LOGIN5
TRISHA’S POV
Huminto ang sasakyan ko sa tapat ng naglalakihang glass doors ng Chiong Company. Pagkababa ko pa lang, ang pamilyar na amoy ng paligid halo ng mamahaling air freshener at ang "amoy pera" na vibe ng building ay agad sumalubong sa akin.
"Ma'am Trisha?!"
Nanlaki ang mata ng head guard na si Kuya Bert pagkakita sa akin. Agad siyang tumayo nang tuwid at sumaludo, pero hindi niya napigilan ang mapangiti nang malapad.
"Ma'am, bumalik po kayo! Kamusta na po? Ang tagal niyo pong nawala!"
Pilit akong ngumiti. "Ayos naman, Kuya Bert. Long time no see."
Pagpasok ko sa lobby, parang huminto ang oras. Yung mga utility staff na nagmamap ay napatigil. Ang mga empleyadong nagmamadali ay napako sa kinatatayuan nila.
"Ma'am Trisha! Oh my God, is that really you?"
Si Ate Sol, ang head ng housekeeping na naging malapit sa akin noon dahil madalas ko siyang padalhan ng meryenda, ay halos tumakbo palapit.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Ang ganda niyo pa rin po! Namiss namin kayo rito sa opisina. Akala namin tuluyan na kayong hindi magpapakita."
"Bisita lang po, Ate Sol," maikli kong sagot para hindi na humaba ang usapan. Pero bago pa ako makahakbang, sunod sunod na ang bati sa akin.
"Welcome back, Mrs. Chiong!"
"Namiss namin kayo, Ma'am!"
Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Three years. Tatlong taon akong nagpakalayo layo pero parang kahapon lang ang huling beses na nandito ako. Dire diretso ako sa reception desk para iwasan ang mga matang nakamasid.
"Hello, Mrs. Chiong." Ngumiti ang receptionist.
Tumingin ako sa name tag niya. "Correction, Carley. It’s Ms. Lane."
Nawala ang ngiti niya nang saglit, pero mabilis ding bumalik. Parang kabisado na niya ang script niya. "The CEO is waiting for you at the last floor, Mrs. Chiong."
Sumikip ang dibdib ko sa inis. "What? Waiting for me? I don't even have an appointment with him."
"I don't know, Mrs. Chiong. Ang bilin lang niya kaninang umaga, the moment you step in, papuntahin ka agad sa office niya."
I scoffed. "Wow, how convenient."
Nakaplano na pala ang lahat. "Anyway, ayaw ko nang tinatawag akong Mrs. Chiong. Address me as Ms. Lane, okay?"
Naging tremulous ang ngiti ni Carley. Halatang kinakabahan. "I'm sorry, Mrs. Chiong, but I can't do that. Ayaw ko pang matanggal sa trabaho. Utos po iyon ni Sir Jeremiah."
Nanggigigil akong naglakad papuntang elevator. Habang pataas ang floor, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko kasabay ng nag aapoy na galit. Pagkadating sa top floor, sinalubong ako ng executive secretary niya.
"You may go inside, Mrs. Chiong."
Hindi na ako kumatok. Pabagsak kong itinulak ang pinto at pumasok nang may stoic expression. Nakatalikod siya sa akin, nakatingin sa view sa labas. Magsasalita na sana ako nang dahan dahan siyang lumingon.
Damn. Sa sobrang inis ko, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Yung gayè orbs niya... those bold eyes. Tatlong taon na ang nakalipas pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa katawan ko?
"At last, my wife finally came. I knew you'd come to me." He gave me that seductive boyish smile yung ngiting nagpahulog sa akin noon, pero ngayon ay gusto ko na lang burahin sa mukha niya.
"How did you know I was coming here?"
"I just knew." He shrugged and leaned back on his swivel chair. "You've always been predictable, mahal."
"Mukhang hindi yata informed ang employees mo na hindi na ako Mrs. Chiong. Sabihan mo sila, I hate it," asik ko.
Amusement filled his eyes. "We both know that you're still Mrs. Chiong, mahal, and will remain one forever."
"I hate you," mariin kong sabi.
Tumayo siya at dahan dahan na lumapit sa akin. Panic started to rise. "Don't come closer!" Pero hindi siya nakinig. Huminto siya isang talampakan lang ang layo sa akin. Kahit naka coat and tie siya, bakas pa rin ang muscular body niya. At yung pabango niya... it’s still the same scent that used to make me melt.
"No, you don't hate me mahal ko."
"I hate you! Ang gusto ko lang ay freedom, pero pati ‘yun ipinagkakait mo!"
"I'm your husband, mahal. Divorce is out of the question. Hinayaan kitang mag heal ng tatlong taon, pero ngayong bumalik ka na, hinding hindi na kita pakakawalan. Let's start all over again."
Commanding ang tono niya. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, mabilis na lumanding ang palad ko sa kaliwang pisngi niya. Slap!
"Damn you! After everything, may gana ka pang sabihin ‘yan?!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya hanggang sa mapagod ako. Hindi siya gumalaw. Hinayaan lang niya ako.
"Bakit ka tumigil? Sige lang, hit me all you want."
Tinalikuran ko siya. "Mali na pumunta ako rito."
Maglalakad na sana ako palabas nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Sobrang higpit. "I missed you so much, mahal. You don't know kung gaano ko katagal hinintay ‘to."
"Bitawan mo ako!" My voice was shaking.
"Please, Trisha... can't you give us another chance?"
Ang aroganteng si Jeremiah Chiong, nagmakaawa? Naalala ko si Isaiah na naghihintay sa akin sa Manila. Hindi ako pwedeng bumigay.
"Another chance?! Are you kidding me?! I already have someone else!"
Darkness filled his eyes. "No. You're lying."
"I'm not." I coldly slammed the divorce papers on his chest. "Sign it. All I want is my freedom."
Tinitigan niya ang papel bago bumuntong hininga. "Is this really what you want?"
"Yes."
"Okay. I'll give this back after I sign it. I'm busy right now."
"Bakit hindi pa ngayon?"
"Sabi ko busy ako, Trisha." Bumalik siya sa desk niya.
"Fine. Ibigay mo na lang sa lawyer ko."
Akala ko tapos na. Akala ko nanalo ako. Pero bago ko mahawakan ang doorknob, hinila niya ang braso ko at isinalya ako sa pinto. Isinandal niya ako at kinulong sa pagitan ng mga bisig niya.
"Jere"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinakop na niya ang labi ko. It was hungry, desperate, and authoritative. Ramdam ko ang pait at pangungulila sa bawat galaw ng labi niya. Pilit ko siyang itinutulak pero mas lalo niyang ibinaon ang katawan niya sa akin. Sinakop niya ang buong pagkatao ko sa halik na iyon.
When he finally pulled away, his forehead rested against mine.
"That's for saying you have someone else," he whispered, his voice dark and possessive. "Sign the papers? Over my dead body, Trisha. You’re mine. At sisiguraduhin kong hindi ka na makakabalik sa Manila."
Iniwan niya akong tulala nang dahan dahan siyang bumabalik sa upuan niya na parang wala siyang ginawang krimen.
Lumabas ako ng building na parang lumulutang. Pagpasok ko sa sasakyan, doon lang ako nakahinga.
This is going to be a long, messy war. And I’m not sure if I’m ready to win or lose.
5TRISHA’S POV Huminto ang sasakyan ko sa tapat ng naglalakihang glass doors ng Chiong Company. Pagkababa ko pa lang, ang pamilyar na amoy ng paligid halo ng mamahaling air freshener at ang "amoy pera" na vibe ng building ay agad sumalubong sa akin. "Ma'am Trisha?!" Nanlaki ang mata ng head guard na si Kuya Bert pagkakita sa akin. Agad siyang tumayo nang tuwid at sumaludo, pero hindi niya napigilan ang mapangiti nang malapad. "Ma'am, bumalik po kayo! Kamusta na po? Ang tagal niyo pong nawala!" Pilit akong ngumiti. "Ayos naman, Kuya Bert. Long time no see." Pagpasok ko sa lobby, parang huminto ang oras. Yung mga utility staff na nagmamap ay napatigil. Ang mga empleyadong nagmamadali ay napako sa kinatatayuan nila. "Ma'am Trisha! Oh my God, is that really you?" Si Ate Sol, ang head ng housekeeping na naging malapit sa akin noon dahil madalas ko siyang padalhan ng meryenda, ay halos tumakbo palapit. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ang ganda niyo pa rin po! Namiss
4TRISHA’S POV Nasa freeway na ako papuntang airport para sunduin ang kapatid ko nang mag ring ang phone ko. It was Attorney gayè. Sinagot ko agad, umaasang tapos na ang lahat. "Hello, Mr. gayè. I’m expecting good news," bungad ko. Pero katahimikan ang sumalubong sa akin. Isang mabigat na buntong hininga ang narinig ko na nagpakunot ng noo ko. "I'm sorry, Ms. Lane, pero ayaw pumirma ni Mr. Chiong sa divorce papers." "What?!" Muntik ko nang ma step ang brakes sa gulat. Mabuti na lang at naalala kong nasa freeway ako. My heart hammered against my chest. "Yes, Ms. Lane. Galit na galit siya at pinalayas ako sa office niya." Napangitngit ang ngipin ko. Ramdam ko ang pag akyat ng init sa ulo ko. Damn him! Ano bang sinusubukan niyang patunayan?! He should be thankful na ako na ang kusang gustong tapusin ang pagiging kasal namin! "It's okay, Mr. gayè. I know him. May isang salita ‘yon kapag sinabi niyang hindi siya pipirma, hinding hindi niya talaga gagawin ‘yon no matter
3JEREMIAH’S POV Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang bawat galaw ng kalaban ko habang bumubuo ng plano sa utak ko kung paano ko siya mapapatumba. Nakasuot kami pareho ng puting karategi, at tanging ang tunog ng aming mga yapak sa mat ang naririnig sa loob ng dojo. Mabilis siyang kumilos, pero hindi sapat 'yun para malampasan ako. Humakbang siya palapit at akmang magpapakawala ng isang mawashi geri (roundhouse kick) sa direksyon ng ulo ko, pero expected ko na 'yun. Masyadong basic at madaling basahin ang mga techniques niya. Mabilis akong dumanas at agad na nag counter gamit ang isang solidong gyaku zuki (reverse punch) sa kanyang solar plexus. Hindi niya 'yun inaasahan kaya bago pa man siya makabawi, nawalan na siya ng hangin at napaluhod sa sahig. Napangisi ako nang matagumpay habang nagbubunyi ang ilang mga nakapanood sa paligid. Nag bow muna ako bilang tanda ng respeto bago lumabas ng area. "Wow! Sabi ko na nga ba, tatalunin mo lang si Joel nang ganoon kadali!" m
2TRISHA’S POV Nakahinga rin ako nang maluwag nung lumabas na yung doctor sa OR. Sabi niya, success daw ang operasyon at 'wag na kaming mag alala. Agad kong niyakap si Mommy sa tuwa. Thank God talaga, walang masamang nangyari kay Papa. Pagkatapos niyon, umuwi na muna kami para makapagpahinga. Pagkahiga ko sa kama, akala ko makakatulog ako agad dahil sa sobrang pagod physically at mentally. Pero mali ako. Quarter to 3 am na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Kahit ayaw ko, bumabalik sa isip ko yung eksena kanina. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko. Sabi ko sa sarili ko, kalimutan ko na lang 'yun, kunwari walang nangyari. Pero mahirap palang gawin, at na surprise na lang ako sa sarili ko. Paikot ikot ako sa kama, frustrated na frustrated na kasi kailangan na ng katawan ko ang tulog pero ayaw naman mag cooperate ng utak ko. After halos isang oras na pilitan, bumangon na lang ako. Pumunta ako sa terrace para magpahangin. Sumandal ako sa railing at tumi
1TRISHA’S POV Nakatitig lang ako sa nagtataasang gusali ng Makati mula sa aking opisina. Kahit ilang beses ko nang nasilayan ang view na ito, hindi ito nakakasawang panoorin. Ito ang nagsisilbing pahinga ko mula sa nakaka-stress na ingay ng corporate world. Nag-stretch ako ng mga braso para matanggal ang ngalay sa aking likod. Ilang minuto na lang at makakauwi na rin ako sa wakas. Niyaya ako ng mga kaibigan ko na lumabas ngayong gabi pero tinanggihan ko sila. Mas pipiliin ko pang mag-relax sa bahay kaysa makipag-party. Napangiti ako sa sarili ko. Kung ako siguro ang Trisha ilang taon na ang nakalipas, baka ako pa ang unang nakarating sa bar. Pero nagbago na ang lahat. Siguro ito na ang tinatawag nilang adulting. Imbis na ingay ng tugtugan, katahimikan na ang hinahanap-hanap ko pagkatapos ng trabaho. Sinilip ko ang wristwatch ko at akmang aayusin na ang mga gamit ko nang may kumatok sa pinto. Akala ko ay ang Executive Assistant ko, pero laking gulat ko nang bumukas ito.







