Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart

Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart

By:  FlammaraUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
100Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Minsan, naniwala si Diana Beredo na masaya ang kanyang pag-aasawa. Ngunit nang hayagang kumampi si Timothy Valencia sa kanyang kabit at walang awang iniwan siya sa pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay, doon siya tuluyang nagising. Mula noon, nagsimula ang pagbibilang ng oras tungo sa kanilang diborsyo. Hindi na niya hahayaang maaksaya ang kanyang kabataan at dangal sa isang lalaking wala nang ginawa kundi pagtaksilan siya. Habang pinupunit niya ang tanikala ng kanilang kasal, buong tapang siyang humakbang sa panibagong yugto ng buhay—matatag, nagliliwanag, at walang makapipigil. Ang minsang tinawag na “karaniwang asawa” ay nagningning nang higit pa sa lahat, at ang mga humamak sa kanya ay walang magagawa kundi magsisi. At ng napagtanto ni Timothy Valencia kung ano talaga ang nawala sa kanya… huli na ba ang lahat?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

“Miss Beredo, kapag pinili mo ang desisyong ito, hindi ka na makakabalik pa dito sa loob ng limang taon—o baka mas matagal pa. Sa paningin ng iba, itatago namin ang iyong pagkakakilanlan. Sa panahong iyon, wala ni isang makakahanap sa’yo. Dahil sa espesyal na katangian ng mga produktong ginagawa ng aming kumpanya, umaasa kaming maiintindihan mo ang lahat ng panuntunan namin.”

“Naiintindihan ko ang lahat.”

Sandaling natahimik si Diana, bago niya nilagdaan ang dokumentong iniabot ng doctor.

“Kung gayon, dapat matapos ang lahat na kakailanganin bago mag October 20. Ipapaalam namin sa’yo kapag maayos at handa na ang lahat.”

Muling tumingin si Diana sa kanyang telepono. October 1 pa lamang—may dalawampung araw pa siya bago ang itinakdang oras.

***************

Habang dumaraan sa harap ng malaking screen sa mall, napatigil siya sandali. Ipinapalabas doon ang isang press conference isang linggo na ang nakalipas.

Ang presidente ng Valencia Group na si Timothy Valencia, ay gumugol ng tatlong taon upang personal na idisenyo ang isang napakamahal na wedding gown para sa kanyang asawa—isang pagbawi sa pagkukulang na hindi ito nakapagsuot ng damit-pangkasal noong unang ikasal sila.

Nang ibunyag ang gown, agad itong naging sentro ng usapan. Lahat ay naiinggit kay Diana dahil naging asawa niya ang isang lalaking hindi lamang mayaman kundi mapagmahal din.

Ang mga dalagang dumaraan ay hindi mapigilang sumulyap sa screen nang may paghanga.

“Alam mo ba? Sila ang itinuturing na perfect couple! Narinig ko pa nga na si President Valencia ay natatandaan ang lahat ng bagay na gusto ng kanyang asawa—kahit gaano kaliit o walang halaga iyon, alam niya.”

“Noon, nang maaksidente ang kanyang asawa, kinailangan ng cornea donation. Ni hindi siya nag-atubiling lumagda sa papeles para sa operasyon. Mabuti na lang at nailigtas ang paningin ng kanyang asawa.”

“Kahit gaano siya kaabala—tuwing holiday o espesyal na okasyon—lagi siyang nagbibigay ng regalo sa kanya. At dahil doon, nahigitan niya ang 99 percent na mga lalaki sa mundo sa pagiging mapagmahal na asawa, grabe!”

Bahagyang ngumisi si Diana na may halong panunuya. Sa sandaling iyon, hiniling niyang sana hindi na bumalik ang kanyang pandinig—dahil ang mga bagay na iyon ay lalo lamang nagpapasuka sa kanya.

Ilang taon na ang nakalipas, dahil sa gulo sa pagitan ni Timothy at ng kanyang mga kamag-aaral, tinangkang ihampas sa kanya ang isang upuan. Si Diana ang sumalo nito, dahilan upang tuluyang mawala ang kanyang pandinig.

Simula noon, naging tampulan siya ng panlilibak at pangungutya. Tinawag siyang “bingi,” itinaboy at nilalait.

Ngunit dumating si Timothy, parang liwanag sa kanyang dilim, mahigpit siyang niyakap.

“Diana, hindi ka bingi. Mula ngayon, ako ang magiging tainga mo. Hindi ko hahayaang saktan ka ng kahit na sino! Sinumang magtatangkang manakit sa’yo, makikipaglaban ako hanggang kamatayan!”

Ang akala niyang walang hanggang kaligayahan ay naglaho na lamang, parang kislap ng paputok kapag may fiesta.

Ilang araw pa lamang ang nakalipas nang balak pa niyang ibahagi ang magandang balitang bumalik na ang kanyang pandinig—ngunit natuklasan niyang ang babaeng muntik nang maging dahilan ng pagkawala ng kanyang buhay… ay muling nagbalik.

Mariing pinisil ni Diana ang kanyang mga kamay hanggang mamutla ang kanyang mga daliri.

Dahil ang kanilang pagmamahalan ay pawang sa pangalan na lamang, hindi na niya ipipilit ang kanyang sarili. Mula sa araw na ito, maglalaho na siya sa kanyang mundo.

Inyuko niya ang ulo at inilagay sa isang kahon ang divorce agreement na matagal na niyang inihanda.

Pinunasan ang luha sa sulok ng kanyang mata, at papara na sana ng taxi nang tumigil ang isang pamilyar na sasakyan sa kanyang tabi.

Ang malinis na pantalon ay bahagyang umangat nang bumaba ang sakay doon, at ang makinang na sapatos na Derby ay kuminang sa liwanag. Ang matikas at matalim na mukha ng lalaki ay puno ng pag-aalala habang papalapit sa kanya.

Mabilis nitong ginamit ang sign language.

“Diana, hindi ba’t sinabi kong hintayin mo ako sa loob ng mall? Ang lamig—paano kung magkasakit ka?” sita ni Timothy.

Hinawakan niya ang mga kamay nito at marahang hinaplos, bakas sa kanyang malalim na mga mata ang pagkahabag, bago hinila ang babae patungo sa kotse.

Bahagyang ngumiti si Diana nang mapait. Para bang may mahigpit na kumakapit sa kanyang puso, halos hindi siya makahinga sa sakit.

‘Kita mo? Maaari palang magpanggap ng pagmamahal.’ bulong niya sa sarili.

Ikinabit ni Timothy ang seatbelt niya, at napansin ang isang magandang kahon na nasa kanyang tabi.

Itinuro iyon ng lalaki.

“Ano ito?”

Ibinaba ni Diana ang tingin, itinatago ang bagyong gumugulo sa kanyang mga mata.

“Regalo para sa anibersaryo natin.”

Lumambot ang mga mata ni Timothy at ngumiti, sabay abot upang buksan iyon.

Mabilis niyang pinigil ang kamay nito.

“Hintayin mong dumating ang araw ng ating aniversary bago mo ito buksan.”

Bagaman nagtataka, hindi na ito nagpumilit pa nang sabihin niya iyon.

Bahagya pang pinisil ng lalaki ang ilong niya na may lambing.

“Sige, ikaw ang masusunod. Pero ngayon, mag-re-shoot tayo ng wedding photos natin.”

Nais ni Timothy na maisuot ni Diana ang wedding dress na siya mismo ang nagdisenyo, upang kapag dumating ang kanilang golden anniversary sa hinaharap, may alaala silang babalikan.

Ngunit tanging si Diana lamang ang nakakaalam—wala nang “hinaharap” na naghihintay para sa kanila.

‘Timothy, gusto ko talagang makita—sa araw na iyon, anong uri ng ekspresyon ang ipapakita mo kapag nasilayan mo ang regalong ito?’ usal ni Diana sa sarili.
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
100 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status