Share

CHAPTER 8: CABIN

Author: Ellie Gim
last update Last Updated: 2023-10-17 08:36:45

***Justine POV***

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Nakatayo lang ako sa gitna ng kwarto, parang humiwalay pati kaluluwa ko sa gulat. Nanigas pati dila ko, at wala akong maibuga kahit isang matinong salita.

Tatlong buwan na ang lumipas mula noong isinuko ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko man lang nakilala dahil lang sa kalasingan. At ngayon... eto na siya sa harap ko?

“Hindi ako makapaniwalang kaharap ko ngayon ang nagwasak ng kepyas ko!” sigaw ng isip kong may halong kapilyahan. At kung sinuswerte nga naman ako, eh eto pa talaga siya?

Dahan-dahan kong kinapa ang singsing na suot ko sa kwintas. Ang singsing na iniwan nya sa akin—na tinuring kong parang bayad sa "nangyari."

“W-wala akong alam sa sinasabi mo…” bulong ko, halos hindi ko naramdaman ang sariling boses.

“Oh come on. Alam kong ikaw ‘yung babae.” Lumapit siya sa akin, may ningning ng panunukso sa mga mata. “O gusto mo ipaalala ko pa sa’yo ang mga ginawa natin?”

Napalunok ako.

“Kung paano mong isinigaw ang pangalan ko habang inihahatid kita sa ikalawang langit…” bulong niya sa mismong tainga ko. Dumikit ang labi niya sa balat ko—at parang tinadyakan ang puso ko sa kaba at kiliti.

Lumingon ako para sana magprotesta, pero hindi ko na nagawa.

Sinunggaban niya ako ng halik. Marubdob. Mapang-angkin.

Gusto ko syang itulak palayo, “Mali eto! Andito ako para magtrabaho!” Ngunit tila nalusaw ng halik nito ang lahat ng aking protesta sa isip.

Naramdaman kong inangat niya ako mula sa sahig, at halos awtomatiko na lang na pumulupot ang mga hita ko sa kanyang beywang. Parang may sariling isip ang katawan ko.

“Bahala na!” sigaw ng isip nya, dahil muli, darang na darang sya sa pinapalasap sa kanya ng lalaki. 

Mula sa balcony ay mabilis kaming pumasok sa isang silid. Isinandal niya ako sa dingding, at ang mga labi niya ay parang naglalakbay sa leeg ko—mainit, sabik, walang pasintabi. Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko, umaakyat, lumalapit sa gitna ng pagkababae ko. Napasinghap ako.

“Richel…” daing ko, paos ang tinig ko.

Hindi siya sumagot. Ungol lang ang narinig ko mula sa kanya, at ang katawan namin ay parang awtomatikong nagsanib. Hindi ko na alam kung paano kami naghubad, basta ang natatandaan ko, sabay kaming nawala sa rasyonal. Parang sumasayaw ang mga katawan namin sa tugtog na kami lang ang nakakarinig. Hanggang sa… sabay naming narating ang tuktok.

KINABUKASAN - TANGHALI NA

Nagising ako ng halos tanghali na. Hindi ko na maalala kung paano ako nakabalik sa kwarto ko. Napangiti ako habang naaalala ang nangyari kagabi—ang bawat halik, bawat haplos, bawat daing ni Richel.

“Ang rupok mo talaga, Justina! Hindi ka na nagtanda kakakilala mo pa lang, wala pang bente kwatro oras kayong nagkita ibinigay mo na naman ang bandera!” kastigo nya sa sarili, Nawawala ako sa sarili kong katwiran kapag andyan na sya sa harapan ko, nawawalan ako ng tapang. Hindi ko maiwasang maalala kung paano kami nagkatagpo ni Richel.

———FLASHBACK ———

Wala akong ibang gustong gawin nang gabing ‘yon kundi ang takasan ang sakit.

Kasama ko sina Jill, Marian, at Celine sa isang mamahaling club—courtesy, of course, ni Marian, ang reyna ng spontaneous gimmick nights. Para sa kanya, isang normal na gabi lang ito. Pero para sa akin, isang desperadong pagtatangkang limutin ang katotohanang kinalimutan na ako ng tatay ko—hindi man sa pisikal na anyo, pero sa emosyon, sa presensya, sa lahat ng paraan na mahalaga. Mula nang magpakasal siya ulit, parang hindi na ako bahagi ng buhay niya. Wala siyang anak sa bago niyang asawa, pero parang ako ang kailangang kalimutan.

“Cheers!” sigaw ni Celine habang iniabot sa akin ang isang baso ng alak.

Ngumiti ako, pilit. Ika-second round pa lang, pero ramdam ko na ang init sa pisngi ko. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako palainom. Pero ngayon… ngayon, gusto kong malasing. Gusto kong mawala.

Habang nagkakasayahan ang mga kaibigan ko sa dance floor, tumayo ako at nagpaalam.

“CR lang ako,” sabi ko sabay ngiti.

Tumango sila, abala sa pagsayaw. Lumakad ako palayo, iniinda ang bigat ng iniinom ko at ng damdamin ko.

Pagkalabas ko ng restroom, dalawang lalaki ang sumalubong sa akin. Mga hindi pamilyar ang mukha—at sa ayos nilang parang laging nasa gym, halata ang intensyon.

“Miss, samahan mo naman kami. Gabi pa, sayang ‘yung oras,” sabi ng isa.

“Mga panget na ‘to,” bulong ko sa sarili, pilit pinapakalma ang sarili.

“Excuse me!, may kasama ako,” sagot ko, pero pilit pa rin silang lumalapit.

Ramdam ko ang kaba. Hindi pa ako ganun kalasing. Mabilis akong lumayo at nagsimulang tumakbo—hindi ko na naisip kung saan. Basta makalayo lang. Hanggang sa narating ko ang parking lot.

Doon ko nakita ang isang itim na sasakyan na hindi naka-lock. Hindi ko na inisip kung kanino. Binuksan ko ang pinto at mabilis na sumuot sa loob. Mabango sa loob, may pagka-woody ang amoy, at malamig ang aircon kahit nakapatay ang makina. Huminga ako ng malalim.

Biglang bumukas ang kabilang pinto.

Napasinghap ako.

Sa liwanag mula sa ilaw ng poste, nakita ko ang isang lalaki—matangkad, maamo pero matapang ang porma ng mukha, at may mga matang tila kaya kang basahin. Parang eksena sa pelikula. Napatitig siya sa akin, kunot-noo sa una, pero agad ding lumambot ang ekspresyon.

“Loko ka talaga Jegs,” narinig kong bulong pa nito, habang pumapasok sa loob ng sasakyan at naupo sa tabi ko.

Ngumiti ako, nahiya pero hindi umatras. Parang akong namagneto. Kahit hindi ko siya kilala, hindi ako nakaramdam ng takot—bagkus, kakaibang kilig ang naramdadaman ko.

“I-I’m sorry. May humahabol kasi sa akin...” paliwanag ko.

Hindi siya sumagot. Dahan-dahan siyang lumapit, marahan, parang tinatantiya kung okay lang sakin, Nang yakapin niya ako—mainit ang kanyang bisig, mabango ang kanyang leeg—hindi ako tumutol.

Ang sumunod na mga sandali ay parang panaginip.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o sa matinding atraksyon na agad naming naramdaman sa isa’t isa. Pero sa mga gabing tulad ng gabing ‘yon, may mga desisyong hindi na inaabot ng utak. Ang katawan na lang ang humahatol. 

Mula sa yakap, humantong kami sa mas higit pa. Walang salita. Parang sinarili namin ang mundo sa loob ng sasakyan. Sa kanyang mga halik, nalimutan ko ang lahat ng sakit. Sa mga haplos niya, at sa bisig nya, naging ganap akong babae—hinangad, kahit sa isang iglap lang.

“My Massimo”

Bago siya tuluyang magpatalo sa antok, hinawakan niya ang aking kamay. Isinuot niya ang isang singsing sa daliri ko.

"Are you proposing?" tanung ko na may kasamang biro, ngunit umaasam.

Mahina etong napatawa

"Na-a, I don't believe in marriage besides pakalat kalat lang yan sa sasakyan ko, you can keep it as a remembrance" balewalang sambit nito.

———FLASHBACK ENDS———

Napahawak ako sa labi ko. Para bang nararamdaman ko pa rin ang marubdob niyang halik.

May kumatok.

Agad akong bumangon. Pagbukas ko ng pinto, si Richel agad ang bumungad—kasama ang isang staff na may dalang paper bag.

“Richel?” tanong ko, hindi maitago ang pagkabigla. 

“May I come in?” seryoso niyang tanong.

Tumango ako at binuksan nang mas malaki ang pinto. 

“Pakibaba na lang sa table,” utos niya sa staff bago ito tuluyang umalis.

“I have something for you,” sabi niya, at nang maiwan kaming dalawa, tila pareho kaming nagkailangan.

Napakli ako at napatikhim. Para mawala lang ang bara sa lalamunan ko.

Narinig ko ang bigat ng hininga niya.

“Come on. I brought something for you,” ulit niya.

Sabay kaming tumingin sa dala niya—iba’t ibang klase ng paint brush. Mamahalin ang hitsura. Halos mapatalon ako sa tuwa.

“Wow! I love it!”

“I know you will,” sabi niya habang may hinugot pa siyang isa pa mula sa likod niya.

Isang lumang paint brush. Pudpod na ang dulo. Nakilala ko agad iyon.

Napatawa ako.

“Where did you get that?”

“At the resort in Batangas,” sagot niya.

Nanlaki ang mata ko. “Oh! I remember!” Naalala ko ‘yung pagkakabungguan namin noon.

Makalipas ang ilang sandali, maingat kong ibinalik sa paper bag ang mga dala nya at ipinatong sa ibabaw ng kama. Muli akong napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa suot kong manipis na pantulog, at agad naningkit ang mga mata.

“What are you wearing?” tanong niya, seryoso ang boses.

Tinignan ko ang sarili ko. Napakanipis nga ng suot ko, at bakat na bakat ang—

Yikes.

“Next time, don’t open the door while wearing that,” sabi niya, may halong pagkapossessive.

“Okay…” sagot ko, pilit na pinipigil ang kilig sa loob.

Mabilis akong nagpalit—puting blouse, maikling shorts, at flat sandals. Paglabas ko, agad niya akong sinipat mula ulo hanggang paa.

“Let’s go?” tanong ko.

Tila napabuntonghininga siya bago tumayo at hinawakan ang kamay ko. “Let’s go.”

“Saan tayo pupunta?”

“You’ll see,” sagot niya, sabay kindat.

“Nakakakilig,”

Pakiramdam ko'y pinagtitinginan kami ng mga tao—lalo na dahil sa kasama kong lalaki na gwapo at preskong-presko sa suot na puting t-shirt at shorts. Para siyang modelo kung maglakad, bawat hakbang may kumpiyansa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting pagmamalaki… na ako ang kasama niya.

Sumakay kami sa club car at bumiyahe papunta sa masukal na bahagi ng isla. Halos dalawampung minuto ang tinakbo namin bago dumating sa isang lugar na parang nakatago sa kalikasan.

Pagtigil namin sa harap ng isang glass-roof cabin, napahinto ako.

Mula sa mismong kinatatayuan ng cabin, tanaw ang malawak na karagatan at ang kabuuan ng resort na tila miniature sa malayo. Ang paligid ay napapalibutan ng matatayog na puno, habang ang simoy ng hangin ay may dalang halimuyak ng dagat at lupa.

“Wow…” bulalas ko. Para akong batang nakakita ng bahay sa panaginip. Ang bubong ay salamin, at pati dingding sa dagat—kaya't kahit saan ka tumingin, parang yakap ka ng kalikasan.

“You like it?” tanong niya habang nakasandal sa pintuan ng terrace.

“Yes!” sagot ko agad.

Lumapit siya sa likuran ko at niyakap ako, ipinatong ang baba niya sa balikat ko. Biglang uminit ang batok ko. Parang maririnig ng buong isla ang tibok ng puso ko.

“This is yours,” bulong niya.

Napatras ako, muntik pang matalisod.

What?! Ibabahay na ba nya ako?! Piping tanong ko sa sarili ko.

Napangiti si Richel.

“Relax. What I meant is—habang nagtatrabaho ka rito sa isla, ito ang magiging temporary housing mo. Company property ‘to. Ginagamit lang kapag may special staff o VIP. Since you’ll be coordinating directly with Lemar, mas convenient kung dito ka na tumuloy.”

“Oh…” bahagya akong napahiya sa sarili kong kalandian. Pero tinakpan ko ng ngiti.

“Yeah, r-right.”

Tumalikod eto at muling tumingin sa dagat. Tahimik lang.

Saglit siyang natahimik. Mula sa kinatatayuan, sinipat niyang muli ang lalaki. Mula sa likod, bakas ang lakas at awtoridad—ngunit may kung anong lungkot sa kanyang tindig na hindi niya maipaliwanag.

Itutuloy…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   SPECIAL CHAPTER 2

    =Justine=Ang araw ng binyag ni Emmanuel ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay namin —puno ng tuwa, halakhakan, at mga taong matagal ko nang hindi nakita. Simple lang ang handaan sa villa, pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat sulok—mula sa dekorasyong puti’t asul, hanggang sa mga upuang may palamuti ng baby’s breath at eucalyptus. Sa gitna ng kasiyahan, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang anak naming si Emmanuel, mahimbing sa bisig ng lola niyang si Donya Litecia, na para bang nabura na ang mga bakas ng nakaraan sa kanyang mukha. Ngayon, isa siyang lola na punung-puno ng pagmamahal.Nasa gitna ako ng pakikipagkuwentuhan sa isa sa mga kapitbahay namin nang mapansin kong may pamilyar na babaeng papalapit. Hawak nito ang maliit na bag, at may ngiti sa labi na parang walang panahon ang dumaan.“Ellie?” halos pabulong kong nasambit, habang bumilis ang tibok ng puso ko.“Justine!” sabay abot ng mahigpit na yakap. “Oh my God, ang tagal nating hindi nagkita! Last time? B

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   SPECIAL CHAPTER

    **Richel’s POV***Tahimik ang gabi sa villa. Sa labas, ang huni ng mga kuliglig at ang banayad na hampas ng alon ang tila musikang maririnig ng gabing yun. Pero sa loob ng aming kwarto, mas malakas pa sa hangin ang pintig ng aking puso. Hawak ko ang isang maliit na kahon– katulad ng kahon na nakita ko noon dati bago ang aking aksidente —ang pregnacy test. Nakita ko eto kanina sa banyo at halos mapaluha ako — dalawang linya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, pinaghalong kaba, saya at excitement. Pero isa lang ang sigurado ko: ngayong binigyan ulit kami ng pagkakataon, hindi ko na hahayaang maulit ang nakaraan. Ngayon, kasama na ako sa bawat hakbang. Hindi na siya mag-isa.Lumapit ako sa aming kama kung saan natutulog si Justine, hinaplos ko ang buhok niya, at marahan hinalikan ang kanyang noo.“Thank you... for this chance... to show you how much I truly love you.”Dahan-dahan etong nagmulat ng mata na may ngiti sa kanyang mga labi. “Bakit gising ka pa?” tanong niya sa inaantok

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   EPILOGUE 

    Makalipas ang dalawang buwan.Matapos ang pagbagsak ng pasilidad ni Don Rafael dahan-dahan ng naghihilom ang mga sugat ng nakaraan—ngunit hindi ang sugat sa puso ni Justine, nanatili sa kanyang alala ang eksena ng mga pangyayari na tila paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang diwa, gising man o tulog. Sa isang secured medical facility na pag-aari ni Nathan na hindi matatagpuan sa mapa, muling dumilat ang mga mata ni Richel Hermano.Puting kisame ang sumalubong sa kanya, tanging tunog ng heart monitor ang kanyang naririnig, At isang pamilyar na kamay ang nakahawak sa kanya—si Justine.“Richel…Naririnig mo ako?” mahina ang boses nito, nasa mga nito ang galak ng makita ang kanyang pagmulat, mahigit dalawang buwang walang kasiguraduhan na magigising sya.Ngunit ngayon—Bahagyang gumalaw si Richel, tumulo ang luha sa kanyang pisngi— dahil sa katotohanang buhay pa siya. Hindi siya naiwan sa ilalim ng yelo. Sa kanyang kaliwang pulso, nakakabit ang isang prototype nano-regeneration cuff.“I tol

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 72: SUB-ZERO

    Ilang oras nang nakaposisyon sa paligid ang pwersa ni Richel na naghihintay sa hudyat kung kelan kikilos, ang ally na una ng nakapasok sa loob, ngunit walang sinuman ang nakahalata sa kanyang presensya. Kasama si Justine at Rafa at ilang nilang tauhan, maayos silang pinapasok sa malawak na pasilidad ni Don Rafael na tila isang panauhin.Lumapit sila sa gitna ng pasilidad, diretsong humarap kay Don Rafael. Ang matanda, nakatayo sa kanyang opisina, nakangisi at may malamig na titig. “So… you finally come face to face with me,” ani Don Rafael, boses puno ng panlilinlang at tagumpay.“Give me the antidote!” wika ni Richel.“Uh-uh! Not too fast!” nakangising wika ng Don. “You want the antidote? Fine! But give me your fortune! All of it!” sabi nito sa ganid na boses.“I won’t give you what you want. Not the Hermano fortune,” galit na sambit ni Richel.Napuno ng galit ang mga mata ni Don Rafael. “You disappoint me, Richel. I gave you a chance… And this is how you repay me?”“I will not gi

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 71: FATHER & DAUGHTER

    Greenland Facility, Arctic ZoneSa loob ng isang yelong facility with futuristic design and technology, si Don Rafael ay tahimik na nakatayo sa gitna ng isang command center na may 360-degree holographic view ng Arctic.“Status?” tanong niya sa operator.“Subjects in transit. ETA: 41 minutes. Perimeter defenses are online.”“Good!” maiksing sagot nya. Bago lumakad papasok sa kanyang private chamber kung saan tanaw pa rin ang kabuuhan ng artic view. Ilang taon nyang pinaghandaan ang pasilidad na eto, inubos nya ang buong yaman nyang nakuha sa pamamagitan ng maduming laro ng buhay— pero ang kapalit naman nito ay ang pagtayo ng kanyang bagong imperyo mula sa mga Hermano.Binalot ng katahimikan ang kanyang private chamber, lumapit sya sa maliit na bar counter sa loob nito at nagsalin ng alak bago naupo sa isang itim na leather chair, hawak ang basong may mamahaling alak, habang pinagmamasdan ang kumikislap na data sa harap niya.“I knew you would come because by this time the serum has fin

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 70: THE FLIGHT PLAN

    Ang liwanag ng umaga ay halos hindi makalusot sa makakapal na ulap na bumabalot sa bundok. Sa loob ng safehouse, tila naging kainip-inip ang bawat pag daan ng oras.Si Richel ay tahimik na nakaupo sa tabi ni Justine, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lizzy na nilalaro ang kanyang stuffed bear sa isang sulok ng command room. Sa kabila ng lahat, larawan ng kaenosentehan ang kanilang anak, na tila walang problemang kinakaharap ang kanilang pamilya—isang bagay na handa nilang ipaglaban upang manatili protektado ang puso at isip nito."Nick, any word from the extraction team sa New York?" tanong ni Justine, di mapalagay ang mukha.Tumango si Nick. “Gabriel is in transit. We’re using a stealth jet from our allies in China, and he’ll be here within the next two hours.”Napabuntong-hininga si Justine. “We’ll finally see them together…”Hinawakan ni Richel ang kamay ni Justine.“Gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilyang eto,” bulong nya dito.Makalipas ang ilang oras.“He’s alm

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status