Share

Kabanata 3

Penulis: Chèrie_folle
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-10 20:29:32

"How was your chill out last night?" tanong ni Madam sa mga pamangkin niya.

Yes, pamangkin.

Ito lamang kasi at ilang kaibigan nito ang nagpa-iwan kagabi, kaya sa mansyon na ang mga ito natulog. At ngayon nag-aalmusal sila ng sabay-sabay, isa ako sa nag-aasikaso sa kanila. Nang matapos kasi ako sa pagli-ligpit ng mga pinag-kainan sa garden kagabi ay pinayagan na kami ni Ma'am Betina mag-pahinga.

Hindi na rin namin nagawa pang mag-usap ni Lita tungkol sa nangyari kagabi dahil na rin sa siya ang naka-toka na pag-silbihan ang mga naiwang bisita nila Madam. At pareho na rin kaming pagod kaya mas gusto na lang naming mag-pahinga.

"It was fun, Tita. I hope there will be a next time." may excitement sa tono ni Abby, habang kumukuha ng pagkain. Alam kong medyo hindi maganda ang impression niya sa akin dahil na rin, isa siya sa taong hindi maganda ang tingin sa akin.

Yung tipong wala naman akong ginagawa sa kanya ay masama na kaagad ang loob niya.

"Yes, Tita I really hope there will be a next time. It's a good thing, na nagpa-iwan kami kagabi. Nagkaroon pa kami ng pagkakataon na makapag-bonding." si Marie, pamangkin din ni Madam.

Naka-ngiting tumango si Madam na parang bang sumasang-ayon."I'm glad to hear that, kahit kailan niyo gusto welcome kayo dito sa mansyon."

Naka-ngiti lang din ang iba pa na naroon habang kumakain, sumabat na rin si Sir Leandro sa usapan. Nag-patuloy lamang sila doon sa pagku-kwentuhan ng kung ano anong bagay habang kumakain. Bumalik ako sa kusina dahil na rin sa tapos ko na ring i-handa ang pagkain nilang lahat.

Isa pa, bakit kailangan ko pang mag-tagal doon?

Halata naman na ayaw ng mga bisita ni Madam na andun ako habang kumakain sila.

Siguro kapag may kailangan na lang ay tsaka na lang ako tatawagin ni Ma'am Betina. Andun rin naman sila Betty kung sakali man kaya nag-pasya ako na mag-hugas na lang sa kusina. Si Lita at iba pang kasambahay ay nasa labas at naglilinis lalo na sa pool area at garden dahil naiwan doon ang mga kalat ng mga bisita ni Madam kagabi.

Habang naghu-hugas ako sa kusina ng ibang plato at mga gamit na ginamit sa pagluluto ay hindi na ulit ako tinawag ni Ma'am Betina. Nakikita ko din minsan ang pag-pasok ni Betty, kung saan minsan kumukuha ng tubig, juice, o kaya naman ay kape para sa mga tao doon. Tinanong ko siya minsan kung kailangan niya ba ng tulong ngunit ang sagot lang nito ay siya na daw ang bahala.

Kaya naman ipinag-patuloy ko na lang aking ginagawa, naka-rinig ako ng yabag papasok ng kusina. Sa pag-iisip na si Betty lamang yun o isa sa mga kasambahay ay hindi ko na naisipang ito ay lingunin at ipinag-patuloy lang ang ginagawa.

Pero bakit wala akong narinig na ingay?

Wala bang kinuha si Betty o kahit sino sa kasambahay?

Naramdaman ko na parang may taong nanatili ang titig sa likod ko dahil sa curious ko ay kaagad akong humarap sa taong nasa likod ko at ganun na lang ang gulat ko ng makita si sir Conrad na nakatayo malapit sa akin. "S-sir Conrad?"

Kinakabahan pa ako dahil hindi ko man lang naisip na pwedeng siya o sino pa man sa bisita ang papasok dito.

Kainis!

Umatras ako at tumalikod muli upang iwasan ang titig. Akala ko wala na siya dito, ang sabi kasi nila minsan daw ay hindi dito nag-i stay si sir Conrad at umaalis din kaagad. "M-May kailangan po ba kayo s-sir?.....coffee? tea? or water po? Pwede ko naman pong dalhin sa labas." kinakabahang saad ko.

Hindi ako maka-tingin sa kanya dahil hindi ko kaya kung paano niya ako tignan.

Mas nakaka-intimidate pa yung tingin niya kaysa sa mga taong naroon sa labas e.

"Sir Conrad, anong kailangan mo iho?" narinig kong saad ni Ma'am Betina kaya napabaling ang tingin ko sa kanya ngunit nasa akin pa rin ang tingin ni Sir Conrad.

May dumi ba ako sa mukha?

Yung totoo?

Tumingin ako saglit kay sir Conrad at ngumiti ng pilit dahil hindi man lamang nito sinagot si Ma'am Betina. Ako din ang umiwas dahil seryoso lamang si sir Conrad habang naka-tingin sa akin na akala mo ay sinu-suri ako sa uri ng pagkaka-tingin. Kahit simpleng cotton jogging pants at white v-neck ang suot nito ay wala pa rin kapintasan sa mukha nito.

Why he's so damn handsome!

"Rara! bakit di mo man lang inaaasikaso si sir Conrad? Baka may gusto siyang ibang kainin. Itigil mo muna yang ginagawa mo." si Ma'am Betina.

E, hindi naman po siya sumasagot.

Hindi ko naman mahuhulaan kung ano ang gusto niyang kainin.

"P-Pasensya na po, Ma'am Betin--"

"It's okay Manang Betina, she actually asked me what I wanted to eat. But, I can't think yet so I haven't answered her." sir Conrad interrupted what I was about to say.

See? Ma'am Betina.

Ano ba kasing gustong kainin ng lalaki na ito at sobrang tagal mag-isip?

At walang ginawa kundi tumitig lang, hindi niya ba naha-halata na naiilang ako?

Mabuti na lang at hindi ko nababasag yung mga baso at plato na pinu-punasan ko.

"I just want coffee, bring it to the dining area." seryosong utos nito na nasa akin ang paningin at kaagad ding lumabas ng kusina.

Kape lang pala.

Napaka-tagal pa mag-isip akala ko ayaw niya ng pagkain sa labas at gusto niya pang magpa-luto ng iba.

Kahit hindi niya nakita ay tumango pa rin ako dahil alam ko na para sa akin ang utos na iyon. Kaagad ko rin naman siyang sinunod dahil sa utos na rin ni Ma'am Betina na bilisan ko daw.

Nang makapag-timpla na ako ng kape para kay sir Conrad ay kaagad ko na itong dinala sa dining area. Nagtama ang paningin namin ni sir Conrad at habang pa-palapit ako sa pwesto niya ay nararamdaman ko din ang titig ng mga tao doon kahit na si Madam. "S-sir Conrad, kape niyo po." saad ko at nilapag ang dala kong tasa ng black coffee.

"He like his coffee with a creamer." maarteng saad ng babae na katabi ni Marie.

Nang tumingin ako dito ay naka-taas ang kilay nito na parang bang may mali akong ginawa.

Yes, may mali akong nagawa pero hindi naman sa kanya.

Kaya bakit ganun na lang siya kung maka-react?

Akala mo girlfriend.

Tsk!

Nahihiyang humarap ako kay sir Conrad na awtomatikong sa akin na naka-tingin."P-Pasensya na po sir, ipagti-timpla ko na lang po kayo ng bago." akmang kukunin ko na ang tasa ng unahan niya ako at bigla niya itong ininom.

Nagulat ako sa ginawa ng lalaki at narinig ko din ang singhap ng mga tao roon.

"It's okay with me to try black coffee, sometimes." simpleng saad nito at sumisimsim ng kape.

"Tss!" singhap ng babae kanina.

Umalis na lamang ako doon at bumalik na sa kusina, hindi ko maintindihan na simpleng kape lang ay mukhang aawayin pa ako ng babae na 'yun. Mabuti na lang kahit papaano nagustuhan ni sir yung kape na tinimpla ko.

Masarap kaya akong mag-timpla ng kape lalo na ang black coffee , palagi ako ang nagti-timpla ng kape para kila nanay at tatay sa probinsya e.

"Hey gurl, anong chika natin kagabi?" si Lita habang naglilinis kami ng mga kwarto na ginamit ng mga bisita. Mabuti na lamang at umuwi na sila.

Jusko!

Hindi ko ata matatagalan yung ugali nilang akala mo kung sino at halata na nanghuhusga.

Samantalang, wala naman akong ginagawa sa kanila.

Umalis na din sila Madam at Sir Leandro, kasama si sir Conrad para pumunta sa kanilang company.

Para na rin pampalipas oras habang naglilinis kami ni Lita ay kinu-kwento ko sa kanya ang naging encounter namin ni Sir Conrad, yung time na tinanong ako nito ngunit hindi ako sumagot. Yung naging pag-uusap namin nung umalis yung mga bisita sa garden at yung eksena kanina sa hapag-kainan.

"Ay sus! ganda mo talaga friend. Akalain mo yun ipinag-tanggol ka ni sir kanina." kini-kilig pa ito habang iwina-wagayway ang hawak na walis.

Inirapan ko lamang siya at hindi na pinansin pa. Ipinag-tanggol?

Sa paanong paraan? Tsaka bakit naman niya gagawin yun di ba?

"Tigilan mo ako, Lita. Hindi ako pinagtanggol ni sir siguro ayaw niya lang na lumaki pa yung isyu dahil lang doon sa kape."

Lumapit si Lita sa akin."Sige sabihin na nating ganun nga, pero paano yung time na ang tagal niya sa kusina. E, kape lang pala yung gusto niya. At tanging kayo lang dalawa ang andun. Malamang, nakatitig yung sa hubog ng katawan mo. Lalaki nga naman." saad ni Lita at mahinang hinampas ng pwet ko.

"Lita!" saway ko.

Parang sinabi pa niyang maniac si sir Conrad.

Tsaka naka-tingin sa akin?

Sa katawan ko?

E, wala namang kaganda-ganda sa katawan ko hindi katulad ng mga babae kanina.

Baka, katulad ko ay naiilang din siya, isa pa baka di niya alam kung paano ako uutusan kasi bago pa lang ako.

"Walang ganun, okay. Baka naiilang lang si sir na utusan ako. Hindi siya sanay ganun, tsaka medyo malayo ang age gap namin. Akala niya siguro hindi ko kaya kung may i-uutos man siya." paliwanag ko, hindi binibigyan ng malisya ang lahat ng iniisip ni Lita tungkol kay sir Conrad.

Naka-taas ang kilay at naka-pameywang na humarap si Lita sa akin."Rara, ni minsan ba hindi mo pa nakikita ang itsura mo sa salamin?" tanong ni tila di ko maintindihan kung anong nais niyang iparating sa akin. "Sobrang ganda mo, ang perfect ng mukha mo, ng katawan mo! Kahit ako siguro titigan ka dahil sa ganda mo e. Paano pa kaya yung mga lalaki kanina? Lalo na si sir Conrad."

Aaminin ko kinilig ako sa sinabi ni Lita tungkol sa akin.

Minsan kasi hindi ako tiwala sa kung ano ang sinasabi ng iba tungkol sa pisikal kong itsura.

Oo, sila nanay at tatay palagi akong pinupuri pero ang iniisip ko noon ay dahil lang yun sa syempre pamilya ko sila.

Pero ngayong sinasabi ito sa akin ni Lita at pilit pina-paunawa ay hindi ko mapigilan ang pag-ngiti.

Dahil may isang tao na naniniwala na may ilalaban naman ako kung pisikal na itsura ang pagba-basehan.

Diamond shape face, a perfect set of jawline, pointed nose, heart shape lips. Straight long black hair and a hourglass type of body.

I am beautiful.

"Sa bagay bata ka pa, siguro di mo pa nararanasan magka-boyfriend. Kaya di mo ma-distinguish kung sino yung mga tao na may gusto sayo." maka-hulugang sabi ni Lita.

May gusto sa akin?

Sino? Iniisip ba ni Lita na may gusto sa akin si Sir Conrad?

Jusko!

Malabo!

Hindi pwede!

"At wala akong balak, magkaroon. Marami pa akong pangarap, kaya itigil na natin itong pag-uusap na ito sa mga walang kwentang bagay." simpleng sagot ko.

Pinag-patuloy ko na lamang ang aking ginagawa at ganun din naman si Lita. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol doon. Sa totoo lang maraming nag-balak na ligawan ako, lalo na yung mga kaklase ko sa probinsya ngunit dahil wala pa iyon sa plano ko ay hindi ko binigyan ng pansin.

Pero, ano kaya ang pakiramdam na ma-inlove?

Yung maka-experience magkaroon ng boyfriend.

Hayst!

Tsaka na yan, 19 pa lang naman ako mas gusto ko munang maka-tapos sa pag-aaral.

"[Hoy! Mag-aral ka ng mabuti Riri ,a. Wag mo ng bibigyan ng sakit ng ulo sila nanay at tatay. Alagaan mo sila.]" kausap ko sa cellphone si Riri, kina-gabihan. Tapos na rin ako sa lahat ng aking ginagawa kaya naisipan kong tawagan sila. Si Lita naman ay may ginagawa din kaya di na kami makapag-usap.

"[Ate, nag-aaral ako ng mabuti, tsaka kaya ko na ang sarili ko. Wag mo na akong sermunan diyan.]" si Riri.

Dahil naka-loud speaker ay narinig ni Tatay ang pag-uusap namin ni Riri. "[Ay sus! Rara, alam mo ba mukhang uunahan ka pa nitong si Riri na magka-boyfriend. Aba! kanina lang may nag-hatid sa kanya na lalaki.]" kwento ni Tatay.

"[Tatay, kaklase ko lang po yun!]" depensa ni Riri.

Narinig ko pa ang pag-aasaran nila at minsan ay sumasama si Nanay sa pang-aasar kay Riri.

Hayst!

Nakaka-miss marinig ang mga boses nila.

Mas nangungulila ako sa kanila habang patagal ng patagal.

Natapos ang tawag noong lumalim pa ang gabi dahil na rin sa kailangan na matulog nila Tatay at Nanay. Nakita ko na alas-nuwebe ng gabi ang oras sa cellphone ko. Hindi muna ako pumasok sa loob at nag-pasyang magpa-hangin muna sa labas.

"What are you doing here?" nagulat ako ng marinig ang boses ni sir Conrad.

Yes si sir Conrad.

Akala ko ba? Hindi na siya uuwi dito dahil may condo naman ito.

Pero anong ginagawa niya dito.

Kilala ko na ang boses ni sir Conrad at hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Masyado na bang malalim ang iniisip ko?

Unti-unti akong humarap kay sir Conrad at pinanatili ang walang emosyon kong mukha. Lumunok pa ako bago mag-salita dahil pakiramdam ko may nag-bara sa lalamunan ko. "Wala naman po sir, nagpapa-hangin lang po." sagot ko at hindi na muli siyang tinignan.

Hindi kasi ako komportable kapag nag-titigan kaming dalawa.

Parang lagi na lang nakikipag-karera yung puso ko. Hindi siya matigil sa pag-tibok ng mabilis.

Kahit na andyan lang si sir Conrad.

Nang hindi ito mag-salita ay nag-paalam na ako para pumasok sa loob."A-Ah sige po sir, papasok na po ako sa loo--"

"Wait a minute, you're Rara right?" tanong nito. Hindi ko inaasahan yun kaya tumango lamang ako.

"You has a unique name. It's that your real name?" casual na tanong nito.

Pero ako ay patuloy lang sa pag-kaba ng dibdib.

"N-No po sir, Rayne po. Rayne Kristen." kinakabahan pa ako sa pag-sagot.

Hindi ko kasi alam kung paano ko siya pakiki-tunguhan.

Tumango-tango ito. "You has a beautiful name, just like you."

Napalunok ako dahil sa biglang pag-puri ni sir Conrad sa akin.

Tanging pilit na ngiti ang sinagot ko kay sir sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis doon dahil parang may sasabihin pa siya ngunit hindi niya maisa-tinig.

"How old are you?" tanong nito sa curious na tono. Nagulat ako sa tanong niya na 'yun kaya hindi kaagad ako naka-sagot. Kaya muli siyang nag-salita animo'y may naalala."If it's okay to know, if your not comfortable. Pwedeng wag mo ng sagutin."

Umiling ako baka ma-misinterpret ako ni sir Conrad. Baka isipin niya na ipinagda-damot ko sa kanya yung information ko. E, age lang naman yung tinatanong niya. " N-Nineteen na po sir."

Nakita ko ang gulat sa mukha ng lalaki ng narinig nito ang sagot ko.

Hindi ba ito maka-paniwala na disin-nwebe na ako?

Iniisip ba niya na ang bata ko para mag-trabaho?

Para pumasok bilang kasambahay nila?

Pagka-lipas ng ilang sandali ay nag-paalam si sir Conrad na papasok na sa loob. "Okay, I'm going inside." at nagma-madali na itong pumasok sa mansyon.

Kahit di niya nakita ay tumango ako sa sinabi niya.

Hindi ba siya naging komportable sa pag-uusap namin?

Bakit nagma-madali siya?

Malamang, Rara baka pagod na yung tao mukhang galing pa itong opisina.

Akala ko ay hindi na siya dito mag-i stay dahil mas naunang umuwi sila Madam at Sir kanina. Kaysa mag-isip ng kung ano-ano ay pumasok na rin ako sa loob at nag-pasya ng mag-pahinga.

Kailangan ko pang gumising ng maaga bukas.

Naka-higa na ako ng maalala ko ang reaksyon ni sir Conrad noong sinabi ko sa kanya ang edad ko.

Masyado ba akong bata para maging kasambahay nila?

Ayaw niya ba akong mag-trabaho dito?

Wag naman sana, kailangan ko itong trabaho na 'to.....

*******************

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Rayne Antonio: The Sugar Baby    Kabanata 50

    I couldn't react to Conrad's confession. I don't even know how to answer him. Kasi kahit ako sa sarili ko ay naguguluhan din. Kahit na hindi ko aminin sa kanya at sa sarili ko, alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.Pero, hindi e. Alam ko sa sarili ko na hanggang dito na lang ang lahat para sa amin.The only thing that connects the two of us is that we have a child. As long as our arrangements are good, I know that Ryker will understand it after a while.Aaminin ko na mahal ko pa rin si Conrad pero hindi dahil ganun pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya ay babalik na ulit kami sa isa't-isa. Marami ng nangyari, hindi na pwede pang ipagpatuloy kung ano man ang naudlot noon.Sa ginawang pag-amin ni Conrad ay medyo naging ilang kami sa isa't-isa. Kapag pumupunta siya sa condo upang makita si Ryker ay talagang iniiwasan ko na magkausap o kahit makapagtitigan kami sa isa't-isa.He also seemed to notice that I didn't want to talk about that matter so he didn't say anything.

  • Rayne Antonio: The Sugar Baby    Kabanata 49

    "Ninang Rayne!" Chloe ran to me and hugged me when she saw me.I immediately hugged him back to when I recover from the shock. I did not expect that Tita Christine and Tito Leandro would bring her to visit here. I didn't know if, nasabi na nila sa bata ang totoo.O alam na din ba ito ni Mia?"Sorry iha, for the sudden notice." she kissed me on the cheek. "I just want to visit Ryker, because Conrad doesn't want to take him to the mansion either."Tumango lamang ako at pilit na ngumiti.Ayoko rin naman ang ideya kung sakali na bumisita si Ryker sa mansyon. "Good evening iha." si Tito Leandro at bumaling kay Tatay. "Magandang gabi,"Tatay remained silent and ignored Tito Leandro's greeting. I looked at Tito Leandro and asked for forgiveness because of Tatay's behavior. Naiintindihan naman nila siguro lalo pa't, galit din ito dahil sa nangyari noon."Nagpaluto ako ng food kay Manang Betina," nilagay nito sa lamesa ang dalang tray ng food.I invited them to come to the table to eat. I a

  • Rayne Antonio: The Sugar Baby    Kabanata 48

    Wala na akong nagawa ng pinilit ni Conrad na sumama sa aming condo unit. Nagpumilit pa siya noong una na sa kotse niya kami sumakay. But I didn't agree because I had my car with me.Kaya ang ending ay sa kotse ko din siya sumakay, imbes na ipakarga niya si Ryker kay Ate Lindy ay hinayaan niya na matulog ito ng tuluyan sa kanyang balikat. I was in the driver's seat, driving while Ate Lindy was in the backseat."Ate, nakauwi na pala kay— Kuya Conrad?" Since I didn't tell Riri about this, she was just shocked to see Conrad with me. She looked at me questioning what this man was doing here.I just mouthed that I will explain to her later."Ate Lindy, pakisamahan na lang siya sa kwarto namin ni Ryker." tumango naman si Ate Lindy at iginiya na si Conrad sa aming kwarto upang mailapag na nito si Ryker.Conrad glanced at me once before following Ate Lindy.Riri dragged me inside the kitchen when Conrad entered our room."Ano yun, Ate!?" pagalit na bulong niya. "Bakit siya andito?""He alrea

  • Rayne Antonio: The Sugar Baby    Kabanata 47

    Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa takot nang muli kong makita ang mga taong naging dahilan ng paghihirap ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na ngayon kaharap ko na sila at kasama ko pa ang anak kong si Ryker.Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na iyon kasama ang anak ko para hindi nila malaman kung sino si Ryker. Pero, hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko para gawin iyon. Tila napako ako sa lugar na iyon, at kahit ang paghakbang ay hirap akong gawin.I stood up from kneeling while holding my son's hand tightly. I looked at their reaction, surprise registered on the faces of Tita Christine and Tito Leandro. They looked back and forth between me and Ryker who was still crying.And when I looked at Conrad, I only saw him frowning and full of wonder while looking at my son."Jusko kang bata!" si Ate Lindy at lumapit kay Ryker na nanatili lamang sa aking tabi. "Nag-alala kami sa'yo.Wag ka na ulit aalis ng ganun,"She tried to grab Ryker to stop him from crying bu

  • Rayne Antonio: The Sugar Baby    Kabanata 46

    Isang linggo, simula ng umuwi ako sa Pilipinas ay iniwasan ko na magtagpo ang landas namin ni Conrad. After our talk, sa kanyang condo unit ay pinuntahan niya pa ako sa aking boutique upang makausap. Ngunit hindi ko siya hinarap, sinabi lang nang mga tauhan ko na wala ako sa lugar na iyon at umuwi na sa Pilipinas.I don't know how to deal with him after our conversation.Ang sakit pala na malaman na halos nabubuhay ako sa kasinungalingan sa loob ng apat na taon na relasyon naming dalawa. Na handang-handa na akong makasama siya habang buhay tapos sa huli maghihiwalay lang din pala kami.I think, Conrad was only part of my past that thought me how to love. And how to be loved. That even if it's not you in the end you still learn to love.I don't know but I feel like something is missing from the conversation I had with Conrad. I felt relieved because I had said everything I wanted to say.But, why does it seem like something is missing?Paano kapag nalaman ni Conrad ang tungkol kay Ryke

  • Rayne Antonio: The Sugar Baby    Kabanata 45

    Kahit na nahihilo ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga upang malaman kung nasaan ako. Medyo maskait pa ang aking ulo dahil sa labis na pag-iinom. Hindi ako pamilyar sa kabuuan ng kwarto kaya nangangamba ako kung nasaan ako. Shit! Where the hell am I?Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at yumuko nang makaramdam ng labis na hilo. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako at kung sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Kaya kailangan kong makaalis sa lugar na 'to bago pa may mangyari sa akin na masama.Tumayo ako upang makalapit sa pinto ng kwarto na iyon para makalabas. Dahan dahan pa ang ginawa kong lakad dahil hindi ako sigurado kung may kasama ba ako sa lugar na iyon. Pipihitin ko na sana pabukas ang pinto ng biglang may pamilyar na boses na nag-salita mula sa aking likuran. "Where are you going?"I almost closed my eyes after I recognize the familiar baritone voice of the person behind me now. I just remembered that he was the last person I talked to before I passed out outsid

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status