Home / All / Prowess In Love / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: ladynie_
last update Last Updated: 2021-10-15 19:38:55

"Uwiiiiieh, salamat talaga Ryn at nakapagrelax kami kahit kaunti," maligayang sabi niya, 

Napangiti ako dahil kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha kahit na wala naman kaming ibang ginawa kung hindi ang bumili ng mga gamit ko sa paaralan at libutin ang mall kahit wala namang planong bilhin, maliban sa mga iyon.

Nanood nalang din kami ng palabas kahit ayaw ni Nana kasi sayang lang daw sa oras.

"Salamat din sa inyo ate, Nana at kuya Abner. Alam kong may ginagawa kayong trabaho pero sinamahan parin ninyo ako rito." Saad ko ng hindi naaalis ang magandang ngiti sa aking mga labi

Sobrang dami ng ginagawa nila sa bahay kaya naman habang malaya sila at wala ang among nagpapasahod sa kanila naisipan kong isama sila sa aking pamimili nang makapag relax naman sila kahit papaano.

"Nako 'day, kahit nanakit ang paa ko kakalakad ay masaya ako. Sa edad kong ito at sa estado ko sa buhay aba'y malimit akong makapasok dito na pag gala ang rason."

"Grabe ka Nana, bakit di ka ba masayang sinasama ka ni madam dito pag nag go-grocery kayo? Dapat kasi Nana minamahal mo trabaho mo para masiyahan ka." Kunwaring panenermon ni kuya Abner.

Nagsipag-tawanan naman kami sa pamamaraan ng pananalita nito. Sinapak naman siya ni Nana at dinuro pagkatapos.

"Aba e makapagsalita ka ah, baka nakakalimutan mong driver ka pero di ka masaya kahit na saan-saan ka pa nagpupu-punta." 

Hindi namin matigil ang pagtawa dahil sa pagiging depensib ni Nana. Pareho lang talaga silang napilitang pumasok sa ganoong trabaho dahil sa hirap ng buhay kaya naiintindihan ko sila kung mag reklamo sila minsan.

"Nakakapagod kaya nana, ayan ngang si Bicky oh, tatahi-tahimik pero nagrereklamo sa paglalaba at pag didilig." Saad ni Kuya habang inaakbayan si Ate Bicky

"Tama na nga yan, ano ba kayo. Baka pagkapikunan nanaman yan sila Nana oh," pag-awat ko.

Nagtawanan nalang sila dahil sa pagrereklamo nila.

Masaya naming tinahak ang daan palabas ng mall Habang si kuya Abner naman ay bitbit ang mga pinamili naming mabibigat. 

Satisfying.

Hindi ako madaling patawanin pero dahil sa mga taong ito ay napapadali ang 'pagtawa' sa akin. Natural, hindi pilit, purong-puro at sapat na iyon para masabi kong 'Hindi ako nag iisa. Kahit papaano ay may nagmamahal sa akin.'

Nagitla ako sa malakas na pagtunog ng cellphone ni Nana. Napatingin kaming tatlo sakaniya dahil sa takot na ekspresyong nasa mukha niya.

"H-hello Sir?" Kinabahan ako. Biglang nawala ang sayang kanina ay naramdaman ko. Parang biglang nawalan ng kulay ang paligid dahil alam ko at kilalang-kilala ko kung sino ang kausap niya.

"Y-yes Sir, sinamahan naming lahat si Aerynne dahil marami-rami daw ang kaniyang bibilhin.- ay oo sir pauwi na kami tinatahak na namin ang daan pauwi.- marahil hindi niya napansin ang cellphone niya-" 

Dali-dali kong hinugot ang cellphone ko sa bag at doon ko nakita ang napakaraming tawag ni daddy at mommy. Lalo akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ang apat na beses na pagtawag ni mommy sa akin.

"S-sige sir sasabihan ko si Abner.- sige sir salamat." Ibinaba ni Nana ang cellphone niya at matunog na huminga.

"Bilisan mong makauwi Abner at kanina pa sila Sir nandoon sa bahay. Patay tayo nito." Balisa namang pinihit ni Kuya Abner ang manibela at mabilis na pinatakbo.

Hindi matigil ang malakas na pagdagundong ng aking dibdib. Hindi ko ma kontrol ang aking kaba. Walang nag lakas-loob na magsalita sa amin, parehong kinakabahan.

Wala pang kinse minutos ay narating namin ang bahay. Sabay-sabay kaming bumaba at inalalayan si Nana. Marahil kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa akin, hindi niya man lang ako kinausap. Palihim niya akong tinitingnan hanggang sa makapasok kami sa bahay.

"Really? Buong araw ang ginugol ninyo sa pagbili ng gamit mo Aerynne?" Singhal agad ni mommy kahit malayo pa kami sa kanila.

Hindi ko alam kong paano ako magpapaliwanag sa kanila. Bawat salitang hindi niya gusto ay katumbas ng isang sampal.

"Don't startle your daughter Dorothy, hindi ba't hindi dapat ganyan ang bungad mo sakanya diba?" 

I wonder what Daddy meant for that. He's not that harsh to me pero nakaka-panibagong sinita niya si mommy sa panininghal nito sakin.

"M-mom I j-just asked them t-to help me on carrying my stuffs, n-napakadami po kasi ng b-binili k-ko." I said stuttering.

Bahagyang pinilig ni mom ang ulo niya, para bang tinitimbang niya kung totoo ba ang sinabi ko sakanya. Rinig ko naman ang mga yapak ni kuya Abner.

Maya-maya pa ay bumaling si mommy sa likod ko ng nakataas ang isnag kilay.

"Oh! Is that so? Ano ba ang mga iyan? Did you buy new sets of uniform? Your classes will start on Monday, you should not stress yourself out." 

Nagtataka kong itinaas ang aking paningin diretso sakanya. Nakaka-panibago, ni minsan ay hindi siya naging interesado sa mga pinag-gagagawa ko. 

"Y-yes mom I b-bought b-books t-too."

Namamangha siyang tumango na para bang bago sa pandinig niya na pinaghahandaan ko ang pasukan.

"Okay then, It's already 7 why dont you go to your room? And look what we've bought for you." Masayang aniya.

Tumango lamang ako at sinimulan ang paglalakad. Sumunod naman si kuya Abner sa akin para ipasok sa kwarto ko ang mga pinamili namin.

Hindi ko alam kung sasaya ba ako o matatakot sa iniasta ni mommy. Yung ngiti niya, yung pagiging interesado niya, yung paraan ng pakikiusap niya. Kakaiba.

"Ang bait ata ni Madam ngayon Ryn, ano kaya nangyari dun?" Usal ni kuya Abner 

Nilingon ko siya ng may pagsang-ayon na tingin. Umiling-iling naman siya habang natatawa-tawa pa.

"Baka masaya lang siya kuya. Nanibago nga din ako sa pamamaraan niya ng pagngiti e, sobrang luwang, yun bang parang wala siyang ibang gustong iparating kung hindi ang 'masaya' siya. Wala akong maramdamang takot kanina kuya, sa katunayan ay parang hinahaplos ang puso ko."

Kahit bigat na bigat sa dala niya ay nagawang ilipat ni kuya Abner ang mga iyon sa isang kamay niya at marahang hinaplos ang aking buhok. Napakagaan sa pakiramdam.

"Masaya ako Ryn. Sobrang saya ko. Sana magtuloy-tuloy na iyan at wag ka ng masaktan pa dahil mas malala ang sakit na nararamdaman namin sa tuwing nakikita naming nanghihina at tahimik kang lumuluha. Gusto naming gawin ang lahat para sayo pero wala naman kaming lakas para gawin yun, wala kaming ibang magagawa kung hindi ang pasayahin ka habang wala sila." 

Sobrang lalim. Unti-unting kumawala ang mga luha ko, sunod-sunod na nagsipag-bagsakan na parang nagkakarera.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ko st inilapag ang mga pinamili namin sa sofa. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at ngumiti. Akmang lalabas siya nang magsalita ako.

"Ni minsan ay hindi ko inisip na magiging ganito ako kasaya, kuya. Ang akala ko ay si Ina lang ang makakapagpabalik ng sigla ng puso ko pero nagkamali ako, kasi nabigay niyo sakin yun. Ilang taon akong lugmok at halos hindi makausap, ilang taon akong nangungulila at nasasaktan. Hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya o umaasa lang ako sa pangakong kinalimutan na niya. Salamat kasi kahit papaano ay naibsan ang sakit na dinadala ko. Salamat kasi minahal niyo ako kahit wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang ipahamak kayo. Lagi kayong napapagalitan dahil sa akin." 

Sa haba ng sinabi ko ay hindi man lang ako na utal. Tuloy-tuloy iyon na para bang napaka propesyonal ang pinagkaiba ay ang emosyong makikita sa aking mukha.

"Hindi mo kami kailangang pasalamatan Aerynne dahil lahat ng ginawa namin para sayo ay sa ikagagaan ng puso namin, kahit man lang sa ganoong paraan ay mapagaan din namin ang bigat na pasan-pasan mo. Mahal ka namin at hindi kami matitinag dahil lang sa galit ng magulang mo."

Humakbang ako papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Ang pag-ganti niya ng yakap at paghaplos sa buhok ko ay mas lalong nagpaluha sa akin.

"Salamat. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang nagpuno sa mga kakulangan ko." Hindi ko napigilan ang paghikbi ko.

Napaka swerte ko sa kanila. Nagdidiwang ang puso ko sa saya. Kakaibang saya na hinuhulma ang panibagong ako.

"O siya sige na. Tigilan mo na iyang kakaiyak mo at nagmumukha ka nanamang tsonggo." Marahang usal niya at mahinang tumawa.

Napahiwalay naman ako agad sakanya dahil sa sinabi niya.

"Kuya naman e, lagi mo nalang akong pinapatawa kahit di pa ako tapos umiyak. Nakakainis ka na, kahit ano-ano pa ang tinatawag mo sa akin." Nakangusong sabi ko at sinapak siya sa may braso.

"Aray, brutal ka na, ah. Pero seryoso Ryn, sana tuloy-tuloy na ang pagiging maligaya ng puso mo."

"Sana nga po."

Masaya akong pumasok sa kwarto ko at tiningnan ang kama kong puno ng kung ano-anong dala nila galing Singapore. Inisa-isa kong tingnan 'yun ata napatulo na naman ang luha ko sa sobrang saya.

Nanindig ang balahibo ko dahil sa malakas na tibok ng puso ko. Dati't nakakatanggap ako ng kahit ano sa kanila ay parang wala labg pero ngayon, bawat bukas ko sa paper bag ay parang pinupuno ng pagmamahal ang puso ko.

Unexpected changes.

Bulong ko habang patuloy na nagpapatakan ang nga luha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Prowess In Love   Chapter 21

    Venrick and I was left alone in the gazebo. Wala kaming ibang pinag usapan kung hindi ang pageant na darating, he even listen to my answers to the possible questions given to us. Kain, usap, at cellpone lang inatupag namin hanggang sa mag alas 2. We planned to watch a theater show dahil wala pa siyang balak umuwi. Nang nasa pila na kami ng show ay nakaramdam ako ng kaunting kilabot kaya napahawak si Venrick sa siko ko."You okay, Jah?" Tumango ako sakanya. Hindi na ako nagabala pang magsalita. Eunice. Aside from Andrea, I have Eunice. She's one of the bullied student before but she ended up being Aria's friend, I suppose. Mas lalong nanindig ang balahibo ko nang ngumiti at kumaway siya sa akin. Hindi ko siya nakita simula noong natigil ang gulo sa pagitan namin ni Aria. Maging si Aria ay hindi narin masyadong nagagawi sa amin kahit magkatabi lang ang building ng Business Administration sa Tourism. "Aerynne!" Tawag sa akin ni Eunice dahilan para manginig ako. Marahan kong nilingon

  • Prowess In Love   Chapter 20

    "Daebak"Tahimik kaming nagkatinginan ni Zel tsaka sabay tumawa ng malakas."Ah, jinjja?" Pakikipagpalitan ng salita ni Liezle kay Jayron.Mukhang nabaliw na nga ata sa korean drama si Jayron. Simula noong semestral break ay wala siyang ginawa kung hindi ang mag k-drama. Busy si Ven sa companya nila tapos Liezle ay sinulit ang bakasyon at tumanggap ng maraming project. Nasa States naman ako kaya naisipan kong mag suggest ng k-drama sakaniya para naman may pagka-busy-han siya. "Kambaliw? Ew nakakadiri.""Kambaliw? Sira na ata utak mo, dalawa lang kami kaya kambal lang, pero kung magsusuot ka din neto, baka pwede pang kambaliw. Ako si Kam, si Jah naman si Bal tapos ikaw si Liw. Nakakadiri utak mo parang kasing laki lang ng kulangot ko.""Shut up Liezle. We are eating. Umupo na kayong dalawa." That was Commander Ven."aye aye captain. "I finished my food at nauna na ngang tumayo si Venrick. Nagpaalam na kami kina Nana at tsaka umalis. We are using Jayron's car this time kaya siya ang m

  • Prowess In Love   Chapter 19

    "I'm sorry, I was just jealous." His words makes me uneasy all day. Halos hindi ko na naintindihan ang mga nangyayari sa school at halos wala na akong ginawa kung hindi ang sumunod nang sumunod sakaniya.We weren't talking though, minsan lang kapag inaaya niya akong libutin ang mga booth. Mas lalo lang nakakailang dahil sa biglang pagkawala ni Jayron at Liezle."Malapit na mag uwian. Di mo parin ba ako kakausapin?""H-ha? Ah...""May mali ba akong nasabi?""W-wala naman. A-ano kasi, V-ven... ""You're stammering again."Nakakabigla naman kasi yung sinabi niya. Sino ba namang hindi mauutal."I said, I was jealous Ajah!" Napaigtad ako dahil sa diin ng pagkakasabi niya."B-bakit?""Really? Tinatanong mo?""H-ha? Ano ba V-venrick." Dapa

  • Prowess In Love   Chapter 18

    "Ready yourself, the parade will start anytime soon." Anunsyo ng department head namin.Nasa field na kaming lahat ngayon and we were lined up according to our course kaya malayo kami kina Jayron at Venrick.Speaking of Ven, hindi niya parin ako kinakausap ng matino simula noong friday. Liezle said, he was jealous of Rhed but I discarded that thought. Sino ba naman kasi ako diba?Kung hindi nga lang siguro dahil kay Jayron at Liezle ay hindi na niya ako kakausapin. His coldness isn't like before kasi sa pagkakataong ito ay mas malala pa.We are supposed to have dinner on their house last night pero hindi natuloy dahil ayaw niya daw muna ng maingay. Kaya ayun, pati si Zel ay nagtatampo narin sakaniya."Dae, ready ka na mainitan? Gagi, buti pala tinanggap ko yung project with Cammi, kung hindi baka sobrang gaspang ko after this parade." Hinahaplos-haplos niya yung balat niya na para bang mayroon

  • Prowess In Love   Chapter 17

    "Left, right, left, right, turn, pose" Nasa kalagitnaan kami rehearsal at ang tunog lang ng pinapalakpak na kamay ng instructor ang naririnig. Unlike the first and second, this rehearsal is kinda intense. Maging ang mga kaunting estudyanteng nanonood ay hindi magawang mag-ingay at i-cheer ang kandidato nila. This is also the first rehearsal that both girls and boys candidates were in one stage- partnering. Sa mga nakaraang rehearsal kasi ay pinaghiwalay kami para maituro sa amin ng maayos ang takbo ang pageant. It's weird but I admit, mas napadali ang lahat. Ang instructor ay naka focus lang sa isang pag tuturo. It's somehow frustrating lalo na at dito nalang kami naka focus unlike other students na wala nang ginawa kundi ang maglibit sa kabuoan ng school. Pero okay lang naman, gabi na kami nakakauwi kung minsan kaya nasisilayan parin namin ang light decorations ng mga booth. "Next, BA.

  • Prowess In Love   Chapter 16

    "Good day CBA students. We apologize for this sudden departmental meeting. Today we'll discuss things regarding the anniversary celebration of our school."Rinig na rinig sa buong gym ang bulungan ng mga kapwa ko estudyante. Lahat ay may tuwa sa mukha dahil sa nasabing pag-uusapan."We already sort things out, but the sudden changes of administration occur. May mga programs na idadagdag, may mga partisipanteng papalitan. We decide not to announce this room to room or thru messages dahil alam naming marami ang hindi makikipagkaisa." Sabi ng department head namin.Grabe! Dapat sinabi nalang ng Director na bababa siya sa pwesto niya para hindi na uulit-ulitin ang mga nabuong programa. Sa totoo lang ay gahol kami sa oras, papasok na naman ang midterm tatlong linggo mula ngayon, kaya paniguradong oagkatapos ng foundation week ay papatayin na naman kami sa napakaraming paper works."We need ano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status