[Narrator]
Ito ang unang araw ni Klio bilang assistant ni Bria. Pagpasok pa lang niya ng building ay narinig na agad niya ang usapan ng dalawang babae sa reception area.
"Grabe nu! Akala ko pa naman ang taas ng standard ni Ms. Brixton. Diba ilang assistant na ang hindi nakatagal sa kanya sa taas ng expectations niya so bakit ang isang tulad ng babaeng yun ang tinanggap niya."
"Oo nga friend at ayon pa sa source ko di hamak na qualified daw ung tatlo kaysa duon sa na hire ni wala nga daw experience sa pagiging assistant. Ano may kapit ba yon sa taas??"
"Oh baka naman may something sa kanila!! Aha!!"
[Klio POV]
Maaga akong naghanda sa pagpasok. Akala ko sapat na ang may laman ang tyan at presantable. Hindi pala trabaho ko ang dapat kong pinaghahandaan kundi ang mga salitang maririnig ko sa paligid.
Bumungad agad sa akin ang usapan ng dalawa sa reception area patungkol sa akin kaya hindi ko tuloy alam kung magsasalita pa ba ako at ipapaalam na ako yung bagong hire or magpapatay malisya na wala akong narinig.
"Excuse me po.." singit ko sa dalawa.
"Ai sorry Ms. hindi ka namin napansin. San floor ka?" plastic na tanong nito.
"Sa office po ni Ms. Brixton.." tipid kong sagot.
"Ohhh.. Wag mong sabihing ikaw yung bagong assistant??" gulat na tanong ng isa niyang kasama. Ang gagaling talaga nilang magpanggap.
Tumango na lang ako bilang sagot. Ikinukundisyon ko pa din ang sarili ko sa mga narinig ko kanina.. Hindi pa man din ako nakakapag simula nahusgahan na agad ako.
Ito talaga ang gusto ni Bria na danasin ko. I know she knew it will happened. Hindi naman kasi ako nakatapos ng pag aaral at walang experience sa pagiging assistant. Nung mamatay sila mama at papa nasa 4th year college na ako pero dahil marami akong bagsak ay hindi ako grumaduate.
Wala akong pera para magtake ng summer class. Nagising na lang ako isang araw na wala na ang mga magulang ko at mahirap pa pala kami sa daga. Wala akong choice kundi ang maghanap ng trabaho agad dahil wala kong bahay na matutuluyan. Pati ang mansion namin ay kinuha ng bangko sa dami ng utang ni papa.
Maswerte ako at tinanggap ako ni Tiya Lingga sa bahay nila. Madalas sa fastfood ako napupunta o sa mga mababang uri ng trabaho pero marangal. Dahil sa contractual lang ay palipat lipat ako. Hanggang sa itong mga nakaraang buwan ay nahirapan ako mag hanap ng bagong mapapasukan. Nagsimulang uminit uli ang ulo ni Tiya Lingga sakin.
[Bria Brixton POV]
Buong gabi akong hindi nakatulog sa muling pagkikita namin ni Klio. Hindi ko akalain na magkikita kaming muli at ganoong paraan pa. Ngayon ako ang mas lamang kaya gagamitin ko yon para iparanas sa kanya ang pinaramdam niya sakin 10 years ago.
Fresh pa din sa utak ko lahat ng mga kaganapan ng araw na yon. Bawat salitang binitawan niya ay malinaw pa din sa utak ko. Ito ang araw na pinaka hihintay ko ang makita siyang nahihirapan.
Pagpasok ko pa lang ng company ko binati agad ako ng dalawa sa reception. I know they are talking about something. Sanay na sanay na ako sa mga tao rito. Hindi sila napapagod maging marites. Hindi pa man din ako nakakalayo ay bumalik sila sa topic. Narinig ko ang usapan nila tungkol sa bagong hire kong assistant. Hinayaan ko lang sila mag usap hanggang iluwa si Klio ng glass door.
Sa lakas ng bunganga ng dalawa palagay ko narinig din niya ang mga usapan ng mga ito. Umpisa pa lang ito at tignan natin kung hanggang saan ang kaya niyang sikmurain at lunukin para sa trabahong ito.
I'm not the type of boss na papagitna sa bawat nangyayari sa loob ng company ko. I don't care anuman ang pag usapan nila, anuman ang gawin nila as long as hindi physical, I don't care kung magkaroon ang relasyon ang bawat isa sa kapwa nila empleyado dito.
What matter to me is the sales and performance of my company. Basta maayos ang trabaho nila sakin they can do whatever they want. I don't mind other people's lives.
Sinadya kong antayin si Klio matapos siya kausapin ng dalawang marites. I walk slowly papunta ng elevator, pretending I did not see her. Maganda pa din talaga siya gaya ng dati kahit sa simpleng suot na lang niya ngayon. She use to wear expensive clothes before. Kapag nag mamall kami lahat ng suot niya may brand at nasa trend. Hindi siya pakakabog sa lahat kaya nga maraming gusto siyang maging kaibigan at ang mga lalaki gusto siyang maging girlfriend pero ako ang pinili niyang makasama that time.
We became best friends and that was the happiest moment in my life. Bigla na lang niya ako pinagtanggol sa mga bully sa campus. Tapos simula nun lagi na kaming magkasama until I felt falling in love sa kanya. Ako tong si tanga umasa na parehas kami ng nararamdaman because she never entertain boys. Late na ng malaman kong naging sila ni Devin.
I had thought she have something towards me too. Nagmukha akong tanga.. Not because I found she's not into girls but because of the humiliation she did to me. Pati ang pagkakakilala ko sa kanya ay sinira niya.
It's easier to be busted rather than to know that the person you think accepts who you are, is lied to. Para niya akong sinampal ng magkabilaan. She breaks my heart and ruins the first friendship I have ever had. Siya lang ang naging kaibigan ko since birth dahil sa pagiging introvert ko at nerd. The way they look at me as if I'm the ugliest among the ugly.
She could just say it na hindi niya ako gusto as a lover pero bakit pati ang pagkakaibigan namin ay isang kasinungalingan lang din pala.. Dobleng sakit yon para sa'ken kaya lumipat agad ako ng school, ng bahay. I went abroad with my family at doon ako nag aral.
Akala ko sa paglipas ng panahon I already move on, forget about it and forgive her too. Yun kasi ang sabi nila para makamove forward kailangan mong magpatawad. I thought I'm brave to do the same thing until I saw her again.
Narealize kong hindi ako nagpatawad kundi kinalimutan ko lang pansamantala ang lahat. Ngayon na nagkita kami bumalik lahat ng nangyari kasama ng lahat ng sakit na pinaramdam niya sakin.
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo