LOGIN"Ano ba ang gusto mong mangyari, ang bumalik ako doon at maging Mrs. Madrigal ulit o ang manatili ako dito bilang si Elise lamang at hindi saklaw ng sinuman?" Hindi nakapagsalita si Kevin ang sandaling iyon, Ano nga ba ang gusto niya? Ano nga ba ang sigaw ng kanyang puso.
Kung tutuusin, mas gusto niyang nandito na lamang si Elise sa condo nya nitong mga nakaraang linggo ay malaya ito at walang nagmalupit. Walang iniisip na asawa hindi asawa ng sinuman. Hindi katabing matulog ng sinuman.Higit sa lahat, malaya niyang naalagaan.
Kapag ibinalik nya si Elise sa mansion,kahit igiit pa ni Kenzo na nakikipaghiwalay na ito at hindi mahal sng hipag niya. Hangga't hindi pa nagagawa ang annulment. Si Elise ay mananatiling asawa ni Kenzo. At kung nasa mansyon si Elise at malaman na buntis ito sa anak nila ni Kenzo.May posiblilidad na mamgbago ang kapatid dahil alam ni Kenzo ang tungkol sa tagapagmana"muni-muni ni Kevin hanggang sa kinilabutan dahil sa huling sumagi sa isipan niya.
Paano nga kaya kapag nagbago ang plano ni Kenzo dahil sa bata? Paano na? tanong ni Kevin sa sarili. Sa katahimikan sagot ni Kevin ay lalong napaiyak si Elise. Hindi kase niya masabi sa binata na ayaw na niyang bumalik doon at maging asawa ni Kenzo dahil mas gusto niya ang naririto sa condo at lalo pa na nalaman niya na bahay ito ni Kevin at si Kevin ang nag aaruga sa kanya. Sino bang tanga ang babalik pa sa mansion. Mas nanaisin na niya ang tagong ganito kesa maging legal.Nanatili ang katahimikan at nagtagal ng ilang segundo.Hindi makapagdesisyun si Kevin, mas malakas ang bulong ng puso niya kesa sa isipan, ang kagustuhan niyang makasama si Elise kahit palihim ang nangingibabaw. Dahil sa pananahimik ni Kevin at hindi agad nakasagot ang binata ay nasaktan si Elise. Pakiramdam niya ang ginagawa na naman na ito ni Kevin ay para sa tama at hindi na naman para sa sarili nito.
Hanggang ngayon ay mas pinipili pa rin ni Kevin na iayos ang lahat base sa tama at hindi ang sundin kung ano ang nasa puso nito.
Naiyak si Elise dahil kanina lamang ay kakasabi lamang ng binata na gustong-gusto siyang alagaan nito noon pa man, na hindi na nito nagugustuhan ang ginagawa ni Kenzo sa kanya, na ang lahat ng mga halik nito ay makahulugan. Pero ngayon pa lang ay hindi makasagot ang binata sa mga posibleng mangyari. Dahil sa naisip ay lalong tumindi ang pag-iyak ni Elise at nakita iyon ni Kevin at hindi niya nakayanan.Kaya mabilis na humakbang si Kevin at niyakap ang luhaang hipag na nakasandal pa rin sa pinto. Hindi ito nagsalita, wala itong kibo, tahimik lang na niyakap si Elise at pagkatapos ay hinawi ang buhok inipit sa kanyang tenga at paulit-ulit na hinalikan si Elise sa noo. Yakap at halik na walang katapusan iyun lang ang naisagot ni Kevin sa tanong ni Elise.
Pero alam ni Elise na kailangan niyang magdesisyon dahil kung hindi, alam niyang mabibigyan niya ng mabigat na suliranin ang tanging lalaking nagpapahalaga sa kanya sa ngayon. Kaya nag-isip si Elise ng magagawa niya kung ano man ang request ni Kevin pero dapat may kondisyon. Dahil hindi na siya papayag na bumalik doon bilang asawa ni Kenzo.
"Sige Kevin, total alam kong ginagawa mo ang lahat ng ito dahil sa mga habilin ng lola mo. Alam kong ginagawa mo lahat ng ito dahil ikaw ang panganay ng mga Madrigal at alam kong sinusunod mo ang isip mo. Pero babalik lang ako doon sa isang kondisyon," saglit munang huminto si Elise. Nakita naman niya ang pagkabigla sa mukha ni Kevin. "A-Anong kondisyon yun Elise?" Kinakabahang tanong ni Kevin.Natatakot siya sa magiging kondisyon ng dalaga hindi pa niya ito napag-iisipan. Hindi pa niya ito talaga napaghandaan. Biglaan kasi ang pangyayari, biglaan ang pag-alis ni Elise. Biglaan ang lahat pati ang desisyon ni Kenzo. Hindi niya talaga inaasahan iyon.
Sinisimulan pa lamang sana niyang iayos ang lahat pero heto at nabuking naman agad ni Elise ang lihim niyang pagtulong. Kung siya naman talaga ang masusunod ay hindi siya papayag na ibalik si Elise sa mansion ng ganun-ganun lang at lalo na ang ibalik ito nilang asawa pa ni Kenzo. Iyon talaga ang una niyang balak pero nag-aalala na siya kay Elise at nalaman niyang buntis ito sa anak nila ni Kenzo ay naging komplikado ang lahat.
Tinitigan muna ni Elise ang binatang bayaw at pinagaralan ang galaw ng mga mata nito bago sumasagot. At alam ni Elise magugulat ito sa sasabihin niya.
"Papayag akong bumalik sa mansion pero hindi na bilang asawa ni Kenzo." determinadong sabi nito."Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanogn ng binata.
"Madali lang ang kondisyon ko ganun lang kasimple. Hindi ba't ang mahalaga sa inyo ay ang batang dinadala ko? Pwes babalik ako dun bilang si Elise lamang, doon ako titira. Pero dun ako sa silid mo matutulog. Nasa sayo yun kung ayaw mong umuwi. Pero hinding-hindi ako matutulog sa silid ni Kenzo. Lalong hindi rin ako pa-aapi sa babaeng inuwi ni Kenzo." sabi ni Elise.
"Lalong hindi mo ako mapapatulog sa guest room. Dahil sabi mo nga ako ang may ari ng bahay na yun. Iyon ang kondisyon ko Kevin, Uuwi ako dun pero dun ako sa silid mo matutulog. Sabihan mo rin yung mga katulong na hindi ako ituturing na misis pa ni Kenzo kundi ituturing ako kasintahan mo," Sabi ni Elise.
"Ano...!" laking gulat ni Kevin sa sinabing iyon ni Elise. "Teka lang, Elise, naririnig mo ba yang sinasabi mo?" "Oo? Ano bang problema? Hiwalay na kami ni Kenzo nung pinalayas niya ako two months ago. Ang sabi niya aasikasuhin niya na daw ang mga papeles para maghiwalay na kami. Bagamat hindi pa siya tumatawag o nagpaparamdam sa akin dahil hindi naman niya alam kung nasaan ako. Pero sa palagay ko ay inaasikaso na nila ang mga papel ng aming hiwalayan. "Elise, linawan mo ang isip mo hindi mo alam ang pinagsasabi mo.""Bakit alam naman ng lahat ang paghihiwalay namin kaya kung saka sakaling ibabalik mo ako sa mansyon ay hindi na rin naman ako asawa ng isang Kenzo. Pero tulad nga ng sinabi mo, hindi ba't gusto mo kong manatiling Madrigal kung kaya't gusto kong palabasin mo sa kanila na pakakasalan mo ako. Na pagkatapos na ma clear ang divorce paper namin ni Kenzo ay pakakasalan mo ko para magkaroon ng ama ang anak ko," sabi pa ni Elise.
"Ano?" parang nainsulto si Elise sa reaksyon na iyon ni Kevin. Ang mga pagaasam niya sa mabulaklak na mga sinabi nito ay biglang naglaho at parang yelong mabilis na natunaw sa mainit na kawali. Napuno ng hinanakit si Elise kay Kevin. Kaya nagiba ng plano si Elise.
"Gusto kong yun ang palabasin mo. Pero huwag kang magalala kunwa-kunwarian lang iyon hanggang sa sapat na panahon para maiayos ang lahat," sabi lang niya para i-save ang damdamin sa sobrang kahihiyan.
Malinaw sa pagkagulat ng binata, ang totoong saloobin nito. Kung ayaw ni Kevin sa mga kondisyon niya, mananatili na lang si Elise sa kinaroroonan nila. Kung hindi pumayag si Kevin, hindi na siya babalik sa mansyon at hindi na makikilalang Madrigal ang anak niya. Kung ayaw ni Kevin na doon siya tumira, aalis na lang sila ng anak niya. Iyon ang pasya ni Elise. "Elise......!" halos hindi nakakibo si Kevin, hindi niya napag isipan ang ganung bagay. Hindi niya akalain na maiisip ito ni Elise. Matagal na natahimik si Kevin kaya lalong nasaktan si Elise, lalong bumigat ang kalooban niya, lalo siyang nawalan ng pagasa. "Kung wala ka ng sasabihin, gusto ko nang magpahinga Kevin, pagod na ang utak ko pati ang kaluluwa" aniya. Pagkasabi noon ay binawi ni Elise ang kanyang kamay na hawak pa rin ng binata.Pero nagtaka si Kevin dahil ng sumunod na gabi nagsimula ulit umungol at bangungutin si Elise katulad noong unang mga buwan na akala nito patay ang kanyang anak.Madalas ay umuongol uto at umiiyak hanang nananaginip at tinatawag ang pangalan ng anak. Ngunit isang gabi ay malakas ang ungol ni Elise at ibang pangalan ang tinatawag kaya nangalala na siya. "Elise... Elise, wake up you're having a nightmare again," tapik ni Kevin sa pisnge nito. Nagising naman at napabalikwas si Elise na pawisan. Pagdilat ng mga mata niya ay umiyak ng umiyak si Elise at yumakap sa kanya ng mahigpit. "Kevin tulungan mo ako, maawa ka sakin Kevin, tulungan mo ko. Alam ko nararamdaman ko, Anak ko si Khalix. Anak ko ang batang yun." "Elise, here we are again, ano bang sinasabi mo? Please forget everything," naaawang sabi ni Kevin. "Sige na, nakikiusap ako paimbestigahan mo, ipa-DNA mo ang bata para mo ng awa. Alam ko.... Alam ko Kevin nararamdaman ko anak ko si Khalix," umiiyak na sabi niya. "Relax Elise
Sa paglipas ng mga sumunod pang araw, si Elise ang lihim na nagasikaso kay Khalix. Maging ang second birthday ng bata ay inasikaso ng palihim ni Elise. Nalungkot kase siya ng sabihin ni Soffie na kumain lang daw ang mga ito sa labas as ceberation ng b-day daw ni Khalix. Samantalang siya, kahit wala ang anak niya ay may handa ang hapag kaina. at tulad ng nakagawian may lobo at cake sa gitna ng lamesa. "Happy 2nd Birthday Kenneth" iyon ang nakasulat. Alam ng mga katulong na happy Death Anniversary iyon Hanggang ngayon kase ay hindi pa nila sinasabi ang katotohanan. Ayon kay Kevin saka na daw kapag tamang tiyempo na. Ang tungkol sa anak niya ay hinayaan niyang ang plano ni Kevin ang masunod, wala namang kaso sa kanya iyon, si Kevin ang punong abala sa paghahanap sa anak niya kaya alam nuang alam ni Kevin ang makabubuti. Ang tungkol lang sa separation ang magisa niyang hinarap dahil ang posisyun ni Kevin ang nakataya kung salaking magkabulilyaso at madamay ito. Inabutan sila nina K
Nag isip si Kevin at saka bumalik sa alaala niya ang paalala ng kanyang lola.Ngayon lamang din niya naisip ang tungkol donn kung hindi pa binanggit ni Tommy. "Kevin Apo, huwag kang masyadong mabait, pero hindi rin dapat madamot. Kadalasan may mga taong hindi kayang tanggapin ng katotohanan at gnay mga toang kapag salapi na ang usapan nagiging gahaman." iyon ang sabi ng lola niya noon na hindi niya agad naintindihan. Akala niya ay tungkol iyon sa project niya noon. Hindi na niya pa napagtuunan pa ang lahat dahil pagkatapos noon ay naging abala siya dahil sa graduation na sila noon sa college. Then a year later, nabalitaan na lamang niya, may sakit ang lola niya at pinapauwi na siya ng pilipinas. Doon niya nakita kung paano parang biglang ang madrasta na niya ang nasusunod sa mansion. Hanggang sa lumaal ang lola niya, inabot sa kanya ang isang kasulatan na ayon sa lola niya ay buksan niya kapag wala na siya. Nang buksan niya ang sulat ay tungkol lang ito sa pagpapakasal ni Kenzo sa
Ayon sa napagkasunduan, dahan dahang inasikaso ni Elise at attorney Neri na maibalik ang ilang ari-arian kay Kenzo base na din sa napagusapan. Bagamat may pinirmahang kasunduan sa piskal, may mga ari-arian na hindi kasama sa corjugal property na maaring ilipat ni Elise sa pangalan ni Kenzo. Mula rin sa pakiusap ni Kenzo, pansamantala ay sa mansion pa rin maninirahan si Kenzo at Soffie dahil sa kalagayan ng kanilang anak na may sakit. Bagamat legal ng maaring lumabas si Elise na may kasamang ibang lalaki o magkaroon ng relasyun, hindi nga lamang pwedeng ikasal. Nakiusap pa rin siya kay Kevin na mag laylow pa rin sila kapag nasa labas sila ng bahay. "Kevin, sana maunawaan mo, lahat ng ito ya para sayo. Ayokong madungisan ang pangalan mo at lalong ayokong pagusapan ka ng mga tao." sabi pa niya. "Nunawaan naman kita Elise," sabi ni Kevin. "Pero hindi ba parang parang humahaba naman ata ang paghihintay ko. Elise, ipapaalal ko lang sayo na si Kenxo ay kapatid ko, ngayon , bukas o kahut lu
Mahimbing na natutulog si Soffie nang bumangon si Gabriel, alas-kwatro iyon ng madaling araw. Pasimple siyang lumabas sa Lotus Motel, kung saan ang tagpuan nila. Sa sandaling pinagsaluhan nila, ipinangako ni Gabriel sa kanyang sarili na iyon na ang magiging huling pakikipag-ugnayan niya sa babae. Hindi niya kayang pumatay, iyon ang isang bagay na hindi niya kayang gawin. Nagagawa niyang magkasala sa kanyang asawa dahil sa pakikipag-ugnayan kay Soffie pero iyon ay dahil nagbabayad lamang siya ng malaking pagkakautang para na rin mabuhay sila nang matuwid noon. Mahirap ang maging mahirap, lalo pa ngang tinatamasa mo ang pagiging unfair ng realidad. Natatandaan pa niya ang sinabi sa kanya ng lalaki na anuman ang mangyari, gaano man ka-unfair ang mundo, piliin niyang maging mabuting tao. kesa ang magdusa. Noong una, hindi pa siya natatauhan, pero nang banggitin ni Soffie na ang Kenzo na ipinagpalit nito sa kanya ay isang Madrigal, at ang babaeng nais nitong ipapatay ay babaeng mahala
"Boss, Sir, Amo, pasensya na po, pagod at puyat po kase ako sa trabaho, hindi ko po napansin na masyado na akong malapit sa likuran mo kaya ng huminto ka nawalan ako ng buelo Sir, Pasensya na boss." sabi niya sa lalaki. Totoo ang sinabi ni Gabriel, pagid talaga siya at walang tulog dahil sa trabaho niya. Nagduty siya ng dalawang araw straight sa pinapasukang pabrika. "Pagod at puyat pero tila lasing ka,amoy alak ka." sabi ng lalaki na may mapag-utos na tono ng boses, "Pasensya na po talaga, sir. Opo, inaamin ko po na medyo nakainom po ako. Heartbroken din po kasi ako, at may mga problema sir, mag-iisang linggo na. Pasensya na po talaga, sir. Parusahan niyo na lang po ako, sir, sa ibang paraan at sa ibang bagay, kasi sir, sa totoo lang, sir, wala po akong ibabayad sa damage sa sasakyan niyo. Huwag mo sana akong ipakulong, sir, hinihintay po ako ng pamilya ko. May dalawa akong kapatid, sir, at may magulang na may sakit na naghihintay sa akin kaya rin jo ako nangmamadali," sabi ni Ga







