Pagmulat ng mga mata ko kasabay din nun ang pagtatapos ng magandang panaginip. Nasa loob na ako ng isang pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang aking paningin ngunit mag isa lang talaga ako. Nakaramdam ako ng pagkadismaya ng hindi siya mahagilap. Ilan sandali pa ay bumukas ang pinto. Panandalian lamang akong nasabik. "Ate Klio anong nangyari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Trixie. Masaya akong makita siya pero iba ang inaasahan ng puso ko. Bakit wala si Bria. Napatagal ba ang tulog ko kaya nainip na siya. "Ate Klio nagkaroon ka ba ng amnesia? Nakalimutan mo bang bawal ka sa sea food?! Bakit mo naman nilantakan ang kamatayan?!" "Ate Klio!" Bulyaw nito ng walang makuhang sagot sakin. "Mahabang kwento, Trixie pero okay naman na ako. Huminahon ka na.." "May kasama ba ako ng dumating ka, Trixie? Paano mo nalaman na andito ako?" Gusto kong makarinig ng kahit anong tungkol kay Bria at umaasa akong makukuha iyon kay Trixie. "Tumawag ang hospital sakin kaya nagmadali agad ako..." "Sinabi mo
"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka nagkukwento ate Klio.." Salubong ni Trixie ng nasa kwarto na kami. "Si Bria ang may ari ng kumpanyang pinagtatrabauhan ko Trixie.." Pagsisimula ko. "Kaya ka ba duon nag apply??" "Hindi no!" Maagap kong sagot ng mapagtanto ang nasa isip niya. "So destiny nga ang nagtagpo sa inyo kung ganun.. At wag ka ate Klio kapag ito ang pumagitna sa inyong dalawa, tiyak wala na kayong kawala..." Hindi ko agad naintindihan ang mga sinasabi nito o baka naman ayoko lang intindihan para hindi na ako umasa simula pa lang. "Hindi niya ni minsan nalaman na may gusto ka sa kanya diba?" Dahil sa tanong niya muli kong binalikan ang nakaraan. FLASHBACK>>> "Guys andito nanaman si Betty La fea, sinisira ang maganda nating umaga.." Gaya ng dati may bago nanamang apple of the eye si Devin. Hindi talaga nawawala sa mundo ang mga taong katulad niya. Walang magawa at kulang sa pagmamahal. "Hoy Devin! Tigilan mo nga si Bria kung ayaw mong isumbong kita sa Dean!" Magkahal
[BRIA POV]"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Klio pagpasok namin ng opisina ko. Magkasunuran lang kaming dumating kaya sabay na kaming pumasok ng elevator sa lobby. "Okay, na ko.." Tugon nito, nakayuko. "Next time wag kang magpakitang gilas, Klio. Hindi nakakadagdag kundi nakakabawas ng abilidad ng isang tao..Anyway, all the expenses from the hospital, even the medicines, will be deducted from your salary. Company is nothing to do with it dahil hindi ko naman sinabing kainin mo ang bawal sayo para matuwa ang client. You don't have to do that... I can close the deal without impressing him.""Okay, po Ms. Brixton.. Sorry, po." That's the better answer but I didn't expect na tatanggapin lang niya lahat ng sinabi ko at hindi man lang nagbigay ng dahilan. Knowing Klio from the past kahit mahina ang utak nito, palaban siya sa lahat at hindi patatalo but given I'm her boss perhaps that's the reason hindi na siya nakipag talo pa."You have a meeting today po kay Mr. Dokgo." Porm
"In my office, Ms. Krixton.." Muntik na akong mahulog sa upuan ko ng marinig ang boses ni Bria. Bakit mukha siyang galit? May nagawa nanaman ba akong mali? Mabilis akong nagtungo sa opisina niya. Lumunok at huminga muna ng malalim bago ako pumasok sa loob. "Bakit mo yun ginawa?" Sana kinukumpleto niya ang sentence niya dahil hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Anong ginawa ko? "Ano pong sinasabi nyo?" Alangan kong tanong. "Fine! Perhaps ginagawa mo lang ang trabaho mo at yun naman dapat.. Get out now!" Tahasang pahayag nito. Muling kumunot ang noo ko. "Ano nanaman problema ng boss mo?" Usisa ni Yumi ng makabalik ako ng desk ko. "Tanungin mo siya kasi ako diko alam.." Yamot kong tugon. "Ito naman pati ako dinadamay... Gurl boss mo lang ang mainit ang ulo hindi pati ikaw iinit na din. Palagay ko trip ka nun.." Ismid nito. "Trip? Ano trip niya kong pagtripan?" Taas kilay kong sagot. Magkakasundo talaga kami ng babaeng ito dahil nasasakyan niya ang ugali ko. "Hindi yun
"Wala kasi akong isusuot Ms. Brixton.." Muli akong napaisip kung anu nga bang nangyari sa kanya in the past 10 years at bumaliktad ang mundo nito. Bakit siya naghirap at sino ang babaeng yun na nilagay niya sa emergency contact. Trixie Ellis."Kaya tayo aalis Ms. Krixton para bumili ng isusuot mo.. Ayokong mapahiya sa mga business partner ko at isipin nilang sa tabi tabi ko lang nahire ang assistant ko. Can we go now? Dahil mamayang gabi may lakad pa tayo.." "Mamayang gabi po?" Ngitlag nito. "Yeah.. Hindi mo ba nakita ang kontrata? Bilang assistant ko trabaho mong samahan ako kapag kailangan ko, Ms Krixton. Hindi mo ba ito binasa? You have the same contract with all my past assistants at hindi sila nakatagal.." I lied.. Wala naman nakasulat na ganun sa kontrata niya. I doubt magkaroon siya ng duda at hanapin ang kopya niya ng kontrata. Binilin ko kay Fionna na papirmahin lang siya pero wag ito bibigyan ng kopya. Kabisado ko na si Klio, hindi siya mag aatubiling basahin pa iyon.
[KLIO POV]"Good afternoon, po Ms. Brixton.." Bati ng mga staff ng mall sa entrance pa lang. Sa kanya din ba ang establishment na to.. Sobrang yaman na talaga niya. Hindi man lang tumugon si Bria maski isa sa mga bumabati sa kanya. Patuloy lang to sa paglalakad at ganun din naman ang pagsunod ko sa kanya. Grabe namiss ko din ang mag shopping. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling pasok ko sa mall. Ang laki na talaga ng pinagbago ng buhay ko. Kung dati rati halos twice a week ako kung mamili at mga branded na gamit pa. Sunod ako sa luho pagdating kay Dad. Mabuti siyang ama kahit pa hindi niya tanggap ang buong pagkatao ko masasabi ko namang binusog niya ako sa pagmamahal not only in material things. Nagsimulang magbago si Dad sakin ng mabasa niya ang diary ko. Para siyang ibang tao na sinampal ako sa mukha pagka uwi ko pa lang. Sa phone pa lang binantaan niya na akong sisirain ang buhay ni Bria kung hindi ko titigilan ang kalokohan ko. Kaya nung araw na magtapat si Bria, napi
[NARRATOR]Matapos makabili ni Bria ng isusuot ni Klio para sa party, isinama niya ito sa bar. Ito ang unang pagkakataon ni Klio sa ganoong lugar. Wala itong naging imik at sunod sunuran lang kay Bria kahit saan mag punta. "Ms. Brixton mukhang madami na po kayong naiinom. Tama na ho siguro yan.. Tara na hong umuwi." "Sino ba ang boss? Hindi ba ako? Sasabihin ko sayo kapag uuwi na tayo.. Gusto mong uminom?" Alok nito. "Hindi po ako umiinom.." Tanggi ni Klio. "Oh come on! Wag kang OA, Klio.." Singhal nito. Halatang nakakarami na ng inom sa dating ng boses niya. "Hindi po talaga ako umiinom.. Sorry po.." "Nevermind.." Sambit nito. Isang babae ang lumapit at tumabi kay Bria. Hindi maiwasang mapatingin ni Klio sa dalawa lalo na ng makita niya ang pag galaw ng kamay ni Bria papunta sa hita ng babae. "Umuwi na ho tayo, Ms. Bria.. Gabi na ho.. Maaga pa ho ako bukas.." Inis na banat ni Klio. Hindi dahil sa may pasok pa siya kinabukasan kundi sa nararamdaman niyang yamot sa nakikita. N
[KLIO KRIXTON]Naiinis ako dahil anong oras na pero tila nananadya siya at inalok pa ako ng kung anu ano. Hindi ba siya makaramdam na mas gusto kong makatulog na??"Okay lang po ako Ms. Brixton.. Hindi naman po ako gutom.." Alangan kong tanong sa kanya sabay tingin sa relo ko para mapansin niyang uwing uwi na ako. "Dito ka na matulog, Klio. Malaki naman ang kama ko.." Ha?? Ano daw?? Tama ba ang dinig ko? O may sira na ang tenga ko?? Bakit dito niya ako patutulugin? At ano??? Malaki ang KAMA NIYA?? Anong ibig niyang sabihin?? Magtatabi kami? Anong binabalak ng babaeng ito?? Part ba to ng pagpapahirap sakin?? "Hindi po.. Nakakahiya at isa pa baka hanapin po ako ng Tiya ko.." Alangan kong tugon sa kanya. Hindi ako masyado makatingin dahil baka mahalata niya ang pamumula ng mukha ko. Nasabi kong namumula ito kasi nakakaramdam ako ng init sa katawan dahil sa mga sinasabi niya. Bigla bigla naman ata na parang nag iiba siya???!!"No! I insist.. Umaga na para umuwi.. Don't worry we can c