Share

Chapter 2

Author: Madam Ursula
last update Last Updated: 2025-03-10 10:33:29

Mapabog na tumalikod si Elise, at dumiretso sa banyo. Hindi naman niya pwedeng basta-basta itulak palabas ng silid ang binatan dahil si Kevin ang may-ari ng bahay na tinitirhan niya. Doon na lang sa banyo inilabas si Elise ng saluobin at doon niya itinuloy ang pag-iyak. Naririnig naman ni Kevin ang mahina at impit na paghikbi niya. Pero hindi niya magawang katukin. Sa ngayon kasi, wala pa siyang sagot sa lahat ng sinabi ng hipag.

Sa totoo lang, nalilito si Kevin kung ano nga ba ang dapat niyang gawin. Kung susundin niya ang puso niya at bibigyan si Elisse ng pagkakataon, parang niloloko lang niya ang sarili niya. Alam niyang ginagamit siya ng tadhana. Pero kung susundin naman niya ang mga habilin ng lola niya, tiyak na kakasuklaman siya.

Naiipit si Kevin sa pagitan ng dalawang bagay na parehong mahalaga sa kanya. Naiipit siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin at sa pagbibigay ng kalayaan sa kanyang damdamin.

"Kelan ba matatapos ito, Lola?" tanong ni Kevin sa kanyang sarili. "Bakit ako? Bakit kailangan kong balikatin ang lahat? Bakit hindi mo na lang pakawalan si Elisse? Bakit hindi na lang natin hayaang magkahiwalay sila ni Kenzo? Bakit kailangan ako? At bakit kailangan kong magsakripisyo?"

Nakatingala na lang sa kisame si Kevin. Parang ang bigat ng mga paa niya at laglag ang balikat nang lumabas siya. Parang ang bigat ng mga balita na narinig niya. Gustong-gusto sanang manatili si Kevin sa condo niya para masamahan pa si Elisse, para kasong hindi niya ito kayang iwan.

Pero may mga papeles siyang kailangan pirmahan at kailangan na iyon bukas. Kaya walang nagawa si Kevin kundi ang lumabas at umuwi. Pasakay na si Kevin sa kanyang kotse nang makatanggap ng mensahe mula kay Jovelyn.

"Sir nakauwi na po sina Sir Kenzo at Donya Antonia, sir pumasok po sila sa silid nyo at parang may hinahanap, Hindi ko na po nasilip kung ano yun kaseahuhili along nag i spy" sabi ng mensahe.

Agad na isinuksok ni Kevin ang susi at pinaharurot ang sasakyan. Pagdating ni Kevin sa bahay, wala na ang mag-ina sa silid niya. Malamang, narinig nila ang sasakyan niya kaya lumabas na sila. Mabilis na pumasok si Kevin sa kwarto at sinuri ang gamit niya. Tiningnan niya kung ano ang hinahanap ng mag-ina, pero wala namang nawala o nagulo.

Maayos pa rin ang mga gamit niya, pati ang mga papeles sa study table. Kumunot ang noo ni Kevin. Ano kaya ang hinahanap nila? Napaisip si Kevin. Ang huling habilin ng lola niya, ang last will and testament, at ang titulo ng lupa—ito lang naman ang dalawang mahahalagang bagay na nasa kanya na posibleng interes ng mag-ina.

May dalawang kopya siya ng last will and testament; isa lang ang alam ni Atty. Reyes. Ang isa ay hawak ng mag-ina. Pareho ang nilalaman maliban sa ilang detalye na nasa kopya lang ni Kevin—ito ang sinusunod niya, hindi alam ni Kenzo. Ganun din ang marriage certificate; may peke at tunay siyang kopya. Ang pinirmahan ni Elisse ay ang tunay na marriage certificate.

Plano ni Kevin ito. Para magulo ang mag-ina, ipinadala niya ang pekeng marriage certificate na may carbon copy ng pirma nina Elisse at Kenzo (ginawa niya ang mga pirma gamit ang tulong ng isang dalubhasa).

Habilin kasi ng abogado na siguruhing maikasal si Kenzo sa babae, dahil may kutob ang abogado na may gagawin ang mag-ina para hindi matuloy ang kasal. Sinunod ni Kevin ang abogado, pero sana pala hindi na lang niya ginawa dahil sa gulo na ito.

Bumaba si Kevin sa sala at hinanap si Jovelyn para pasalamatan at bilinan ulit ito na magbantay. Galing siya sa kusina, kakainom lang ng tubig, nang makita niya si Kenzo na papasok galing sa labas. Masyado siyang preoccupied sa mga iniisip kaya hindi niya agad napansin ang pagdating ng kapatid.

"Nakauwi ka na pala, Kamusta ang kompanya?" tanong ni Kevin.

"Oo kuya, nagovertime ako kahapon at inabot ng gabi"

"Mukhang nawiwili ka na ata sa kompanya, nagugustuhan mo na ata doon? sabi ni Kevin, kataka taka kase para sa kanya na sobsob ito sa trabaho at halos araw araw sa opisina, samantalang dati ay halos ayaw nito kahit ang pumasyal lamang doon at wala itong pakialam sa hirap niya.

"Kailangan mo ba ng tulong ? aniya.

"Ayos lang kuya, kayang kaya ko naman" sagot ni Kenzo, pero napansin ni Kenzo ang pagtaas ng sulok ng labi ng kapatid.Alam niuang nangdududa ito kaya iniba na niya ang usapan.

Alam ni Kevin na nagsisinungaling si Kenzo Kailangan pa kasing i-review ni Kevin ang mga papeles na dala niya, puro rejected proposals at overpriced projects mula sa kompanya, kung saan CEO si Kenzo Ng laman niyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Kevin ng makitang tumalikod na ang kapatid.

"May kailangan lang akong kausapin," gusto na iwas ni Kenzo sa lahat ng pagkakataon ay iniiwasan niyang magtagpo ang landas nila ng kapatid para hindi siya nito usisain.Pero tila alam nito ang style niya.

"Kamusta ang paghahanap sa asawa mo? May balita na ba?" Tila natuliro si Kenzo at hindi agad nakasagot, dahil hindi niya alam ang isasagot sa kanya.Pinahahanap naman niya ang babseng iyon pero hindi niya matagpuan.

Samantala, alam naman ni Kevin na pinapahanap nito si Elise dahil sa natakot ito sa demanda at pag-aaklas ng mga shareholders. Hindi magiging maganda ang record niya sa mga ito kapag lumabas ang issue. Bukod pa sa alam ni Kevin na hindi papayag si Kenzo na hindi makuha ang kalahati ng mana niya.

Nasa will na kopya nina Kenzo na kinakailangan manatili ang kasal ni Kenzo kay Elise kahit isang taon. Pero sa dulong bahagi ng will nakalagay doon na kalahati lang ng kabuuan ang makukuha kapag hiniwalayan niya si Elise after a year. Gulo na sila sa last will ng lola niya, dahil siya kase ang pinangalagaan ng mga huling habilin nito.

"Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin siya Kuya, nagutos na ako at nangdagdag ng tao pero wala pa ring balita magdadalawang buwan na. Nahihirapan na nga ako at nanguusisa na rin ang mga tao sa opisina.

Kailangan mong ilihim ang psgkawala niya, nangpalsbas na ako ng tsosmis na nsngpunta aiya ng obang bansa para maghanap ng mga bagong produkto sa negosyo ng kanyang ina, tun di nsng alam ng pamllya niya kaya walang problema sa ngayon, soguraduhin mo lang na walang lalabas na isssue kung hindi ay magkakagulo.

"Oo kuya.Siyanga pala kuya nabalitaan ko na hinahanap mo din daw si Elise, nakita daw ng mga tauhan ko ang mga tauhan mo na nangponta sa condominiim mo?" napatda si Kevin.

"Ah oo, ipinatawag ko sila para tumulong maghanap, kapag tumagal kase na hindi pa nakakauwi si Elise ay magkakaproblema tayo. Malapit na ang Death Anniversaty ng Lola at tradisyon na noon pa na nagkakaroon ng banquet sa mismong kompanya bilang pagalala sa kanya at dapat naroon at buo ang pamilya. Kaya sipagan pa natin ang paghahanap. Tumango tango naman si Kenzo at tuluyang ng nag palalam paalis.

Kinagabihan, Hindi alam ni Kevin kung bakit kakaiba ang umagang iyon. Gabi pa lang ay parang hindi na siya mapakali, ngayon ay alas tres na ng madaling araw ay parang nililiyaban na siya. Para bang mainit ang pakiramdam niya at hindi mapakali. Hindi na nga siya halos nakatulog. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit si Elise ang pumapasok sa isip niya.

"What's going on?' tanong ng binata sa sarili. Binabagabag ba siya dahil sa mga huling eksena ng usapan nila ng kanyang hipag? Hanggang magbukang-liwayway ay si Elise ang nasa isip ni Kevin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 137

    "Elise..!"nagulat si Kevin sa ginawang iyon ng kasintahan. Lalo na ng makita niyang nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Hindi ba natutuwa si Elise na aakuin niya ang bata? talaga bang ang nais nito ay makipag....."naputol ang mga tanong ni Kevin sa isipan ng magsalita si Elise sa garalgal na boses. "Paano mo naisip ang mga bagay na yan Kevin? Paano pumasok sa isipan mo na kay Kenzo ang batang ito? Ganun ba kababaw at kababoy ang tingin mo sa akin? Oo, minsan akong nagpakagaga sa kapatid mo, pero alam mo—alam na alam mo—kung papaano ko siya kinamuhian, kinasuklaman, at kung gaano ko gustong isuka ang lahat ng naging karanasan ko sa kapatid mong yun. Ngayon, iisipin mo na gusto kong makipagbalikan sa kapatid mo pagkatapos kong magfile ng separation?'" Pumatak ang luha ni Elise matapos sabihin iyon. Napabuntong-hininga si Kevin at biglang niyakap si Elise. Bagamat masakit din ang kalooban niya sa natuklasan, ang pagluha ni Elise ay mas mabigat sa kanyang kalooban. Maging siya man a

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 146

    Si Elise naman noong mga sandaling iyon ay inip na hinihintay ang pagbabalik ni Kevin. Ayon sa nurse, maaari siyang makatulog dahil medyo maraming iron ang pumasok sa kanyang katawan. Pakiramdam naman ni Elise ay nakakaramdam siya ng antok, ngunit parang may bahagi ng kanyang isip na lumalaban at ayaw pumilit. Ayaw niyang makatulog dahil nasasabik siyang makausap si Kevin. Hindi nakaligtas kay Elise ang tila pagkatigalgal ni Kevin kanina nang malaman nito na siya ay nagdadalang tao. Marahil ay nagulat ang binata. Kung tutuusin, hindi na nagulat si Elise sa balita. Nitong nakaraan lang kasi ay nadadalas na ang pagsama ng kanyang pakiramdam sa umaga. Naalala ni Elise noong mga panahon na sumama ang kanyang pakiramdam noong unang anak niya. Medyo nawalan siya ng panahon para magpakonsulta sa doktor dahil sa sunod-sunod na pangyayari noong kanilang paghihiwalay ni Kenzo. Ngunit alam niyang positibo siya. May balak siyang kausapin nang masinsinan si Kevin, sabihin ang kanyang nararamd

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 145

    Hindi pa rinhalos magawang paniwalaan ni Kevin ang natuklasan. Wala kase sa pagkatao ni Elise ang magagawa siyang lokohin. Kilala niya ang kasintahan, at sa mga panahong magkasama sila, naramdaman naman niyang taos sa puso nito ang mga binibitiiwang salita. Sa mga sandaling magkasama sila sa kama ay naramdaman din niyang pagibig ang meron ito sa kanya. "Paano nangyari ang lahat ng ito?" Nasa malalim na pagiisip si Kevin ng lapitan dita ng doktor. "Magiging maayos siya, huwag kang masyadong mag-alala. Nagaalala ka pa rin ba? Eto, ito ang resulta ng kanyang pagsusuri sa dugo, at siya ay dalawang buwan ng buntis. Mukhang malusog naman at tamang sukat ang sanggol,"sabi ng doktor. Napalingon si Kevin at tumingin sa matandang doktor. "Dalawang buwan? So, nangyari ang lahat bago pa man magsampa ng kaso si Elise kay Kenzo." bulong ng isipan ni Kevin. "Kaya ba nagmadali si Elise na mag file dahil ayaw niyang ipaalam kay Kenzo na buntis siya sa ikalawang pagkakatoan? Ayaw ba ni Elise na ma

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 144

    "Mister Madrigal, your nephew is suffering from Inheritance disesase called 'Sickle Cell' Disease." "What! Sickle what? anong klaseng sakit yon? at paano nakukuha yan doc?" medyo natense na tanong ni Kevin. Si Elise naman ay boglang nanghi a ang ruhod at napauo ulit sa bench mgunti nanatilkng nakahawak sa kamy ni Kevin. A child can inherits SCD if they receive a copy of the faulty gene from either both parents. Parents who are only carriers (have the "sickle cell trait") This disease is usually have no symptoms themselves but can pass the gene to their children." sabi ng doktor. "Wait naguguluhan ako? a disease na namana sa magulang.Hereditary kamo so mer9n ang magilang either ang tatay o nanay tama ba?" "Yes, thats exactly how the child have it." "Kanino niya ito nakuha, sigurado ako na hindi sa pamilyz namin , wala pang namatay sa amin na may sakti ng ganyan. My Lolo's lolo up yo my late grandfather die in heart attact. Even my Lolasola and my late lola they all die from eithe

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 143

    "Jovelyn bumalik ka na sa mansion magpahatid ka na sa driver. Sikapin ninyong kontakin si Kenzo dahil si Soffie ay hindi makakapunta dito kahit anong mangyari." "Ho?Bakit ho Señorito, umalis ba ng bansa si Ma'am Soffie?" "Hindi, pero hindi muna siya makakapagpakita ng matagal at sisiguraduhin ko yun. Sige na ako ng bahala sa Senyorita nyo." sabi ni Kevin. "Sige po Señorito, kayo na po magsabi kay Señorita Elise na umuwi na po ako kapag hinanap ako." paalam ng latulong.Tumango naman si Kevin at naupo sa staineless na bench sa gilid ng pinto ng emegency room. Naghintay si Kevin ng mahigit kalahating oras sa waiting area sa labas ng emergency room bago lumabas si Elise. Nagulat pa ito nang makitang naroon na si Kevin. "Love, Kanina ka pa ba? mabuti naman at nandito ka na.Nasaan si Jovelyn?' tanong sa kanya ni Elise, na medyo parang nanghihina pa. "Pinauwi ko muna siya pati na rin ang driver. Namumutla ka—bakit hindi ka muna umupo rito? Ano ba ang nangyari?' tanong ni Kevin. "Hin

  • Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2   Chapter 142

    "Doc, negative po tayo sa blood type ng bata. Kailangan po nating ng direct donor." sabi ng nurse. "Bakit negative? madaming dumating mula sa Blood bank kahapon diba?" sabi ng doktor. "Yes Doc, pero puro po type O at A ang stock na naroroon wala pong available na type AB+ eh" sabi pa ng nurse. "Oh, Jesus, his blood type is rare saan tayo hahanap ng direk donor nito agad agad. Wala daw ang parents ng bata ayun sa tita niya." sabi ng doktor. Narinig ni Elise na kailangan ng Type AB+ na donor kaya sumingit si Elise sa usapan. "Doc, ako po, type AB+ ang dugo ko. Pwede po ba akong maging donor?" tanong niya. Kumunot ang noo ng doktor pero saglit lang saka ito napangiti. "Really, wow bihira ito na ang tita eh katype ng dugo ng pamangkin. Anyway pwede kang mag donor Misis. Madrigal." sabi ng doktor. "Ah, Nurse Jhen, kunan mo ng blood sample si Mrs. Madrigal and then prepare the transfusion asap." sabi ng doktor. Samantala, Aligaga naman si Kevin sa opisina matapos tawagan ng mga puli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status