Masuk
"Khalix, anong ginagawa mo rito sa labas, ha?" sigaw ni Soffie sabay hila sa braso ng dalawang taong gulang na anak.
"Mommy, Tita Elise, and I are playing ball. I want to play ball Mommy." sabi ng bata ng bulol pa. "Pumasok ka na at doon ka maglaro sa loob, huwag kang makipaglaro sa kahit sino lalo na sa kanya, maliwanag ba Khalix?" galit na sabi ni Soffie sabay tingin ng matalim kay Elise. "But I want to play with Tita Elise. Tita Elise help... let's play please," sabi ni Khalix. "When I said No! It's a No, Khalix! Ang tigas ng ulo mo!" sigaw ni Soffie sa bata. Umiyak si Khalix ng malakas kaya hinampas ito ni Soffie sa pwet at pinalo ang bibig. "Shut up! Huwag kang matigas ang ulo mo o ikukulong kita sa kwarto mo, gusto mo? Banta ni Soffie pero lalo lamang pumalahaw ng iyak si Khalix. Kumawala ito sa hawak ng ina at tumakbo at yumakap kay Elise. "Khalix, come back here. Ano ba?" sigaw ni Soffie. "Nakita mo na? pati ang anak ko binibrainwash mo siguro. "Hindi ko ginagawa yan Soffie, naglalaro ka lang kam......" "Tumahimik ka, how should I know. Baka nga pati asawa ko gusto mo pa ring ahasin, kunwari ka lang," inis na bintang ni Soffie. Kumunot ang noo ni Elise. Sakto naman dumating na si Kenzo at kung anu-ano ang isinumbong ni Soffie. Hinablot ni Kenzo si Khalix, pati si Soffie ay tumulong pa dahil talagang nakakapit ng mahigpit ang bata sa kanya na para bang takot na takot. Naalarma ni Elise nangbilang ulit kinurot at pinalo ni Soffie ang bata para lamang bumitaw sa kanya. "Kenzo, Kenzo, maawa ka, sabihin mo kay Soffie na huwag saktan ang bata.Huwag nyong paluin si Khalix, para nyo ng awa. Bitawan nyo ang bata.." sigaw ni Elise ng hablutin ni Kenzo at Soffie ang pamangkin niya at ilayo kay Elise. "Baliw ka ba? Wala kang pakialam kong anuman ang gawin ko sa anak ko," nakaismid na sabi ni Soffie. "Ano bang problema mo? Kung namatay ang anak mo sa pagkakasala huwag mong pakialam ang anak ng may anak!" galit naman na sita ni Kenzo sa kanya at itinulak pa siya bago tuluyang pumasok sa mansion ng mga Madrigal. Nasa labas sila ni Khalix ng hapong iyon dahil gusto daw maglaro ng bata ng bola. Sa kasabikan niya sa bata dahil nga ikinulong ito ng halos ilang buwan ay itinakas niya ito sa katulong. Wala ng nagawa si Elise ng ilayo na sa kanya si Khalix. Nakita pa ni Elise na patuloy na pinapalo ni Soffie ang anak habang nakatalikod naman si Kenzo na walang alam. Nang sumunod na araw ay hindi na naman niya nakita si Khalix pero may ilang pagkakatoan an naririnig niyang umiiyak ang bata. Nang gabing iyon, may kakaibang pakiramdam si Elise. "Elise pumasok ka na sa loob mahamog na sa terrace," pukaw ni Kevin sa kanina pa tulalang si Elise. Kararating lang niya mula sa opisina at hindi siya namalayan nito. "Kevin, ang bigat ng kalooban ko, bakit ganito.? Bakit iba ang pakiramdam ko sa bata? Bakit iba ang nararamdaman ko kapag niyayakap ko si Khalix?" sabi nito. Napahugot ng malalim na hininga si Kevin. Hinimas ni Kevin ang buhok si Elise, naawa siya dito. Marahil ay namimiss na naman nito ang anak. It's Been two year, pero ang trauma kay Elise ay buhay na buhay pa rin. Maging siya ay nalulungkot dahil hanggang ngayon walang balita sa anak nitong nawawala. "Love, namimiss mo lang ang anak mo, kaya ganyan ka kay Khalix. Halika na pumasok ka na at magpahinga, bukas uuwi ako ng maaga at mamasyal tayo.Ipamili nating ng damit at bagogn toys si Kenneth ha." Tumango na lang si Elise.Pero nagtaka si Kevin dahil ng sumunod na gabi nagsimula ulit umungol at bangungutin si Elise katulad noong unang mga buwan na akala nito patay ang kanyang anak.Madalas ay umuongol uto at umiiyak hanang nananaginip at tinatawag ang pangalan ng anak. Ngunit isang gabi ay malakas ang ungol ni Elise at ibang pangalan ang tinatawag kaya nangalala na siya.
"Elise... Elise, wake up you're having a nightmare again," tapik ni Kevin sa pisnge nito. Nagising naman at napabalikwas si Elise na pawisan. Pagdilat ng mga mata niya ay umiyak ng umiyak si Elise at yumakap sa kanya ng mahigpit. "Kevin tulungan mo ako, maawa ka sakin Kevin, tulungan mo ko. Alam ko nararamdaman ko, Anak ko si Khalix. Anak ko ang batang yun." "Elise, here we are again, ano bang sinasabi mo? Please forget everything," naaawang sabi ni Kevin. "Sige na, nakikiusap ako paimbestigahan mo, ipa-DNA mo ang bata para mo ng awa. Alam ko.... Alam ko Kevin nararamdaman ko anak ko si Khalix," umiiyak na sabi niya. "Relax Elise, makinig ka please, hindi mo pwedeng angkinin ang anak ng iba, please wag ka ng umiyak. Tahan na...tahan na." sabi ni Kevin ngunit siya man ay nahihirapan na sa sitwasyun ni Elise. "Pero bakit ganito Kevin?Bakit ganito ang pakiramdam ko kay Khalix?" Sabi ni Elise. Baka nalulungkot ka lang. Syempre namimiss mo yung anak mo," paunawa ni Kevin. "Hindi eh, Iba talaga pakiramdam ko Kevin, Para akong tinatawag palagi ni Khalix kapag tumitingin ako sa kanya. Parang napakagaan ng loob ko sa batang yun. Please, kahit palihim, gawan mo ng paraan na malaman, kung anak ba talaga nila yung bata. Baka siya si Kenneth. Baka siya yung anak kong nawawala." halos mapunit ang manggas ni Kevin kakahila ni Elise. "Malabong mangyari yun dahil nakita natin na nagbuntis si Soffie diba? Nakita ko naman na sanggol pa lamang dinadala na nila ang bata sa mansion At papaano naman makukuha ni Kenzo ang anak mo?" nahihirapang paliwanag ni Kevin. "Basta, masama talaga ang kutob ko. May masama akong kutob na may nangyari" Sabi pa nya. "Please, please, sige na, gawin mo Kevin. Kung hindi siya yung anak ko wala namang mawawala hindi ba? Basta please lang gumawa ka lang ng paraan para matahimik lang ako please." "Okay,Titingnan ko kung anong magagawa ko. Hindi ako nangangako kasi palagay ko hindi sila papayag. Pero sige gagawa ako ng paraan. Pipilitin ko. Maghintay ka lang please, mag relax ka lang okay." Pangako na lamang ni Kevin para manahimik si Elise."Your in hiding? But why? Did something happend?" lalong na curious si Kevin sa nangyayari. "Mahirap ipaliwanag dito Kevin, just see me kung okay lang sayo ay bukas sana agad ng gabi mga alas otso, sa may 'The Big Banana' sa tapat ng Camellon Hotel." sabi nito at nawala na ito sa linya. "Hello...Hello!Attorney sandali...Hello." pero wala ng sumagot pa sa kanya. Ang isip at puso ni Kevin ay nahahati sa pagdududa, pag-usisa, at pagtataka. Kilala niya si Donya Antonia—ang kanyang madrasta—at hindi niya ito kailanman pinagkatiwalaan. Hindi rin siya sigurado kung ano ang tunay na hangarin ni Attorney Centeno. Alam na niya noon pa na ito ay nagsinungaling at nagtaksil sa kanyang lola dahil nalulong ito sa mga alok ng kanyang madrasta, at kamakailan pa lamang ay nalaman na n rin niya na nagkaroon sila ng malalim na ugnayan sa Madrasta. Parang sinasadyang pagkakataon din na matapos ang mga pangyayari kina Kenzo at Elise, tapos ang banta lay Elise at ang ilan pang pangyayari. Napaka toming
"S-Seryos ka ba Elise? Please, just tell me the truth please, tatanggpin ko naman at wala namang mamgbabago.Lahit 1 percent hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo kaya please stop lying." sabi ni Kevin, Pero ng lumamlam ang na mata ni Elise at tumitig sa kabya ba para ba siyang isinusumpa, nanigas si Kevin sa kinaratayuan."E-Elise, hindi ka ba talaga nakipagtalik ulit kay Kenzo? o sa ibang lalaki?" tanong ulit ni ni Kevin na biglang namutla ang mukha at nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang kamay ni Elise."For God sake naman Kevin, bakit naman ako pauuto pa kay Kenzo at lalong wala naman akong ibang lalaki. Halos palagi tayong magkasama diba? So, paano ko magagawa ang iniisip mo aber?" nanlalaki pa ng mga matang sagot ni Elise."T-Talaga Elise, swear to God?""Oo swear to God. Ano ba naman Kevin. Pwede ba, umalis ka na nga kung hindi ka naman pala naniniwala." tulak ni Elise sa binata.Hindi kumibo si Kevin at mas niyakap si Elise ng mahigpit. Alam naman niya na hindi nga magag
Ngunit hindi pa man nakakarating sa kalagitnaan ng matarik na burol ay napagtanto ni Kevin na parang lumuwag ang pagkakatali ng lubid sa puno, hanggang sa tuluyan a itong kumalas, agad maliksing kumilos si Kevin upsng makakapit sa mga halaman nakausli sa burol ngunit isang anino ang nakita niyang gumalaw malapit sa punong kanyang pinagtalian ng lubid. Biglang nakaramdam ng takot si Kevin ng gumalaw na parang lumuwag ang kanyang kinakapitan. Dahil sa gulat, nakabitaw at nahulog si Kevin sa matarik na burol. Tumama ang gulugod ni Kevin sa isang malapad ngunit matulis na bato at sumapol ang gulugod ni Kevin at nawalan siya ng malay. Nagising noon si Kevin sa nasa hospital na at umiiyak na Lola niya ang namulatan niya. Habang si Kenzo naman ay nasa katabing hospital bed niya na may pinsala sa ulo at mga paa. Parehas sila ni Kenzo na may cast sa leeg at sa mga paa. "L-Lola, si Kenzo, napaano si Kenzo?" bagamat nasaktan ay ang kapatid pa rin ang inaalala ni Kevin. "Oh Apo, huwag ka
"Elise..!"nagulat si Kevin sa ginawang iyon ng kasintahan. Lalo na ng makita niyang nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Hindi ba natutuwa si Elise na aakuin niya ang bata? talaga bang ang nais nito ay makipag....."naputol ang mga tanong ni Kevin sa isipan ng magsalita si Elise sa garalgal na boses. "Paano mo naisip ang mga bagay na yan Kevin? Paano pumasok sa isipan mo na kay Kenzo ang batang ito? Ganun ba kababaw at kababoy ang tingin mo sa akin? Oo, minsan akong nagpakagaga sa kapatid mo, pero alam mo—alam na alam mo—kung papaano ko siya kinamuhian, kinasuklaman, at kung gaano ko gustong isuka ang lahat ng naging karanasan ko sa kapatid mong yun. Ngayon, iisipin mo na gusto kong makipagbalikan sa kapatid mo pagkatapos kong magfile ng separation?'" Pumatak ang luha ni Elise matapos sabihin iyon. Napabuntong-hininga si Kevin at biglang niyakap si Elise. Bagamat masakit din ang kalooban niya sa natuklasan, ang pagluha ni Elise ay mas mabigat sa kanyang kalooban. Maging siya man a
Si Elise naman noong mga sandaling iyon ay inip na hinihintay ang pagbabalik ni Kevin. Ayon sa nurse, maaari siyang makatulog dahil medyo maraming iron ang pumasok sa kanyang katawan. Pakiramdam naman ni Elise ay nakakaramdam siya ng antok, ngunit parang may bahagi ng kanyang isip na lumalaban at ayaw pumilit. Ayaw niyang makatulog dahil nasasabik siyang makausap si Kevin. Hindi nakaligtas kay Elise ang tila pagkatigalgal ni Kevin kanina nang malaman nito na siya ay nagdadalang tao. Marahil ay nagulat ang binata. Kung tutuusin, hindi na nagulat si Elise sa balita. Nitong nakaraan lang kasi ay nadadalas na ang pagsama ng kanyang pakiramdam sa umaga. Naalala ni Elise noong mga panahon na sumama ang kanyang pakiramdam noong unang anak niya. Medyo nawalan siya ng panahon para magpakonsulta sa doktor dahil sa sunod-sunod na pangyayari noong kanilang paghihiwalay ni Kenzo. Ngunit alam niyang positibo siya. May balak siyang kausapin nang masinsinan si Kevin, sabihin ang kanyang nararamd
Hindi pa rinhalos magawang paniwalaan ni Kevin ang natuklasan. Wala kase sa pagkatao ni Elise ang magagawa siyang lokohin. Kilala niya ang kasintahan, at sa mga panahong magkasama sila, naramdaman naman niyang taos sa puso nito ang mga binibitiiwang salita. Sa mga sandaling magkasama sila sa kama ay naramdaman din niyang pagibig ang meron ito sa kanya. "Paano nangyari ang lahat ng ito?" Nasa malalim na pagiisip si Kevin ng lapitan dita ng doktor. "Magiging maayos siya, huwag kang masyadong mag-alala. Nagaalala ka pa rin ba? Eto, ito ang resulta ng kanyang pagsusuri sa dugo, at siya ay dalawang buwan ng buntis. Mukhang malusog naman at tamang sukat ang sanggol,"sabi ng doktor. Napalingon si Kevin at tumingin sa matandang doktor. "Dalawang buwan? So, nangyari ang lahat bago pa man magsampa ng kaso si Elise kay Kenzo." bulong ng isipan ni Kevin. "Kaya ba nagmadali si Elise na mag file dahil ayaw niyang ipaalam kay Kenzo na buntis siya sa ikalawang pagkakatoan? Ayaw ba ni Elise na ma







