Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Lihat lebih banyakNamatay ako nang gabi ng aking kasal.
Sa mismong seremonya ay iniwan ako ng asawa ko na naging dahilan para pagtawanan ako ng lahat— marahil ay kalat na sa buong syudad iyon dahil kilala ang pamilya namin sa lipunan. Habang tinatakbuhan ko ang kahihiyang dinanas ay bigla na lamang may sumaksak sa akin. Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay nagawa ko pa ring tawagan ang asawa ko at humingi ng tulong. Pero mas masakit pa sa natamo kong sugat ang mga sinabi niya... "Bakit hindi ka na lang mamatay kaagad? Nang sa gayon ay hindi na masaktan ang kapatid mo!" Oo... Mas pinili niya ang nakababata kong kapatid na babae— na siya ring dahilan kung bakit iniwan ako sa altar ng asawa ko. Bago pa man magdilim ang lahat sa akin at tuluyan nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan ay nasaksihan ko pa ang magarbong fireworks display. Sa pagkakaalam ko ay may fireworks display ang kasal ko para sana maging isang selebrasyon para sa araw na ito— marahil ay ito na iyon. Pero mukhang hindi na ito para sa akin— ito ay para mapaligaya ng asawa ko ang ibang babae. Naalala ko pa kung paano ako nagmakaawa sa kanya nang tawagan ko siya bago pa man tuluyang pumikit ang aking mga mata. Hindi pa nagsisimula ang fireworks display sa mga oras na iyon. Medyo maingay sa linya niya pero kaagad ko namang narinig ang malamig niyang boses. "Ano ba, Ria? Hindi pa ba sapat ang lahat para sa iyo? Binigyan na kita ng engrandeng kasal! Sinabi ko naman sa iyo na kaya ako umalis ay para lang samahan si Monica. Ano pa ba ang kailangan mo!" Naramdaman ko ng mga sandaling iyon ay tuluy-tuloy na pag-agos ng dugo sa sugat ko. Nasa tabi ko lang ang taong nanaksak sa akin. Nakatingin siya sa akin na para bang isa lang akong langgam na hindi na kayang manlaban. Hindi na nga siya nag-abalang pigilan ako sa kung anong ginagawa ko dahil kumpyansa siyang mamatay na nga ako. Pero kahit ganoon pa man ay hindi ko gustong basta na lamang sumuko. Pinanghahawakan ko ang katiting na pag-asa. Kahit pa hindi na ako makagalaw nang maayos dahil maliban sa malalim na sugat na natamo ko ay basang-basa na rin ang suot kong wedding dress— matapos akong masaksak ay napasalampak ako sa ilog na dinaanan ko. Naramdaman ko ring nababalot na rin ng putik ang laylayan ng suot kong wedding dress. Sa isang salita ay para na akong isang basahan. Inipon ko ang natitira ko pang lakas para magsalita. "D-Denver... i-iligtas mo ako..." "Tama na nga, Ria! Kung hindi ka pa napapagod sa kadramahan mong ito, pwes ako, pagod na pagod na!" Halat sa boses niya na nawawalan na nga siya ng pasensya. "H-Hindi ako n-nagsisinungaling! M-May gustong p-pumatay sa a-akin..." "Talaga lang, ha?" sarkastikong saad ni Denver sa kabilang linya. Kahit hindi ko man siya tanaw ay alam kong nakapaskil na sa mga labi niya ang isang malamig na pagkakangisi. "Noong una ay nagpapanggap kang may sakit. Ano na naman ba ngayon, Ria? Wala ka na ba talagang puso? Kadugo mo si Monica pero parang gusto mo siyang mamatay at mawala na lang para sa sarili mong kaligayahan! Isa pa ay asawa na kita!" Ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko ay natalo pa sa malamig at walang habag niyang mga sinabi. Nasa isang parke kami at sa kamalasan ay narito pa sa malayong parte ng ilog. Pero ganoon pa man ay naaninag ko pa nang maayos ang dugo kong nagkalat sa wedding dress ko. Dahil doon ay napagtanto kong malapit na akong sunduin ni kamatayan— nalalapit na ang aking katapusan. Tagos hanggang buto ang mga salita niyang iyon— dahilan para mawalan na rin ako ng pag-asa. Hindi na ako nagpumilit pa at humiga na lamang sa magaspang na lupa habang malumanay na nagsalita. "P-Pero... nasa m-maayos na kalagayan ngayon si M-Monica at buhay siya... a-ako itong m-mamamatay na." "Kung ganoon ay bilisan mo nang mamatay! Hindi na mahihirapan si Monica kapag namatay ka na!" Bago pa man maputol ang tawag ay narinig ko pa ang boses ni Monica. "Kuya DJ, magsisimula na ang fireworks display!" Nawala na ang boses ni Denver sa kabilang linya at tanging ihip na lang ng hangin ang naririnig ko. Nalaglag sa gilid ng ilog ang cellphone kong nababalot na rin ng sarili kong dugo dahil kusa ko na iyong binitiwan. Nasabuyan ako ng tubig sa mukha— hanggang sa nahaluan na rin iyon ng aking mga luha. Napatingala ako sa malawak na kalangitan at natatanaw ko ang ilang mga drone na malayang lumilipad sa ere. Para itong mga bituin sa madilim na kalawakan. Hindi nagtagal ay binusog ang pandinig ko ng mga ingay mula sa fireworks. Binalot na rin ng liwanag ang mga mata ko. Sa pagkakatanda ko ay inabot si Denver ng anim na buwan para sa paghahanda ng fireworks display na ito. Pero ngayon ay inilaan niya ito sa kapatid ko para sumaya ito. Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang may nagpadala ng litrato sa akin. Isang litrato na nababalot ng fireworks ang kalangitan habang nakasandal sa ibang babae ang aking asawa. Nakangiti pa siya na hindi niya man lang nagagawa sa akin. Sa kaligayahang nararamdaman nila ngayon ay ipinikit ko na rin ang aking mga mata— hanggang sa hanggan. Sabi nila ay nabubuhay raw muli ang isang tao matapos nitong mamatay— reincarnation. Kung totoo mang may buhay pa pagkatapos ng kamatayan kong ito ay ayaw ko nang makilala pang muli si Denver James Victorillo. Pero hanggang kamatayan din yata ang kamalasan ko. Dahil nang magmulat ako ng mga mata ay nasaksihan ko ang paghahalikan ng isang lalake at isang babae sa ilalim nang mapayapang kalangitan. Naghahalikan ang asawa kong si Denver at ang kapatid kong si Monica. "Bakit mo nagawa sa akin ito, Denver!" Kaagad ko silang sinulong na para bang nawawala na sa sarili. Pero nang hawakan ko sila ay tumagos lamang ang mga daliri ko sa katawan nila. Natigilan ako at napayuko. Siniyasat ko nang maigi ang buo kong katawan at nakitang parang kasingkapal lang ng usok iyon. Isa pa ay wala man lang nakakapansin sa akin. Saglit akong napapaisip at inalala ang mga nangyari. Doon ko pa lang napagtanto na namatay na pala ako at para bang dinala ang kaluluwa ko mismo sa harapan nila— sa dalawang taong nanakit sa akin. Habang nakatingin ako sa malalim nilang paghahalikan, napatunayan kong kahit pala patay na ay makakaramdam pa rin ng pighati sa puso nila. Halos sabay kaming lumaki ni Denver at matatawag kong childhood sweetheart kami. Kamakailan lang ay sumumpa siya sa akin na kapatid lamang ang tingin niya kay Monica. Na isang tao lang ang mahal niya at ako iyon. Naagaw ang atensyon ko nang magkaroon muli ng panibagong fireworks sa kalangitan. Dahil sa biglaang pag-ingay niyon ay tila ba nagising sa reyalidad si Denver. Marahan niyang tinulak palayo si Monica. "H-Hindi ito maaari, Nica..." Halata pa rin ang pamumula sa mukha ng kapatid ko. Bilang babae ay alam kong nag-aapoy na ang kanyang nararamdaman. Kinagat niya pa ang kanyang labi. "H-Hindi ko sinasadya, kuya. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko." Hinaplos naman ni Denver ang ulo ni Monica. "A-Ayos lang. Hindi naman kita sinisisi. May tatawagan lang ako." Nakita kong numero ko ang tinatawagan ni Denver. Namanhid na yata ang puso ko. Mahigit dalawampung taon na kaming magkakilala, pero nauwi lang sa wala ang lahat ng iyon. Saka niya pa lang ako maaalala kung kailan tapos na silang maghalikan? Kahit pa tawagan niya ako ay wala na ring silbi iyon dahil isa na akong bangkay sa mga oras na ito. Nakailang ring na ay wala pa ring sumasagot sa tawag ni Denver. Kilala niya ako. Kapag tinatawagan niya ako ay hindi lalagpas sa tatlong ring ay sinasagot ko na kaagad ang tawag niya. Pero paano ko pa masasagot ang tawag niya kung patay na ako? Kunot ang noo ni Denver nang harapin niyang muli si Monica. "Puntahan ko ang lokasyon na pinadala sa akin kanina ni Ria." Oh? Naaalala niya pa pala ako? Oo nga pala, habang nagmamakaawa ako kanina sa kanya ay pinadala ko ang lokasyon ng parke— sa pagbabaka sakaling puntahan niya ako. Pero kung pupunta nga siya ngayon ay maaabutan niya pa ang walang buhay kong katawan. Hindi ko naman kasi alam kung anong plano ng taong pumatay sa akin sa katawan ko— kung ayaw niyang mahuli siya ay malamang itatago niya ang katawan ko. Bago pa man makahakbang papalayo si Denver ay nahawakan na siya ni Monica sa kamay niya. "K-Kuya, pwede bang samahan mo na lang ako?" nagmamakaawang hiling ni Monica. "Pero si Ria kasi..." saad pa ni Denver at halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan. "Kilala mo naman si Ate Ria, mahilig magdrama iyon at mag-imbento ng istorya. Naalala mo ba noong sinabi niyang inoperahan daw siya? Hindi ka nagdalawang-isip na iwan ang isang business deal na nagkakahalaga ng bilyon-bilyon para lang puntahan siya. Pero buhay naman siya at masigla pa! Tapos sabo niya pa ay may nakasunod daw sa kanya parati, pero wala naman talaga., hindi ba?" mahabang litanya ni Monica. "Lumaki si Ate sa luho at nasusunod lahat ng gusto niya. Mahilig siyang mag-imbento at magdrama. Siya ang panganay na anak na babae ng mga De Leon, sinong magtatangkang saktan siya?" Ang mga sinabing iyon ni Monica ang nagpawala sa pag-aalinlangan ni Denver. Huminga siya nang malalim at napamasahe sa kanyang noo— halata sa ayos ng kanyang mga kilay ang pagod. "Kung katulad mo lang sana ang kapatid mong iyon." Napangiti naman si Monica. Naalala ko pa ang sinabi ni Denver noon... "Ang mga batang hindi napalaki nang tama ang siyang mga wala sa katwiran. Pero ang aking Maria Samantha ay napakapuro." Hindi nga pumunta si Denver sa pinadala kong lokasyon. Sa halip ay dinala niya pa si Monica sa kwartong nakalaan para sa aming dalawa. Ang kwartong iyon ay parte ng venue kung saan ginanap ang aming kasal. Nakasunod lang ako sa kanila at nang nasa harapan na sila ng kwartong iyon ay hinarang ko ang sarili ko pintuan para hindi sila makapasok. Pero nagmistula lang akong parang isang insekto na pinipigilan ang isang halimaw. Kay lapad nang pagkakangiti ni Monica habang tumatagos lang sa kaluluwa ko. Kahit noong nabubuhay pa ako ay hindi ko na siya mapigilan. Ngayon pa kayang patay na ako? Ilang saglit pa ay lumabas ng banyo si Monica habang suot-suot ang nighties ko— iyon sana ang susuotin ko bilang surpresa para kay Denver. Manipis iyon kaya kitang-kita ni Denver ang katawan ni Monica sa loob niyon. Napalunok-laway pa siya habang titig na titig sa katawan ni Monica. Halata na sa mga mata niya ang panggigil. Matagal kaming nagkasama kaya alam na alam ko ang ganitong reaksyon niya— nabubuhayan na siya ng dugo. Nararamdaman ko ang senswal na tensyon sa pagitan nilang dalawa. Magkahalong galit at lungkot ang pumuno sa aking puso. "D-Damit iyan ni Ria, Nica..." paalala ni Denver sa kapatid ko. "Alam ko," saad ni Monica na kanina pa nakalapit kay Denver. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito. "Kuya, alam kong matagal mo nang hindi mahal si ate. Dahil ako na ang gusto mo, hindi ba?" "T-Tumigil ka na, Nica..." malamig na saad ni Denver. Kaagad na umiyak si Monica habang nagsasalita na parang isang miserableng nilalang. "Pagkatapos ng gabing ito ay magiging bayaw na kita, kuya! Hindi naman a-ako gahaman. Kahit ngayong gabi lang, k-kuya... gusto kong angkinin mo ako..." "Maibibigay ko ang lahat sa iyo, Nica, maliban lang diyan sa hinihiling mo!" Tinulak niya si Monica at bahagyang lumayo sa kanya. Galit na nagdadabog si Monica habang sumisigaw. "Kung ganoon ay ibibigay ko na lang ang sarili ko sa ibang lalake diyan sa labas! O sa mga janitor diyan! Pwede rin sa mga kilala kong model! O baka naman pwede rin sa mga nanlilimos sa ilalim ng tulay!" "Walang kwenta naman iyan, Nica!" "Eh, ayaw mo naman sa akin at ayaw mong pagbigyan ang kahilingan ko—" Kaagad ni hinilan ni Denver si Monica at siniil ng halik sa mga labi nito. "Hindi!" sigaw ko habang nasasaktan sa mga nakikita pero walang kahit na sino ang nakarinig man lang. Ang lalakeng inalayan ko ng aking puso at buong pagmamahal sa mahigit na sampung taon ng aking buhay ay nakakipagtalik ngayon sa aking kapatid— sa unang gabi pa namin bilang mag-asawa, sa mismong kwarto na para sana sa amin. Awang-awa ako sa sarili habang nanonood sa bawat galaw nila, habang nakikinig sa bawat ungol na pumuno sa buong kwarto— nanonood sa lalakeng minahal ko na ilabas ang nag-aalab niyang nararamdaman. Kinabukasan ay makikita sa katawan ni Monica ang mga pulanh marka mula sa mga haplos ni Denver. Nahihiya pa siyang yumakap at magpailalim sa mga braso ni Denver. Mukhang ngayon pa lang natauhan si Denver. Bakas sa mukha nito na hindi nagustuhan ang nangyari sa nagdaang gabi. "Iyong kagabi, ay..." Para bang sinasabi ng reaksyon niya na nadala lang siya kagabi. Nagpapatawa ba siya? Matapos niyang magpaligaya ng ibang babae ay magsisisi siya ngayon? Ang kapal ng mukha! "Huwag kang mag-alala, kuya. Hindi ko sasabihin kay ate. Simula ngayon ay mag-bayaw na lang tayo. Mag-aaral ako sa ibang bansa at hinding-hindi na ako magpapakita sa iyo," paliwanag ni Monica. "Sino namang nagsabi sa iyo na umalis ka?" nakasimangot na tanong ni Denver. "Ikaw talaga—" Bago pa man matapos ni Denver ang sanang sasabihin ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang seryosong boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Mr. Victorillo, may nakakakita ng isang mamahaling wedding dress sa isang parke. Napag-alaman naming suot iyon ng asawa mo kahapon sa kasal ninyo. Inaanyayahan ka naming pumunta rito sa police station para sa magiging kooperasyon ninyo sa gaganaping imbestigasyon."Masyado ba akong nagmamadaling makapaghiganti? Kakasanib pa lang ng kaluluwa ko sa isang buhay na katawan at kagigising pa lang nito mula sa muntik na kamatayan, pero ito at nakaplano na ako kaagad. Ni hindi ko pa nga alam kung bakit at paano napunta sa katawan na ito ang kaluluwa ko. Higit sa lahat ay hindi ko rin alam kung may limitisyon ba ang pagkakaroon ko ng pagkakataong mabuhay muli.Hindi ko rin alam kung may kabutihan ba o masamang dulot itong pagbabalik ko bilang isang ganap taong mayroong buhay. Hindi ko pa nga alam kung sino talaga ang may-ari ng katawang ito. Hindi ko pa lubos na naaanalisa ang lahat pero ito ako at nagmamakaawa kay Vicento na ituloy ang kasal sa pagitan naming dalawa.Masyado ba akong padalos-dalos sa mga desisyon ko? O baka mas kailangan ko munang pag-isipan kung anong nararapat kong gawin?Sa lahat ng tanong na pumuno sa isipan ko ay sa isang bagay lang ako may maisasagot...Si Vicento lang ang alam kong mapagkakatiwalaan ko. Noong mga oras na isa lang
Matagal na rin mula noong huli akong nawalan ng malay. Sa sandaling bumagsak muli ako sa kadiliman ay takot ang unang lumukob sa akin. Natatakot ako na baka sa paggising ko ay isa na ulit akong ligaw na kaluluwa— isang kaluluwang hindi matahimik at gustong maghiganti.Hindi ko alam kung gaano katagal akong walang malay pero nang magising ako ay sinalubong ako ng matapang na amoy ng disinfectant.Nakakaamoy ako. Ibig sabihin ay buhay pa rin ako o mas magandang sabihing buhay na nga ako!Napapikit akong muli dahil nabigla ang mga mata ko sa liwanag. Hindi nagtagal ay dahan-dahan kong muling minulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang puting kisame.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nahihilo ako at parang bang bumabaliktad ang sikmura ko. Nararamdaman ko ring mahapdi at kumikirot ang palapulsuhan ko. Nakakaramdam din ako ng sakit sa mga talampakan ko.Pero sa kabila ng mga pisikal na sakit na nararamdaman ko ay hindi ko mapigilang mapangiti. Buhay ako! I’m a real human again
Nang paunti-unting nawawala ang liwanag ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Nilingon ko ang buong paligid at natagpuan ang sarili kong nakahiga sa isang bathtub. Pulang-pula ang tubig na parang rosas. Sinipat ko ang palapulsuhan ko. Hindi pa ako nakuntento ay itinaas ko pa ang kamay ko.Kaagad na dumaloy pababa ang dugo.Hindi ko alam kung paano at bakit pero sigurado akong buhay na buhay ako ngayon!Sa labis na tuwa ay napatayo ako at kaagad na lumabas sa bathtub. Pumunta ako sa salaming naroroon at nakitang hindi ko mukha ang nakikita ko. Doon ko napagtanto na ang katawan na ito ay hindi sa akin.Siya kaya ang may-ari ng boses na narinig ko kanina?Ako na gustong mabuhay at siya na ayaw nang mabuhay.Humiwalay kaya ang kaluluwa niya sa katawan niya dahil ayaw na nitong mabuhay at ang kaluluwa ko naman na sabik mabuhay ang pumalit sa katawan niya?Pero hindi muna importante ang isipin ko pa kung paano ito nangyari. Dahil kung hindi ako kikilos kaagad ay baka mamatay mamatay
Mapait akong ngumiti habang pinapakinggan ang usapan nilang dalawa tungkol sa planong gagawin sa batang dinadala ni Nica. Denver, naaalala mo pa kaya ang anak natin? Ang anak natin na hindi man lang nasilayan ang liwanag ng araw.Biglang bumuhos ang ulan mula sa madilim na kalangitan. Hinampas ng hangin ang buhok ko at ang suot kong bestida habang puno ng hinanakit akong nakatayo rito sa rooftop. Ngayon ko lang napansin na hindi pala tumatagos ang hangin sa akin.Naaalala ko ang gabing iyon kung saan muntik ko nang wakasan ang lahat.Nakatayo ako sa tuktok ng isang gusali habang nilalamon ng kalungkutan at hinahayaan kong paglaruan ng malamig na hangin ang buo kong katawan. Nawalan na ako ng dahilan para mabuhay ng mga oras na iyon. Ang gusto ko noong sandaling iyon ay sundan na lamang ang anak ko at makasama siya sa kabilang buhay.Pero hindi ko alam kung paano o kailan na bigla na lang dumating si Vicento. Pinigilan niya ako habang nakaupo siya sa kanyang wheelchair."Naniniwala ak
Kung alam ko lang na mamamatay ako sa mismong gabi ng aking kasal ay sana ginawa ko na ang lahat para ipagsigawan ang katotohanan. Pero sa kabila ng lahat ay masyado pa rin akong naging mabait.Noong araw na iyon ay nag-ingay ang buong paligid. Punong-puno ng bulungan at mga tinging naaawa o mas malamang ay panunuya. Nakikita ko ang mga mapanuring mata ng mga bisita, may mga nakangiti pa nga at tila tuwang-tuwa sa kahihiyang sinapit ko.Hindi ko naman talaga ginusto ang kasal na iyon. Plano kong gamitin ang pagkakataon na iyon para isiwalat ang lahat. Pero hindi ko inasahan na si Denver at Nica pa mismo ang sisira sa plano ko.Ramdam ko ang lamig ng pawis sa mga palad ko ng araw na iyon. Magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung anong uunahin ng mga oras na iyon. Ang pagbagsak ba nila o ang sarili kong kahihiyan. Hindi ko alam kung dapat ko bang hayaan na lang na lumabas ang katotohanan sa puntong iyon na ako mismo ang inuna nilang ipahiya.Naisip ko ri si Lola— ang matandang babae na na
Matalim ang tingin ni Nica nang magsalita. "Hindi mo pinahalagahan ang kapatid ko noong nandiyan pa siya. Tapos ngayong nagkaroon siya ng ‘aksidente’ ay gusto mo nang magpakamatay? Kanino mo ba ipinapakita iyang drama mo?"Napangisi ako sa narinig. Kung hindi ko lang matagal nang pinapanood ang palabas mula sa paningin ng isang patay baka naniwala pa akong mabuting tao itong si Nica.Pero hindi ako tanga. Napakahusay ng pag-arte ni Nica at halos perpekto. Wala ni isang bahid ng kasalanan sa mukha niya kahit na siya mismo ang dahilan ng kamatayan ko. At ngayon, imbes na akuin ang ginawa niya ay siya pa ang nagtatapon ng lahat ng sisi kay Denver.Ang naaalala lang ng lahat ay ang pag-abandona sa akin ni Denver sa mismong araw ng kasal namin. Walang nakakaalam na si Nica ang tumawag sa kanya noon. Na siya ang may pakana ng lahat. Hanggang ngayon ay kasing-itim pa rin ng gabi ang kanyang budhi.Sa isang tabi ay napangiti si Tito Danilo nang makita si Nica. "Nica, hija, ikaw ang pinakamala
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen