I Was His Wife, But Never His Choice

I Was His Wife, But Never His Choice

last update最終更新日 : 2026-04-17
作家:  Himari Yuaたった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
評価が足りません
5チャプター
3ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

First-Person POV

Drama

Fast-Paced Plot

Rebel

CEO

Bully

Love-Triangle

Pregnant

Regret

Sa araw ng anibersaryo ng pagkawala ng kambal nilang anak, tuluyang gumuho ang mundo ni Clarissa Velasco, not just from grief, but from the cold indifference of the man she once loved. Iniwan na lang siyang muli ni Adrian na parang wala siyang halaga, iniwan siyang maraming tanong sa isip niya, at nang bumalik ito, hindi para ayusin ang lahat, kundi para durugin pa siya lalo. Pero sa gitna ng pagkawasak niya, isang bagay ang hindi niya inaasahan. She’s pregnant. Habang pilit niyang binubuo muli ang sarili para sa batang dinadala niya, natuklasan niya ang mas masakit na katotohanan. Ang lalaking tinatawag niyang asawa ay may ibang buhay, at may anak na tinatawag siyang “Daddy.” She was abandoned. Betrayed. Replaced. Ngayon, haharap si Clarissa sa pinakamahirap na laban ng buhay niya. Mananatili ba siya sa lalaking sumira sa kanya, o pipiliin niyang lumayo at ipaglaban ang sarili at ang anak niya? In a world full of lies, pain, and betrayal. Kaya pa ba niyang magmahal ulit, or this time, sarili naman niya ang pipiliin niya?

もっと見る

第1話

Chapter 1 ~ His Secret Child

Sa loob ng master bedroom na halos nilalamon na ng dilim, tahimik ang lahat, maliban sa mahihinang ingay ng lungsod na pilit sumisingit sa katahimikan. Kahit umaandar ang aircon, hindi nito tuluyang mapawi ang nananatiling init ng summer vibes na kumakapit sa balat. 

Napatingin ako sa bahagyang nakabukas na bintana, hindi ko namamalayan, pumapasok na pala ang mabagal at maalinsangang hangin, dala ang pamilyar na amoy ng gabi. Parang may sariling buhay ang hangin, na dahan-dahang gumagapang sa loob ng kwarto, pinupuno ito ng bigat na hindi maipaliwanag.

Marahan kong naririnig ang paggalaw ng makapal na kurtina, habang ang maputlang liwanag ng buwan ay sumisingit sa pagitan nito, gumuguhit ng mga anino sa loob ng silid.

Nagpalinga-linga ako sa paligid, napakalaking kwarto, habang kaming dalawa ay nasa gitna. Oo, kaming dalawa. Ang lalaking kasama ko ay halata mong marami ang nainom na alak. 

Paano ko nasabi? Dahil sa bawat galaw niya para bang bigat na bigat siya sa sarili niya, dahil may halong puwersa kung paano siya bumaling sa kabilang side kung saan ako nakaharap ngayon.  

Napapikit ako, pinipilit tiisin ang lahat. Hindi ako umiimik, pero ang bahagyang pagkunot ng noo ko at ang pagkapit ng mga daliri ko sa bedsheet ang tanging nagsasabi ng sakit na nararamdaman ko.

“Clari… open your eyes. Tignan mo ako.”

Bigla niyang hinawakan ng mariin ang baba ko, halos masaktan ako kaya naman napangiwi ako. 

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Isang pahid ng liwanag ng buwan ang tumama sa mukha niya, matangos ang ilong, matalim ang panga, at malamig na ekspresyon.

Si Adrian.

Saglit pa akong natulala.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang huli kaming magkita nang maayos, sa sementeryo, sa ilalim ng tirik na araw, sa harap ng puntod ng kambal naming anak.

Hindi ko makakalimutan ang araw na yun, ayun ang araw ng anibersaryo ng pagkawala nila. Naalala ko pa ng mag-usap kami nun, ang tanging sinabi niya lang ay busy siya, at wala siyang oras sa kabaliwan ko. 

At pagkatapos noon… hindi na siya umuwi.

Isang buwan.

Walang tawag, wala manlang mensahe. Parang bula na nawala, at natiis niya talaga yun. 

Biglang kumirot ang bandang collarbone ko, dahilan kung bat ako bumalik sa kasalukuyan.

Nagtama ang mga mata namin.

“Mag-focus ka, wala ka na naman sa sarili.” paos niyang utos, may halong inis.

Bahagya pa akong nanginig, at parang sumisikip ang dibdib ko, naramdaman kong unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko.

“A-Adrian…” Itinaas ko ang kamay ko. Ang malamig kong mga daliri ay marahang dumampi sa noo niya, inaayos ang bahagyang pagkakunot nito. “Mag-anak ulit tayo… please” halos pabulong kong sabi sakanya.

“Please… Adrian.” pahabol ko halos magmakaawa na ako. 

Sandali siyang natigilan.

Sa madilim niyang mga mata, hindi ko na maintindihan kung ano ba ang talagang nararamdaman niya. 

“Clari, seryoso ka?” rinig ko pa ang pag ngisi nito. 

Hindi ako sumagot.

Sa halip, marahan kong inikot ang mga braso ko sa leeg niya, itinaas ang ulo ko, at inilapit ang mga labi ko sa kanya, ngunit sa sandaling magdikit ang mga labi namin, bahagya na lamang siyang umatras. 

Mainit ang hininga niya, pero ang mga salitang lumabas sa kanya ay malamig na parang yelo.

“Clarissa, kailan ka huling tumingin sa salamin? Nakikita mo ba sarili mo?”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Sa repleksyon sa mata niya, nakita ko ang sarili ko, hopeless, sobrang payat, mukha kong maputla na tila wala na akong buhay. 

Bigla na lamang siyang lumayo sakin, tumayo at kinuha ang bathrobe niya sa tabi, walang lingon-llingon ay isinuot niya yun at marahan niyang itinali ang tali nito na parang walang nangyari. 

“Sa itsura mong ’yan…” malamig niyang sabi, “kalimutan mo na ang magbuntis.”

Tila nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. 

“Hindi ka nga siguro mabubuntis sa kalagayan mo.” pahabol niya pa.

“Hindi naman siguro ako mahihirapan—”

“At kahit mabuntis ka…” putol niya sakin, hindi man lang ako nililingon, “hindi ka magiging mabuting ina. Kita mo nangyari sa kambal? Kaya hindi ka na dapat magbuntis.”

Ang bawat salita niya ay parang kutsilyong tumatama sa dibdib ko, parang tuluyang nadurog ang natitirang lakas ko.

Hindi pa ako nakakabawi, nang tuluyan na siyang pumasok sa banyo.

Napapikit ako ng isarado niya ang pintuan, at ilang sandali lang, narinig ko ang agos ng tubig mula sa shower.

Nanatili akong nakahiga, hindi ko kayang gumalaw pa, para akong lantang gulay, tila pati kaluluwa ko ay humiwalay na sa katawan ko. 

Nang dumilat ako ay diretso ang tingin ko sa kisame, habang ang ilaw ng buwan ay unti-unting gumagalaw sa ibabaw nito.

Makalipas ang ilang minuto, tumigil ang tunog ng tubig, bumukas ang pinto ng banyo.

Lumabas si Adrian, nakatapis ng tuwalya. Hindi man lang niya ako nilingo, dumiretso siya sa walk-in closet. 

“Saan ka pupunta?” putol ko sa katahimikan. 

Wala akong nakuhang sagot sakanya, nagbihis siya saglit. Pinapanuod ko lang siya, hanggang sa kinuha na niya ang susi, at umalis siya. 

Walang paalam, wala manlang huling tingin, literal na umalis na lang siya ng hindi manlang ako kinakausap. 

Maya-maya, narinig ko ang mahinang tunog ng sasakyan mula sa garahe, gamit niya pala ang range rover niya.

Umalis siyang iniwan na naman akong maraming iniisip. 

Mula sa labas, maririnig ang tahol ng aso ng kapitbahay at ang malayong ugong ng mga sasakyan na dumadaan sa kalsada.

Dahan-dahan kong hinila ang kumot, tinakpan ang payat kong katawan. Aminado naman ako, nawalan talaga ako ng gana sa lahat, kahit pa ang isang bagay na nakakapagpa’excite sakin ay agad kong nabalewala. 

Pumikit ako ng mariin. 

Hindi ako dalawin ng antok, gusto kong umiyak pero dahil sa pagpikit ko, pilit kong pinipigilan ang sakit. 

***

Lumipas ang ilang araw, ang mga gabing puno ng bangungot ay naging normal nalang sa buhay ko. 

Umaasa nalang ako sa gamot, halos hindi na ako kumakain, kung kumain man, mas madalas ko pa itong isuka.

Sa taas kong 5’7”, halos 80 pounds na lang ang timbang ko, sabi niya isang katawan na hindi na kayang magdala ng buhay. 

Isang gabi, nilagnat ako nang matindi. at sa gitna ng panaginip ko, nakita ko ang kambal ko, isang lalaki at isang babae.

Tingin ko sakanila ay limang taong gulang na sila. 

“Mommy?” tawag sakin ng kambal kong lalaki, lumapit siya sakin. 

Napangiti pa nga ako ng bahagya sa panaginip ko dahil nakita kong kamukha siya ni Adrian.

Nang tingnan ko ang babae, halos kopya ko. 

“Magpagaling ka po…”

“Hintayin mo kami…”

“Babalik kami…”

***

Amoy alcohol at disinfectant ang paligid. 

Pagmulat ko, bumungad sakin ang puting kisame, mahinang tunog ng monitor sa gilid ko. 

Nasa ospital ako?

“Ma’am, buti na lang nadala kayo agad dito,” sabi ni Manang Lilia, ang matagal na naming kasambahay. “Ang taas ng lagnat niyo kagabi…”

“S-sino ang nagdala sakin dito?” tanong ko sakanya. Kahit pa alam ko naman na ang sagot, tinanong ko pa rin si Manang na parang naghahanap ako ng isang butas ng pag-asa na siya ang taong magdadala sakin. 

“Ako po.” bumagsak ang mga balikat ko, talagang hindi niya ako bibigyan ng oras. 

“Si Adrian, alam niya po bang nandito ako?” 

“Oo, tinawagan ko kagabi si Sir pero sabi niya lang sakin ako na ho ang bahala sayo, nagsasalita pa nga po ako pero binaba na rin niya agad ang tawag. May flight daw po siya.” 

Ngumiti ako ng pilit sakanya. “Ah, kasi nagsabi siya sakin na magiging busy siya.” pagsisinungaling ko, kahit alam kong alam naman ni Manang ang totoong sitwasyon naming dalawa ni Adrian. 

Isang linggo rin akong nanatili sa ospital, ngunit ni anino ni Adrian ay wala. Ni hindi rin siya tumawag, magtext or magchat manlang para kamustahin ang lagay ko.

Pagkatapos noon, unti-unti akong nagbago.

Hindi na ako umiyak, hindi na ako nagmakaawa, parang talagang naging normal nalang sakin ang mga araw na hindi niya ako kinakausap. 

Sinunod ko ang mga payo ng doktor, kumain, magpahinga, at mag-yoga.

Tuwing umaga, sa veranda ng bahay, habang sumisikat ang araw sa pagitan ng mga bahay at puno ng mangga sa subdivision, tahimik akong nag-eehersisyo.

Unti-unti, bumabalik ang lakas ng katawan ko, unti-unti, nagkaroon ng liwanag ang mga mata ko.

***

Three months later…

Nakatingin ako sa salamin sa bathroom, tiningnan kong mabuti ang itsura ko, malaki na ang pagbabago sa katawan ko, at napahawak ako sa aking tiyan, nagkakalaman na ito siguro dahil din talaga sa bumalik ang gana ko sa pagkain. 

Lalabas na sana ako ng bathroom ng mahagip ng mga mata ko ang napkin, bigla na lang pumasok sa isip ko na hindi pa ako dinadatnan ng menstruation, dahil buong-buo pa ang pack ng napkin na binili ko three months ago, ni hindi manlang nabawasan. 

Hindi na ako nagdalawang-isip, baka may problema na naman sa katawan ko kaya nadelay na ako. 

Mag-isa akong pumunta sa ospital, at buti na lamang walang pila sa OB-Gyne ko. 

“Clarissa! Ngayon na lang ulit kita nakita, ikaw huh, hindi ka na nagpapacheck-up!” bahagya pa akong pinagalitan ng Doctor ko. 

“Ngayon lang po kasi ako nakauwi dito, nag ibang bansa po ako.” pagsisinungaling ko pero ang totoo ay nawalan talaga ako ng gana dahil sa pagkawala ng kambal ko at pagbabaya na rin ni Adrian sakin. 

Pinahiga niya ako, at naglagay siya ng gel sa aking tiyan. 

Nang makita niya sa monitor ang lagay ko, napapangiti ito pero wala pa itong sinasabi. 

Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya ng malawak. 

“Congratulations, Mrs. Velasco… seven weeks and four days pregnant ka na.”

“A-ako, Doc? Buntis po ako?!” hindi makapaniwalang tanong ko. 

Pinaupo niya ako ng maayos. 

“Oo, buntis ka! Kaya kailangan mas maingat kana ngayon, less stress kung maiiwasan, iwasan mo na, okay?” masaya nitong sabi sakin. 

Tumango lang ako, kasi ang totoo hindi ko rin alam kung paano iiwasan ang ma-stress.

Parang tumigil ang mundo ko. Mahigpit kong hinawakan ang resulta

Agad kong kinuha ang cellphone ko, tinawagan ko si Adrian.

Napakunot ang aking noo ng may marinig akong katunog ng ringtone ng cellphone ni Adrian. 

Pamilyar na pamilyar sakin ang tunog dahil simula pa noon. Hindi ito nagbabago ng ringtone. 

Unti-unti akong napalingon, nakita ko sa screen ng phone ko na sinagot na niya ang tawag. 

“Busy ako. Mamaya na.” sabi nito sa kabilang linya at agad na binaba ang tawag. 

Parehong boses, parehong tono, parehong lalaki.

Nanghina ang mga tuhod ko ng makita ko si Adrian hindi kalayuan sakin. 

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanto ng hallway.

Nakaupo siya at may kargang batang lalaki.

May fever patch pa sa noo.

“Anak, halika, magpapa-checkup na tayo,” malambing niyang sabi.

Isang boses na kailanman, hindi niya ginamit para sa akin.

Nanigas ako.

Ang lalaking alam kong dapat nasa ibang bansa, busy sa business niya, ay nasa harapan ko ngayon, may bitbit na batang tinatawag siyang… 

“Daddy…”

  

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

コメントはありません
5 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status