Share

Chapter 4

Author: R. Gen
last update Last Updated: 2025-08-12 21:17:39

"Sorry ma'am, pero hindi po nakikipagkita si Mr. Nikolai Steele kung wala pong appointment. Pwede ko po kayong iset ng appointment sa kanya, pero sa busy schedule nito ay baka sa susunod na dalawang buwan pa siya magkaroon ng vacant time," ani ng babaeng nasa front desk na lumabas para kausapin si Jillian at nagpakilalang secretary niya.

"Sinabi mo ba sa kanya kung sino ako?" tanong ni Jillian.

"Yes," sagot nito na para bang naiinis na nagtanong pa siya.

Hindi na nakipagtalo pa si Jillian at umalis sa office building. Kasalanan din naman niya dahil naging kampante siya, iniisip na haharapin siya ni Nikolai kapag nalaman nitong gustong makipagkita ng isang Castile sa kanya. Inakala niyang magiging curious ito kapag nalaman niyang nasa office building niya ang anak ng kakompitensya niya sa negosyo.

Ngayon ay kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan para makaharap ito. Wala na rin siyang masyadong oras. Ilang buwan na lang ay ikakasal na siya kay Joseph. Kahit na binasag na niya ang engagement, siguradong gagawa ng paraan ang kanyang ama para matuloy ang kasal. Reputasyon at alyansa sa negosyo nito ang nakataya kaya tiyak niyang hindi ito basta susuko at tatanggapin na lang ang sinabi niyang hindi na siya magpapakasal. Isang patunay doon ang patuloy nitong pagtawag at pagpapadala ng mensahe.

Sunod na plano ni Jillian ay bumili ng bagong phone dahil hindi siya tinatantanan ng pagpapadala ng mensahe ni Joseph. Tinatanong siya nito kung bakit bigla na lang ayaw niyang magpakasal dito. Hinala niya ay hindi pa sinasabi ng kanyang ama ang tungkol rito sa mag-asawang Kerr dahil hindi naman siya kinokontak o tinatanong ng mga ito. Ibig sabihin, nalaman ni Joseph ang tungkol dito mula sa ibang tao, at halata namang si Nova iyon.

Iboblock na sana ni Jillian ang number nito, pero nang mabasa ang pinakabagong mensahe, hindi muna niya ito blinock.

"You know that tomorrow's event is very important. Kailangan nating pumunta na magkasama sa business summit na iyon para ipakita ang matibay na alyansa ng mga pamilya natin. If we have a problem, pag-usapan nating dalawa, Jillian. Hindi yung ganito. You know that we've been preparing for this event."

Pagbasa ni Jillian sa text nito, napatigil siya.

"This event!"

Halos nakalimutan na niya ang event na iyon. Dadalo rin si Nikolai sa summit na iyon. Naalala niya ito dahil naging sentro ito ng atensyon noong una niyang buhay. Dumalo si Nikolai at agad pinagkaguluhan ng mga datihan at baguhang negosyante para makadaupang-palad siya.

Natatandaan pa niya kung paano nagalit ang ama niya at ang ama ni Joseph dahil inagaw ni Nikolai ang atensyon ng lahat, sa halip na pag-usapan ang pagme-merge ng dalawang pamilya, ang Castile at Kerr.

Agad siyang nag-ayos ng isusuot dahil bukas na iyon. Hindi siya nag-reply kay Joseph dahil wala siyang balak na pumunta at sumama rito. Alam niyang sooner or later ay kailangan niya rin itong harapin, pero hindi pa ngayon. Kailangan niya munang masigurong magtagumpay ang mga plano niya bago siya makipagkita rito at harapang sabihin na hindi na siya magpapakasal pa dito.

Kinabukasan, dumalo siya sa event. Nakakuha siya ng invitation mula sa secretary ng kanyang ama. Siguro ay iniisip nito na pupunta siya para makipag-ayos kaya binigyan siya ng isa at walang tinanong. Katulad na katulad ng event sa memorya niya sa unang buhay, lahat ay halos pareho. Kahit tanggap na niyang bumalik siya sa nakaraan, nakakamangha pa rin para sa kanya ang mga nangyayari.

Umiling siya at kinundisyon ang sarili. Hindi ito ang oras para mamangha. Kapag hindi niya nabago ang hinaharap at napilitang ikasal kay Joseph, muli niyang mararanasan ang lahat ng pangloloko na ginawa sa kanya.

Para hindi siya makilala, iniba niya ang ayos niya. Unlike her stepsister, Novq, who is more daring, mas classy ang style ni Jillian at medyo old-fashioned kaya halos balot kapag may ganitong event, pero hindi ngayon. Dahil may kailangan siya kay Nikolai, nagbihis siya tulad ng mga ex nito—sexy at revealing, maiksi pero sophisticated. Nagsuot din siya ng black fascinator na may see-through fabric para maitago ang mukha sakaling makita siya ng ama at ng pamilya ni Joseph.

At tulad ng inaasahan, naroon silang lahat. Ang mga taong pinagmumulan ng kanyang galit. Parang gusto niyang hablutin ang baril ng security at tapusin na lang ang lahat, pero alam niyang hindi iyon sapat. Kailangan nilang mahirapan at masaktan tulad ng ginawa nila sa kanya.

Nang makarinig siya ng tilian at kaguluhan mula sa ibang negosyante, alam na niya. Dumating na si Nikolai. Hindi siya lumapit, bagkus ay nanood mula sa malayo. Nakita niyang nakasimangot ang kanyang ama habang nakatingin sa pwesto ni Nikolai, at nakadama siya ng kakaibang satisfaction. Halos hindi na siya makapaghintay na makita ang mukha nito kapag nalaman nitong pakakasalan niya si Nikolai.

Binalik niya ang tingin kay Nikolai. Alam niyang sobra siyang kumpiyansa, lalo na’t hindi pa nga siya napapapayag nito, pero sa pag-iimagine ng pagbagsak ng ama at ng pamilya ni Joseph siya humuhugot ng lakas ng loob para magpatuloy. Kailangan niyang makita silang masaktan, lalo na si April, Nova, at Joseph.

Pagkatapos ng event, inambush niya si Nikolai Steele habang palabas ito gamit ang ibang exit ng parking area.

"It's okay," senyas nito sa mga bodyguard niya. Halatang naiinis siya dahil may nakalampas sa seguridad. Maliit lang kasi si Jillian, 5'4 ang taas, at sa lapit nila ngayon, tinatayang lampas 6 ft si Nikolai, dahilan para magmukha siyang maliit sa tabi nito.

"What can I do for you?" natigilan ito at sinuri siya mula ulo hanggang paa. "Jillian Castile. Am I right?" dagdag nito.

Kilala siya nito? Siguro dahil sa nakaraang charity event.

"I have something to offer, Mr. Steele," diretsong sabi ni Jillian.

"If that's a business proposal, then get an appointment at my office. I'm busy," sagot nito at lalapit na sana sa sasakyan niya.

"No, I'm here to ask you if pwede bang ako na lang ang piliin mong maging asawa."

Napatigil ito at tumingin sa kanya. Maya-maya ay malakas na tumawa. "I didn't know Mr. Castile's daughter is a funny woman. I'm sorry but I have no time listening to your jokes. Go bother someone else."

"Hindi ako nagbibiro," seryosong tugon ni Jillian.

"Cut the crap," malamig nitong sagot, halatang walang balak tanggapin ang sinabi niya.

Pero handa si Jillian. "Ibibigay ko sa’yo ang lupang pagmamay-ari ng Mommy ko sa Tagaytay na gusto mong makuha. That is, kung pakakasalan mo ako."

Agad nagbago ang ekspresyon ni Nikolai. Lumapit siya sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto. "Get in," alok nito.

Hindi na nagsayang ng oras si Jillian at pumasok. Tumabi si Nikolai at inutusan ang driver na magmaneho papunta sa isang hotel nearby.

Alam niyang maeengganyo ito kapag nabanggit ang property sa Tagaytay. Isang 30-hectare beach resort na pagmamay-ari ng kanyang ina na kasalukuyang for sale. Hindi alam ni Nikolai na nakapangalan iyon kay Jillian at hindi sa kanyang ama.

"Now I'm listening," agad nitong sabi nang makapasok sila sa isang private hotel room.

"I'm going to give it to you, kung pakakasalan mo ako," ulit ni Jillian.

"Gusto mong agawin kita sa mapapangasawa mo?" Ngumisi si Nikolai, ngunit hindi sigurado si Jillian kung iyon ba ay tanda ng pagsang-ayon.

Nagtagumpay na ba siya sa unang hakbang ng kanyang paghihiganti?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE    Chapter 4

    "Sorry ma'am, pero hindi po nakikipagkita si Mr. Nikolai Steele kung wala pong appointment. Pwede ko po kayong iset ng appointment sa kanya, pero sa busy schedule nito ay baka sa susunod na dalawang buwan pa siya magkaroon ng vacant time," ani ng babaeng nasa front desk na lumabas para kausapin si Jillian at nagpakilalang secretary niya."Sinabi mo ba sa kanya kung sino ako?" tanong ni Jillian."Yes," sagot nito na para bang naiinis na nagtanong pa siya.Hindi na nakipagtalo pa si Jillian at umalis sa office building. Kasalanan din naman niya dahil naging kampante siya, iniisip na haharapin siya ni Nikolai kapag nalaman nitong gustong makipagkita ng isang Castile sa kanya. Inakala niyang magiging curious ito kapag nalaman niyang nasa office building niya ang anak ng kakompitensya niya sa negosyo.Ngayon ay kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan para makaharap ito. Wala na rin siyang masyadong oras. Ilang buwan na lang ay ikakasal na siya kay Joseph. Kahit na binasag na niya ang eng

  • REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE    Chapter 3

    Tungkol kay Nikolai Steele ang headlines, kaaway ito ng ama ni Jillian sa negosyo. At dahil wala naman siyang gagawin ay binasa na lang niya ang article.Kamuntik na niyang maibuga ang iniinom na iced coffee nang mabasa ang nakasulat doon.“The most eligible bachelor, ready to settle down?”Nagpatuloy siya sa pagbabasa at napag-alaman niyang mayroong sakit ang ina nito, at parang drama sa TV na gusto nitong makitang lumagay sa tahimik ang anak bago ito mawala.Sa sobrang pagkababaero ng Nikolai na iyon, lalagay sa tahimik? That’s probably the most ridiculous thing she’s ever read. Tinigil niya ang pagbabasa ng walang kuwentang article, pero bago tuluyang mailapag sa lamesa ang newspaper, parang isang bombilyang ilaw ang lumabas sa ibabaw ng ulo niya nang magkaroon ng ideya.Ang ama ni Joseph, at ang ama niya, parehong galit kay Nikolai. At gagawin niya ang lahat para inisin ang mga ito. Muli niyang tiningnan ang newspaper kung saan nakaimprinta ang pangalan at mukha ng lalaking kinaii

  • REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE    Chapter 2

    Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Jillian dahil sa narinig niya. Hindi siya makapaniwalang sila ang dahilan kung bakit nawala ang dapat ay tatlong anghel niya."Buti na lang talaga at kakampi natin ang family doctor nila Joseph, kaya hindi lumabas sa findings na dahil sa pampalaglag na gamot ang dahilan kung bakit nakunan ang babaeng yon," saad ng kanyang stepmother na para bang wala lang ang ginawa nila.Kasabwat ang family doctor nilq Joseph? Ibig bang sabihin nito ay alam din ni Joseph? Kasabwat din siya sa pagpatay sa mga baby nila?"Poor Joseph, talagang ayaw niyang magkaroon ng anak sa babaeng yon. Kailangan pa tuloy niyang tumulong na ipalaglag ang mga walang kwentang anak nila ni Jillian."Dahil sa narinig ay gusto niyang sugurin ang kanyang madrasta. Pero parang pinako ang mga paa niya sa sahig at hindi niya magawang humakbang para lumapit dito. Bigla niyang naalala ang sakit na naramdaman noong nawala sa kanya ang mga baby niya, kung paanong umagos sa hita niya ang

  • REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE    Chapter 1

    "Where do you think you're going? Hindi pa ako tapos. I still wanna enjoy your body," mahinang natawa si Nikolai, ang business rival ng pamilya Castile."L-Let... me rest for a bit, please." Hapo ang pakiusap ni Jillian at napapikit habang naghahabol pa rin ng paghinga dahil sa lahat ng ginawa ng lalaki sa kanya. "Nangangawit na ang mga binti ko.""That's not written in my rules, Jillian Castile," nakagising tugon nila at hinila siya para italikod. He will f-ucked her in that position again.It's really happening now at wala nang atrasan pa. This man, whom she hates both in this life and in her first life, is claiming her again and again.Yes, that's right, ito ang ikalawa niyang buhay. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang hiwagang nangyari sa kanya, pero bumalik siya sa edad na bente matapos siyang mamatay at mabuhay ulit.At simula nang magising siya sa sitwasyong ito, walang ibang pumasok sa isipan niya kundi ang pagbayarin ang mga taong dahilan ng kamatayan niya sa nauna ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status