Share

Chapter 9

"What did you say?" 

Gulat akong umayos ng upo. 

"Break na kami..." Pag-uulit ni Cleofa sa sinabi n'ya kanina t'yaka nagsimulang lumuha. "Nakipaghiwalay ako...kay Jam." 

"Cleofa," nag-aalalang tawag ko sa kanya. Sunod-sunod na nagpatakan ang luha n'ya kaya wala akong nagawa kung hindi ang yakapin nalang ang kaibigan ko. 

Tahimik s'yang umiiyak. Bawat hikbi n'ya ay mahina rin. Hindi ako sanay na makitang ganito ang kaibigan ko. Ito ang pangalawang beses na umiyak s'ya saakin ng dahil sa lalaki. Hindi s'ya humahagulhol ng iyak nguni't sa bawat hikbi nya ay malalaman mo kung gaano s'ya nasasaktan at nasasaktan din ako kapag nakikita s'yang ganito.

"What happened? Bakit ka nakipaghiwalay? Sinaktan ka ba n'ya? Niloko ka ba? May ibang babae ba?" Nagtitimpi kong tanong nang medyo kumalma ito. 

She chuckled. Tumatawa s'ya nguni't nandoon pa rin ang luha sa mga mata. Napalabi naman ako habang nakatingin sa kanya. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status