Share

Kabanata 1

Author: MissKeunna
last update Huling Na-update: 2024-06-02 22:28:12

Nagising si Alison na na parang may pumupukpok sa kanyang ulo.

"Uuughh", daing nya habang hinihilot pa ang kanyang ulo. Babangon na sana sya ng maramdaman na may mabigat na bagay na nakadagan sa parteng tiyan nya.

Dahil sa pagtataka ay nagmulat sya ng mata nya at dun nya lang napagtanto na wala sya sa kanyang apartment. Napalinga linga pa sya sa paligid para siguraduhin na hindi sya namamalikmata.

Hanggang sa napalingon sya sa kabilang parte ng kama na kanyang hinihigaan. Napasighap na sya ng makita ang mukha ng isang gwapong lalaki at n*******d pa at ang isang braso ay nakayapos pa sa kanyang tiyan.

"S***a!!", wika nya habang inaalala ang mga nangyare ng nakaraang gabi.

Dahan dahan nyang inangat ang braso ng lalaki, nang makabangon sya ay agad nyang hinanap ang mga damit na kung saan-saan nakalagay. Nang makapagbihis ay nagmamadali syang lumabas ng kwarto, wala na syang pakialam kung may naiwan syang lalaki sa loob ng kwarto na iyon, ang mahalaga ay makaalis sya bago pa ito magising.

Agad syang pumara ng masasakyan at nagpahatid sa kanto kung saan malapit ang kanyang apartment.

Nagmamadali na pumasok sya sa loob ng apartment para mag asikaso ng sarili, kailangan nyang bilisan ang kilos dahil pag nagkataon ay malilate sya sa kanyang klase.

"Hoy bruha, san ka nagsususuot? Hinahanap kita kagabi sa loob ng bar di na kita natangpuan.", yun agad ang bungad ng bestfriend nyang si Lea ng makapasok sya sa loob ng apartment. Nagsama na lang sila sa isang apartment dahil gusto nilang makatipid. Halos hati sila sa mga bayarin sa tinituluyan, sa pagkain naman ay minsan nagsi-share na lang din sila.

Medyo natigilan sya bigla ng narinig nya ang tanong ng kaibigan. Kasama nga pala nya ito kagabi papunta sa bar.

"Hoy, ano? Nag alala ako sayo, tinatawagan din kita kagabi hindi naman din kita macontact", sunod na wika nito.

"Ah eh....ano kasi...mamaya ko na lang ikukweto sayo. Baka malate pa tayo sa school pag ngayon ako nagkwento", sagot nya na lang muna, dahil hindi nya alam pano sasabihin sa kaibigan nya ang kagagahang ginawa nya, iipon muna sya ng lakas ng loob.

"Gaga, oo nga pala", biglang itong nataranta. "Sige na mag ayos ka na dun at para makaalis na tayo agad, bilisan mo ha?", pahabol nito.

Tumango lang sya bago nagmadaling pumunta sa kwarto para mag ayos.

Minadali nya lang ang pagliligo at dali dali syang nagbihis ng maayos na damit. Saka nya lang din naramdaman na medyo masakit ang buong katawan nya, para syang nabugbog lalo na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita.

Pagkatapos nya makita ang sarili sa salamin ay agad na syang lumabas ng kwarto. Agad naman silang umalis ni Lea papunta ng school. Sigurado naman siyang hindi pa sila malilate dahil medyo maaga pa mabuti na lang din at nagising sya ng maaga kanina.

Nang makarating sa school ay agad na din silang naghiwalay ng kaibigan dahil magkaiba sila ng course na tinitake. Si Lea ay BA, sya naman ay CS ang course na tinitake.

Pagkapasok nya sa loob ng classroom ay tamang tama naman dahil wala pang prof. na andun. As usual ay medyo maingay ang mga kaklase nya, may mga kanya kanyang pinag kakaabalahan. May mga tsismis pa nga syang naririnig sa ibang umpukan.

Agad syang naupo kung saan nakaupo ang iba naman nyang kaibigan.

"Ali, bakit parang medyo tinanghali ka ng pasok ngayon?", tanong ni Angel na halatang nagtataka din na ngayon lang sya nakarating sa room, sanay kasi ang mga ito na halos lagi syang maaga pumasok. Minsan ay nauuna pa sya kay Lea pumasok.

"Medyo, masama kasi ang pakiramdam ko ngayon kaya tinanghali ako ng pasok", yun na lang ang sinagot nya. Totoo naman na masama ang pakiramdam nya dahil ang buong katawan nya ay parang binugbog. Ang kuyang pogi na yun ang may kasalanan talaga, sana lang ay hindi na nya ito makita.

Sakto naman na dumating ang unang prof. nila at nagsimula na ang klase. Ang mahirap lang ay hindi nya maintindihan ang tinuturo ng nasa unahan, iba ang tumatakbo sa isip nya. Habang nawawala ang sama ng pakiramdam nya ay lalo naman nyang naaalala ang mga nangyare kagabi. Hindi nya alam kung bakit sya pumayag na makipagsex sa lalaking hindi nya kilala at mukhang mayaman pa. Nakakahiya, talagang wala pa syang ginawa kagabi kundi umungol ng umungol.

Hanggang mag uwian ay wala pa din sya sa sarili, umuna na din syang umuwi kay Lea dahil may pupuntahan pa daw ito, sya naman ay walang ganang maggala dahil sa daming gumugulo sa isip nya.

Habang sya naglalakad pauwi ay naisipan nya munang bumili ng makakain sa karinderya malapit sa inuupahan nila. Bibili na lang sya ng lutong ulam dahil tinatamad sya mag luto. Kanin na lang ang lulutuin nya sa bahay.

Nang malapit na sya sa karinderya ay biglang may kotse na tumigil sa tapat nya. Medyo tumabi naman sya sa gilid ng kalsada, magpapatuloy na sana sya sa paglalakad ng biglang may humawak sa braso nya. Agad naman syang napalingon sa sobrang gulat at pagkainis, pero sa halip na mainis ay bigla syang napasinghap ng makita nya kung sino ang humawak sa braso nya.

"Nakita din kita baby girl", wika ng lalaking kaharap nya, walang iba kundi ang lalaking kanina pa gumugulo sa isip nya.

Halos hindi sya makahinga ng ayos at tulala lang sa mukha ng lalaki.

"Ah...ano po? P-pasensya na po kuya, baka po hindi ako yung sinasabi mong baby girl", halos mautal pa sya sa pagsagot, gusto na lang nyang lamunin ng lupa.

Kanina lang ay pinapanalangin nya na wag na silang magkita pero ngayon ay andito na ito sa harap nya.

Ngumisi lang ito ng nakakaloko bago magsalita ulit.

"Hindi ako pwedeng magkamali baby girl, ikaw ang babaeng nagpabaliw sa akin kagabi", wika nito habang nakangisi pa din at titig na titig sa mukha nya

Halos ramdam nya ang pag init ng mukha nya dahil sa sinabi ng lalaki. Diyos ko ano ba naman itong nagawa nya.

"Ah...eh, ano po kasi hindi ko po kayo kilala, ngayon pa lang po tayo nagkita", pagpapalusot pa nya.

"Hindi mo ako kilala?", tanong nito sabay lapit ng bibig nito sa tainga nya. "Gusto mo ipaalala ko sayo kung pano ka umungol ng paulit ulit kagabi", bulong nito sabay pasimpleng nilapat ang labi sa kanyang leeg.

Agad naman syang napapitlag sa kuryenteng naramdaman niya dahil sa simpleng paglapat ng labi nito sa balat nya.

Hindi na nya alam kung ano pang isasagot sa lalaki, mukhang hindi talaga ito naniniwala na hindi nya ito kilala.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Property Series: Falling Fast (Razen Delos Reyes)   Kabanata 15

    Ramdam ni Alison ang init sa bawat paglapat ng labi ni Razen sa kanyang balat. Patuloy lang ito sa paghalik hanggang makarating ang mga labi nito sa kanyag dibdib. Nakatingin ng matiim sa kanya ang lalaki habang sinasadya nito na hindi agad isubo ang kanyang ut*ng. "Baby, please....", wika nya dito sa hindi nya makilalang boses. "Hmmm", bahagyang nakangisi itong nakatingin sa kanya at patuloy na pinapatakan ng halik ang ibang bahagi ng dibdib nya maliban sa kanyang nipples. Halos mapaliyad sya kasabay ng marahas na pagsinghap ng maramdaman nya na dahan dahang isinubo at sinipsip ni Razen ang kanyang ut*ng. "Shit...baby...", ungol nya habang ang kamay nya naman ay awtomatikong napasabunot buhok ng lalaki. "Ang ganda mo, love", mapungay ang mata nitong nakatitig sa mukha nya habang patuloy pa din sa paglalaro sa kanyang malulusog na dibdib. Salitan ang pasubo nito, paminsan minsan ay nararamdaman nya ang pagkagat nito sa kanyang ut*ng na parang nanggigigil. Ramdam nya ang bahagyan

  • Property Series: Falling Fast (Razen Delos Reyes)   Kabanata 14

    Naging mabilis ang mga araw at hindi namalayan ni Alison na halos tapos na din ang araw ng bakasyon nila sa kanilang probinsya. Si Razen naman ay halatang naging masaya din sa pagsama sa kanya, mas naging close pa nga ang lalaki sa mga kapatid nya pati na din sa mga magulang nya. Noong una ay natatakot pa sya ipakilala sa mga ito ang lalaki ngunit heto ngayon at parang mas anak pa ng mga magulang nya ang lalaki. "Mag ingat kayo sa byahe, 'nak" paalala ng kanyang ina. Ngayong araw ay napagpasyahan na nila ni Razen na bumalik na sa syodad. May isang linggo pa naman sana para manatili sila sa probinsya subalit mas naisip nya na mas makakapagpahinga at makakapaghanda sya ng ayos para sa muling pagpasok kung makakabalik na agad sila ngayon. "Opo, 'nay. Kayo din po ay mag iingat dito", sagot nya sa ina. "Tatawag na lang po ako pag hindi po ako masyadong naging abala sa pagpasok ulit", pahabol pa nya. Nagpaalam na din naman si Razen sa kaniyang mga magulang at sa kanyang mga kapatid. Ha

  • Property Series: Falling Fast (Razen Delos Reyes)   Kabanata 13

    Gaya ng napag usapan nila ni Razen ay sa sunod na araw na sila nakapamasyal sa probinsya nila. Hindi na din sila pinayagan ng kanyang mga magulang na ituloy ang pagpasyal nila ng makauwi sila galing sa pagligo nung nakaraang araw. Masama na din kasi ang lagay ng panahon at baka maabutan pa daw sila ng sama ng panahon sa pamamasyal.Naging maayos naman ang takbo ng araw nila sa pagpasyal nila sa kanila. Pinakilala din nya ang lalaki sa iba nilang kamag anak at kakilala. Mas mabuti na din na unahan na nya kesa kung ano pa ang pag usapan nito tungkol sa kanila. Alam na nya ang iisipin ng mga ito, lalo na at halatang mayaman si Razen. Halata naman sa hitsura nito hindi iyon maikakaila. "Nay Jose, magkano po dito sa bibingka?", tanong nya sa tindera na kakilala din nila. "Aba, ay ikaw palang bata ka, thirty pesos ang isa nito", magiliw na sagot naman sa kanya ng matanda."Pabili po ako ng pitong bibingka", nakangiti nya namang wika dito."Sige iha, matagal tagal din bago ka ulit makauwi

  • Property Series: Falling Fast (Razen Delos Reyes)   Kabanata 12

    Tahimik lang silang dalawa ni Razen hanggang makarating sa ilog. Talagang hanggang ngayon ay hindi pa din sya kinikibo ng lalaki. Kanina naman ay good mood ito, ayaw pa naman nya pag ganito ang pakikitungo sa kanya ng binata. "Razen", tawag nya dito. "Hmm?", tugon lang nito ngunit hindi manlang sya tinapunan ng tingin. Pinagmamasdan lang nito ang ilog pero kita nya ang pagiging seryoso ng mukha nito. "Ahhmm, okay ka lang?", nagdadalawang isip nyang tanong dito. Napatigil naman sya ng lumingon ito sa gawi nya. Napagwapo talaga ng lalaking ito, idagdag pa ang ganda ng paligid. Iwinaksi nya sa isipan iyon. Nakita na nyang seryoso ito ay talagang kagwapohan pa din ni Razen ang napapansin nya. Nakatulala pa din sya dito ng naglakad ito palapit sa kanya at niyakap sya mula sa likuran nya. "Nagtatampo ako, love", mahinang boses nito. Agad naman nyang tiningnan lang lalaki na sana hindi na lang nya ginawa dahil paglingon nya dito ay nagtama ang kanilang mga labi. Lalayo na sana sya ng h

  • Property Series: Falling Fast (Razen Delos Reyes)   Kabanata 11

    Nagising si Alison na wala na sa tabi nya si Razen, hindi nya namalayan kung anong oras na ito nakalabas ng kwarto nya. Siguro ay dahil na din sa sobrang pagod hindi manlang sya nagising ng umalis ito kama nya. Napangiti naman sya ng parang baliw ng maalala kung anong kapusukan ang pinaggagawa nila ng lalaki kagabi. Lalo lang nyang napatunayan na hindi talaga nya kayang tanggihan ang lalaki lalo na pag inakit sya nito. "Anak! Gising na at sabayan mo ng mag almusal ang boyfriend mo", wika ng kanyang ina. Agad naman syang napabalikwas ng bangon dahil sa boses ng kanyang ina. Nagmumuni muni pa ako e!Tiningnan nya muna ang oras at nakitang alas sais na pala ng umaga. Bago sya lumabas ay inayos muna nya ang sarili sa harap ng salamin. Halos mag init naman ang buong mukha nya ng mahagip ng mata nya ang pulang marka sa parteng dibdib na hindi masyadong natatakluban ng kanyang suot na damit. Nang itaas nya ang kanyang damit ay dun na nya nakita ang mga marka na si Razen ang may gawa. Hindi

  • Property Series: Falling Fast (Razen Delos Reyes)   Kabanata 10

    Pagkatapos nilang kumain kasama ang pamilya ni Alison ay wala na silang ginawa kundi ang makipag kwentuhan ng kung ano-anong bagay. Sinuggest din ng kanyang mga magulang na ipasyal nya si Razen sa kanilang lugar para naman daw maging pamilyar dito ang binata. Tuwang tuwa naman ang lalaki dahil gusto din nitong makapamasyal sa kanilang lugar. Hindi man nya aminin sa sarili ay natutuwa sya dahil mukhang tanggap ng mga magulang si Razen. Kahit pa nga nalaman ng mga ito ang agwat ng edad nila. Basta pinayuhan lang sila ng mga magulang nya na hangga't maaari ay magtapos muna sya ng pag aaral.Sumang ayon naman si Razen sa sinabi ng mga magulang. Isa iyon sa dahilan kung bakit mas humahanga sya sa lalaki. Masyadong mature ang pagiisip, aminado naman sya na minsan nagiging parang bata ito umasta pero pagdating sa plano sa buhay ay seryoso itong mag isip. Pagkatapos nilang maghapunan ay agad na silang naghanda matulog, ito ang isa sa namimiss ni Alison sa kanilang probinsya. Mas nakakapagpa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status