Share

CHAPTER 4

Penulis: Haneibuns
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-27 21:19:03

Napakunot-noo si Thyra habang iminumulat ang kaniyang mga mata at napahawak sa kaniyang ulo.

Ilang beses siyang napapikit at inalala ang nangyari.

Nagbitaw siya ng masamang salita at pinilit na maupo.

"Lintik lang ang walang ganti. Babasagin ko rin—"

Natahimik siya nang makita si Brett na nakatayo sa kanang bahagi ng kaniyang kama.

Umubo-ubo siya at hindi makatingin sa kaniyang amo.

"N-Nahuli niyo po ba ang mga hold-uppers, Sir?"

"Yeah. They are in jail," sagot ni Brett habang nakakrus ang mga braso.

Napakagat naman si Thyra sa loob ng kaniyang bibig.

"Ang sakit ng ulo ko."

"The doctor said, you need to rest. You're safe, pero kailangan mo pa rin mag-take ng medicine," saad ni Brett saka naupo sa sofa.

Tumingin naman si Thyra sa kaniya.

"Sige po. Wala naman pong epekto sa utak ko 'yong pagkakapalo ko?"

"Fortunately, wala naman, sabi ng doctor. Makakaranas ka lang ng sakit sa ulo."

Napabuntong-hininga naman si Thyra saka umiwas ng tingin.

Napakagat siya sa ibaba ng kaniyang labi at naisip na baka maapektuhan ang pag-aaral niya kung mayroon man iyong side effect sa kaniya.

"Ito 'yong mga napapanuod ko sa mga movies na magkaka-amnesia, or magiging unintelligent. Mabuti na lang kung hindi ako nag-concussion," mahinang sambit niya.

"You like to imagine complicated things," komento naman ni Brett.

Napalingon naman siya.

"Iyon po ang purpose ng utak natin."

"You're going to say that to me?"

Bumuntong-hininga naman si Thyra saka humawak sa kaniyang ulo dahil sa inis kay Brett.

"Take a rest. Wala akong time para maghanap pa ng iba," wika ni Brett saka siya tumayo.

"Opo."

‘Thank you ha?’

Napa-roll eyes siya nang tumalikod si Brett ngunit agad din siyang umayos nang humarap din ulit ito sa kaniya.

"Why did you do that? It's dangerous. Nag-iisip pa ako ng paraan kung paano sila matatakasan, kaso dumating ka. Look what happened to you," saad nito.

"Sir, nasa panganib po ang buhay niyo, eh," sagot ni Thyra saka tumingin sa kaniya.

"Kahit na."

Tumango-tango naman si Thyra at bahagyang na-disappoint saka siya bumuntong-hininga at kinuha ang kaniyang cellphone.

"Eat when you're hungry," wika ni Brett bago lumabas mula sa kaniyang kuwarto.

"Sige po, Sir."

Nang makalabas ito ay umiling-iling si Thyra.

"Ano pa ba ang aasahan ko sa isang cold-hearted, ungrateful na tao."

Nang makaramdam siya ng gutom ay bumaba na rin siya.

Napatigil siya sa pagpasok sa kusina nang may sinisigawan na naman si Brett sa cellphone.

Dahan-dahan siyang pumasok at nakitang may naluto na.

Napatingin naman si Brett sa gawi niya at napatigil sa pagsasalita. Napansin ni Thyra na nag-iba ang itsura nito, at inakalang nahihiya ito sa kaniya kaya napangisi siya nang umiwas si Brett ng tingin.

"Next time I call, everything should be fine," kunot-noong sambit nito saka ibinaba ang cellphone sa lamesa.

Nagsimula nang kumain si Thyra at nailang siya dahil hindi pa umaalis si Brett sa upuan.

"Drink your medicine," wika ni Brett nang matapos siyang kumain.

Kinuha naman agad ni Thyra ang gamot niya na nasa lamesa at uminom saka tinignan si Brett na abala sa kaniyang cellphone.

Nagpunta na agad siya sa sink nang matapos siya.

"Leave that already and sleep," utos ni Brett.

Lumabi naman si Thyra dahil hindi niya inasahan iyon.

"Wala pong maghuhugas, Sir," sagot ni Thyra sa kaniyang pinakamahinhin na boses.

Binagalan niya ang paghuhugas at hinintay na mag-volunteer si Brett.

"Then let's throw those away."

Napaawang ang bibig ni Thyra at lumingon sa kaniya.

Abala pa rin ito kaya tinapos na lang niya ang paghuhugas.

"About what you did," panimula ni Brett habang nagpupunas si Thyra ng kaniyang kamay.

"Thank you," wika nito.

Ngumiti naman si Thyra.

"You're welcome po."

"You shouldn't have done that. You're not my guard, and magkakaroon ako ng kasalanan sa parents mo."

"Okay naman na po ako. Tsaka tapos na po 'yon."

Tumango-tango naman si Brett.

Nauna nang umakyat si Thyra at iniwan siya ro'n.

Pahiga na siya nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone.

"Bakit?" Tanong niya nang masagot ang tawag.

"Kumusta ka? Hindi ka na nag-text kung nakauwi ka ba nang maayos," wika ni Felip.

"Sorry, nakalimutan ko. Okay naman ako," pagsisinungaling niya saka pumunta sa balcony.

"Mom and Dad are asking me about you. Kailan ka raw bibisita rito?"

"Hindi pa ako makakalabas, wala pa akong day off. Tsaka masama ang pakiramdam ko," sagot niya saka humawak sa balustrade at tumingin sa langit.

"What happened?"

"Wala. Ano lang, maliit na aksidente," sagot ni Thyra saka siya ngumisi nang maalala ang ginawa niyang pagliligtas kay Brett.

"Ako na lang bibisita kay Tito. I know he misses his favorite manugang," natatawang sambit ni Felip.

"Manugang mo mukha mo."

Natawa si Thyra saka siya umiling-iling.

Napatigil siya nang makita si Brett sa balcony ng kuwarto.

Nagkunwari siyang napuwing saka sa ibang direksyon siya tumingin upang iwasan si Brett.

"Basta kapag may problema ka, sabihan mo kami ni Nadia," paalala ni Felip.

"Magkaiba naman kayo ng style ng pag-comfort," natatawang sambit naman ni Thyra.

"I know. Alam kong lalasingin ka no'n."

"Sige na. Baka maging cheesy ka na naman," paalam ni Thyra.

Natawa naman si Felip.

"Okay. I hope you're doing good there."

"Goods na goods," natatawang sambit ni Thyra saka napahawak sa kaniyang sugat sa ulo.

Bumaba siya nang mauhaw siya, ngunit napatigil siya nang makita si Brett na umiinom na naman ng alak sa sala. Nakatingin ito sa labas habang nakakunot-noo.

Nagpatuloy si Thyra sa pagpasok sa kusina at napatingin si Brett sa gawi niya.

"Maid!"

Napatingin naman si Thyra at lumapit doon. Naamoy niyang amoy alak si Brett kaya umatras siya nang bahagya.

"Kumuha ka ng alak," utos nito.

Pupungay-pungay na ang mga mata nito. Tumingin naman si Thyra sa mga apat na bote ng alak na wala nang laman sa lamesa.

"Baka mabinat po kayo," malumanay na saad niya.

Napakunot-noo naman ito.

"I don't f*cking care. Just do what I said."

Tumango-tango naman si Thyra at handa nang tumalikod, pero nagsalita ulit si Brett.

"Are you tired of your job? Bakit pinapangunahan mo ako? It's your job to obey me. Matigas ang ulo mo," wika nito at halata ang kalasingan sa kaniyang boses.

"Basag na nga po, eh," mahinang sagot ni Thyra saka napahawak sa kaniyang ulo.

Nagsisi agad siya sa kaniyang sinabi dahil hindi na niya iyon inisip.

"About what you did, huwag mo nang uulitin 'yon. Kaya ko na ang sarili ko," sabi ni Brett saka tumingin sa kaniyang iniinom.

Tumango naman si Thyra saka tumalikod at hindi napigilang mainis.

"Kaya naman pala ang sarili, tapos mag-uutos."

Uminom muna siya ng tubig bago buksan ang refrigerator.

Napapikit siya sa inis nang makalimutang tanungin kung ano'ng kukuning brand ng alak ang kukunin niya.

Kumuha muna siya ng ice bucket at naglagay ng ice.

Pagkatalikod niya mula sa refrigerator ay nabitawan niya ang kaniyang hawak na ice nang biglang sumulpot si Brett at malapit ang katawan nito sa kaniya.

"Ang tagal mo," sambit nito.

Dahil sa taranta ay kinuha ni Thyra ang mga nahulog na ice at inilagay ulit sa ice bucket.

Kinuha naman ni Brett ang alak mula sa refrigerator at inilapag sa counter upang tulungan si Thyra sa mga yelo.

‘Lasing na lasing na ba 'to?’

"Kukuha lang po ako ng mop," sabi niya saka tumayo at tumalikod.

"Wait—"

Aalis na sana si Thyra nang hawakan ni Brett ang kaniyang braso.

Nadulas naman siya sa mga ice at nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapahiga siya kasama ni Brett at nadaganan siya nito.

Tumigil ang kaniyang paghinga nang mailapat ni Brett ang kaniyang labi sa labi ni Thyra.

Ang kaniyang kamay ay nakaalalay sa likod ng ulo ni Thyra.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang bibig ni Brett.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   FINALE

    Nanlaki ang mga mata nila nang humandusay si Hilary."M-Mommy!" Sigaw ni Laureen at napatakbo ito palapit sa kaniyang ina.Hindi alam ni Thyra kung hahawakan niya ito o hindi dahil may dugo itong lumalabas mula sa kaniya. Nanghihina ang kaniyang tuhod at hindi makapaniwala sa nasaksihan.Dumudugo ang tiyan nito matapos tumagos ang bala mula sa kaniyang likuran patungo sa gilid ng kaniyang tiyan.Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig nang makita kung sino ang bumaril."T-Tito?" Gulat na sambit ni Brett dahil hindi na makapagsalita sa gulat si Thyra.Nakatayo si Thyrone malapit sa pintuan at hawak nito ang isang baril. May tungkod pa rin ito at walang bahid sa mukha nito ang pagsisisi sa ginawa niya."Hayop ka, Hilary. Masama ka talagang tao. Pati anak ko, idadamay mo sa pagiging demonyo mo," malumanay at seryosong wika nito.Napalingon sila sa kaniya at masama na agad ang tingin ni Laureen.Nagpunas ng luha si Laureen saka tumayo at patakbong lumapit kay Thyrone.Nanlaki ang mga mata ni

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 87

    Napalunok si Thyra at hindi pa rin mawala ang paningin kina Hilary at Bettina. Naguguluhan siya kung ano'ng nangyayari. Kung ano ba ang plano ng kaniyang ina kay Bettina, at kung may plano rin ba ito kay Bettina.Huminto si Hilary sa pagtawa at huminga nang malalim saka umiling-iling habang nakangiti."You should have seen yourself, Thyra," wika nito.Nakakunot-noo pa rin siya."B-Bakit, M-Mama? H-Hindi ko maintindihan."Tila bumara sa kaniyang lalamunan ang salitang 'Mama' dahil sa kaniyang nakikita.Humakbang ng dalawang beses si Hilary kaya hinawakan ni Brett ang kamay ni Thyra. Ramdam naman nito ang pamamawis at panginginig ng palad ni Thyra.Tulad ni Thyra ay naguguluhan din si Brett, ngunit nilalakasan niya ang kaniyang loob para sa kaniyang girlfriend at kaniyang parents."Do you know how long I've been waiting for this? Na makita kita, at bonus na lang na kasama mo ang mga Forteluna," sabi ni Hilary at bigla itong sumeryoso.Biglang nanghina ang mga tuhod ni Thyra at muntik n

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 86

    "B-Brett. Oh my God," mahinang sambit ni Thyra saka tumulo ang kaniyang luha. Napatakip siya sa kaniyang bibig."Why? What happened? May problema—"Hinawakan agad ni Thyra ang kamay nito at nanginginig na hinatak."Where are you going?" Takang tanong ni Benjamin."S-Sorry po. Pero mauuna na po muna kami. Mag-usap na lang po tayo sa susunod. K-Kung makita niyo po si Bettina, sabihan niyo po kami," mabilis at natatarantang sambit niya.Magsasalita pa sana sila ngunit patakbo nang hinatak ni Thyra si Brett patungo sa sarili niyang sasakyan."Why? Ano'ng nangyayari?" Kunot-noong tanong ni Brett nang maikabit nito ang kaniyang seatbelt.Sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang mga luha saka pinaandar ang kaniyang sasakyan."N-Nawawala raw si Thrina. Kailangan natin siyang mahanap, b-baka may ginawa na si Bettina sa kaniya. A-Ayokong mangialam ang parents mo dahil marami pa silang hindi alam," natatarantang sagot ni Thyra saka pinaharurot ang sasakyan."What? Fuck it!" Bulalas ni Brett.Wala nam

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 85.2

    Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig at bumilis ang tibok ng kaniyang puso."G-Grabe naman si Anthony," komento niya habang nakatingin sa sasakyan nito.Agad na bumaba si Anthony sa kaniyang sasakyan at lumapit sa lalake.Napalunok si Thyra at bumaba na rin siya.May mga sugat ang lalake at nahihirapan din itong gumalaw at tumayo.Nanginginig siyang lumapit, at mas lalong kinabahan nang mabilis na hawakan ni Anthony ang lalake sa kuwelyo nito at iniangat ito nang walang kahirap-hirap."A-Anthony, baka mamatay naman 'yan," pigil niya."You better answer us, and you better not be quiet," banta ni Anthony sa lalake at hindi pinakinggan si Thyra.Napaubo ang lalake at duguan ang noo nitong tumingin kay Anthony. Nakasuot ito ng facemask na itim.Humakbang naman palapit si Thyra at mabilis na hinablot ang facemask nito.Kumpirmadong ang boyfriend nga iyon ni Bettina."Nahuli ka rin namin," kunot-noong sambit ni Thyra.Napangisi naman ito kahit halatang nasasaktan sa posisyon niya.Napada*ng

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 85.1

    "What? Why are you so shocked? Akala ko ba ay alam mo na?" Nakangising tanong ni Bettina.Mas lalong nakaramdam ng kaba si Thyra nang makitang may baril sa tabi nito.Siguradong mamamatay siya kapag may masabi siyang masama dahil wala siyang kalaban-laban."A-Ano'ng kailangan mo sa akin? Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo kay Felip?" Tanong niya saka ito sinamaan ng tingin.Natawa naman si Bettina."What I want to happen is simple, Thyra. I just need your cooperation."Napalunok siya sa narinig at hindi makapagsalita.Sumeryoso si Bettina at umayos ng upo."Get out of here and get your whole family away. Nasira lang naman ang mga plano ko noong ipinakilala mo ang bastarda mong anak. I'm ready to buy your business, as long as you're gone. At huwag na huwag ka nang magpapakita kay Brett at kina Dad.""A-At kung hindi ako papayag—""Something bad will happen to you, and your family, especially to Thrina," pamumutol nito sa sasabihin niya.Napaawang ang bibig ni Thyra at sumikip ang

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 84

    "N-Nasaan siya? Where's Brett?" Natatarantang tanong ni Thyra kay Anthony nang makasalubong niya ito sa hallway ng hospital. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha."He's inside. Kasama niya sina Tita, Tito, Thrina and Tito Thyrone. He is still conscious, but he says he feels dizzy. Nauntog kasi siya," turo ni Anthony sa isang room doon.Napakagat-labi siya saka nagmadaling pumasok sa loob.Naabutan niyang umiiyak si Thrina habang hinahaplos ni Brett ang ulo nito.Umagos ang luha sa kaniyang mga pisngi nang makita niyang may mga gasgas sa katawan nito.Malapit nang maghilom ang sugat sa kaniyang tagiliran, ngunit nadagdagan na naman iyon."B-Brett," namamaos na sambit ni Thyra.Napatingin ito sa kaniya at matamlay na ngumiti."No. Don't cry. I told you, hindi ako basta-basta mamamatay," pabirong sabi nito.Patakbong lumapit si Thyra at niyakap si Brett. Nakatingin naman sa kanilang dalawa si Thrina at tumahan ito sa pag-iyak."Stop crying, love," mahinang saad ni Brett saka pinu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status