Ten years passed, and the memory of their wedding was still fresh inside Bree’s mind. Pati ang nararamdaman niya noong araw na iyon ay sariwa pa rin sa kanyang puso. Sampung taon na ang nakalipas pero ang nararamdaman niya para sa asawa ay hindi man lang nagbago, kung nagbago man ay dahil mas minahal niya pa ito ng husto.
Pinahid ni Bree ang kaunting luha na nasa gilid ng kanyang mga mata. Kahit na ilang beses niya pa na napanuod ang video recording ng kanilang kasal ay hindi pa rin nagsasawa si Bree.“Jackson Samaniego, hindi ko kahit kailan maisip na makikilala kita at mamahalin ng ganito katindi. Lahat ng babae sa mundo ay nangarap na makatagpo ng isang prinsipe, pero hindi ko talaga akalain na makakatagpo nga ako ng isang prinsipe, medyo masungit nga lang.”Nagtawaawanan ang mga tao na dumalo sa kasal nila. Si Bree rin ay natawa sa mga sinasabi nia. It was the most romantic event that ever happened to her.Mapait akong napangiti habang hinahaplos ang lapida ng mga magulang ko. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang mawala sila pero ‘yung kirot sa puso ko ay hindi pa rin nawawala. Isang napakasakit na trahedya para sa isang anak ang sabay na bawian ng buhay ang mga magulang. Hindi ko lubos maisip kung paano ko nalampasan ang lahat ng ‘yon.“Ma, Pa, kamusta na po kayo d’yan?” mahinang sambit ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagtulo ng luha na pilit kumakawala sa aking mga mata. Ang kirot sa dibdib ko ay mas lalong tumindi habang nakatingin sa lapida.Kinuha ko ang dalawang bugkos ng bulaklak at inilagay iyon sa ibabaw ng lapida. Siyam na taon ko na silang hindi nakikita at naririnig, at loob ng mga taon na iyon, araw-araw akong nagdarasal para sa mga kaluluwa nila. It's the least that I can do for them.“Ako, okay lang po ako. Mahirap po mamuhay ng mag-isa pero kinakaya ko naman po. Si kuya Elmer hindi ko na po alam kung nasaan siya. Nababahala na po ako dahil ilang tao
Napatigil ako nang makita ang isang bugkos ng bulalak na nakapatong sa mesa ko. Rosas na kulay pula at napakaganda ng pagkaka-ayos nito, halatang mamahalin ang bouquet. Napalinga ako sa buong silid, maaga pa at wala pa masyadong tao sa opisina. Alas-seite pa lng ng umaga at ako pa lang ang empleyado sa palapag na ‘to. Sinadya ko talaga na mag-maaga ngayon para ayusin ‘yung trabaho ko na palpla, nangako pa naman ako na personal kong kakausapin ang si Mr. Lao at humingi ng kapatawaran sa katangahan ko. Sana lang talaga at hindi kasing sungit ni sir Jax iyong si Mr. Lao. “Sino naman kaya ang naglagay nito dito?” bulong ko. Nasa isang silid lang kami ni Chelle habang nasa kabila naman si miss Cindy, siya iyong Executive Secretary at kami ni Chelle ang kaniyang mga alalay. Kinuha ko ang card na nakasabit at binasa iyon. “Dear Bree, I hope this flower brightens up your day. Always smile, you have a very beautiful smile. Your secret admirer.” Napataas ang kilay ko sa nakasulat sa mali
“What the f*ck are you doing?!” “Ay! Titi mo malaki!” Napatili ako sa sobrang pagkagulat nang dumagundong ang malakulog na boses mula sa likod ko. It reverberated through the kitchen walls. Pakiramdam ko ay lumindol sa sobrang lakas ng boses niya. Sa sobrang gulat ko at sa kagustuhang hawakan ang aking dibdib ay muntik ko nang mabitiwan ang pinggan sa kamay ko. Mabuti na lang at maagap ko itong nahawakan, kun’di yari na naman ako. I turned around only to see a scowling Jackson Samaniego standing at the door of the kitchen. Pulang-pula ang mukha nito at humuhingal pa. His massive physique almost occupied the whole door making him look larger than life. Sa tangkad nito ay talagang matatakot ka kapag gano’n kabangis ang itsura nito. Para itong isang mabangis na halimaw na handang sunggaban ang kaniyang agahan, at ako iyong agahan niya. Pero imbes na matakot sa itsura nito ay hindi ko maiwasan na pasadahan ng tingin ang hubad nitong katawan. Wala itong suot na pang-itaas at ang suot
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang naghihintay kay miss Cindy. Halos hindi na ako humihinga kakatitig sa glass door ng cubicle namin ni Chelle dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Namamawis na ang noo at palad ko at pakiramdam ko ay katapusan ko na talaga ngayong araw. Katapusan mo na talaga! Sa tingin mo ba palalampasin ni sir Kax ang ginawa mo? Gusto kong bulyawan ang isang bahagi ang utak ko na palaging kontrabida. Kung anu-ano na lang ang sinasabi nito na nagpapawala ng tiwala ko sa sarili. Paano kung magdedemanda si sir Jax? Diyos ko po, saan ako kukuha ng pera para doon? Paano kung patatalsikin ako sa trabaho? Malaki siguro ang sisingilin nito sa akin dahil muntik na masunog ang bahay nito. Nasapo ko ang sariling noo. Kung anu-ano na lang ang naiisip ko, at sigurado naman ako na mangyayari ang isa sa mga iyon. Narinig kung nagbuga ng isang malalim na hininga si Chelle. Pati siya ay hindi rin mapakali. Pareho namin hinihintay si miss Cindy na makabalik, kinakausap
“Sus! Denial pa itong babaita na ito! Gumalaw ang ilong mo ibig sabihin kinilig ka rin!” Hindi pa nakuntento si Chelle at malakas itong humalakhak na akala mo kami lang ang tao sa opisina. “Basta! Iba ang kutob ko d’yan kay sir Jax. May duda nga ako na siya iyang secret admirer mo na palaging nagbibigay ng mga bulaklak. Grabe! Ganda mo talaga, girl!” Dagdag na saad ni Chelle. Gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan ng sinasabi nito. Imposible kasi na mangyari iyo dahil sa bikod na nakikita ko kung gaano nito kamahal ang yumaong asawa, ano ba ako kumpara sa mga babaeng dini-date nito ngayon? Muli kong hinampas si Chelle nang akma itong magsasalita. Kung anu-ano na lang ang sinasabi. Hindi ba ito natatakot na marinig ng ibang kasama namin? “Ewan ko sa’yo. Punta muna ako ng cafeteria. Nagutom ako bigla.” Lumabas ako at iniwan na si Chelle doon. Ayokong makipag-usap sa kan’ya kapag iyon ang topic niya. Nakakahiya na nakakainis. Napaka-imposible kasi base sa kung paano ako tratu
Huminga ng malalim si Bree para pakalmahin ang naghuhuramentado niyang puso. Dumuble ang kaba niya noong nakaharap na niya talaga si sir Jax at nakita sa mga mata nito kung gaano ito kagalit sa kaniya. Nag-aapoy iyon ng pang-aakusa. Napalunok ng wala sa oras si Bree. “Jax, darling, what took you so long?” Biglang lumitaw si Elise mula sa likod Jax na nakabusangot ang mukha. Pero nang makita nito na karga ni Jax si Amy ay biglang nagbago ang itsura nito. Umaliwalas ang mukha at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa bata. Hindi mawari ni Bree kung totoo iyon o pakitang-tao niya lamang. “Amy, baby! Oh, my... I’m so worried about you! Where have you been? Are you alright?” Maarte nitong sigaw sabay lapit at yakap sa bata. Napangiwi si Bree sa arte ng boses nito. Okay. Confirmed! Pakitang-tao lang iyon. Napataas ang kilay ni Bree nang sinadya ni Elise na idikit ang katawan kay Jackson nang yakapin nito ang bata. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga empleyado ni Jackson ang relasyon
Jax was pulled from his train of thought when a soft and small hand caressed his face. It was Amy. Nakatingin ito sa kaniya na may nagtatanong na mga mata. Nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Jax at pilit na ningitian ang anak. “What is it, baby?” “Daddy, please don’t fire ate Vicky. It's not her fault, it was my fault.” If there is someone who has the ability to bend Jackson’s decision, it’s his daughter Amy, aside from Cindy, of course, who is one of his trusted friends since college. He just loves his daughter dearly. She resembled his late wife’s face so much that it became hard for Jax to live with her. Kaya pansamantala itong nakatira sa mga magulang ni Jax. Besides, he’s a total mess right now, and Jax doesn’t want Amy to witness how wrecked he is. “Sir, pasensya na po talaga kayo. Pangako po pagbubutihin ko po ang trabaho ko.” Nagsalita ang yaya ni Amy na si Vicky na nasa gilid lang, nagsusumamo ang boses nito at mukha ng maiiyak dahil sa kaba. “Amy, baby,
Spartan. The high-end bar owned by the infamous Andrei Morotov. It's Friday night, and as usual, the place was jammed-pack. People from the high society were swarming the bar like hungry bees. Some were dancing and bouncing their bodies to the upbeat music. Everybody was having a good time; some were out to search for a good fuck, while others just wanted to have some booze and enjoy. Malaki ang ngisi ni Andrei nang makitang paparating si Jax sa inuukopa nilang mesa sa VIP section. And as usual, Jackson’s face was scowling like the whole world was his enemy. Hindi mawawala sa mukha nito ang pagkakakunot ng mga kilay at ang walang emosyon na mga mata. Sila na magkakaibigan ay naiintindihan naman kung bakit naging ganoon ang ugali ng lalaki. He doesn’t talk too much anymore; he’s always scowling and he fucks hard. Ang buong akala nga nila ay hindi sila nito sisiputin. Simula kasi noong mamatay ang asawa nito ay hindi na ito masyadong nagpapakita sa kanila, maliban na lamang kung mg
Ten years passed, and the memory of their wedding was still fresh inside Bree’s mind. Pati ang nararamdaman niya noong araw na iyon ay sariwa pa rin sa kanyang puso. Sampung taon na ang nakalipas pero ang nararamdaman niya para sa asawa ay hindi man lang nagbago, kung nagbago man ay dahil mas minahal niya pa ito ng husto. Pinahid ni Bree ang kaunting luha na nasa gilid ng kanyang mga mata. Kahit na ilang beses niya pa na napanuod ang video recording ng kanilang kasal ay hindi pa rin nagsasawa si Bree. “Jackson Samaniego, hindi ko kahit kailan maisip na makikilala kita at mamahalin ng ganito katindi. Lahat ng babae sa mundo ay nangarap na makatagpo ng isang prinsipe, pero hindi ko talaga akalain na makakatagpo nga ako ng isang prinsipe, medyo masungit nga lang.” Nagtawaawanan ang mga tao na dumalo sa kasal nila. Si Bree rin ay natawa sa mga sinasabi nia. It was the most romantic event that ever happened to her.
Sophia Marie Samaniego. Iyon ang pinangalan ni Bree sa bunsong anak nila ni Jackson. At kagaya ng mga Samaniego, may asul na mga mata din ang bata. She’s like the female version of Jackson. Kaya panibong inis na naman ang umusbong sa puso ni Bree. Naiinis siya dahil ang lakas ng kapangyarihan ng katas ni Jackson para nakuha ng dalawang anak nila ang itsura nito. Walang ni isa na mula sa kanya ang nakuha nina Lennox at Sophia. “Oh, my god! She looks exactly like Jackson! Parang batang Jackson na naging babae.” Masayang bulalas no Madeline nang dumalaw ang mga ito sa ospital. Nandsoon ang lahat, sina Tyler at ang nobya nitong si Jane, si Lucian na ngayon ay nobya na rin si Keira, at ang mga magulang nila. Ang mga bata ay naiwan sa mansyon dahil bawal sila sa ospital, pero pinadala ni Lennox ang favorite stuffed toy nito para raw hindi malulungkot ang mama niya. Masayang-masaya ang lahat sa pagdating ng
Sinipat ni Bree ang itsura sa full-lenght body mirror. Kanina pa siya papalit-palit ng damit na susuotin pero hindi niya talaga gusto ang kinalalabasan ng itsura niya. Para siyang balyena! Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang pagluha. She hates this feeling. Iyong pakiramdam niya ay ang pangit niya, tingin niya sa sarili ay isang siyang hippopotamus. “Ang pangit ko talaga,” naiiyak na bulong niya sa sarili. Idagdag pa ang hindi niya katangkaran na height at napakalaki na tiyan niya, gusto na lang talaga ni Bree magtago sa silid niya at huwag na lumabas kahit kailan. Kabuwanan na niya ngayon kaya sobrang laki na ng tiyan niya, hirap na hirap na siya sa pagkilos at hingal na hingal siya. Hindi naman siya ganito noong pinagbubuntis niya si Lennox. Hindi naman siya nabahala na malaki na ang tiyan niya, kung tutuosin ay umitim nga ang balat niya
Sa Maldives ang destinasyon nila ni Bree at Jackson para sa kanilang honeymoon. Silang dalawa lang dahil hindi pumayag si Jackson na kasama sina Lennox at Amy. Ang rason nito? Iyon lang daw ang panahon na masusulo siya nito, at kapag nakauwi na sila ay mahahati na raw ang kanyang atensyon. Napailing na lamang si Bree dahil parang bata ito kung maka-angkin sa kanya, nakikipagkompetensya sa mga anak nila. Niyakap ni Bree ang sarili habang dinadama ang mainit na simoy ng hangin mula sa dagat. Ikalawang araw na nila ngayon dito at ngayon lang siya nakapasyal ng maayos dahil hindi siya hinahayaan ni Jackson na makalabas sa silid nila. Jackson had been very possessive and protective of her since he learned that she was carrying his child again. He’s much more attentive to her needs. “Hindi kita naalagaan noong pinagbubuntis mo si Lennox, kaya babawi ako sa’yo ngayon. Gagawin ko ang lah
Puspusan ang paghahanda ng buong mansyon ng mga Samaniego para sa kasal nina Bree atJackson. Kahit ang buong Diamond Entertainment ay walang pagsidlan ang tuwa para sa kanilang masungit na amo na sa wakas ay nakatagpo din ng babaeng kaya itong pabaitin. Masaya ang lahat dahil sa wakas ay nakatagpo na rin ng babaeng pakakasalan ang isa sa pinakamasungit na CEO sa buong bansa. Kahit na ang mga netizens ay excited na makita sa national television ang live coverage ng kasal nito. Puno ng paghanga ang mga ito sa katapangan ni Bree. Naging hot topic sa buong bansa ang nangyaring pagkidnap at pag-hostage kay Bree at nagawa nitong makaligtas sa tiyak na kamatayan. The topic was trending on all social media sites. Ang iba ay kinikilig dahil parang fairytale raw ang lovestory nina Bree at Jax, may iba naman ang nanghihinayang dahil ikakasal na ang isa sa pinakaguwapong negosyate sa bansa. “Hija, ang ganda mo talaga. Sigu
Ang huling nakita niya bago siya nawalan ng malay ay ang pagbagsak ng kaibigan sa sahig. Chris also shot Chelle! Kahit na buntis ang babae at dinadala nito ang anak niya ay hindi pa rin naging hadlang para barilin ang kaibigan niya. Lumukob ang takot sa puso ni Bree. She need to know what happened to Chelle. Hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya malalaman na nasa ligtas ito kalagayan. At hindi niya matatanggap kapag may nangyaring masama sa inosenteng anak niya. Nagpupumilit na bumangon si Bree at pilit na tiniis ang sakit ng kanyang mga sugat, pero hindi niya talaga kaya. “Bree! Thank god you’re awake!” Napalingon si Bree sa nakabukas na ngayon na pinto ng kanyang silid. Nagmamadaling pumasok si Tyler at
The baby had a striking blue eyes, just like the Samaniegos. Tyler tapped Jax on his shoulder. “She’s going to make it, kuya. Huwag kang mag-aalala sa kanya. We all know that Bree’s a figther. Ang tapang ng babaeng iyon, sigurado akong malalampasan niya ang lahat ng ito. And she’s pregnant, I know she will fight for you and the baby.” Ipinikit ni Jackson ang mga mata. He’s willing to trade his life just so Bree could live. Gusto niyang magwala dahil namatay si Chris. Death was way much better for an evil person like him. Ang gusto sana ni Jackson ay magdusa ito sa loob ng bakal na rehas. He even want to torture that man himself. Chris dies because of multiple gunshot. One fatal shot the killed him was a straight shot to his heart. “I’m so scared, Ty. Just thinking that door would open and the doctor would give me a bad new makes me want to shout in frustration.” Sinabunutan nito a
Napamura na lamang si Samuel nang marinig ang tatlong magkasunod na mga putok. Umalingawngaw iyon sa buong bodega. Otomatikong napatingin siya sa gawi ni Bree, nalingat lang siya na ilang segundo pero ang babae ngayon ay nakahandusay na sa sahig at kumakalat ang pulang likido sa sahig. Sa isang banda ay nandoon ang buntis na kaibigan ni Bree, at duguan din ito at walang malay ''Fuck!'' Sunod-sunod na ang naging putokan, si Chris ang target. Chris dropped on the ground, dead and covered with his own blood. Kaagad na binawian ito ng buihay sa dami ng tama ng baril sa katawan. Kaagad na kumilos ang mga tauhan ni Samuel. They all move to check whether Bree and Chelle were still alive. Isa sa mga tauhan ni Samuel ang nagcheck sa pulso ng dalawang babae. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagsusuri ay malungkot itong nag-angat ng tingin kay Samuel at umiling.
Ang alam ni Bree ay gabi na. Hindi man lang siya itinali si Chris, kaya mas lumaki ang pag-asa ni Brew na makatakas siya mamaya. Hindi siya binigyan ng pagkain kanina, siguro para manghina siya. Pero hindi iyon hadlang para kay Bree, mahinap malakas ay tatakas siya sa lugar na ito. Alam niyang ito na ang magiging lugar kung saan siya babawian ng buhay kung hindi siya tatakas ngayon. Noong umalis si Chris kasama si Chelle na walang imik ay hindi na bumalik ang mga iyon, ilang oras na din ang lumipas. Ang tanging ipinagdarasal ni Bree ay sana hindi na bumalik si Chris para may tyanaa siyang makatakas ngayon. Mayroong tatlong lalake na nagbabantay sa loob ng silid. Good thing she's not tied. Mas madali sa kanya ito. Inilibot ni Bree ang tingin sa buong silid. Walang gamit, mayroong isang mesa na ginagamit ng mga lalake at ang silya na inuupuan niya. Ang nak