Share

Chapter 2

Author: R. Gen
last update Last Updated: 2025-08-12 20:43:30

Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Jillian dahil sa narinig niya. Hindi siya makapaniwalang sila ang dahilan kung bakit nawala ang dapat ay tatlong anghel niya.

"Buti na lang talaga at kakampi natin ang family doctor nila Joseph, kaya hindi lumabas sa findings na dahil sa pampalaglag na gamot ang dahilan kung bakit nakunan ang babaeng yon," saad ng kanyang stepmother na para bang wala lang ang ginawa nila.

Kasabwat ang family doctor nilq Joseph? Ibig bang sabihin nito ay alam din ni Joseph? Kasabwat din siya sa pagpatay sa mga baby nila?

"Poor Joseph, talagang ayaw niyang magkaroon ng anak sa babaeng yon. Kailangan pa tuloy niyang tumulong na ipalaglag ang mga walang kwentang anak nila ni Jillian."

Dahil sa narinig ay gusto niyang sugurin ang kanyang madrasta. Pero parang pinako ang mga paa niya sa sahig at hindi niya magawang humakbang para lumapit dito. Bigla niyang naalala ang sakit na naramdaman noong nawala sa kanya ang mga baby niya, kung paanong umagos sa hita niya ang dugo senyales na wala na sa sinapupunan niya ang baby nila.

All that pain, the depression that she went through, was because of the people she trusted. She always thought na civil ang relasyon nila ni April dahil kahit papaano ay ito ang kinalakihan niyang mother-figure simula ng mamatay ang kanyang ina, but there she was talking about how they murdered her unborn babies like it was nothing. Tinawag pa nitong walang kwenta ang mga baby niya.

She hated them. She hated all of them. Ang kanyang ama at maging ang pamilya ni Joseph. Sabi ng kanyang ama ay eight monnths old pa lang si Dos ay nalaman na nila ang totoo.

Paano nila nagawa sa kanya iyon? Paano nila nagawang kunsintihin ang ganoong pagtataksil?

Tatlong birthdays, Christmas, New Years, at iba’t ibang okasyon nila siya pinagmukhang tanga! Habang napapaligiran siya ng mga taong alam ang buong katotohanan, kinakausap siya at nginingitian, kinocomfort dahil sa miscarriages niya, iyon pala ay pagpapanggap lang ang lahat?

"B-Bakit... nila iyon nagawa? Hindi ba nila ako pamilya?"

Napaupo na lang siya sa sahig habang pinapakinggan ang madrasta. Ilang sandali pa ay umalis na ito para daw magshopping dahil masaya ito ngayon.

Sa sobrang panghihina ay kailangan pa siyang alalayan ng isang maid na nakakita sa kanya sa ganoong sitwasyon, at kinailangang i-escort siya pabalik sa kotse dahil hindi siya makatayo at makalakad ng maayos.

Ilang minuto pa bago niya nagawang magdrive paalis sa bahay ng kanyang ama. She wanted to be alone. Ayaw na rin niyang bumalik sa bahay nila ni Joseph. That place was a lie. Everything that happened there, all the happy memories, all of it were lies.

Sa kagustuhang makalayo sa lahat ay mas diniinan pa niya ang apak sa accelerator pedal. Alam niyang wala na siya sa tamang wisyo para magdrive dahil sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isipan niya.

Her chest and head hurt, wala ring hinto ang pagtulo ng mga luha kaya maya-maya ang pagpahid niya ng palad sa mga mata dahil nanlalabo iyon at hindi niya makita nang maayos ang daan.

Matapos punasan ang mga luha ay laking gulat niya na mayroon siyang kasalubong na sasakyan. Nag-counterflow na pala siya nang hindi namamalayan. Dali-dali niyang ibinalik ang sasakyan sa tamang daan pero dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya ay hindi niya napansin ang island kaya sumalpok siya roon nang full speed.

Ramdam na ramdam niya ang impact gawa ng pagkakabangga. She felt pain all over her body. Naumpog nang paulit-ulit ang ulo niya sa steering wheel at para bang bumagal ang oras.

"G-Ganito ba... kapag mamamatay na...? Ito na ba... yung tinatawag nilang you see your whole life flashes before your eyes?"

Hindi niya matanggap na sa ganito lang magwawakas ang buhay niya. Hindi niya matanggap na sa ganito lang matatapos ang lahat.

Hindi siya matatahimik knowing that the people who betrayed her and killed her babies had a happy life, samantalang siya puro hinagpis at sama ng loob lang ang nakuha.

"Gusto kong gumanti sa lahat ng sakit na ibinigay nila.... K-Kailangan kong... ipaghiganti ang mga anak kong hindi man lang nasilayan ang mundo. Kailangan kong ipaghiganti ang mga anak kong hindi man lang.... naranasan ang mainit kong yakap..."

Kaya naman niyang alagaan at palakihin ang mga anak nila kung ayaw ni Joseph magpakatatay sa mga ito. Bakit kailangan nitong patayin ang mga baby nila?

"Kung... may nakakarinig man sa akin, sana ay pakinggan mo ang panalangin ko, Diyos ko, bigyan mo pa po ako ng isa pang pagkakataon!"

Iyon ang mga huling bagay na nasambit niya bago siya napapikit at tuluyang lamunin ng kadiliman.

At kung may anong laro ng tadhana na nangyari, hindi niya alam kung pinakinggan ba ng Diyos ang panalangin niya, o may iba pang mahiwagang nilalang na nakarinig sa desperadong panalangin niya at binigyan nga siya ng isa pang pagkakataon kaya muli nga siyang nagising.

She was expecting na sa isang hospital siya magigising dahil nga sa aksidenteng nangyari sa kanya, pero hindi. Nagising siya sa dati niyang kwarto. Sa kwarto niya noong nakatira pa siya sa mansyon ng kanyang ama.

Nakaharap siya salamin, at laking gulat niya nang makita ang sarili.

Napahawak siya sa mukha.

Wala na ang mga eyebags at lines sa ilalim ng mata niya gawa ng stress throughout the years. Hindi mo mababakas ang depression at stress na umagaw ng dati niyang puno ng kulay at makinis na mukha.

Her cheeks were rosy na animo’y may suot na blush-on kahit wala naman. Her lips were red as rose, at talaga namang blooming kahit walang kahit na anong arte na inilagay sa katawan.

"P-Paanong... nangyari ito?"

Bakit... parang bumalik ang itsura niya noong twenty years old pa lang siya? She thought her eyes were playing tricks on her. Baka namamalikmata lang siya gawa ng impact sa pagkakabunggo niya kanina?

Natigilan ang pag-iisip niya nang bigla niyang marinig ang pag-ring ng phone niya. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng tunog at nakita ang cellphone na nakapatong sa may bedside table.

Namilog ang mga mata niya sa pangalang nakalagay sa screen.

'My Darling' — iyon ang pangalan na naka-flash sa screen. Si Joseph ang tumatawag.

Dahil sa pagragasa ng mga alaala bago siya naaksidente ay hindi niya nasagot ang tawag kaya nadisconnect iyon, pero wala pang halos sampung segundo ay muli itong tumawag.

Bago pa man tuluyang matapos ang pag-ring ng cellphone ay kinuha niya ito at sinagot.

"Babe," agad na bungad sa kabilang linya. "Bakit ang tagal mong sinagot?" kaswal nitong tanong na akala mo ay walang kasalanang ginawa sa kanya.

Ang kapal pa ng mukha nitong tawagin siyang babe!

Pero teka, bakit siya tinawag nitong babe? Hon na ang tawag nito sa kanya simula nang ikasal sila. Sa tingin ba nito ay mapapatawad niya ito kung lalambingin siya ng ganyan?

"Babe? Are you listening?" tanong nito. "Don’t tell me nagme-make up ka na kaya hindi ka makapagsalita diyan? But okay fine, sunduin kita mamayang 6 PM para sabay tayong pumunta sa charity event ni mama, okay? I love you."

Kinilabutan siya sa huli nitong sinabi bago ibaba ang tawag.

"I love you?" sarkastiko niyang ulit. "Gago ka!" malutong niyang mura sa kakapalan ng mukha nito.

Inaasahan pa nitong pupunta siya sa isang charity event kasama ito matapos ang ginawa nitong iyon sa kanya?

Ibabato na sana niya ang cellphone para hindi na siya matawagan nito, pero napansin niya ang petsa na nakalagay sa screen.

November 21, 2021?

Laking gulat niya sa nabasa. Ang petsang pinagmulan niya ay November 21, 2025. Paanong naging 2021 ulit? 

Ilang segundo pa bago nagsink in sa kanya ang lahat. Muli siyang bumalik sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang sarili. Hindi siya namamalikmata. Nilibot niya ulit ng tingin ang kwarto niya. Ito ang ayos ng silid niya bago siya mag-asawa.

"B-Bumalik... ako sa... nakaraan?"

Para masiguro ang espekulasyon niya ay muli niyang kinuha ang cellphone at nag-browse sa internet. Lahat ng mga sites at application na pinuntahan niya ay iisa lang ang sinasabi. It was indeed November 21, 2021.

"Ma’am Jillian, nasa dining room na po sila sir at madam," she heard someone call.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya at nakita ang maid na matagal nang nagsisilbi sa mansion ng kanyang ama.

Hindi ba’t ito ang maid na tumulong sa kanya na tumayo at ihatid siya sa sasakyan bago siya naaksidente?

"Anong petsa ngayon?" tanong niya.

Bakas ang pagtataka sa mukha nito, pero agad din naman siyang sinagot. At tulad ng sinasabi ng cellphone niya ay parehong petsa din ang ibinigay ng maid.

Ayon sa petsa, in three months ay ikakasal na siya kay Joseph, sa manlolokong lalaking iyon!

Sa halip na lumabas para kumain, nagbihis siya at naghandang umalis. Pagbaba ay nakita niya ang kanyang ama at madrasta sa may dining room at naguumpisa nang kumain. Ramdam niya ang panginginig ng mga labi niya sa sobrang pagpipigil ng galit.

Lalong lalo na kay April.

Gusto niyang hablutin ang kutsilyong gamit nito sa paghiwa ng kinakain nitong steak at i*****k iyon sa dibdib nito.

She rolled her eyes nang mapansing wala sa dining room si Nova.

Dahil sa katotohanang nalaman, hindi na siya magtataka kung sa oras na ito ay kasama ni Joseph ang babaeng iyon. Baka naglalampungan ang mga ito habang tumatawag si Joseph kanina. Siguro sa mga oras na ito ay pinagtatawanan siya ng dalawa.

She went to a nearby hotel at nag-check in. Bago pumunta sa kwartong kinuha ay dumaan muna siya sa hotel lobby at umorder ng iced coffee at cake sa isa sa mga café na naroon.

Pero hindi man lang nabawasan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman niya.

Pakiramdam niya ay hindi matatahimik ang kalooban niya kung hindi siya makakaganti sa lahat ng ginawa nila sa kanya. Hindi ba’t iyon naman talaga ang huling bagay na nasa isip niya bago siya mamatay at magising sa panahong ito?

Habang desidido niyang pinaulit-ulit iyon sa isipan niya ay napansin niya ang newspaper na nakapatong sa lamesa, at ang isang pamilyar na pangalan sa headlines nito.

"Nikolai Steele..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE    Chapter 4

    "Sorry ma'am, pero hindi po nakikipagkita si Mr. Nikolai Steele kung wala pong appointment. Pwede ko po kayong iset ng appointment sa kanya, pero sa busy schedule nito ay baka sa susunod na dalawang buwan pa siya magkaroon ng vacant time," ani ng babaeng nasa front desk na lumabas para kausapin si Jillian at nagpakilalang secretary niya."Sinabi mo ba sa kanya kung sino ako?" tanong ni Jillian."Yes," sagot nito na para bang naiinis na nagtanong pa siya.Hindi na nakipagtalo pa si Jillian at umalis sa office building. Kasalanan din naman niya dahil naging kampante siya, iniisip na haharapin siya ni Nikolai kapag nalaman nitong gustong makipagkita ng isang Castile sa kanya. Inakala niyang magiging curious ito kapag nalaman niyang nasa office building niya ang anak ng kakompitensya niya sa negosyo.Ngayon ay kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan para makaharap ito. Wala na rin siyang masyadong oras. Ilang buwan na lang ay ikakasal na siya kay Joseph. Kahit na binasag na niya ang eng

  • REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE    Chapter 3

    Tungkol kay Nikolai Steele ang headlines, kaaway ito ng ama ni Jillian sa negosyo. At dahil wala naman siyang gagawin ay binasa na lang niya ang article.Kamuntik na niyang maibuga ang iniinom na iced coffee nang mabasa ang nakasulat doon.“The most eligible bachelor, ready to settle down?”Nagpatuloy siya sa pagbabasa at napag-alaman niyang mayroong sakit ang ina nito, at parang drama sa TV na gusto nitong makitang lumagay sa tahimik ang anak bago ito mawala.Sa sobrang pagkababaero ng Nikolai na iyon, lalagay sa tahimik? That’s probably the most ridiculous thing she’s ever read. Tinigil niya ang pagbabasa ng walang kuwentang article, pero bago tuluyang mailapag sa lamesa ang newspaper, parang isang bombilyang ilaw ang lumabas sa ibabaw ng ulo niya nang magkaroon ng ideya.Ang ama ni Joseph, at ang ama niya, parehong galit kay Nikolai. At gagawin niya ang lahat para inisin ang mga ito. Muli niyang tiningnan ang newspaper kung saan nakaimprinta ang pangalan at mukha ng lalaking kinaii

  • REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE    Chapter 2

    Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Jillian dahil sa narinig niya. Hindi siya makapaniwalang sila ang dahilan kung bakit nawala ang dapat ay tatlong anghel niya."Buti na lang talaga at kakampi natin ang family doctor nila Joseph, kaya hindi lumabas sa findings na dahil sa pampalaglag na gamot ang dahilan kung bakit nakunan ang babaeng yon," saad ng kanyang stepmother na para bang wala lang ang ginawa nila.Kasabwat ang family doctor nilq Joseph? Ibig bang sabihin nito ay alam din ni Joseph? Kasabwat din siya sa pagpatay sa mga baby nila?"Poor Joseph, talagang ayaw niyang magkaroon ng anak sa babaeng yon. Kailangan pa tuloy niyang tumulong na ipalaglag ang mga walang kwentang anak nila ni Jillian."Dahil sa narinig ay gusto niyang sugurin ang kanyang madrasta. Pero parang pinako ang mga paa niya sa sahig at hindi niya magawang humakbang para lumapit dito. Bigla niyang naalala ang sakit na naramdaman noong nawala sa kanya ang mga baby niya, kung paanong umagos sa hita niya ang

  • REBORN HEIRESS FOR RUTHLESS BILLIONAIRE    Chapter 1

    "Where do you think you're going? Hindi pa ako tapos. I still wanna enjoy your body," mahinang natawa si Nikolai, ang business rival ng pamilya Castile."L-Let... me rest for a bit, please." Hapo ang pakiusap ni Jillian at napapikit habang naghahabol pa rin ng paghinga dahil sa lahat ng ginawa ng lalaki sa kanya. "Nangangawit na ang mga binti ko.""That's not written in my rules, Jillian Castile," nakagising tugon nila at hinila siya para italikod. He will f-ucked her in that position again.It's really happening now at wala nang atrasan pa. This man, whom she hates both in this life and in her first life, is claiming her again and again.Yes, that's right, ito ang ikalawa niyang buhay. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang hiwagang nangyari sa kanya, pero bumalik siya sa edad na bente matapos siyang mamatay at mabuhay ulit.At simula nang magising siya sa sitwasyong ito, walang ibang pumasok sa isipan niya kundi ang pagbayarin ang mga taong dahilan ng kamatayan niya sa nauna ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status