Nakatanaw ako sa matatayog na building sa harap ng malaking bintana. The city lights illuminated the whole city. May mga pagkain sa harap ko at tila nasa isang mamahaling restaurant. I looked at my watch. Eksaktong alas 10 ng gabi, and I found myself looking at the watch impatiently, na para bang may hinihintay.
A sudden, loud, bang can be heard. It was painful to listen as I heard the cries inside this restaurant. May malaking anino na may dalang baril at agad na nilapitan ako. My heart beats frantically. Namuo ang aking mga butil ng pawis sa aking noo. I tried to move my body pero hindi ko iyon magalaw. Tinutukan ako ng baril bago pinaputok at narinig ko ang pagsigaw ko at naramdaman ko ang pag alog sa akin para magising ako sa masamang panaginip. Nakita ko si Manang Berta, mataman akong tiningnan. I stared at her to let my breathe relaxed. “Nanaginip ka na naman, Christine.” Tumayo siya at agad na lumabas. Tiningnan ko ang kahoy na bintana at namataan na umaga na pala. Napakagandang tanawin ang bumungad sa akin. Berdeng mga taniman sa bundok. Napapikit ako nang tinamaan ang aking mukha sa sinag ng araw. Something in me was missing. Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ako. Lumipas ang ilang buwan noong makita ako ni Manang Berta sa daan. Ang sabi raw ay nasagasaan ako at nagtamo raw ako ng malalang sugat at duguan raw noong masugod ako sa ospital. “Christine, bumangon ka na at pupunta na tayo sa Mansyon ng mga Edralin.” Ani Mang Carl. The couple who sheltered me worked for one of the most wealthy families here in Cervantes. Si mang Carl ay isang driver at kadalasang isinasama sa maynila kaya minsan lang namin siya makasama. Si Manang Berta naman ay isang mayordoma sa mansyon ng mga Edralin. Masaya ako at tinulungan nila ako. Tinulungan ko rin si Manang Berta sa mga gastusin rito at namasukan bilang kasambahay. Ang mag-asawang Edralin ay may mga negosyo sa Maynila. At kadalasan din wala sila mansyon at umuuwi lang sila kapag nagbabakasyon. Ang sabi nila sa akin, may isang lalaking anak ang mag-asawa ngunit hindi talaga umuuwi sa probinsya dahil siya na ang nag-aasikaso sa mga kompanya nila. Pagkatapos naming kumain, agad kaming hinatid ni mang Carl sa mansyon. Spanish style ang mansyon at may isang malaking maze sa likod ng bahay at malaking garden. Doon ako kadalasan tumatambay kung tapos na ang trabaho namin. "Christine! Mabuti at nandito ka na," bati ni Marian sa akin. Mag kasing edad lang kami. "Magandang umaga, Marian." "Magandang umaga rin, Christine. Magpapatulong sana kami ni Lara dahil dadating daw sina senyor mamaya." "At bakit ngayon ka lang nagsabi? E 'di sana nakapag handa tayo. Marami pa tayog lilinisin nakakahiya naman kina senyor at senyora!" "Naku, Manang Berta, ngayon ko lang din po nalaman. Sinabi po kasi ni Johnny kanina, 'yong guard na may crush kay Christine." Siniko ko siya dahil sa huling sinabi. Ngumiti lang ang mokong. Umiling si Manang Berta. "O siya, sige na at magsimula na kayo, baka maabutan tayo rito ni Senyor," Dumiretso si Manang Berta sa loob ng mansyon. Binigyan ako ni Marian ng walis tingting upang malinisan namin ang sahig na puno ng tuyong dahon. "Nakalimutan ko pala, Christine. Tulungan na natin sina Erza doon sa may maze pagkatapos natin dito dahil marami pang kailangan ligpitin." Tumango ako at nagpatuloy. Si Marian ang unang naging kaibigan ko simula noong namasukan ako dito sa mansyon ng mga Edralin. “Marian! Christine! Patulong naman dito, o.” Si Erza na medyo demanding ang tono para sa akin. Nilapitan namin ang grupo nila malapit sa malaking maze. Hindi pa nawawalisan ang mga tuyong dahon. Tahimik akong nagwawalis sa mga dahon nang kinalabit ni Erza ang aking braso. "Alam mo, Christine, hanga ako sa'yo." kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Bakit naman?" "Ang dami mong manliligaw na trabahante dito e. Nagdududa na nga ako sa'yo e baka ginayuma mo lang sila." "Ang kapal ng mukha neto–" bulong ni Marian sa gilid ko. Umiling ako. "Ah…wala pa kasi akong time sa mga ganyan e. Tsaka ano naman ang mapapala ko kung gagayumahin ko sila? Hindi ko naman kailangan na gawin 'yon." Peke siyang tumawa at hindi na ako kinausap pagkatapos no'n. Mga alas tres na ng hapon, kagagaling lang namin ni Marian sa mansyon at lumabas agad pagkatapos ng pananghalian. "Alam mo, hindi ko pa talaga nakita ang anak nina Senyor at Senyora. Ano kaya ang itsura niya no?" Well, I don't care about it. Ang gusto ko lang ngayon ay maitawid ko ang araw na ito dahil pagod na rin ako sa paglilinis sa paligid. Which got me thinking, ano ba talagang buhay ang meron ako? Bakit maski pangalan ko ay hindi ko alam at hindi ko maalala? I am not entirely healed. Ilang beses din akong pabalik balik sa doktor upang magpa check up at malaman kung ano na ang kalagayan ko. Kaya nga gusto ko talagang tulungan sina Manang Berta dahil mahal din ang gastusin sa pagpapagamot ko noon. "Christine, tingnan mo, o. May bago tayong hardinero.” Tiningnan ko ang lalaking pumasok sa maze na may dalang mga materyales. His bare back was our view. He was ripped but he has clean cut hair. ‘Yong tipong kung ano ang isuot mo sa kaniya, bagay pa rin. Pero parang hindi siya bagay sa trabaho niya. Parang modelo kung tingnan, likod pa lang. “Huy! Ang gwapo ng bagong hardinero!” Tili ni Erza. Nilingon ko si Marian. Malagkit din ang tingin doon sa maze. Siniko ko siya at para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “Ay, sorry, ang pogi ng likod niya, Christine. Iyan ‘yong tipong matindi sa kama.” Bulong niya. Umiling ako at nagpatuloy nalang sa pagwalis. “Shh. Ang pasmado talaga ng bibig mo.” “Hindi ako magrereklamo dahil totoo naman.” Tumawa nalang ako. "Halika, tulungan natin para malaman natin kung ano ang pangalan niya." Ha? Umiling nalang ako wala nang nagawa kung hindi sumunod sa grupo nila. Bago paman ako makapasok sa maze, may tumulak sa akin patungo sa halaman na pader. The stems of the plant grazed my chin and my skin. Dahilan kung bakit nagka daplis ako. Napapikit ako sa hapdi ng sugat. Hinaplos ko ang panga at may kaunting dugo. Huminga ako ng malalim. Natanaw ko si Erza na nakangiting nakatitig sa akin. "Ang bagal mo kasi, Christine!" tumawa ang grupo nila at agad na iniwan ako. I glared at the view in front of me. At paano naman ako makakalabas rito na hindi ko kabisado kung saan ang lagusan? Kanina pa ako pa iba iba ng daan, kung hindi dead end, pabalik balik lang ako. Umupo nalang ako sa sahig. I don’t really get Erza. She was really mean to me when I came here. Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan. “Are you okay, Miss?” A deep voice spoke. Halos mapatalon ako nang marinig iyon. Ang hardinero kanina. Tumayo ka agad ako. Seryoso ang tingin niya sa akin. He looks like a king, who’s trying to decide whether to spare me or hang me. I also noticed that he was really tall. He’s majestic. “Ah…eh…Na aksidente ako kanina e. Tsaka naligaw yata ako. Hindi ko alam kung saan ang lagusan dito sa maze na ito.” He handed me a handkerchief. Tinanggap ko naman ito. “Salamat,” “Sumunod ka sa akin, Miss.” Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod na lamang. I tried to wipe the dried blood in my face. Tahimik naman siyang nakatingin sa akin. Animo’y maglalaho ako kapag inilayo niya ang paningin niya sa akin. I swallowed a lump in my throat. “Napansin ko lang…parang alam mo na kung saan dadaan, matagal ka na ba rito? Bakit ngayon lang kita nakita rito simula noong nagtrabaho ako dito?” He paused for a bit. As if he was taken aback from what I said. Kumunot ang makapal niyang kilay at kalauna’y sinagot ako. “Matagal na ako rito. Pero umalis din ako at lumuwas ng Maynila para mag trabaho.” Medyo may accent ang kaniyang boses. “Ah kaya pala…” Nagkatinginan kami bago ko iniwas ang mga mata ko at ituon ang pansin sa halaman. Tahimik kaming naglakad hanggang sa nakita na ang mansyon. “Ah…salamat pala rito. Lalabhan ko at isusuli ko na.” Mataman niya lang akong tinignan. “Imposibleng maaaksidenti ka roon sa maze,” Sabi niya bago ako iniwan at nagsimula nang mag gupit ng mga dahon. “Christine!” Nilingon ko si Marian. “Napa’no ‘yang mukha mo?” I swallowed a lump in my throat. “Wala, na aksidenti lang,” “Pinatatawag ka ni Manang,” Tumango ako at agad na sumunod sa kaniya. Nakita ko si Manang na may kausap na mag-asawa. Matangkad ang lalaki at matipuno kahit na may katandaan na ito. Pareho rin ang sa babae. Maganda at makikita mo rin ma may halong banyaga dahil sa ganda nito. Pormal ang kanilang kasuotan. Nagkatinginan kami ng babae. She smiled at me. Lumapit ako kay manang. "Ah, ito nga pala 'yong sinabi ko sa'yo, Rexelly. Christine, si Rexelly, asawa ni Senyor Victor. At si Senyor Victor, sila ang may-ari ng Mansion na ito. Victor, kagaya nga ng sinabi ko, tinulungan lang namin ni Carl ang kawawang batang ito." "Magandang umaga po, Senyor at Senyora." Tumango lang ang lalaki. "Nakapagtapos ka ba ng kolehiyo, Hija?" Hindi ko maalala. Kaya umiling nalang ako. "Kung gusto mong mag-aral, sabihan mo lang si Manang Berta para ma apply-an ka ng scholar. Just inform us, okay?" Tumango ako. "Tsaka, nasa'n na ba si Hidalgo? Kanina pa 'yon dumating." Nakita ko kung paano hinaplos ni Senyor Victor ang baywang ng kaniyang asawa. Somehow, I see my future self in them. Kaya nga lang, we will live a simple life at hindi gaya nito na magarbo at sosyal. "He already called me earlier. He's already here." Matigas na ingles ng lalaki. Naiisip ko tuloy…parang pamilyar ang mukha ng hardinerong 'yon. Itinuon ko ang pansin sa pagpupunas ng lamesa sa dining area. Napatingin din ako sa mga kasama kong naghahanda ng pananghalian. Nilapag nila sa lamesa ang pagkain. Pumunta naman ako sa mga furniture na kailangan din punasan. Nagsi alisan na di ang mga kasama ko at ako nalang ang nasa silid. Someone pulled the chair away from the table. Dahilan kung bakit napalingon ako sa likod ko. Kumalabog ang dibdib ko nang namataan kung sino 'yon. He looks like he came out from the shower. Bagong bihis ng itim na t-shirt at grey na jogger pants. Bigla akon nan lamig. Nagkunwari akong magpunas ng mga gamit. I felt his stare bore into my back. "Mabuti naman at umuwi ka, akala ko, doon ka na naman magpapalipas ng oras sa office mo." "I just miss this place. That's all, Ma." Nanlaki ang mga mata ko. Mama?! So, ibig sabihin siya 'yong tinutukoy nilang anak ng may-ari rito? E ba't hindi niya sinabi? Napagkamalan tuloy siyang hardinero! "That's good. Your friend's are also looking for you. Pupunta sila rito." "Of course, Pa." Tahimik akong naglakad at lalabas na sana pero tinawag ako ni Senyora. Napapikit ako. Pero ngumiti nalang nang hinarap ko sila, na kumakain. "Hija, come here." "Yes po, Senyora?" Tumawa siya. "I want to introduce my son to you." Kumindat siya sa kaniyang anak. Umiling nalang ang lalaki. "This is my son. Hidalgo Edralin." He looks at me with so much intensity that I feel like I've done something. "Magandang hapon po, Senyor Hidalgo."“Ate,”Vixen walked into my office. Nagpipirma palang ako ng papeles ay naka-upo na siya sa harapan ko. “Yes, Vixen?” Tiningnan ko ang kaniyang kasuotan.Nakasuot siya ng pula na dress. She looks troubled but beautiful at the same time. Ano kaya ang kailangan ng babaeng ito? Siguro may hihingin na naman siya na pabor?“Ate, what is Hidalgo doing in the lobby of our company?” Napatigil ako. Nandito si Hidalgo? Hindi naman siya nagsabi na pupunta siya dito?“Nandito siya?” Mataman man ang titig ni Vixen sa akin.“Yes, at ang lala pa, ha. May dalang bouquet. Malaki. Siguro binisita niya si Architect Vernales. Marami rin ang nanligaw doon.”“Oo nga e. Sexy at maganda pa. She’s Morena and everyone’s cup of tea. Magaling din sa trabaho. Pansin ko, Vixen.”I smiled bitterly. At hindi na nagsalita pa. He’s really doing that? It can’t be. I gripped my pen tighter. Napagkasunduan namin dalawa na hindi pwedeng ihayag ang relasyon naming dalawa. It was clear to me that my father was against it
“Where are you going?” He asked darkly.Napatalon ako roon. I was caught red-handed. Hindi ko inaasahan na ma-aabutan niya ako ngayon. Kung nagising siya ng wala ako, panigurado, sisisihin ko ang sarili ko dahil imbes na lumayo ako, may nangyari pa sa amin kagabi. “Come here.” He commanded.Parang tambol ang puso ko. Nakapagbihis na ako’t lahat-lahat. May hinanda na rin akong script sa kaniya kung sakaling puntahan niya na naman ako. Tapos ang usapan. Sasabihan ko siya na lalayuan ako at huwag ng guluhin pa.Pero ngayon, nasira ang plano ko. I was defeated. He knew it. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. His arms wrapped around me and he slightly squeezed my body as his lips kissed the bridge of my nose, to my cheeks, and before it travelled to my lips to kiss me.“Are you trying to escape me?” He asks, eyes narrowing.I looked at him, guilty. “Hindi pa tapos ang usapan natin, Ember. Kaya huwag mong subukan na tumakas ulit dahil itatali na talaga kita sa kama ko.”Kinabahan ako sa
HIDALGO’S P.O.V.KANINA pa ako nakatanaw kay Ember sa malayo nang may lumapit sa akin na pamilyar na mukha.It was Eden. The supermodel. Hindi ko alam kung ano talaga ang sadya niya pero alam ko kung nilalandi ako. At hindi ito bago sa akin. My eyes went to Ember's direction again. Nilapitan siya ng kaniyang pinsan at ni Cevier. Cevier’s a good business partner. But heck, right now, I want to punch him. May sinabi siya kay Ember na dahilan para tumingin ito sa direksyon ko.I saw the disappointed look on her face. Bago ito nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kasama niya. While this girl in front of me couldn't take a hint.“You know, all you have to do is lay down…I'll do the rest.” Hinaplos niya ang dibdib ko at wala na akong ibang maramdaman kung hindi pangdidiri sa babae.I know that she's finding some ways just to lay down tonight. But I'm not interested. Kung kanina’y sumasagot ako sa hindi importanteng tanong niya, ngayon, nauubos na ang pasensya ko sa babaeng ito.“Look, I'm not in
“I'm not here just to be your friend, Ember.”Narinig ko noong lumabas ang dalawa sa hotel room ko.I looked at his reflection in the Mirror. Seryoso ang kaniyang mukha at unti-unting naglakad patungo sa akin.Suminghap ako nang bigla niyang pinalandas ang kamay niya sa likod ko. It went from my nape to my lower back. Nanindig ang balahibo ko. Napalunok ako. It stopped at the top of the fabric of the dress.“The back of your dress is too low.” He growled.“Well, too bad, I love my dress, Hidalgo.”Hindi ko maiwasan sabihin iyon.I glared at him. Ano naman kung maikli ang backless na ‘yan? Umiling ako at tumayo na. Kakaaya ko lang sa kaniya na pumunta na kami sa venue kanina. E ngayon, parang gusto ko nalang mag-stay dito para kausapin siya.Hindi nalang siya nagsalita at sumunod nalang sa akin na lumabas ng room at naglakad papuntang elevator. Nang makarating sa Venue, agad din kaming dinumog ng mga kakilala. Kaso lang, nagkalayo kami ni Hidalgo dahil may mga iilang mga importanting t
This is absurd.I know that this is a crazy idea. Nakaupo ako ngayon sa isang table ng high end na restaurant. Hidalgo was in front of me, giving his orders to the waiter. Sinalinan ako ng tubig ng isa pang waiter na lumapit sa amin.I stared at it for the whole time he was talking to the other waiter. “What do you want?” Napatingin ako sa kaniya.“Pasta, please.”He stared at me for a second. I froze. For a moment, he seemed like a deer stuck in headlights. My hands were shaking when I grabbed the glass filled with water. I took a sip on it, hoping that it would calm my nerves.“I wanted to talk about what happened-”“There’s nothing to talk about, Mr. Edralin.”“Hidalgo,” He corrected. He looked at me sternly. Animo’y kaunting panunuya ko ay may gagawin siyang hindi tama para sa akin.“Engr. Hidalgo.”Suminghap siya. It was a long, long, sigh that it bothered me.“You say my name like we didn’t share something…”“And I choose to forget all that, Mr. Hidalgo. That was a year ago. D
It was easy to manage the company dahil pinalaki naman ako para mamahala sa kompanya. But forgetting him was the worst. It had been one year yet my dreams were still filled with him. With us. Na pati pag-idlip ko’y takot ako.Hawak ko ang kwintas na binigay niya sa akin. Sa tuwing nangungulila ako para sa kaniya ay lagi kong sugot iyon. This was not I expected when I thought I could forget him. Napapikit ako no’ng tumama sa akin ang pang-umagang araw. Nagpasya nalang ako na maligo at mag bihis para sa trabaho.“Oh, I hired a new driver. Umalis na kasi ‘yong dating driver natin, Hija. You should bring him and…I’ll double your security discreetly. I don't want anything to happen to you.”“Okay, Pa. Uminom ka rin ng maintenance mo.” I said. Bago nginuya ang adobong manok.“Hija,” tawag niya. His eyes were gentle. Nilapag ko ang kubyertos. He held my hand and squeezed it.“Pa,” Napatingin ako sa kaniya.“I know it's too much to ask this but…I want a grandchild. Malapit na akong mamatay