Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 91 - Unang Tagpo

Share

Chapter 91 - Unang Tagpo

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-09-10 22:51:31

Simula nang una kong makita si Vicento ay hindi ko maipaliwanag ang takot ko sa kanya. Kahit wala siyang ginagawa, isang tingin lang niya sa akin, pakiramdam ko ay parang nahulog ako sa isang napakalamig na balon.

Nakakailang ang presensya niya. Matalas na nga ang mga facial features niya, pero ang pinakanakakatakot sa lahat ay ang mga mata niya— mga matang kasing-talim ng isang lawin. Para bang kahit anong pagtatago ang gawin ko ay kaya niyang basahin ang lahat ng iniisip ko.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kahit ako mismo ay hindi ko pa lubos na nauunawaan ang sitwasyon ko ngayon kaya imposibleng malaman niya kung anong nangyayari.

Kailangan kong magpanggap na walang kakaiba.

Pinilit kong itago ang kaba sa dibdib ko at ngumiti nang bahagya. "Bakit? Hindi pa nga ako tuluyang pumapasok sa pamilya ninyo, pero mukhang gusto mo na kaagad akong kontrolin?”

Hindi sumagot si Vicento. Bagkus ay tinitigan niya lang ako nang matagal na para bang may iniisip.

Diyos ko! Pakiramdam ko ay t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 101 - Maglalaho Na Rin Ba Ang Pag-asa?

    Nagkatinginan sina Officer Ramirez at ang forensic doctor bago kumuha ng sample mula sa estatwa. Ang natitira na lang nilang gawin ay maghanap ng paraan para buksan iyon at alamin kung may bangkay ngang nakatago sa loob.Pero may isang malaking hadlang. Ang estatwa ay pagmamay-ari ni Denver. Kailangan nilang sundin ang tamang proseso bago ito galawin. Tinawagan nila ito at dahil sa kaguluhang ito ay kumalat na kaagad ang balita.Isa-isang dumating ang mga sasakyan.Nagulat ako nang makita kong bumaba si Denver mula sa isa sa mga kotse at halatang balisa. Hindi niya man lang pinansin si Lolo Arnulfo na nasa loob pa ng sasakyan. Sa halip ay nagmamadali siyang lumapit kay Officer Ramirez.Mula naman sa kabilang sasakyan ay bumaba sina Tito Danilo at Aurora habang inaakay si Lolo Arnulfo. May tungkod ito sa isang kamay at mabilis namang nilapitan ng kanyang assistant para isuot ang kanyang balabal at hinawakan ang payong saka samahan siyang dahan-dahang maglakad.Kasunod niyon ay bumukas

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 100 - Ang Estatwa

    Nais ko sanang gabayan si Vicento na alamin ang tungkol sa estatwa sa isang hindi direktang paraan.Pero ang pakiramdam na makita ang may-ari ng katawang mayroon ako ngayon at ang kawalan ng kontrol sa aking emosyon ay nakakapanindig-balahibo. Para akong hinihigop pabalik sa kadiliman at wala akong magawa.Marami pa akong kailangang gawin at marami pa akong gustong malaman pero parang hindi ko na hawak ang sarili kong kapalaran. Hindi ako ang may kontrol sa mundong ito at napakaliit lamang ng magagawa ko.Sa huling pagkakataon ay sinubukan kong ipaalam kay Vicento ang katotohanan.Mabilis akong hinawakan ni Vicento sa magkabilang braso. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kaba at pag-aalala sa kanyang malamig na mukha. "Ria, sabihin mo nang malinaw. Anong n-nangyayari? Paano mo nasabi ang mga iyon?"Binuka ko ang aking bibig upang magsalita pero sa mismong sandali na naghiwalay ang aking kaluluwa at katawan ay parang pati ang hangin sa paligid ay nawala.Wala na akong oras upang mag

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 99 - Dito Na Ba Magtatapos?

    Simula nang mabuhay muli ako sa isang buhay na katawan ay hindi na ako malaya gaya noong isa pa akong ligaw na kaluluwa.Hindi ko na maitago ang sari-saring pakiramdam sa puso ko. Sa isang iglap ay bumaha ang lahat ng damdamin sa kaloob-looban ko— tulad ng isang kabayong malaya sa malawak na kapatagan, tulad ng tubig sa ilog na rumaragasa tuwing tag-ulan, tulad ng hanging walang makakapigil.Napakatinding emosyon at hindi ko na iyon makontrol.Humina ang tunog ng hangin sa paligid ko at halos hindi ko na naririnig ang sinasabi ni Nica na kararating lang din.Tulad ng isang parola sa gitna ng kadiliman, ako naman ay isang munting bangka na inaanod sa malawak na karagatan. Hinila ako nito. Hindi ko namalayan ay unti-unti akong lumapit.Nang makarating ako sa tapat ng estatwa ay napansin kong natatakpan ito ng mga dahon. Dumagsa ang mga luha ko at bumagsak ang isang dahon sa ilalim ng aking mga paa. Tinignan ko lang iyon.Sa mga sandaling ito ay iniisip na marahil nila na wala akong paki

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 98 - Mapanuksong Ria

    Itinago ko ang kaba sa puso ko at lumapit kay Vicento saka pilit na pinalambing ang boses ko. "Vicento."Nang mapadaan ako sa tabi ni Denver ay hindi ko maiwasang mapansin ang bahagyang kirot sa kanyang mga mata.Alam kong kahit papaano, naaalala pa rin niya ako bilang si Ria De Leon. Ang pagkamatay ko ay naging isang multo sa kanyang isipan— isang bangungit na bumabagabag sa kanya. At ngayon na bigla siyang nagkaroon ng isang 'tita' na kamukhang-kamukha ng namayapa niyang asawa. Siguradong hindi siya komportable at sa kada tingin niya sa akin ay bumabalik sa kanya ang mga alaala ng isang Ria De Leon.Tumingin sa akin si Vicento at halatang nagtataka kung ano na namang kalokohan ang ginagawa ko.Ngumiti ako at marahang nagsalita. "Pwede ba tayong pumunta sa bahay nina Denver at Ria mamaya?"Hindi siya sumagot kaagad. Sa halip ay mas lalo pa niya akong sinukat ng tingin. At doon ko ginamit ang paraang alam kong masusurpresa ang lahat."Gusto ko nang magkaroon ng bahay kasama ka. Iyong

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 97 - Hindi Pa Oras

    Minsan malinaw ang tingin ni Denver, minsan naman ay naguguluhan. Halata sa kanya ang pagod— hindi lang sa katawan kung hindi pati sa isipan. Matagal na niya akong hinahanap at dahil doon ay litong-lito siya ngayon. Minsan, nakikita niya akong si Ria Canlas. Minsan naman, si Ria De Leon.Sa kalituhan niya ay parang wala siya sa sariling sumagot, "Sige."Ngumiti ako nang matamis. "Salamat! Ah, Denver, bakit hindi ko nakikita ang asawa mo? Si Miss Ria."Pagkarinig ng pangalan ng Ria ay unti-unting luminaw ang mga mata ni Denver na para bang saka niya pa lang napagtanto ang lahat. Hindi siya sumagot. Alam kong hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat."Tita, may pinagdadaanan lang si ate ngayon. Medyo gabi na rin, tara na sa hapunan." Mahigpit akong hinawakan ni Nica sa braso na para bang gustong ipakita na malapit kami sa isa't isa.Kaya naman ay dahan-dahan kong binawi ang kamay ko at tahimik na naglakad papunta kay Vicento. "Halika na, Vicento."Sa harap ng iba ay malambing k

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 96 - Kunwari Close

    Nakatitig si Nica sa akin. Halatang natigilan at kitang nanginginig ang kanyang mga balikat. Kung ikukumpara sa iba ay siya ang pinakasanay magtago ng emosyon. Pero ngayon ay siya rin ang pinakaapektado.Paano ba namang hindi?Habang ang iba ay nag-iisip pa kung totoo ngang patay na ako, siya mismo ay alam ng patay na ako. Nasa tabi siya noong itinapon ang katawan ko at siya mismo ang kumuha ng litrato bilang patunay. Kaya ngayong nakikita niya akong nakatayo sa harap niya at nakasuot pa ng isang matingkad na pulang coat... Sa paningin niya, hindi ba at parang bumangon ako mula sa hukay?Kung tutuusin ay masuwerte pa siya at hindi siya napasigaw sa takot.Pero kung siya ay natatakot, mas matindi ang nararamdaman ko. Ang galit na matagal kong kinimkim ay parang isang bulkan na handang sumabog anumang oras. Mahigit isang buwan kong nasaksihan ang lahat gamit ang matang hindi nila nakikita. At sa lahat ng taong bumago ng buhay ko, si Nica ang nagdala ng pinakamatinding sakit sa akin.Noo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status