“Tulungan mo muna akong mabalik sa kwarto.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Diana. Kung biglang umepekto ang gamot kay Lander sa ganitong pampublikong lugar, tiyak na bukas ay magiging headline ito. At kapag nangyari iyon, baka pati ang pangalan ng pamilya Beredo ay madamay. Lalong kumulo ang dugo niya nang maalalang si Amanda ang nangahas na lagyan ng gamot ang inumin ni Lander.Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng lalaki. Nang makarating sila sa harap ng pintuan ng hotel room, agad niyang tinanong ito:“Nasaan ang room card mo?”“Nasa bulsa ng pantalon ko.”“Okay.” Wala na siyang iniisip pa, ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng pantalon ng lalaki. Malalim ang bulsa ng suit pants, kaya habang sinusuportahan ang katawan ni Lander, pinipilit din niyang kapain ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 99

    “Diana.” Malalim at malamig ang tinig ni Lander, may bahid ng nanlalamig na galit.“Ha?” Napasinghap si Diana, at kusa siyang nakasagot nang hindi namamalayan.Mainit ang mga daliri ni Lander habang marahan nitong hinawakan ang kanyang baba. Tinitigan siya ng mga matang matalim na parang mata ng lawin, saka malamig na nagtanong: “Hindi ko naman ibinunyag ang sikreto mo. Bakit sa isang iglap, ipinagkanulo mo na ako? Ano bang ibinigay sa’yo ng mga Beredo kapalit nito?”Alam ni Diana na wala siyang maitatago kay Lander. Ang lalaking ito ay may pambihirang pakiramdam at talas ng obserbasyon. Kahit anong pagtatago ang gawin niya, siguradong mabubunyag pa rin ang kanyang ginawa. At kapag nalaman nito na sinadya niyang linlangin ito, lalo lang siyang mapapahamak.Kaya’t nagpasya siyang magsabi na lang ng totoo.Tahimik na tumango si Lander, tila nag-iisip, bago siya mapait na ngumisi. “Ano ako, pag-aari mo? Bakit mo naisip na dahil lang sa ipinainom mo sa akin, agad kong magugustuhan ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 98

    Nagulat si Amanda, halos mapaatras sa kinatatayuan, at agad na napalingon kay Diana.“Anong nangyayari dito? Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito siyang isyu sa oryentasyon? Huwag mong sabihing… hindi siya tunay na lalaki?”Namutla si Diana, hindi agad nakapagsalita. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon—kung hindi niya ito maayos, tiyak na aabot sa kanyang lolo ang balitang ito. Pero hindi rin niya inaasahan na basta na lang ipinahayag ni Lander na gusto nito ng lalaki.Napilitan siyang humarap dito, halatang naguguluhan. “Kailan ka pa nagkagusto sa lalaki, Lander? Ano ba talaga ang pinagsasabi mo?”Nakatuwid ang likod ni Lander, magkalapat ang mga daliri na para bang nagtatago ng sariling kahihiyan. May bahagyang ngiti sa kanyang labi, at ang matalim na panga’y lalo pang umigting. Ang malamig niyang mga mata ay nakatuon kay Diana, puno ng pang-aasar..“Paano? Mas kilala mo pa ba kaysa sa akin ang sarili kong gusto? Nasubukan mo na ba ako?”Namula si Diana, napalunok ng wala s

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 97

    Wala siyang magagawa; kung hindi pipirmahan ang kontrata, hindi siya makakaalis. Ramdam niya ang matalim na tingin nina Jenny at Timothy kahit hindi niya sila tinitingnan—parang tinutusok ng karayom ang kanyang balat.Ganyan si Lander. Kung ipinasa nito sa kanya ang kontrata, malinaw ang ibig sabihin—ipinapakita nitong magkaalyado sila. Kung hindi, bakit ipababasa sa kanya ang ganito kahalagang dokumento?Matapos ang konting pag-aalinlangan, inabot niya ang kontrata at pinilit na basahin. Pagkaraan, mahina niyang sinabi kay Lander.. “Mr. Sales, natapos ko na pong basahin. Wala pong problema.”Iwinagayway lang ni Lander ang kamay. “Okay, pumirma ka na.”Pagkapirma ng kontrata, hindi na nakapagpigil si Jenny at bumulong.. “Mag-usap lang kayo. Lalabas muna ako sandali para huminga.”Kinuha ni Timothy ang dokumento at tumingin kay Diana. Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin—hindi siya puwedeng maunang lumapit, baka pagtawanan sila ni Amanda. Kaya maingat niyang sinabi.. “Puntahan

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 96

    Sinusubukang kumbinsihin ni Lander si Jenny, may bahagyang panlilinlang sa tingin.. “Ano sa tingin mo? Isipin mo muna.”Kinagat ni Jenny ang kanyang labi, malalim ang iniisip. Kung tatanggapin niya ang alok ni Lander, mas magiging maayos ang kanyang pag-usad sa LS, dahil ngayon, hindi na kayang makipag kumpetensiya ni Lide kay Lander.Ngunit sa Lide, may proteksyon siya mula kay Timothy, kaya mas madali ang lahat.Ngunit mas kaakit-akit si Lander, at narinig niya rin na malakas ang background nito—subalit misteryoso, wala pa ring nakakaalam kung saan talaga ito nanggaling.Mahalaga rin: kung mapansin siya ni Lander…Maingat na lumingon si Jenny kay Timothy, para bang humihingi ng kanyang opinyon. “Timothy, puwede ba akong sumubok muna kay Mr. Sales? Kung matututo ako ng mas marami roon, baka pagbalik ko, mas maayos kitang masuportahan at matulungan.”Nakangiti pa si Timothy nang una, pero agad din iyong napalitan ng pagsimangot.. “Tatargetin mo talaga ang LS?”Alam ng lahat na kapa

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 95

    Naabala si Amanda sa eksena at napabuntong-hininga, saka lihim na kinumpirma sa sarili.. “Talaga, magaling itong babae, Diana. Siguradong hindi mo siya matatalo. Baka pati sa proyektong ito, mapalitan ka pa. Ang mga lalaki, hindi matiis kapag may babaeng nagpapa awa—at mukhang hindi mo kaya ang ganitong estilo.”Hindi talaga makapagsalita si Diana. Sino ba ang makakapag akala na kayang ibaba ni Jenny ang kanyang pride at umiyak pa sa harap ni Lander?At ang pag-iyak niya’y parang luha ng isang bulaklak—malambing, halos kaawa-awa—isang eksenang mahirap tabunan ng anumang panunukso.Nilingon niya si Lander. Hindi ito agad nag-react, at doon niya nakita ang pagkakataon.Hindi napigilan ni Diana ang pisilin ang sariling palad habang matalim na naka-focus ang malamig at malinaw niyang mga mata kay Lander. Kung bigla nitong babaguhin ang isip, mawawala nang lahat ang pinaghirapan niya noon.Mataas ang kilay ni Lander, matalim ang mata, malinaw ang mga linya ng mukha—isang hitsura na nakaka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status