Home / Romance / RICHEL (CRAZY IN LOVE) / CHAPTER 7: MULING PAGTATAGPO

Share

CHAPTER 7: MULING PAGTATAGPO

Author: Ellie Gim
last update Last Updated: 2023-10-16 08:29:01

***Justine’s POV***

Nagkita kami sa lobby ni Lemar at lumabas ng resort papunta sa kabilang bahagi nito sakay ng club car.

"Bahagi pa rin ba eto ng resort? Ang ganda!" humahangang saad nya habang nakatingin sa paligid, nag-aagaw ang dilim at liwanag kaya kita ang ganda ng paligid sa kulay gintong langit.

"Hindi na, private part na eto, Hermano Villa. Family house eto ng mga Hermano."

"Ahh" tumatango-tangong sagot nya. Mula sa malayo kita nya ang isang magandang mansyon, malalaki ang haligi nito na tila hindi kayang yakapin ng isang tao lang. Sinalubong agad sila ng nakaputing kasambahay.

"Magandang gabi ser!" bati nito. sabay tingin sa kanya. "Magandang gabi po Ma'am" tila nahihiyang bati nito sa kanya. Napangiti naman sya.

"Magandang gabi manang," tanong ni Lemar sa matanda

"Kay ganda naman ng gelpren mo Ser" wika nito. Napatawa ng bahagya si Lemar bago lumapit sa matanda at may ibinulong. Tila nanlalaki naman ang mata ng matanda na parang gulat na gulat.

"Ah ganun po ba!" sabay takip ng bibig. na wika nito

"Si Richel po?" maya-maya at tanong ni Lemar habang pumapasok sila sa loob. Napansin nya na nakaaliwalas ng sala. May malalaking sofa at malalaking vase collection.

"Nasa taas po, teka po at tatawagin ko muna" paalam nito sa kanila bago tumalikod.

"Magandang gabi po Sir" bati sa kanila ng isang babaeng naka uniporme ng puti katulad ng kay manang, nakatingin eto sa kanya na tila ba naiilang, saglit na nabasa nya sa mga mata nito ang lungkot sabay baling ng tingin kay Lemar. Saglit lang at tumalikod na eto. Tumayo ang binata para sundan ang babae papunta sa lugar na hula nya ay kusina. Naiwan sya sa sala, inilabas nya ang kanyang cellphone at nagtipa, nalibang sya sa pinapanood kaya hindi nya napansin ang isang bulto na papalapit sa kanya. Nakakita sya ng dalawang dulo ng sapatos sa harapan nya kaya dahan dahan syang tumingala, para lang salubungin ng matiim na tingin ng lalaki, nanlalaki ang mata na napatitig sya dito, hindi sya pwedeng magkamali, “shit sya ang lalaki kumuha ng first kiss ko at – at..” hindi nya naituloy ang nasa isio dahil halos mapanganga sya sa pagkagulat!

"IKAW!?" gulat na tanong nya dito.

Nakatingin lang ang lalaki sa akin na tila ba kinakabisa ang bawat parte ng katawan ko. May halong inis na pinagcross ko ang aking dalawang kamay sa harap ng aking dibdib na hindi naman kalakihan. Nakita kong lumipat ang tingin nito dun bago kumunot ang noo.

"What-"

"Hey, Rich!” naputol ang sasabihin ni Richel ng pumasok si Lemar, nagpalipat-lipat ang tingin nya samin dalawa ni Richel.

"Oh No! Don't tell me magkakilala kayo?" maya-maya ay sabi nito habang nanlalaki ang mata.

"NO!

"YES!" halos magkasabay nilang sagot.

"Care to share?" napapantastikuhang sabi ni Lemar.

"Hindi kami magkakilala, nagkita lang kami sa Resort sa Batangas last time" mabilis na sagot ni Richel habang nakatingin sa akin.

Mabilis akong muling napatingin sa lalaki.

“What? Sya din yun? Holy cow!! Kapag minamalas ka ba naman!” sigaw ng isip nya.

Umiwas na lang ako ng tingin ngunit nasalubong ko ang nagtatanong na titig ng Lemar.

Isang kibit balikat ang sinagot ko Dito.

“Okay, by the way Justine si Richel, ang Cousin ko sya ang may-ari ng Hermanos, Richel si Justine" pakilala nito samin ngunit nanatiling tahimik kaming dalawa na tila walang balak magsalita, pinakiramdaman ko ang lalaki, Napasulyap ako Kay Lemar at Nakita ko sa mukha nito ang pagtataka.

Tila naman noon lang nag sink in sakin ang sinabi ng binata “Sya ang may-ari ng Hermano Resort, ibig sabihin sya ang boss ko!? OMG!” kausap nya sa sarili. Napakagat labi na lang sya.

Nang magbalik ang tingin nya kay Richel nakakunot ang noo nito, tumatayo ang balahibo ko sa matiim na titig ng lalaki sakin na tila ba binabasa ang ang nasa isip ko.

“It’s Nice to meet you, finally!” may kahulugan na sambit ng binata, inilahad nito ang kamay. 

“The pleasure is mine” mabilis na sagot nya, habang inaabot ang kamay nito, tila may dumaloy na kuryente sa pagdidikit pa lang ng kanilang balat, marahang pinisil nito ang aking kamay at tila marahang sinalat ang aking mga daliri na naghatid ng kilabot sa aking katawan, kaya mabilis ko etong binawi.

Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki.

“Ser, Handa na po ang table.” gusto kong pasalamatan si Manang sa kanyang pagdating, tila nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat.

“Okay, Let’s go, I’m so famished.” sambit nito na tila may ibang kahulugan, sabay talikod at naunang pumunta sa kusina.

Pandandaliang nabawasan ang namumuong tensyon sa pagitan namin ng binata dahil sa masasarap na pagkain na nakahain. 

Pagkatapos ng masaganang hapunan, nagtuloy sila sa opisina ni Richel para pag-usapan ang detalye ng magiging trabaho niya. Tahimik siyang nakikinig, ngunit hindi niya maiwasang mapansin ang ibang anyo ng pagkatao ni Richel—malayo ito sa una nilang pagkikita.

Bakas sa bawat galaw at pananalita ng lalaki ang awtoridad, talino, at kumpiyansa sa sarili—isang lalaking alam ang kanyang ginagawa at alam kung paano mamuno. Lihim siyang humanga. 

“Pambihira…” bulong niya sa sarili. “Kung ganito ang boss, kahit overtime araw-araw, game ako.”

Mula sa kulot nitong buhok na perpektong bumagay sa moreno nitong balat, hanggang sa mata nitong kay-lalim tumingin—parang kaya kang hilahin palabas ng sarili mong mundo. 

“Over all... so yummy!” pilya niyang komento sa sarili.

Naputol ang matamis na pantasya nang mapansin niyang nakatingin sa kanya si Richel. Napalunok siya at agad na nagkunwaring seryoso. Kunwaring nakatutok sa papel, pero hindi na niya muling tinangkang sumulyap sa binata.

Narinig niyang tila iba na ang paksa ng usapan ng magpinsan.

“Kailan ang balik mo sa Batangas?” tanong ni Richel, sa mas banayad na tinig.

“Bakit? Pinapaalis mo na ba ako?” kunwaring may tampo ang sagot ng pinsan. “Wag kang mag-alala, next time magbabaon na ako ng kanin at liliitan ko na ang ulam ko!”

Napatawa si Richel, isang tawang malalim pero magaan, parang nakakahawa. Ang sarap sa tenga, naisip niya. Di niya naiwasang mapangiti—tawa pa lang ng lalaki, parang may sariling gravity.

“Seriously,” muling sambit ng pinsan, “kailangan ko na ding umalis bukas kasi may special event kaming kailangang paghandaan. Kasal ng anak ng gobernador sa Batangas.”

“I see,” maikling sagot ni Richel. Pero may kung anong bigat sa tinig niya.

***Third Person's POV***

BIGLANG tumunog ang telepono ni Lemar, dahilan para mabaling ang atensyon nito sa screen.

“Excuse me,” mahinahong paalam niya bago mabilis na lumabas ng opisina dala ang cellphone—halatang mahalaga ang tawag.

Naiwan siyang mag-isa sa loob ng tahimik na opisina. Habang sinusundan ng tingin ang direksyong tinahak ni Lemar, nahagip ng paningin niya ang bahagyang nakabukas na pintuan ng balcony. Hindi na siya nagdalawang-isip—tila may humihila sa kanya papalapit doon.

Tumayo siya at marahang lumakad papalabas. Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin—may bahid ng alat at amoy-dagat. Napayakap siya sa sarili, hindi dahil sa ginaw lang, kundi dahil sa dami ng bagay na bigla niyang naramdaman.

Mula sa kinatatayuan niya, tanaw ang dalampasigan. Sa malayo, ang mga kislap ng ilaw sa baybayin ay tila mga bituin na nahulog sa lupa. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, naglalaro ang mga alon, para bang may sarili itong buhay—may sariling kwento.

Napatingala siya, marahang pumikit. Hinayaang dampian ng hangin ang kanyang mukha.

Sa dami ng gulo sa puso’t isip ko... bakit parang dito lang ako nakahinga? tanong niya sa sarili. Saglit siyang naging payapa—parang tinanggalan ng bigat sa dibdib.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili roon, pero sa oras na iyon, tila nagkasundo ang katahimikan ng gabi at ang gulo sa loob niya.

“Enjoying the view?” bilgla syang napamulagat at napatuwid ng tayo ang marinig nya ang boses ng lalaki. Parang biglang tumigil ang oras para kay Justine. Sa loob ng ilang segundo, parang wala siyang naririnig kundi ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Ang malamig na simoy ng hangin ay biglang nag-init sa paligid niya, kasabay ng pamumula ng kanyang mga pisngi.

“S-Sir!?” asiwang tawag nya dito.

Napatawa naman eto ng mahina, bago bumuntunghininga.

“Richel” maya-maya ay sambit nito.

“Huh?” sagot nya dito.

“Call me Richel, Just like how you call Lemar.” may diin na bigkas nito sa pangalan ng pinsan,

“Naseselos ba eto?” kausap nya sa sarili.

Napatango na lang sya.

“Justine or shall I call you, Laura” sambit nito na tila ba pabulong lang. Mabilis syang napatingin sa lalaki na nanlalaki ang mga mata, nakauwang ng bahagya ang kanyang mga labi. Tila nagbalik sa kanya ang imahe ng nangyari sa kanila tatlong buwan na ang nakalilipas ng tawaging nya etong – Massimo. “Holy s*it!!”

“So It’s You!” 

Itutuloy…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   SPECIAL CHAPTER 2

    Ang araw ng binyag ni Emmanuel ay tila isang pahinang hinango mula sa isang matagal ko nang ginugustong kabanata—puno ng tuwa, halakhakan, at mga taong matagal ko nang hindi nakita. Simple lang ang handaan sa villa, pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat sulok—mula sa dekorasyong puti’t asul, hanggang sa mga upuang may palamuti ng baby’s breath at eucalyptus. Sa gitna ng kasiyahan, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang anak naming si Emmanuel, mahimbing sa bisig ng lola niyang si Donya Litecia, na para bang nabura na ang mga bakas ng nakaraan sa kanyang mukha. Ngayon, isa siyang lola na punung-puno ng pagmamahal.Nasa gitna ako ng pakikipagkuwentuhan sa isa sa mga kapitbahay namin nang mapansin kong may pamilyar na babaeng papalapit. Hawak nito ang maliit na bag, at may ngiti sa labi na parang walang panahon ang dumaan.“Ellie?” halos pabulong kong nasambit, habang bumilis ang tibok ng puso ko.“Justine!” sabay abot ng mahigpit na yakap. “Oh my God, ang tagal nating hin

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   SPECIAL CHAPTER

    **Richel’s POV***Tahimik ang gabi sa villa. Sa labas, ang huni ng mga kuliglig at ang banayad na hampas ng alon ang tanging musika ng gabi. Pero sa loob ng aming kwarto, mas malakas pa sa hangin ang pintig ng aking puso.Nasa tabi ko si Justine, mahimbing ang tulog sa ilalim ng maputing kumot. Sa kamay ko, hawak ko ang maliit na kahon. Sa loob nito, ang test kit na naging dahilan ng halos di ko mapigilang luha kanina—dalawang linya. Positive. Nakita ko eto kanina sa banyo.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, pinaghalong kaba, saya at excitement. Pero isa lang ang sigurado ko: ngayong binigyan ulit kami ng pagkakataon, hindi ko na hahayaang maulit ang nakaraan. Ngayon, kasama na ako sa bawat hakbang. Hindi na siya mag-isa.Hinaplos ko ang buhok niya, at marahan kong hinalikan ang kanyang noo.“Thank you... for this chance... to show you how much I truly love you.”Napadilat si Justine, marahan at may ngiti sa kanyang mga mata. “Bakit gising ka pa?” tanong niya, inaantok pa ang bos

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   EPILOGUE 

    Dalawang buwan makalipas ang pagbagsak ng fortress sa Antarktika, dahan-dahang naghilom ang mga sugat ng nakaraan—ngunit ang marka nito sa puso ng bawat isa ay hindi madaling mabura. Sa isang mataas na bundok sa hilaga ng Italya, sa isang private medical compound na hindi matatagpuan sa mapa, muling dumilat ang mga mata ni Richel Hermano.Puting kisame. Tunog ng heart monitor. Amoy ng antiseptic. At isang pamilyar na kamay ang nakahawak sa kanya—si Justine.“Richel…” mahina ang boses nito, ngunit dama ang lakas ng damdamin. “Naririnig mo ako?”Bahagyang gumalaw si Richel, at ang unang iniluha niya ay hindi dahil sa sakit—kundi sa katotohanang buhay pa siya. Hindi siya naiwan sa ilalim ng yelo. Sa kanyang kaliwang pulso, nakakabit ang isang prototype nano-regeneration cuff—isang inimbentong pinakawalan nina Nick at Rafa mula sa kanilang research facility.“I told you,” ani Nick, na pumasok kasabay ni Rafa. “You’re too stubborn to die.”Napangiti si Rafa, bagama’t halatang may sugat pa r

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 72: PAGWAWAKAS

    Sa gitna ng lumalakas na hangin at rumaragasang yelo, halos hindi marinig ang paghikbi ni Justine habang hawak ang walang malay na katawan ni Gabriel. Si Lizzy naman ay nakayakap kay Rafa, habang sina Nick at ang extraction team ay pilit na binubuo ang portable med dome sa lilim ng bumagsak na bahagi ng bundok. Lahat sila ay sugatan, pagod, at halos wala nang lakas. Ngunit mas masakit pa sa anumang pasa at pilat ang kawalan ng katiyakan—wala si Richel. Wala ang puso ng kanilang laban.“Transmitter signal detected,” ulit ni Nick habang ina-adjust ang frequency scanner. “It’s weak… but it’s him. It’s Richel.”Mabilis ang naging kilos ng lahat. Tumakbo si Rafa papunta sa uplink console habang si Justine ay napapitlag, parang biglang binuhusan ng liwanag ang kanyang buong katawan. “He's alive? Tell me he's alive, Nick!”“Yes,” sagot ng binata, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “And if the beacon's holding, he's somewhere beneath the southern ridge—roughly fifty meters down. Trapped

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 71: SIMULA NG WAKAS

    Nag-aalimpuyong hangin at yelo ang bumalot sa buong fortress habang ang electronic systems ay nanatiling patay. In the center of the room, ang katawang dapat ay walang malay ni Don Rafael ay unti-unting tumayo, parang isang nilikhang hindi na ganap na tao. Ang kanyang mga mata ay mapuputi na parang salamin, wala nang anumang bakas ng dating pagkatao—isang ebidensyang ang serum ay naging tuluyan nang instrumento upang burahin ang kanyang kaluluwa.“Lizzy, Gabriel, stay close,” bulong ni Justine habang kinukubkob niya ang mga anak.Lumapit si Richel, tangan ang isang pulang emergency flare gun habang si Rafa ay hawak ang EMP-triggered disruptor. Nakatutok ang lahat kay Don Rafael, na ngayon ay tila hindi na umaandar sa natural na kakayahan kundi sa isang artipisyal na lakas na dala ng decades of experiment at greed.“Nick, sitrep!” sigaw ni Richel.“EMP pulse confirmed effective—pero temporary lang ‘yon. Rafael’s operating on a self-generating neural core, enhanced by Lizzy and Gabriel’s

  • RICHEL (CRAZY IN LOVE)   CHAPTER 70: HULING YUGTO

    Ang liwanag ng umaga ay halos hindi makalusot sa makakapal na ulap na bumabalot sa bundok. Sa loob ng safehouse, mabibigat ang bawat paghinga na tila ba ang oras ay tila bombang maaring sumabog anumang sandali. “Twenty-four hours tops,” ani Nick habang tinitigan ang digital map ng Arctic region. “Based on the flight plan, Don Rafael’s convoy will arrive at the Greenland facility by dawn tomorrow.”Si Richel ay tahimik na nakaupo sa tabi ni Justine, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lizzy na nilalaro ang kanyang stuffed bear sa isang sulok ng command room. Sa kabila ng lahat, larawan ng kaenosentehan ang kanilang anak, na tila walang problemang kinakaharap ang kanilang pamilya—isang bagay na handa nilang ipaglaban upang manatili protektado ang puso at isip nito."Nick, any word from the extraction team sa New York?" tanong ni Justine, di mapalagay ang mukha.Tumango si Nick. “Gabriel is in transit. We used a stealth jet from our allies in China. He’ll be here in the next two

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status