Share

23.Getting closer

Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig.

"What?!" Aniyang hindi makapaniwala.

"I want you to join me for dinner, nakahanda na at malapit na ring lumamig." Ngumisi itong muli at binigyan siya ng tila nakakalokong tingin.

"O-okay," aniyang nakahinga nang maluwag. Hindi nalamang niya pinansin ang pang-iinis nito sa kaniya. At least, hindi pa niya katapusan.

Muli niyang isinara ang pinto at inayos ang sarili. Naka t-shirt lamang siya at shorts dahil iyon lamang naman ang available na damit. Isinuot ang fluffy slippers na bigay rin ng naghahatid ng pagkain niya. Dito kasi siya nagsasabi tuwing may mga personal na gamit siyang kailangan. Okay lang naman daw dahil kay Raj. Hindi naman siya umabuso, mga pangunahing pangangailangan lamang ang hiningi niya rito. Ni hindi nga rin siya humingi ng damit pero ito ang kusang nagdala dahil siguro iyon at iyon na lang ang nakikita nitong sinusuot niya.

Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan na niyang nakaupo sa dining area si Raj. Bihis na ito, hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status