Share

Chapter 45

Inihatid na ni Leina ang kambal sa room nito kasama si Tintin, nakita naman niyang sumilip si Tintin sa room, para naman siyang nakaramdam ng awa sa bata

"Tin, lika na"

"Sige po Tita Leina" sabay hawak sa kamay niya, naglakad na sila palabas nang may dumaan na nagtitinda ng taho "Tita Leina, gusto ko Taho"

"Ah gusto mo? Sige Kuya pabili po ng dalawa, tig 10 pesos"

"Sige po Mam" ani ng tindero, at iniabot na ang taho sa kanila, naglakad na sila ang naupo sa isang bench

"Tita Leina kilala mo po ba ang Mommy ko?"

"Ha? Eh oo"

"Bakit po hindi sila magkasama ni Daddy? Bakit kayo po kasama niyo ang Daddy ko?"

Hindi nakakibo si Leina, hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng bata "Tin, hindi mo pa maiintindihan, masyado ka pa kasing bata"

"Tita Leina, bakit ako iniwan ni Mommy kay Daddy? Namimiss ko na siya eh"

"Eh madalas ba umalis ang Mommy mo?"

"Opo, nagwowork daw po"

"Ahh okay, sige na ubusin mo na yan"

"Tita Leina, pwede po ako magcrayons? Yung tulad kay Cruzita at Chabelita"

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status