Share

Chapter 4 - Regret

Penulis: ELEIGHPI
last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-09 12:33:06

Para s'yang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Nanlamig ang buong katawan n'ya sa takot at paulit-ulit na tanong na why ang umalingawngaw sa isipan n'ya.

Pinaandar n'ya ang sasakyan n'ya at pinaharurot ito papunta sa hospital. Halos hindi na lumalapat ang gulong ng sasakyan n'ya sa kalsada sa bilis ng takbo n'ya.

"Wait for me, hold on please, Babe. Papunta na ako."

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha n'ya.

"Mali ako I'm sorry. Sobrang mali ako, ang tanga ko babe I'm sorry!"

Humagulgol s'ya ng iyak at napasigaw pa sa sobrang sikip ng dibdib n'ya. Nanlalabo ang mga mata n'ya dulot ng luha pero wala s'yang pakialam dahil mas gusto n'yang makarating agad sa hospital.

Galit n'yang pinindot ang busina ng sasakyan n'ya para makalusot agad sa trafic. Pero syempre hindi sa lahat ng pagkakataon na yun sa kanya ang kalsada dahil naabutan s'ya ng trafic.

"Shit!"

Pinalo n'ya ang manibela ng sasakyan n'ya..Para s'yang mababaliw na kung maari sana hingiin na lang n'ya ang pang-uunawa ng lahat para paunahin s'yang makalusot sa trafic.

Pero syempre kung may problema s'ya, may problema din naman ang ibang tao.

"Tangina Marga, anong klaseng pagmamaneho ba ang ginawa mo?" iyak n'yang tanong kahit s'ya lang naman ang makakarinig.

"Sorry nasaktan kita ng sobra. Kung hindi ko ginawa yun hindi ka naaksidente sorry kasalanan ko babe!" Lumuwag ang kalsada pero saglit lang, umusog lang ang mga sasakyan.

"Paunahin n'yo ako!" galit na galit n'yang pinindot ang busina ng sasakyan n'ya pero syempre sino bang may pakialam? Wala.

Inabot s'ya 20 minutes sa traffic at halos ilang metro lang ang ikot ng gulong ng sasakyan n'ya sa kalsada. Kaya bumaba s'ya ng sasakyan at iniwan ito sa gitna ng kalsada.

"Itulak n'yo yan letche! Ayaw n'yong magpadaan! Bahala kayo, solohin n'yo yang kalsada!" galit na galit n'yang sigaw.

May dumungaw pang driver. "Hoy wag mong iharang dito ang sasakyan mo!"

Pero hindi s'ya nakinig at tuloy tuloy lang ang takbo n'ya. Marami pang umangal at hinabol pa s'ya ng traffic enforcer pero mas binilisan n'ya ang takbo n'ya.

Kahit malayo pa ang hospital, mas naniniwala naman s'yang aabutin s'ya ng hapon sa traffic na yun.

Pagdating sa hospital. "Nurse nasaan ang kwarto ng sinugod na pasyente? Babae, Margarette Napag or Margarette Queenichel Napag McKenna? I'm the husband."

"Wait lang sir ha."

Naghintay naman s'ya habang ang nurse ay tinitingnan ang records ng mga pasyente.

"Sir...nagdischarge na po si Ms. McKenna," biglang sabi nito.

"Nagdischarge?"

"Opo mga 20 minutes ago lang po."

"Sinong kasama n'ya? Bakit s'ya nagdischarge agad? Okay na ba s'ya?" sunod-sunod n'yang tanong.

"No sir, hindi pa s'ya gising kasi grabe ang injuries n'ya pero mukhang ililipat po s'ya sa ibang hospital," sagot nito.

Mas lalo syang nabalisa. "Sino ang kumuha sa kanya?"

"Sa record po, si Mr. Maxwell Macaruis McKenna po. Mukhang kuya n'ya po."

Napanganga na lamang s'ya at kusang tumulo na naman ang mga luha n'ya. Okay lang kung kinuha ito ng kapatid, atleast kapatid pero syempre hindi nya maiwasang mag-alala.

"Saang hospital daw s'ya ililipat?" tanong n'ya.

Malungkot na umiling ang nurse. "Sorry sir, pero hindi sinabi kung saan."

"Bakit hindi sinabi kung saan? Hindi ba obligation ng hospital na malaman kung saan ililipat ang pasyente, kasi hospital din to nasa kanila ang pasyente sa una."

"Sorry sir pero mukhang request ni sir McKenna na wag sabihin. Hindi ko lang po sure kasi kung hindi n'ya request nasa record din po ang pangalan ng hospital na lilipatan nila."

Nanlulumo na lamang s'ya. Halos mamatay-matay s'ya sa sobrang pag alala sa asawa n'ya then pagkarating sa hospital hindi na n'ya pala ito maabutan. At ang masaklap pa hindi na n'ya alam kung saan ito puntahan.

Lumabas s'ya ng hospital na yun at tinawagan si Dominic. Pero hindi ito sumagot sa kabilang linya. Ilang beses n'yang tinawagan pero hindi ito sumasagot.

Sa loob ng sasakyan pinalo n'ya ang manibela. "Not now, hindi to panahon ng biro, Dom!"

Tumunog ang phone n'ya at may mensahe ito. "Matapos mo akong patayan ng phone kanina, tatawag-tawag ka?"

"What the fuck? Nakuha mo pa talaga magbiro? Gagō na to..."

Inis s'yang nag type at sinend ang mensahe. "Naaksidente si Marga."

Pasayaw-sayaw ang paa n'ya sa sobrang pagkabalisa habang ang luha n'ya ay parang gripong tumutulo mula sa mga mata n'ya. Maya-maya tumunog ang phone n'ya tumatawag si Dom.

"San..."

"Tangina anong sabi mo?!" bulalas nito sa kabilang linya, halos mabingi pa s'ya.

"Tulungan mo ako. Hindi ko mahanap si Marga."

"A--Ano? Ang sabi mo naaksidente tapos ngayon hindi mo mahanap? Insan ang naaksidente sa hospital dinadala, dun ka pumunta!"

"Galing na ako dun."

"Oh so dapat turuan pa kita kong saang kwarto s'ya puntahan?" pamimilosopo nito pero bakas sa boses ang pag-alala.

"Tinawagan ako ng Alvatar Hospital na dun sinugod si Marga."

"At nasaan ka ngayon?"

"Nandito sa labas ng Hospital."

"Alvatar?"

"Oo," sagot n'ya.

"San, pumasok ka sa loob tanungin mo kung nasaan ang asawa mo. Bilis kailangan ka na nun—"

"Ginawa ko na at sinabi ngang discharge na may kumuha sa kanya, nilipat s'ya sa ibang hospital."

"May...may kumuha?"

Tumango s'ya kahit hindi nito nakikita. "Kuya n'ya."

"Edi puntahan mo sa nilipatang hospital."

Umiling s'ya. "Hindi sinabi kung saang hospital, insan e." Nanahimik ito sa kabilang linya. Humikbi lamang s'ya. "Anong gagawin ko? Malubha raw ang kalagayan n'ya. Mababaliw ako nito kung hindi ko s'ya makikita."

Narinig n'ya ang buntong hininga nito sa kabilang linya. "Okay...gagawa ako ng paraan. Malalaking tao tong mga McKenna hindi to madaling itrack pero I'll do my best hindi lang ako mangangako, San ha."

Pagkababa n'ya ng phone, napahilot na lamang s'ya ng mga mata n'ya at umiyak sa manibela n'ya. "Babe nasaan ka ba?"

Mali ang kumagat s'ya sa plano ni Cindy. Dahil dun napahamak ang buhay ng asawa n'ya. Umuwi na lang muna s'ya sa bahay n'ya at nagpadala ng utos sa mga pinagkakatiwalaan n'yang tao. Pinapahanap n'ya ang asawa n'ya at pagsapit ng hapon nakatanggap s'ya ng tawag kay Dominic.

"Hindi ako nakakuha ng impormasyon about kay Marga pero may isang private jet ng McKenna na lumipad papuntang US. Malakas ang kutob ko, dinala dun ang asawa mo para ipagamot," sabi nito.

"Kung ganun pupunta ako ng US," atat n'yang sabi.

"Sasama ako. Delikadong tao si Maxwell, basi sa ibang impormasyon na nakalap ko tungkol sa kanya. Baka galit yun sa'yo at pag-initan ka."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 16 - One sided love

    Two days later, wala pa ang DNA test, pero muling nagpakita sa kaniya si Cindy. Sinusuyo na naman siya gaya ng dati. Kasalukuyan siyang tutok na tutok sa kaniyang trabaho sa opisina lalo na't sisimulan na nilang ipapatupad ang leveraging benifits ng Branson na inaprubahan na ng lahat.Ngunit itong babae pumasok sa opisina niya na hindi man lang kumatok. Hindi niya ito kinibo kaya naman umupo ito sa ibabaw ng desk niya para mapansin niya dahil alam nito yun ang pinakaayaw niya sa lahat."Hindi yan upuan," suway niya rito. "Ito lang ang paraan ko para pansinin mo ako," sabi naman nito na naging dahilan ng paggapang na naman ng inis sa kalamnan niya. Naibaba niya ang pen at napahilot ng noo. Nang sobrang nanggigigil na siya, binagsak niya ang kamao niya sa desk at tumayo. "Ganyan ka ba ka makasarili? Na kahit ayaw ko na sa'yo, nasasakal na ako, pinipilit mo pa rin ang sarili mo! Namimilit ka na Cindy! Ayaw ko nga sa'yo, diba? Hindi kita mahal? Anong masasakit na salita pa ba ang ayaw

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 15 - His Plan

    Kaya naman, kabado si Margarette na lumapit sa anak at akmang buhatin ito. "Griege, let's go."Kinakabahan sya, alam ni Hielan na anak nito si Griege, hindi talaga nya mamanipula ang lalaki. Halata naman kasi, bukod sa kamukha nito ang bata, kuhang-kuha pa ang ugali. "Aalis agad? Sinabi ko lang, like father like son?" taas kilay na sabi ng lalaki, at dahan-dahan pang lumapit sa kanila. Hindi pa kumikilos si Griege para tanggapin ang mga kamay nya kaya mas lalong naging awkward ang sitwasyon. Nanigas pa sya ng makita si Heilan na hinaplos ang buhok ng anak nya at napapalunok na lang sya dahil don. "N-Narealize ko kasi, hindi ako aabot sa next appointment ko kaya siguro, mamaya na lang kami mag-grocery," rason nalang nya na nilalabanan ang pagkailang. "Really? Parang hindi naman ganyan ang Margarette na kilala ko," sabi nito.Naningkit ang mga mata nya rito. "Margarette na kilala mo dati?""Yes?" kibit balikat nitong kumpirmasyon na medyo patanong. Mariin s'yang lumunok. "Patay na a

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 14 - His kin

    "No! Hindi pwede ang ganyan, dig dipper, sa mga CCTV's, hindi pwede ang ganya na makakalusot sila nang ganon lang kadali, pakilusin mo ang mga tao mo, para hindi puro negative ang update mo sa akin! Dammit!" Umalingawngaw na naman ang boses ng kuya ni Margarette na si Maxwell habang kausap nito ang tao sa kabilang linya. Stress itong napasuklay ng buhok pataas at pikon na pikon na nagpatunog ng dila ngunit bigla itong natigilan nang may maliit na boses na sumigaw. "Dammit!" Parehong namilog ang mga mata nilang napatingin kay Griege, at ang yaya nito ay mabilis na sinaway ang bata. Humugot sya ng malalim na hininga at nagsalita nalang. "Kuya mabilis na nga makadawit ng mga salita, especially cuss words." "A-Ah...Oh, sorry." Napakamot ang kuya nya sa gilid ng ilong na tila alam ang maling nagawa. "Griege?" tawat nito sa bata."Yes, dammit!" sabi pa ng bato na gigil na gigil na naglalaro ang laruan nito. Napatampal sa mukha ang tiyohin at maging sya rin nakapamot sa sintido. Ang y

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 13 - Stopping him

    Hindi masyadong malala ang fractured ni Heilan sa binti at balikat. Nadislocate ang buto nya banda sa balikat dulot nga noong paghawak nya sa bubong ng sasakyan nang bumaliktad ito para para protektahan ang ulo nya. Sa paa naman, dahil yun sa pagkayupi ng pintuan ng sasakyan kaya naipit ang binti nya, pero hindi naman ganoon kalala ang sitwasyon nya kaya isang linggo lamang sya sa hospital at discharge na agad. Matic si Cindy ang nag-aalaga sa kanya. Ayaw nya sa presensya ng babae pero hindi nya ito mataboy-taboy. Ngunit sa kabila ng pag-refuse nya, naiisip nya si Margarette. Mukhang, may pamilya na nga itong iba at ang masaklap pa ay, nagkaanak pa ito. Anak pala ni Margarette ang muntik na nyang masagasaan na bata. Siguro kung nangyari yun baka hindi na sya mapapatawad ng babae. Sa Mansion, inalalayan syang makaupo ni Cindy sa couch, naroon din si Dominic na inaalam ang kalagayan nya at alam nya pagkamamaya ay aalis din ito. "Magtitimpla lang ako ng gatas mo para mabilis kang ant

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 12 - Report

    Pinalibutan sya ng maraming tao nang lumabas sya sa sasakyan nya nang hintayin n'yang makalayo ang mga namaril sa kanya, baka kasi balikan sya ulit at tudasin na lang kung lumabas sya agad. Kabado sya at pawis na pawis na tumingin sa unahan ng sasakyan nya at nakita nga n'yang nayupi ang parteng nakadikit sa bakal na railings. May lumapit din guard na tila may kausap sa phone at sinilip ang parting yon. Sa pakikipag-usap ng manong guard tila nagre-report ito tungkol sa nangyari, at nagpapasalamat naman sya doon. Maya-maya binaba nito ang phone at pinagtuunan sya ng pansin. "Ayos ka lang ba, Ma'am? Natamaan ka ba?" "Nakita mo ba ang namaril? May namukhaan ka ba?" Nanunuyo ang lalamunan nya habang nagtatanong, binabalot kasi sya ng takot sa buong katawan nya. "Masyadong mabilis ang pangyayari ma'am, nag-iinspeksyon ako ng mga costumer namin nang biglang may putukan. Puro nakatakip ang mga mukha ng mga sakay sa motor na yon. Tanging plate number lang ang natatandaan ko, pero nareport

  • Regret Well, Mr. Branson   Chapter 11 - Still him

    Pagkatapos kumain nila Margarette, bumalik na s'ya sa El Greige building kasama ni Denwell at Griege din. Malakas na ang kompanya n'ya, dahil sinadya n'ya itong palakasin na talagang pabor na pabor sa mga tao. Pero ang main goal talaga n'ya ay pabagsakin ang kompanya ang dati nyang asawa. Simpleng ngiti lamang ang itinugon nya sa kanyang mga impleyado. Sapat na yun kasi para matuwa ang mga ito sa kanya bilang amo. Ayaw n'ya kasing gayahin si Heilan na noon ay masungit sa ibang impleyado ng Branson. Kapag binabati, hindi ito nagreresponse. Saglit lamang doon sila Griege and Denwell. Gusto lang naman sya makasama ng bata na kumain ng agahan. Hiniram kasi ito ni Denwell sa kanya at ngayon lang binabalik. Ngunit dahil may trabaho sya sa opisina nagpasya na lang si Denwell, na ihatid ito sa mansion nila kasama ng ama niya. Nang mag-isa na lang sya sa opisina at ang dalawang sekretarya nya ay nasa labas lang ito. Bali isang malaking opisina iyon at nahati lang sa dalawa. Lalabas s'ya sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status