LOGIN"Gail, ikaw lang ang mapag katiwalaan ko sa akin anak. Maari bang ikaw na ang mag alaga sa kaniya kasama ang lola na kinalakhan ko?" Pakiusap ni Amelia sa dalaga. Mabilis na tumango si Gail. Maganda rin ang offer na sahod sa kaniya ng matanda at daig pa ang sahod na iyon nang nasa opisina.Agad na pinasundo ni Ricky ang matandang tumulong sa anak niya na mapalaki nang maayos si Amelia. Nanatili rin na walanh ibang nakakaalam na natagpuan na niya ang apo. Kahit katulong sa bahay nila at ang isa pang anak ay hindi alam.Lumipas ang araw at naka labas na siya ng hospital. Sa bahat na binili ng abuelo para sa kanila ng anak sila dumiritso. Siniguro niyang ligtas ang lugar at secured."Gail, Lola Lina, kayo na po muna bahala sa anak ko. Dadalaw po ako madalas." Paalam ni Amelia bago hinalikan sa noo ang anak."Huwag mong alalahanin ang anak mo at alagaan namin siyang mabuti. Ikaw ang mag ingat at hindi mo pa kilala ang taong makahalubilo mo sa bahay ng lolo mo." Kausap ni Lina sa dalaga.
"Miss, gising ka na?"Muling nag mulat ng mga mata si Amelia nang marinig ang boses ni Gail. Ngumiti siya rito at utang niya ang kaniyang ikalawang buhay at ng anak rito.Mabilis na lumapit si Gail sa dalaga nang iangat nito ang kamay at hinawakan iyon. "Sorry hindi ko maalala kung nakit nasa tubig tayo."Naawa si Amelia sa dalaga. Nakita niya kung paano nito yakapin ang naka niya upang iiwas sa kahoy na kasama sa alon. Tumama iyon sa ulo nito kaya siguro ito walang maalala. Nakuha niya ang kahoy na ito ito ginamit bilang kapitan at nakatulong iyon upang manatili silang nakalutang."Don’t worry, ipapahanap ko ang pamilya mo at hindi ka namin pababayaan." Pagbigay assurance ni Ricky kay Gail. Nagpasalamat si Amelia sa abuelo. Hindi niya akalaing mayaman ito. Ilang sandali pa ay dumating ang nurse at dala ang anak niya. Naiyak siya sa sobrang saya dahil ok na ang anak. "He's smiling!" Tuwang tuwa na ani Ricky habang pinakatitigan ang apo sa tuhod.Nakangiting hinaplos ni Amelia ang pi
"Sir, bawal pa po siyang painumin ng tubig.""Pe-pero nauuhaw siya?" Nag aalala na ani Ricky sa doctor."Use cotton at idampi lang muna sa labi niya. After an hour ay maari na siyang painumin pero paunti unti lamang."Tumango si Ricky para sa kabutihan ng apo. Siya mismo ang gumawa at ayaw iasa sa iba."Si-sino po kayo?" tanong ni Amelia sa ginoo at namamalat ang lalamunan niya."I am your grandfather." Pakilala ni Ricky. "And I found you because of that necklace." Tinuro niya ang kuwentas na suot ng dalaga.Napahawak si Amelia sa suot niyang kuwentas na iniwan sa kaniya ng ina. Naalala niya noong naghihingalo ang ina ay mahigpit ang bilin nito na huwag niya iwala ang kuwenta. Na kapag nasa bingit siya ng kahit ano pa man ay pindutin niya ang nasa loob ng pendat ng kuwentas upang mahanap siya ng taong makatulong sa kaniya. Fifteen years old na siya nang mawala ang ina dahil sa aksidente at naiwan siya sa tinatawag niyang lola. Wala siyang alam sa pamilya ng ina pero alam niyang mataga
"Huwag mo nang alalahanin iyan. Huwag kang mag alala at maalala mo rin ang lahat at makauwi sa iyong pamilya. Sa ngayon ay ayaw kong maisapubliko ang mga apo ko dahil baka malagay lalo sa panganib ang buhay nila.""Naintindihan ko po." Napahawak si Gail sa ulo na may benda pa rin. Hindi pa tuluyang naghilom ang sugat at hindi niya alam kung saan nakuha iyon. Nagising lang siya na palutang lutang sa tubig at may umiiyak na sanggol. And then si Amelia ay nakayakap sa malaking kahoy kasama ang bata at pilit siyang inaangat upang hindi lumubog sa tubig.Lahat ay malinaw na naririnig ni Amelia ang pag uusap ng mga taong nasa paligid niya. Naitanong niya sa sarili kung lolo ba niya ang nagsasalita? Pero wala naman siyang lolo? Gusto niya sanang imulat ang mga mata upang makita ang nagsasalita ngunit hindi niya talaga magawa. Gusto niya ring makita muli ang anak ngunit parang may humihila sa lakas niya at dinadala sa karimlan ang kaniyang kamalayan.Bakit hindi na naman siya nagigising?" na
"Amelia, wake up!" Parang naalimpungatang napamulat ng mga mata si Amelia at ang sakit ng pisngi."Sorry, kailangan kitang sampalin upang magising."Nanlalaki ang mga mata ni Amelia nang makita si Joel at nasa gitnan sila ng dagat. Agad na binalot ng takot ang puso niya nang maalala ang anak."Miss, safe ang bata." Nanginginig ang mga labi ni Gail habang hawak sa isang kamay ang pinaglagyan sa bata upang manatiling naka lutang sa tubig. Napaluha si Amelia nang makita ang anak at umiiyak ito. Patuloy na tinatangay sila ng alon at napatingin siya sa tali na nasa baywang."Itinali ko kayong tatlo upang hindi magkahiwalay kahit ano ang mangyari." Paliwanag ni Joel."Pero paano ka?" tanong ni Amelia sa binata."Maiksi ang tali saka makasagabal ako sa inyo."Saka lang napansin ni Ameila na walang suot na life jacket si Joel. At nakapit lang ito sa isang lumulutang na maliit na galon. Marunong itong lumangoy pero kailangan pa rin ng support upang hindi mapagod."Kailangan ninyong magpakaano
Naisuntok ni Liam ang kamay sa dingding at doon ibinunton ang galit na nadarama. Kung hindi siya inawat ni Donald ay baka nadurog na ang sarili niyang kamao. Hindi niya ramdam ang sakit sa kamay na dumudugo, mas ramdam niya ang sakit sa puso dahil sa ginawa ng pamilya sa asawa niya, and worst ay sangkot siya sa lahat. Hinayaan niyang saktan ng pamilya ang kalooban nito at dinagdagan pa niya dahil nawala sa isip ang tunay na misyon para sa kanilang dalawa. "Tuloy ang imbistigasyon at dapat managot ang may kasalanan!" Nanlaki ang luhaang mga mata ni Danica at kumapit sa braso ng ina. "Mom, ayaw ko pong makulong!""Anak, kapag ginawa mo iyan ay maari ka ring masisi o makulong." Nag aalalang pigil ni Flor sa binata. Salubong ang mga kilay at galit pa ring tumitig si Liam sa ina."Lalabas sa imbistigasyon na kasabwat ka ng iyong kapatid dahil ikinulong mo sa silid na iyon ang iyong asawa at pinaburan ang babae mo." Mahinahon pero may diin ang bawat salitang binitiwan ni Flor.Parang na

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





