Share

Chapter 4

Penulis: ladynie_
last update Terakhir Diperbarui: 2021-10-15 19:35:58

Lumipas ang ilang linggo na wala akong ginawa kundi makipag-kulitan kina Nana Luz, tinutulungan ko din sila sa paglilinis ng mansyon. Hindi din nawala ang tawanan namin lalo na habang tinuturuan ako ni Nana kung paano mag luto ng iba't-ibang putahe. Naging masigla ako dahil wala kaming ibang ginawa kundi ang pasayahin ang isa't-isa. Sa mga nagdaang linggong yun ay hindi ko na napa-panaginipan o naaalala ang masasakit na alala namin ni ina ng magkasama. Oo, namimiss ko siya pero hindi na ulit ako umabot sa puntong iiyak ng parang walang katapusan. Marahil dahil sa araw-araw aking masaya kasama sila Nana.

Kasalukuyan akong naghahanda ngayon dahil pupunta kami ng mall para mamili ng gamit ko sa paaralan. Isasama ko silang tatlo dahil ayaw ko namang mag isa lang akong umiikot sa mall.

Isinukbit ko ang aking sling bag sa aking balikat at tiningnan kung naroon na ang aking pitaka at kung dala ko ang cellphone at credit card na binigay sa akin ni Daddy. Nang masigurong naroon na nga yun ay dali-dali akong bumaba.

"Nana Luz, ate Bicky handa na ba kayo?" Masiglang tanong ko sakanila.

"Aba'y Oo naman Ryn, ito ngang si Bicky ay daig ka pa kung mag apura." Natatawang sambit niya na ikinahaba ng nguso ni ate Bicky

"Nana naman e, diba nga minsan na lang tayo kung maka labas dito kaya syempre masaya ako no." Pagdadahilan niya na ikinatawa namin.

"Okay lang yan ate, basta ba mag i-enjoy tayo ngayon ha? Gusto kong libutin ang mall" 

"Maganda nga yan Ryn hahahah kahit wala na tayong bilhin basta nasa labas tayo."

Sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya.

"O siya sige na at baka madatnan nating sarado ang mall kaka-kwentuhan niyo jan."

Iginiya sa amin ni Nana ang daan at masaya naman kaming lumabas at sinalubong si kuya Abner na halos mahati na ang mukha sa laki ng ngiti niya.

"Handa na ba ang lahat?" Masayang tanong niya 

"Oh yeah! Let's go shopping na!" Sigaw ni ate Bickey at nag rock 'n roll sign pa.

Tinawanan namin siya at pumasok na sa kotse. Si kuya Abner ang nagmamaneho at katabi naman niya si Nana, habang kami ni ate Bicky nasa likod. Magtatabi sana kami ni Nana pero mas madali daw kaming makakapagbiruan kung magkatabi kami.

Tawa kami ng tawa habang nasa daan papuntang mall lalo na at pinaandar ni kuya Abner ang radyo. Tamang tama naman at mga lumang kanta yun kaya naka sabay samin si Nana. Kiniliti ako ni ate Bicky ng paulit-ulit kaya hindi ko paiwasang mapasigaw habang nag mamakaawang tumigil siya. Sinita naman siya ni Nana kaya napatigil agad siya. Si kuya Abner naman ay nakontento sa pagtingin-tingin sa'min sa salamin at kung minsan ay binabara si ate Bicky. 

"Uy yan gusto ko yan, hahaha diba kanta ni Basil Valdez yan, Na?" Excite na tanong pa ni ate Bicky

"Aba'y Oo, ang titolo niyan ay 'Ngayon'"

"Ay koro lang ang na memorize ko nyan e, sabayan natin ah"

"Ay sige ate hahaha alam ko yan, lagi naming kinakanta ni ina dati."

"Sayang nga di ko memoryado e, basta lagi ko din naririnig yan dati sadyang hindi lang talaga ako mahilig mag memorya ng kanta. Uy hala Ayan na! Magko-koro na" anang ate Bicky habang iminuwestra ang tatlong bilang bago umabot ang koro.

"Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang, ang bukas pangitain niyang ganda'y sa isip lang, kung bawat ngayon mo sayo ay laging sulit lang, kay ganda ng buhay bukas mo'y matibay dahil ang sandiga'y ngayon🎶"

Pareho kaming may malawak na ngiti habang kinakanta ang bahaging yon ng ilang beses. Kapag natatapos ang koro at papasok na sa stanzas ay natatahimik na lamang kami at paminsan-minsang sinasabayan ang kanta sa pamamagitan ng humming hanggang sa matapos ang kanta.

"Napaka ganda ng mensahe ng kantang yan kaya kahit luma na ay alam parin ng mga kabataan. Ewan ko nga lang sa iba na hindi nakakapakinig o mahilig makinig ng mga lumang kanta." Ani Nana

"Oo nga Nana, kahit ako man ay mas pipiliin ang mga lumang kanta, mas malumanay at sinsero." Pag sang-ayon naman ni ate Bicky

Tumango lamang ako bilang pag sang-ayon din at tsaka tumingin na sa labas. Nasa parking na kami sa mall kaya inihanda ko na ang sarili ko.

"Oh nandito na tayo, maglibang kayo sa loob ha." Nakangiting sabi ni kuya.

"Hala, anong kami? Kasali ka kaya kuya Abner" ani ko habang nakanguso.

"Ay talaga? Hahaha O sige na nga" napakamot naman si kuya Abner sa ulo niya.

"Wow! Napipilitan ka pa niyan ah," singhal ni ate at naka ngiwi pa talaga.

Nagsitawanan kami dahil sa iniasta ni ate Bicky.

"Halina kayo, baka matuloy ang pagsasarang mall kaka daldal ninyo diyan." Biro ulit ni Nana at itinulak na si kuya Abner.

Pumasok na kami sa mall ng nay ngiti sa labi. Una kaming pumunta sa bilihan ng uniform dahil balak kong dagdagan ng tatlong pares abg uniporme ko. Hindi ko sinarili ang pagpili ng tamang sukat, nagpatulong ako kay ate Bicky.

"Ay wag yan Ryn, sobrang luwang naman, hanapan kita ng medyo fit sayo."

"Sige ate." Usal ko at ngumiti sakanya.

Wala pang ilang segundo ay nakabalik na siya at may dalang apat na sukat.

"Ayan sukatin mo yan, wag na wag ka nang magsuot ng maluwang at nasasayang yang kurba mo." Natawa nalang ako sakanya.

"Okay, pero nakaka-ilang kasi ate."

"Ay sus, walang ilang-ilang, pake ba nila kung magsuot ka ng fit. Bakit sila lang ba pwede magsuot nun ha?"

Tinawanan ko na lamang siya at pumasok na sa fitting room para isukat ang ibinigay niya. Ipinapakita ko sakanya bawat unipormeng sukat ko nang mapagpilian niya.

"Maluwang parin Ryn, balik!" Aniya at binugaw ako papasok sa fitting room.

Pumasok ulit ako at itinuloy ang pagsusukat. Dalawa nalang ang hindi ko pa nasukat at medyo napapagod na'ko kahit pagsusukat lang naman ang ginawa ko. Lumabas ulit ako at ipinakita sakanya.

"Ate tingna-"

Hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil sa pagkagitla ko nang pag angat ko sa paningin ko ay iba ang nakita ko. Walang pasubali akong napa titig lang ako sakanya habang kinukurap-kurap ang aking mga mata.

"Ayan! ayan Ryn yan ang sukat mo, tandaan mo yan ha. Naku 'tong batang to pati sukat niya hindi alam, sige na anong sukat ba niya-" 

Rinig ko ang pagsasalita ni ate Bicky pero ang mata ko ay nakatuon parin kay Venrick, and he's doing the same. Nakatitig lang din siya sa akin at dahan dahang ngumiti.

Napansin kong nagpalipat-lipat ng tingin si ate Bicky samin kaya ako na ang kusang pumutol ng titigan namin.

"Ah-"

"Nice, that fits you just right, Ajah." 

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. 

"Ah, thank you Venrick,"

Nahihiyang pinilig ko ang ulo ko papunta kila Nana at kuya Abner na naka upo sa beach sa loob ng store. May pagtataka sa kanilang mata at nanunudyong ngiti sa labi.

He called me Ajah in front of them!

"Nah! I told you to call me Ven not Venrick. I hate that name" saad niya at bahagyang lumingo.

Ngumiti ako ng peke sakanya at yumuko.

"Y-yeah it's Ven." Pag uulit ko.

"Hmm that's it." Sabay lakad.

Nataranta naman ako nang mapansing papunta siya sa akin. Itinuon ko ang aking mga mata sakanya at hinihintay ang paglapit niya sakin. Bahagya siyang tumigil mga walang isang metro mula sa akin nang hindi pinuputol ang titig niya. Ginulo niyang bigla ang buhok ko at malawak na ngumiti.

"Tama lang ba ang sukat?" He said, almost a whisper habang sinisipat ang unipormeng sinukat niya

Natuliro ako dahil sa paraan ng pagngiti niya sa akin. Inalis ko ang aking tingin sakanya at sinipat ang suot niyang uniporme.

"Y-yeah It suits you." Naiilang na sabi ko at hindi na makatingin muli sa mga mata niya.

Ganun parin ang reaksyon nina Nana, may nanunudyung ngiti pero bakas ang taka sa mga mata.

"Okay, I'll get 5 sets of this size." Aniya habang nakaharap sa nakaatang sa sales associate.

"Hmmm thanks Ajah, bayaran ko muna." He said at itinuro ang cashier. 

But, before he turn around he left something that makes me shiver.

He winked at me!

Nakahinga ako ng maluwag nang naglakad na siya patalikod sa akin. Hinarap ko sila Nana at nagkukumahog naman silang lumapit sa akin.

"Ahhh! Ajah pala ha, akala ko ba ayaw mo nun?",

"Ay sus hahaha ito talagang si Ajah oh" usal ni ate Bicky at idiniin pa ang pag kakasabi sa Ajah.

"Sino yun Ryn?" Nanunuyang tanong ni Nana Luz sa akin 

"Ah eh k-kasi, nakilala ko s-siya nung enrollment, transferee from States. Ako yung napagtanungan niya." Pagdadahilan ko.

"Aba e bakit di mo pinigilan ang pag tawag niya sayo nun?" Pang aasar naman ni kuya Abner.

"E natatakot ako e, ang dami kayang studyante, hindi ko naman kinausap yun, yung pinsan niya daldal nang daldal tapos nung nakarating na kami sa last process doon niya tinanong pangalan ko. Ayoko namang pahabain ang usapan kaya hinayaan ko nalang siya." Mahabang paliwanag ko sakanila at tinalikuran na

Muli akong pumasok sa fitting room para mag palit. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa sales associate para ipahanda ang tatlong set nung size na yun. Pagkatapos kong magbayad ay dumiretso na ako sakanila at niyaya silang kumain na muna.

"Hi Ajah!" Nabigla ako nang may biglang sumigaw ng ikalawa kong pangalan.

Dali-dali kong hinanap yun at natagpuan ko si Jayron na kumakaway habang may kasamang dalawang bata. Nginitian ko lang siya at kumaway ng kunti tsaka tumalikod.

"Ajah na naman?" Bulong ni Nana Luz sa akin.

Naiilang ako. Naiilang ako sa paraan ng pag tawag ni Jayron sa'kin. Pero bakit ganun? Bakit pag si Venrick ay ang gaan ng pangalang yun?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Prowess In Love   Chapter 21

    Venrick and I was left alone in the gazebo. Wala kaming ibang pinag usapan kung hindi ang pageant na darating, he even listen to my answers to the possible questions given to us. Kain, usap, at cellpone lang inatupag namin hanggang sa mag alas 2. We planned to watch a theater show dahil wala pa siyang balak umuwi. Nang nasa pila na kami ng show ay nakaramdam ako ng kaunting kilabot kaya napahawak si Venrick sa siko ko."You okay, Jah?" Tumango ako sakanya. Hindi na ako nagabala pang magsalita. Eunice. Aside from Andrea, I have Eunice. She's one of the bullied student before but she ended up being Aria's friend, I suppose. Mas lalong nanindig ang balahibo ko nang ngumiti at kumaway siya sa akin. Hindi ko siya nakita simula noong natigil ang gulo sa pagitan namin ni Aria. Maging si Aria ay hindi narin masyadong nagagawi sa amin kahit magkatabi lang ang building ng Business Administration sa Tourism. "Aerynne!" Tawag sa akin ni Eunice dahilan para manginig ako. Marahan kong nilingon

  • Prowess In Love   Chapter 20

    "Daebak"Tahimik kaming nagkatinginan ni Zel tsaka sabay tumawa ng malakas."Ah, jinjja?" Pakikipagpalitan ng salita ni Liezle kay Jayron.Mukhang nabaliw na nga ata sa korean drama si Jayron. Simula noong semestral break ay wala siyang ginawa kung hindi ang mag k-drama. Busy si Ven sa companya nila tapos Liezle ay sinulit ang bakasyon at tumanggap ng maraming project. Nasa States naman ako kaya naisipan kong mag suggest ng k-drama sakaniya para naman may pagka-busy-han siya. "Kambaliw? Ew nakakadiri.""Kambaliw? Sira na ata utak mo, dalawa lang kami kaya kambal lang, pero kung magsusuot ka din neto, baka pwede pang kambaliw. Ako si Kam, si Jah naman si Bal tapos ikaw si Liw. Nakakadiri utak mo parang kasing laki lang ng kulangot ko.""Shut up Liezle. We are eating. Umupo na kayong dalawa." That was Commander Ven."aye aye captain. "I finished my food at nauna na ngang tumayo si Venrick. Nagpaalam na kami kina Nana at tsaka umalis. We are using Jayron's car this time kaya siya ang m

  • Prowess In Love   Chapter 19

    "I'm sorry, I was just jealous." His words makes me uneasy all day. Halos hindi ko na naintindihan ang mga nangyayari sa school at halos wala na akong ginawa kung hindi ang sumunod nang sumunod sakaniya.We weren't talking though, minsan lang kapag inaaya niya akong libutin ang mga booth. Mas lalo lang nakakailang dahil sa biglang pagkawala ni Jayron at Liezle."Malapit na mag uwian. Di mo parin ba ako kakausapin?""H-ha? Ah...""May mali ba akong nasabi?""W-wala naman. A-ano kasi, V-ven... ""You're stammering again."Nakakabigla naman kasi yung sinabi niya. Sino ba namang hindi mauutal."I said, I was jealous Ajah!" Napaigtad ako dahil sa diin ng pagkakasabi niya."B-bakit?""Really? Tinatanong mo?""H-ha? Ano ba V-venrick." Dapa

  • Prowess In Love   Chapter 18

    "Ready yourself, the parade will start anytime soon." Anunsyo ng department head namin.Nasa field na kaming lahat ngayon and we were lined up according to our course kaya malayo kami kina Jayron at Venrick.Speaking of Ven, hindi niya parin ako kinakausap ng matino simula noong friday. Liezle said, he was jealous of Rhed but I discarded that thought. Sino ba naman kasi ako diba?Kung hindi nga lang siguro dahil kay Jayron at Liezle ay hindi na niya ako kakausapin. His coldness isn't like before kasi sa pagkakataong ito ay mas malala pa.We are supposed to have dinner on their house last night pero hindi natuloy dahil ayaw niya daw muna ng maingay. Kaya ayun, pati si Zel ay nagtatampo narin sakaniya."Dae, ready ka na mainitan? Gagi, buti pala tinanggap ko yung project with Cammi, kung hindi baka sobrang gaspang ko after this parade." Hinahaplos-haplos niya yung balat niya na para bang mayroon

  • Prowess In Love   Chapter 17

    "Left, right, left, right, turn, pose" Nasa kalagitnaan kami rehearsal at ang tunog lang ng pinapalakpak na kamay ng instructor ang naririnig. Unlike the first and second, this rehearsal is kinda intense. Maging ang mga kaunting estudyanteng nanonood ay hindi magawang mag-ingay at i-cheer ang kandidato nila. This is also the first rehearsal that both girls and boys candidates were in one stage- partnering. Sa mga nakaraang rehearsal kasi ay pinaghiwalay kami para maituro sa amin ng maayos ang takbo ang pageant. It's weird but I admit, mas napadali ang lahat. Ang instructor ay naka focus lang sa isang pag tuturo. It's somehow frustrating lalo na at dito nalang kami naka focus unlike other students na wala nang ginawa kundi ang maglibit sa kabuoan ng school. Pero okay lang naman, gabi na kami nakakauwi kung minsan kaya nasisilayan parin namin ang light decorations ng mga booth. "Next, BA.

  • Prowess In Love   Chapter 16

    "Good day CBA students. We apologize for this sudden departmental meeting. Today we'll discuss things regarding the anniversary celebration of our school."Rinig na rinig sa buong gym ang bulungan ng mga kapwa ko estudyante. Lahat ay may tuwa sa mukha dahil sa nasabing pag-uusapan."We already sort things out, but the sudden changes of administration occur. May mga programs na idadagdag, may mga partisipanteng papalitan. We decide not to announce this room to room or thru messages dahil alam naming marami ang hindi makikipagkaisa." Sabi ng department head namin.Grabe! Dapat sinabi nalang ng Director na bababa siya sa pwesto niya para hindi na uulit-ulitin ang mga nabuong programa. Sa totoo lang ay gahol kami sa oras, papasok na naman ang midterm tatlong linggo mula ngayon, kaya paniguradong oagkatapos ng foundation week ay papatayin na naman kami sa napakaraming paper works."We need ano

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status