Share

CHAPTER 5

Author: Haneibuns
last update Last Updated: 2024-07-04 18:55:44

Nagulat si Thyra sa paggalaw ni Brett kaya lakas-loob niyang itinulak ito.

Pupungay-pungay naman ang mga mata nitong napaupo saka siya dahan-dahang tumayo. Nanginginig naman ang mga kamay at tuhod ni Thyra habang tumatayo.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang tumingin si Brett sa kaniya kaya napaatras siya.

"Your head, napalo kahapon," lasing na sambit nito.

Napalunok naman si Thyra.

"I need to sleep," mahinang wika ni Brett saka tumalikod at umalis na sa harapan niya.

Nakatayo pa rin doon si Thyra at nakatingin sa likod ni Brett habang nakahawak sa kaniyang bibig.

"Sh*t. Ako lang ba ang nakaramdam?"

Napapikit siya saka umiling-iling. Humawak siya sa kaniyang dibdib upang pakalmahin ang kaniyang puso dahil nabibingi na siya sa lakas ng kabog nito.

"N*******n ako ni Sir."

Kinabukasan ay ilang beses na napahikab si Thyra habang nag-aayos ng lunch nila. Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka hinugasan ang mga nagamit niya.

Napatigil siya at napalunok nang marinig ang yabag na papasok doon. Inabala niya ang sarili buong umaga upang iwasan ang tingin ni Brett.

"Sit down and eat. Baka himatayin ka kapag hindi ka nakainom ng gamot on time," utos ni Brett.

Agad namang naupo si Thyra at iniwasang tumingin sa kaniya.

"Prepare some coffee."

Napatingin naman si Thyra sa kaniya pero nag-iwas agad siya ng tingin nang bumaling si Brett sa kaniya.

"My head hurts. Kailangan ko ng pampawala ng hangover," dagdag pa nito.

Hindi naman umimik si Thyra. Hindi pa man siya natatapos kumain ay tumayo na siya para magtimpla ng kape.

Inilapag niya agad ito at muntik na niya iyong maibuhos nang mag-angat ng tingin si Brett sa kaniya.

"So, you can't even speak now? Pero clumsy ka pa rin. You know what, I'll call the doctor. Baka hindi na 'yan normal," kunot-noong saad nito saka uminom ng kape.

"H-Hindi po. Ayos lang po ako," mabilis niyang sagot.

"Then speak. Did you know na nakakahawa ang isang tao kapag wala siya sa mood?"

‘Kaya bad mood ako kapag nakikita kita.’

Nagpatuloy siyang kumain at pilit na inaalis sa isip ang nangyari kagabi.

"I read your biodata," saad ni Brett.

Uminom naman ng tubig si Thyra at hinintay ang sasabihin nito.

"Your Dad's a farmer. And you're living with him. Why are you here?"

"Naghanap po kasi kayo ng katulong, Sir. Nakita ko po online. Hindi ko po in-expect na kayo po ang magiging amo—"

Napatigil siya nang mapakunot-noo si Brett.

"Literally?" Tanong nito.

"Ano po ba?"

"Go on," sagot naman ni Brett.

"Kahit hindi po nasabi kung kanino po ako magtatrabaho, nag-apply na po ako," pagpapatuloy niya saka siya nameke ng ngiti at napaiwas ng tingin.

"Mom and Dad hired you kasi hindi mo ako masyadong kilala, right?"

‘Nagsinungaling ako.’

"O-Opo," sagot niya saka siya tumango.

"Life must be tough, kaya ka narito," wika ni Brett.

Hindi naman mapakali si Thyra dahil hindi siya sanay sa ganoon.

"Hindi naman po masyadong mahirap. May pangangailangan lang," sabi niya.

"What's the difference?"

"Kapag masyadong mahirap, 'yon 'yong to the point na wala po kaming makain, pero hindi naman po namin naranasan iyon. Sapat lang ang pera namin for every day expenses. Kaya naman po namin, kaso ayokong mahirapan si Papa, kaya nandito na po ako." Saka siya ngumiti.

"Enough with the chitchat, drink your medicine. And don't bother me while I'm working," saad ni Brett.

"Hindi naman—O-Opo," naputol agad ang sasabihin ni Thyra nang mapakunot-noo na naman ito sa kaniya.

"Sir?"

Kinatok ni Thyra ang pintuan sa kuwarto ni Brett nang hindi na niya ito mahintay na bumaba dahil alas-otso na ng gabi.

"Sir? Dinner na po."

Idinikit niya ang kaniyang tainga sa pintuan, ngunit wala siyang narinig.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at nakitang wala si Brett sa kaniyang kama.

Naglakad din siya patungo sa balcony, ngunit wala rin siya roon.

Nakaramdam ng kaba si Thyra dahil hindi niya ito makita.

"Sir? Sir, nasaan po kayo?" Malakas na sambit niya.

"Hey."

Napakunot-noo naman si Thyra nang marinig ang boses nito.

Luminga-linga siya at nakita niyang nakabukas ang pinto ng banyo kaya nanlaki ang mga mata niya.

Agad siyang tumalikod upang hindi makita ang katawan ni Brett nang sumilip iyon.

"Why the hell are you here?"

"N-Nakapagluto na po kasi ako. Akala ko ay—"

"Akala mo ay nawawala ako? I will not be lost in my own house," pamumutol naman nito sa sasabihin niya.

Napapikit naman si Thyra at napakagat sa pang-ibabang labi niya.

"Pass me the towel and get out," utos ni Brett.

‘Kung anu-ano na lang ang nangyayari sa'kin dito.’

Mabilis niyang kinuha ang towel na nasa kama at lumapit sa banyo.

Umiwas siya ng tingin nang makalapit siya at iniabot iyon.

Aksidenteng nahawakan ni Brett ang kaniyang kamay kaya napalingon siya.

Hindi niya alam ang gagawin nang makita ang malaking katawan ni Brett. Tumutulo pa ang tubig sa dibdib nito patungo sa kaniyang abs.

"What the hell!" Sambit ni Brett nang mabitawan ni Thyra ang towel. Lumabas si Brett na walang saplot kaya malakas na tili ang pinakawalan ni Thyra saka sila nagkatinginan.

Mabilis na binalot ni Brett ng towel ang kaniyang ibabang parte ng katawan saka lumapit kay Thyra na gulat na gulat pa rin.

Tumalikod si Thyra ngunit hindi pa rin siya tumatahimik kaya hinatak siya ni Brett at tinakpan nito ang kaniyang bibig.

"Shut up, idiot. Ang sakit mo sa tainga. Your clumsiness brought us to this situation," wika ni Brett at halatang naiinis sa ginawa niya.

Nanlaki ang mga mata ni Thyra nang maramdaman ang basang katawan ni Brett sa kaniyang likuran, kaya ilang beses siyang huminga nang malalim.

"Get out!"

Itinulak ni Brett si Thyra kaya agad naman siyang tumakbo palabas doon.

"Manyak," wika ni Thyra nang makalabas siya at hinawakan ang kaniyang sarili.

"Ilang araw na akong puyat, imbes na matulog ako nang maaga," sambit ni Thyra saka napahilamos sa kaniyang mukha.

"Hey, pervert!"

Nabitawan ni Thyra ang hawak niyang pamunas habang naglilinis sa sala nang tawagin siya ni Brett.

Agad niya iyong pinulot at tumingin kay Brett na pababa sa hagdan.

"Ano'ng—"

"I'm going somewhere," pamumutol ni Brett sa sasabihin niya habang inaayos ang hem ng kaniyang long sleeves polo.

Nabigla naman si Thyra at napatingin sa kaniyang sarili.

"Sir, nakasuot po ako ng uniform," sambit niya saka hinawakan ang kaniyang suot.

"Who said I was going to take you with me?" Seryosong wika ni Brett at lumapit sa gawi niya.

Napaawang naman ang bibig ni Thyra dahil sa pagkapahiya.

"What? Do you want to come along?" Tanong nito sa kaniya.

Mabilis namang umiling si Thyra.

"Hindi po."

"Good. My nephew will come later. Assist him while I'm gone," paalala ni Brett saka kinuha ang kaniyang bag sa sofa.

"Sige po."

Huminga naman nang malalim si Thyra nang tumalikod na ito.

"And also," pahabol ni Brett.

Napatingin naman agad si Thyra.

"Are you even focusing?"

"Po?"

"Why is the vase on the floor and the pillow on top of the cabinet? Para kang nawawala sa sarili mo. Epekto ba 'yan ng pagkakapalo sa ulo mo?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra at napatingin doon. Napakagat siya sa kaniyang labi nang makita ang kaniyang ginawa. Agad niya ring inayos ang mga iyon saka tumingin sa gawi ni Brett.

"Go back to your senses. You seem confident before, and now, ilang araw ka nang lutang," kunot-noong sabi ni Brett.

"S-Sir, marami lang po kasing nangyayari," mahinang sagot niya saka siya napalunok nang ma-realize ang sinabi.

"That's not it. You're just fantasizing."

Napaawang naman ang bibig ni Thyra, ngunit agad niya rin iyong itinikom.

"Sino naman po ang pagpapantasyahan ko?" Hindi niya napigilan ang sariling itanong iyon.

"I don't know? Maybe that person you talk to on your phone sometimes?"

Mas lalong hindi makapaniwala si Thyra sa narinig niya, at nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Yuck! I mean, bakit ko naman pagpapantasyahan si Z—"

"Or is it me?"

Bigla naman siyang nailang.

"B-Bakit...Bakit naman a-ano—"

"Focus on your work. I'll get going," paalam ni Brett saka umalis.

Naiwan namang nakatulala si Thyra.

"Hindi na tama ang nangyayari sa'kin. Hindi ito ang normal na Thyra Haze."

Habang nagtutupi ng damit si Thyra mula sa kaniyang kuwarto ay nakarinig siya ng busina mula sa baba.

Nagmadali siyang bumaba at napalunok nang makitang ibang sasakyan ang nasa harapan ng gate.

‘Ito na siguro ang pamangkin ni Sir Brett.’

Binuksan niya ang gate at hinintay na makapasok ang sasakyan.

Inayos niya ang kaniyang sarili at ngumiti habang hinihintay na bumaba ang pamangkin ni Brett.

"Thyra?"

Biglang nawala ang ngiti ni Thyra at nanlaki ang kaniyang mga mata. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Napalunok siya at hindi inasahan ang taong bumaba mula sa sasakyan.

"Z-Zane?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   FINALE

    Nanlaki ang mga mata nila nang humandusay si Hilary."M-Mommy!" Sigaw ni Laureen at napatakbo ito palapit sa kaniyang ina.Hindi alam ni Thyra kung hahawakan niya ito o hindi dahil may dugo itong lumalabas mula sa kaniya. Nanghihina ang kaniyang tuhod at hindi makapaniwala sa nasaksihan.Dumudugo ang tiyan nito matapos tumagos ang bala mula sa kaniyang likuran patungo sa gilid ng kaniyang tiyan.Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig nang makita kung sino ang bumaril."T-Tito?" Gulat na sambit ni Brett dahil hindi na makapagsalita sa gulat si Thyra.Nakatayo si Thyrone malapit sa pintuan at hawak nito ang isang baril. May tungkod pa rin ito at walang bahid sa mukha nito ang pagsisisi sa ginawa niya."Hayop ka, Hilary. Masama ka talagang tao. Pati anak ko, idadamay mo sa pagiging demonyo mo," malumanay at seryosong wika nito.Napalingon sila sa kaniya at masama na agad ang tingin ni Laureen.Nagpunas ng luha si Laureen saka tumayo at patakbong lumapit kay Thyrone.Nanlaki ang mga mata ni

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 87

    Napalunok si Thyra at hindi pa rin mawala ang paningin kina Hilary at Bettina. Naguguluhan siya kung ano'ng nangyayari. Kung ano ba ang plano ng kaniyang ina kay Bettina, at kung may plano rin ba ito kay Bettina.Huminto si Hilary sa pagtawa at huminga nang malalim saka umiling-iling habang nakangiti."You should have seen yourself, Thyra," wika nito.Nakakunot-noo pa rin siya."B-Bakit, M-Mama? H-Hindi ko maintindihan."Tila bumara sa kaniyang lalamunan ang salitang 'Mama' dahil sa kaniyang nakikita.Humakbang ng dalawang beses si Hilary kaya hinawakan ni Brett ang kamay ni Thyra. Ramdam naman nito ang pamamawis at panginginig ng palad ni Thyra.Tulad ni Thyra ay naguguluhan din si Brett, ngunit nilalakasan niya ang kaniyang loob para sa kaniyang girlfriend at kaniyang parents."Do you know how long I've been waiting for this? Na makita kita, at bonus na lang na kasama mo ang mga Forteluna," sabi ni Hilary at bigla itong sumeryoso.Biglang nanghina ang mga tuhod ni Thyra at muntik n

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 86

    "B-Brett. Oh my God," mahinang sambit ni Thyra saka tumulo ang kaniyang luha. Napatakip siya sa kaniyang bibig."Why? What happened? May problema—"Hinawakan agad ni Thyra ang kamay nito at nanginginig na hinatak."Where are you going?" Takang tanong ni Benjamin."S-Sorry po. Pero mauuna na po muna kami. Mag-usap na lang po tayo sa susunod. K-Kung makita niyo po si Bettina, sabihan niyo po kami," mabilis at natatarantang sambit niya.Magsasalita pa sana sila ngunit patakbo nang hinatak ni Thyra si Brett patungo sa sarili niyang sasakyan."Why? Ano'ng nangyayari?" Kunot-noong tanong ni Brett nang maikabit nito ang kaniyang seatbelt.Sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang mga luha saka pinaandar ang kaniyang sasakyan."N-Nawawala raw si Thrina. Kailangan natin siyang mahanap, b-baka may ginawa na si Bettina sa kaniya. A-Ayokong mangialam ang parents mo dahil marami pa silang hindi alam," natatarantang sagot ni Thyra saka pinaharurot ang sasakyan."What? Fuck it!" Bulalas ni Brett.Wala nam

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 85.2

    Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig at bumilis ang tibok ng kaniyang puso."G-Grabe naman si Anthony," komento niya habang nakatingin sa sasakyan nito.Agad na bumaba si Anthony sa kaniyang sasakyan at lumapit sa lalake.Napalunok si Thyra at bumaba na rin siya.May mga sugat ang lalake at nahihirapan din itong gumalaw at tumayo.Nanginginig siyang lumapit, at mas lalong kinabahan nang mabilis na hawakan ni Anthony ang lalake sa kuwelyo nito at iniangat ito nang walang kahirap-hirap."A-Anthony, baka mamatay naman 'yan," pigil niya."You better answer us, and you better not be quiet," banta ni Anthony sa lalake at hindi pinakinggan si Thyra.Napaubo ang lalake at duguan ang noo nitong tumingin kay Anthony. Nakasuot ito ng facemask na itim.Humakbang naman palapit si Thyra at mabilis na hinablot ang facemask nito.Kumpirmadong ang boyfriend nga iyon ni Bettina."Nahuli ka rin namin," kunot-noong sambit ni Thyra.Napangisi naman ito kahit halatang nasasaktan sa posisyon niya.Napada*ng

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 85.1

    "What? Why are you so shocked? Akala ko ba ay alam mo na?" Nakangising tanong ni Bettina.Mas lalong nakaramdam ng kaba si Thyra nang makitang may baril sa tabi nito.Siguradong mamamatay siya kapag may masabi siyang masama dahil wala siyang kalaban-laban."A-Ano'ng kailangan mo sa akin? Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo kay Felip?" Tanong niya saka ito sinamaan ng tingin.Natawa naman si Bettina."What I want to happen is simple, Thyra. I just need your cooperation."Napalunok siya sa narinig at hindi makapagsalita.Sumeryoso si Bettina at umayos ng upo."Get out of here and get your whole family away. Nasira lang naman ang mga plano ko noong ipinakilala mo ang bastarda mong anak. I'm ready to buy your business, as long as you're gone. At huwag na huwag ka nang magpapakita kay Brett at kina Dad.""A-At kung hindi ako papayag—""Something bad will happen to you, and your family, especially to Thrina," pamumutol nito sa sasabihin niya.Napaawang ang bibig ni Thyra at sumikip ang

  • RECLAIMING THE BILLIONAIRE'S EX-LOVER   CHAPTER 84

    "N-Nasaan siya? Where's Brett?" Natatarantang tanong ni Thyra kay Anthony nang makasalubong niya ito sa hallway ng hospital. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha."He's inside. Kasama niya sina Tita, Tito, Thrina and Tito Thyrone. He is still conscious, but he says he feels dizzy. Nauntog kasi siya," turo ni Anthony sa isang room doon.Napakagat-labi siya saka nagmadaling pumasok sa loob.Naabutan niyang umiiyak si Thrina habang hinahaplos ni Brett ang ulo nito.Umagos ang luha sa kaniyang mga pisngi nang makita niyang may mga gasgas sa katawan nito.Malapit nang maghilom ang sugat sa kaniyang tagiliran, ngunit nadagdagan na naman iyon."B-Brett," namamaos na sambit ni Thyra.Napatingin ito sa kaniya at matamlay na ngumiti."No. Don't cry. I told you, hindi ako basta-basta mamamatay," pabirong sabi nito.Patakbong lumapit si Thyra at niyakap si Brett. Nakatingin naman sa kanilang dalawa si Thrina at tumahan ito sa pag-iyak."Stop crying, love," mahinang saad ni Brett saka pinu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status