INAYOS niyang muli ang sarili at nilapitan si Luke sa dulo ng garden. Walang pasubaling tinanong niya ito.
"Sa tingin mo, Luke, maganda na ba ako?" tanong niya agad nang makalapit dito. Pinupungay- pungay niya pa ang kanyang mga mata habang tumingin sa binata. At taas- noo pa niyang ipinagmalaki ang kanyang ayos para e- surprise ito sa bago niyang look. Sumulyap lang ito sa kanya bago muling itinuon ang mga mata sa halamang tinatanggalan nito ng mga tuyong dahon. "Hindi po bagay sa inyo ang damit ni Carmelita." matipid nitong sagot. Napalunok naman siya. Ang tinutukoy nitong Carmelita ay ang isa sa mga katulong nila. Nagtaka siya kung paano nito nahulaan na hiniram niya kay Carmelita ang suot niyang damit. Marahil ay dahil noon lamang siya nito nakitang nakasuot ng mahaba at maluwang na duster. May maliliit pa yong butas sa gilid na tila kinagat ng mga daga. Nakapusod ng goma ang kanyang shoulder- length na buhok. Wala siyang suot ne simpleng alahas. Hindi rin siya nagwisik man lang ng perfume o cologne. Wala ring bahid ng anumang kulorete ang kanyang mukha. At suot pa niya ang bakya ni Carmelita na sa sobrang bigat ay halos hindi niya maihakbang ng maayos ang kanyang mga paa. "Hindi ho bagay sa inyo ang ganyang suot at ayos," dugtong pa nito na nanatiling nasa halaman parin nakatuon ang pansin. "Gaano niyo man itago ang pagiging mayaman nyo sa simpleng ayos ay hindi pa rin iyon sapat upang mapagtakpan ang tunay niyong katayuan. Dahil makikita parin 'yon sa malaporselana niyong kutis. Kayo ho ay isang mayaman at hindi na ho mababago pa yon." dere- deretsong pagpapahayag nito sa kanya. "You're embarrassing me, Luke," she said softly na para bang dismayado parin siya sa naging reaksiyon nito. Ginawa niya ang lahat upang mag mumukhang maging kapantay sa binata ngunit lahat ng yon ay balewala pa rin dito. Ano pa ba ang gagawin niya, upang pansinin naman nito ang pagkatao niya? "Bakit niyo pinilit na pinapantayan ang katayuan namin sa buhay, Ma'am?" tanong nito. "Siguro ay dahil hindi nyo alam kung gaano kahirap ang buhay na pinagdaraanan namin. Huwag niyo hong subukang baguhin ang katayuan niyo sa buhay. Sa mundong kinabibilangan niyo ay nariyan lahat ang masasarap at magagandang bagay na ni minsan ay hindi namin natikman o nararanasan sa mundong kinabibilangan namin kaya bakit pa kayo gustong kumawala sa mundo niyo, Ma'am? Na kung tutuusin ay maraming mga taong nag- aasam na makakamtan ang ganoong klaseng pamumuhay. Dapat ay magpapasalamat nga ho kayo dahil hindi niyo nararanasan ang magsakrapisyo upang mabuhay." mahabang pahayag nito. She bit her lower lip habang nakikinig sa mga sinasabi ni Luke. Kung maari lang sana niyang sabihin dito na ginagawa niya iyon upang magmumukhang magkakapantay lamang silang dalawa. Gusto kasi niyang pumantay sa estado nito sa buhay upang walang magsabing hindi sila bagay sa isat-isa. Nakahanda pa nga siyang talikuran ang kaginhawaang kinalakhan niya upang maabot lamang niya si Luke. But it seemed that the man didn't want to give her a chance. Instead, she felt that this man wanted her to get surrender for all she want to happen. Nahalata kaya nito ang kanyang tinatagong nararamdaman? Pero katulad ng ipinangako niya sa sarili na hinding hindi siya titigil hangga't mapansin siya nito. "I know how to cook," may pagmamalaki niyang sabi makaraan ng ilang sandali. "Tinuruan ako ni Carmelita. Hindi na ako natitilamsikan ng mantika sa tuwing magpiprito ako ng isda. And I can wash the dishes, you know. I can even do the laundry." turan niya sa binata kahit hindi naman ito nagtatanong. Talagang tinudo niya na ang pagpapapansin dito. "Hindi niyo kailangang gawin ang mga yon," seryosong sabi nito. "Marami kayong katulong na siyang gumagawa ng mga bagay na ninanais niyo hong gawin. Ipaubaya niyo na lang ho sa kanila." tila manhid parin nitong sabi. Medyo naiinis na siya ngunit pinigilan niya lang. Nagpormal muli siya. Ang tingin marahil nito sa kanya ay isa siyang trying hard, nagppupumilit na gumawa ng mga bagay na para dito ay hindi naman niya kayang gawin. "Sige po, ma'am." "Am.. Luke maari bang tigilan niyo na ang kaka po at ho sa akin? Hindi naman siguro malayo ang edad natin kaya sana wag niyo akong po po-in." reklamo niya dito, pakiramdam niya kasi ang tanda- tanda niya. Pero wala namang reaksiyon dito at akmang aalis na ngunit maagap niya itong napigilan. "Sandali!" wika niya. Lumingon naman agad ito. "Gusto mo bang matikman ang egg sandwich na ginawa ko?" nakangiting tanong niya. "Nag- meryenda na ho ako kanina, Ma'am," malamig nitong tugon na tila napupuno na sa lahat ng kanyang pinanggagawa. "Marunong ka bang magdrive? Gusto mong turuan kita? pagmamagandang loob niya parin. "Nakapagtrabaho na ho ako bilang jeepney driver kaya marunong na akong mag- drive." pormal paring sagot nito. Napahiya tuloy siya. Akalain ba niyang marunong na rin pala itong mag- drive, hindi na yata uubra ang mga pangungulit niya sa binata dahil halos lahat yatang klaseng trabaho ay nasubukan na nito. Lumapad at lumaki ang katawan nito hindi dahil sa pag ge- gym kundi dahil sa pagtatrabaho ng kahit ano. Natameme siya at hindi nakaimik. Hinayaan na lamang niyang makalayo na ito sa kanya nang wala na siyang maisip na itatanong at sasabihin. Hindi maikakala na nakakaramdam siya ng pain sa kanyang puso dahil sa ipinakitang asal ni Luke sa kanya. Ramdam niya ang mga malalamig nitong mga tugon na tila walang epekto dito ang mga ginagawa niya. She had everything, she always got what she wanted. But why couldn't she have Luke? She could feel her tears was slowly down to her cheeks. Hindi niya napigilan ang mga luhang yon. Bahagya siyang kumurap at tumingala sa itaas. She saw the clouds taking on different shapes. She even saw an image of Luke staring at her with his sweetest smile kahit bunga lang iyon ng kanyang imahinasyon ay hindi niya pa rin napipigilan ang mapangiti. At umaasa na sana totoo na lang 'yon nang sa gayon ay maramdaman niya naman ang sumaya sa harap ng lalaking kanyang tinatangi.IS iT POSSIBLE for me to be discharged right away, Doc? Gusto kong sa bahay na lang ipagpapatuloy ang medication o di kaya sa clinic mo na lang, please? Pakiusap ni Luke sa personal niyang doctor na si Doc Zarah. Tatlong araw na itong namamalagi sa hospital at mismong si Zarah ang naging doctor nito. Pagkatapos ng madugong engkuwentro sa loob ng isla. Sa hospital na muling natagpuan ni Zarah ang binata pagkatapos siyang tawagan ni Briggs. Wala siyang ideya sa mga pangyayari. Gulong-gulo ang isip niya noong araw na yon dahil hindi niya inaasahan ang mga kaguluhang kinasasangkutan ng binata. Inooperahan niya sa balikat si Luke. May tama kasi ito ng bala sa parteng yon. Dagdag pa at nabagsakan pa ito ng lumang kisame sa naturang laboratoryo. Mabuti na lang at hindi naman napuruhan ang ulo ng binata, yon nga lang nawalan na kaagad ng malay. Marami ang naging katanungan sa isip niya kaya pinilit niya si Briggs na sabihin sa kanya ang mga nangyayari kay Luke from the past. Ayaw sana
LUKE "Hello, Cardo?" sagot ni Luke sa tawag ni Cardo. Madaling araw na nang magising siya sa sobrang ingay ng kanyang cellphone. Tulog pa si Zarah sa tabi niya. "Boss, may goodnews at badnews po." "What is it?" "Boss natagpuan na namin si Mrs. Buenaflor pero nakakatakas ang pinakapinuno ng grupo." "What?!" gulat siya sa narinig. Noong isang araw lang binalita ni Cardo sa kanya na nahuli na nga sana raw ang itinuring na pinakapinuno ng grupo na si Sergeant Edgardo Abanselo na kilala sa tawag na Boss Ed ngunit agad rin daw itong nakatakas at maging si Aldo na kaalyado nito ay nakatakas rin. Dating kasama ni Cardo sa Militarya si Edgardo Abanselo. At ito ang nagtraydor sa kaibigan upang iligwak si Cardo sa puwesto. Kaya naisipan ng huli na magreretiro ng maaga kesa patulan ang kahambogan ng dating kaibigan. Kasing-edad lamang ito ni Cardo at magkasabay ang dalawa nang pumasok sa PMA. Ngunit dahi sa galing ni Cardo kaya ito ang mas naunang umangat sa puwesto. Pero lingid sa
MASAKIT ang katawan ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Napahimbing ang tulog niya kaya hindi niya namalayan ang oras. Lumabas na ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Marahan siyang bumangon at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Napahinga siya ng malalim. Muling sumasariwa sa kanyang isip ang mainit na tagpong kanilang pinagsasaluhan ni Luke kagabi. Kinapa niya ang katabing lugar na hinigaan ng binata. Wala na ito sa kanyang tabi, tila maaga itong umalis. Bigla siyang nakakaramdam ng lungkot sa naisip. Hindi man lang nito hinintay ang kanyang paggising. Pagkatapos ng nangyari sa kanila bigla na lang itong nawala na hindi man lang nagpaalam. 'Kainis!' maktol niya. 'Kailan ka lang natutong magsesenti ha?' reklamo ng kanyang kabilang isip. Eh, sino ba kasing hindi magsesenti eh kaytamis ng pinagsaluhan nila kagabi tapos bigla na lang itong aalis kinaumagahana o baka madaling araw pa yon umalis. Napasimangot tuloy siya. Nagmamaktol na bumaba siya sa kama at
TULUYAN nang nawala sa sariling katinuan si Zarah ng sandaling yon. Tila saglit na tumigil sa pag inog ang mundo niya nang tuluyang sakupin ni Luke ang nakaawang niyang mga labi. His lips touching hers with so much love and tender. When Luke was kissing her, she immediately felt a familiar heat that suddenly spread throughout her body. Nagsimulang haplusin nito ng marahan ang bisig niya paakyat sa batok while kissing her passionately. "Ara, I missed you so much. You have no idea how much I long for this to happen between us again." Luke said as they were in the midst of their kisses. Tila unti-unti na ring nalulunod si Zarah sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Hinila siya ni Luke sa loob ng bathtub na magkahinang parin ang kanilang mga labi. Ni hindi niya nararamdaman ang lamig na nagmumula sa tubig dahil masyado ng alipin ang kanyang sistema sa kakaibang init na nagsisimulang namumuo sa kanyang katawan. Init na tanging si Luke lamang ang may kakayahang makapagbibigay non
"MAARI bang dito muna ako matutulog kahit ngayong gabi lang, Ara?" Tanong ni Luke sa kanya pagkatapos nilang maghapunan. Kakalabas lang nito mula sa kuwarto ng kanilang anak. Pinatulog muna nito si Leanne bago sila nag pasyang lumabas ng bahay upang makapag-usap. Mas pinili nilang sa labas mag-usap dahil baka magising si Leanne at maririnig nito ang kanilang pag uusapan. "That's what Leanne's asked for so who am I to stop it. I don't want to be the one opposing everything my child wants, Luke. And I also know that my daughter longs for our time, which is why I let it be." marahan ngunit may diin ang mga salitang binitawan niya. "Thank you," Mahinang tugon nito at bakas sa mukha ang kasiyahan sa kanyang sagot. "Ano nga pala ang gusto mong pag usapan natin?" tanong nito. Sinabi niya kasi kanina na may pag usapan sila kapag natulog na ang bata. "Nais ko sanang pag-uusapan ang tungkol kay Leanne. Hinahanap ka ng anak ko lalo na sa tuwing hindi ka makabisita kaya naisip kong ayu
ZARAH"DADDY!!" Masayang sigaw ni Leanne pagkakita nito sa ama sa may hamba ng pintuan. Dalawang linggo nang hindi ito napadalaw. Kaya labis ang pananabik ni Leanne na makita ang ama. Kahit halos araw-araw naman itong ka-usap ang ama sa phone. Pagkatapos ng mga nangyayari sa clinic. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Nakapagdesisyon siyang bumalik sa bahay at dito na matutulog sa gabi. Hindi niya alam kung bakit tila pakiramdam niya ay napapahiya siya sa sarili sa huling turan ni Luke. Na mas pinili niyang magpakalayo at umiwas dito kesa ang makasama ang anak niya. Ilang beses niyang pinag-isipan yon at aminado siyang tama nga ito. Kung bakit niya nagawa yon gayong wala namang ibang mas mahalaga sa kanya maliban sa kanyang anak. Kaya nga niya piniling umuwi sa bansa dahil nais niyang mabigyan ng sapat na oras ang kanyang anak, pero ano itong ginagawa niya. Nandahil lamang sa kakaiwas sa isang tao ay nagawa niya ring tikisin ang anak. Hindi niya ba kayang isaalang-alang ang sarili