Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

Share

Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

Author: Alshin07
last update Huling Na-update: 2025-01-13 16:24:27

Nang marinig ko ang sinabing iyon mula sa kabilang linya, sigurado akong pulis iyon. Nalipat naman kaagad ang atensyon ko kay Denver. Malulungkot kaya siya kapag nalamang patay na ako?

Siguro naman ay oo, hindi ba?

Maaari bang ang pagsasamahan namin ng mahigit dalawampung taon ay basta na lamang maisasawalang bahala?

"Ang wedding dress lang ba ang nakita ninyo?" malamig na tanong ni Denver. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong pagkabalisa ang ekspresyon sa mukha niya.

"Sa ngayon ay oo, ang wedding dress pa lang ang nakikita namin. Pero maaaring nasa panganib ang buhay ni Mrs. Maria Samantha Victorillo. Hindi rin masasabing nagpakamatay siya. May mga nakita rin kasi kaming—"

"Hindi ko alam kung sino ang nag-report niyan, pero kilalang-kilala ko si Maria Samantha," kaagad na singit ni Denver kaya hindi na natuloy ang sanang sasabihin ng pulis. "Oo at hindi niya magagawang magpakamatay. Ilang beses na rin siyang nag-imbento ng mga kwento. Huwag na rin ninyong sayangin ang oras ninyong mga pulis para lang sa walang kwentang larong ginagawa ni Ria."

Natigilan naman ang pulis mula sa kabilang linya at hindi na nga siya nakapagsalita pa nang ibaba na ni Denver ang tawag.

Parang gusto ko tuloy matawa. Nakakatawa talagang naisip kong may pagtingin pa si Denver para sa akin!

"Hoy, Denver! Patay na ako! Kaya ka nga tinawagan ng pulis! Pero bakit iniisip mong pinaglalaruan ko lang kayo? Ganoon na ba talaga ang tingin mo sa akin?"

Pero kahit ano pa man ang sabihin ko ay wala pa rin namang silbi ang mga iyon. Isa lang naman akong hamak na kaluluwa...

"Kuya..." Kaagad namang pinulupot ni Monica ang kanyang mga kamay sa braso ni Denver na para bang isang ahas. "Paano kung galit nga talaga si Ate Ria?"

"Nang tawagan niya ako kagabi, humingi siya ng tulong sa akin," mahinang tugon ni Denver na nakatingin sa sahig— tila malalim ang iniisip.

"Baka galit pa siya sa akin dahil sinuot ko ang wedding dress na iyon? Kaya tinapon niya na lang sa kung saan. Mahal kita pero mas pinili kong magparaya at ibigay ka sa kanya. Ano pa ba ang ikinagagalit niya?" mahabang litanya ni Monica. "Isa pa, tinahi ang wedding dress na iyon ayon sa sukat ng katawan ko. Bakit galit na galit siya nang sukatin ko iyon? Milyon-milyon ang halaga niyon at basta niya na lang tinapon? Ang masaklap pa ay pumunta pa talaga siya sa presinto! Napakalaking sampal iyon sa buong angkan ng mga Victorillo!"

Ang kaninang pagkabalisa na makikita sa mukha ni Denver ay tuluyan nang nawala. Bumalik iyong ekspresyon sa mukha niya kapag ako ang pinag-uusapan— pandidiri at pagkamuhi.

Hindi ko pinangarap na ang magiging wedding dress ko ay ayon sa sukat ng katawan ni Monica. Kaya pala kahit ang mga disenyo ay ang layo kumpara sa gusto kong disenyo.

Isa pa, balingkinitan ang katawan ko. Kaya nang sukatin ko ang wedding dress ay malaki iyon sa akin. Nang mga sandaling iyon ay nagtaka ako. Tatlong beses kinuha ng sikat na mananahi ang sukat ng katawan ko. Kaya imposibleng magkamali siya.

Sa pagkakataong ito ay napagtanto kong hindi pala ako ang gustong pakasalan ni Denver— si Monica pala. Ni hindi ko alam kung kailan at paanong pinalitan niya ang sukat ng wedding dress ko na ayon sa sukat ng katawan ng kapatid ko.

Isang linggo bago ang kasal namin ay natapos na ang wedding dress ko. Nagmamadali pa ako sa pagpunta sa bridal shop sa mga oras na iyon para sana sukatin iyon. Pero nawala ang saya sa puso ko nang makitang suot-suot iyon ni Monica habang may hawak siyang bridal bouquet. Nasa tabi niya pa si Denver ng mga sandaling iyon.

"Bagay na bagay talaga kayo Mr. and Mrs. Victorillo!" pagpupuri pa ng staff na sa tingin ko ay baguhan. Alam ng karamihan na ako ang ikakasal kay Denver.

Nahihiya namang napayuko si Monica na para bang siya talaga ang ikakasal. Hindi naman tinanggi ni Denver ang sinabing iyon ng staff— na para bang ayos lang sa kanya na napagkamalang si Monica ang mapapangasawa niya.

Sa sobrang galit na naramdaman ko ng panahong iyon ay sinugod ko si Monica at malutong siyang sinampal. Wala na akong pakialam. Punong-puno ng sakit at selos ang puso ko. "Ang kapal naman ng mukha mo, Nica, para agawin sa akin ang wedding dress ko! Bakit? Ikaw ba ang magiging Mrs. Victorillo?"

"H-Hindi ba at pinakiusapan mo akong pumunta rito para sukatin ang wedding dress mo dahil abala ka? Humingi ka ng tulong sa akin..." umiiyak na pagrarason ni Monica habang hinahaplos ang pisngi niyang sinampal ko. "A-Ano itong g-ginagawa mo, ate?"

Bago ko pa man madepensahan ang sarili ko ay bigla na lamang sumulpot ang mga magulang namin. Kaagad na dinaluhan nina Mama at Papa si Monica. Nang makitang namumula ang pisngi nito ay walang pag-alinlangan akong sinampal ni Mama. Hinarang nila ang sarili nila sa harapan ni Monica habang ang mga tinging ibinibigay nila sa akin ay puno ng pagkasuklam.

"Sumusobra ka na, Maria Samantha!" sigaw ni Mama sa akin. "Sa tingin mo ba ay magagalit kami sa kanya dahil lang sa palabas mong ito!"

"Hindi ako baliw, Mama, para ipasukat sa iba ang wedding dress ko!" pagrarason ko dahil iyon naman talaga ang totoo. "Halata naman na iyang si Monica ang gumagawa lang ng kwento!"

Pumagitna naman si Kuya Mark sa amin at saka ako hinarap sa naninisi niyang mga mata. "Alam kong ayaw mo kay Nica dahil para bang kinuha niya ang atensyon at pagmamahal na dati ay nasa iyo. Pero naisip mo rin ba, Ria? Na ikaw ang dahilan kung bakit nawalay siya sa atin sa mahabang panahon? Ngayon naman ay mangyayari ulit iyon at ikaw na naman ang dahilan!"

"Hindi iyan totoo, kuya!" natataranta kong sagot habang pinipilit na hilain si Denver papunta sa tabi ko. Pero...

Ang inakala kong lalakeng mahal na mahal ako sa mahabang panahon ay papanig sa akin at ipagtatanggol ako. Pero nang nilingon ko siya ay iba ang nakikita ko sa mga mata niya— puno iyon ng poot at pandidiri.

Marahas niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Tama na, Ria! Mas lalo lang bumababa ang tingin ko sa iyo!"

Dahil sa ginawa niyang iyon ay natumba ako sa malamig na sahig. Hindi maganda ang pagkakabagsak ko kaya napuruhan ang aking paa. Pero walang may pakialam.

Pinalibutan nila si Monica na para bang isa siyang sikat na artista. Tinulungang magbihis at lagyan ng gamot ang pisngi niyang sinampal ko— ni hindi nga iyon nasugatan.

Ang malala pa ay naririnig kong nagbubulungan ang mga tao sa paligid.

"Mabuti nga iyan sa iyo! Pinagbintangan mo ang kapatid mo. Pero ikaw lang din pala ang may utos!"

"Huy, hinaan mo lang ang boses mo!"

"Baka nga ginayuma niya lang si Mr. Denver James Victorillo. Ang walang kasingsamang tulad niya ang pakakasalan at hindi iyong mabait na bunsong anak na babae..."

Alam kong narinig lahat iyon ni Denver. Papalapit siya sa akin ngayon bitbit ang wedding dress. Tiningala ko siya at nagmakaawa. "T-Tulungan mo naman akong makatayo, babe. Napilayan y-yata ako..."

"Hanggang kailan mo ba balak ipagpatuloy ang palabas mong ito?" nanunuyang tanong niya sa akin. Tinapon niya sa akin ang wedding dress. "Sa iyo na iyan. Walang aagaw niyan sa iyo!"

Para akong napako sa kinauupuan ko at saka binuhusan nang malamig na tubig. Ang sakit lang na ganito ang turing sa akin ng lalakeng minsan nang nangakong hindi ako sasaktan.

Inaalalayan ni Mama si Monica habang papalabas sila ng shop. Nang magtama ang mga mata namin ay ganoon na lang ang galit na makikita sa kanyang mga mata. "Bakit ko ba ipinanganak pa ang babaeng walang pusong katulad mo?"

Dati, sila itong inaalagaan akong mabuti. Pero ngayon, para na lamang akong lumang sapatos na nabubulok sa isang sulok kung tratuhin nila.

Sariwang-sariwa pa sa mga alaala ko ang lahat ng iyon. Paano nga ba nangyari ang lahat ng kamiserablehan sa buhay ko?

Ah, oo nga pala.

Nagsimula ang lahat noong bago pa lang naglimang taong gulang si Monica. Araw ng pasko iyon at nagmakaawa siya sa akin na samahan ko raw siya sa labas para panoorin ang fireworks display na gaganapin sa kabilang bayan— gusto niya raw panoorin sa malapitan.

Paniguradong maraming tao ang pupunta roon at ayaw ko namang dalawa lang kaming pumunta. Kaya pinakiusapan ko ang mga bodyguard namin na samahan kami. Dadaan kami sa isang maliit na tulay at sa ibaba niyon ay payapa ang ilog na para bang naghihintay rin sa magaganap na fireworks display. Marahil dahil na rin sa sobrang pananabik ay napalayo si Monica sa amin. Natabunan na siya ng mga tao na papunta rin sa kabilang bayan.

Nataranta na lang ako nang makitang nahulog sa ilog si Monica. Hindi ako nagdalawang-isip na tumalon sa ilog para iligtas siya. Ni hindi na ako nakasigaw pa ng tulong. Wala na akong pakialam ng mga sandaling iyon. Ang gusto ko lang mangyari ay ang iligtas ang aking kapatid.

Nagtagumpay naman akong makalapit sa kinaroroonan niya at nahawakan siya sa kanyang kamay. Pero bigla na lamang nagwala ang ilog na kanina lang ay payapa. Walong taon lang ako noon at ano ang lakas ko kumpara sa nagwawalang ilog?

Nabitiwan ko ang kamay niya at tumama ako sa isang malaking bato. Nawalan ako ng malay. Nang magmulat ako ng mga mata ay mukha na ni Denver ang nakita ko na siyang nagligtas sa akin. Habang hindi naman nakita si Monica. Ilang taon din namin siyang hinanap, pero lagi kaming bigo.

Simula noon ay naging malapit na kami sa isa't isa ni Denver. Sabay kaming lumaki at naging childhood sweetheart kami.

Nang tumuntong ako ng labingwalong taong gulang, bago pa lang kaming opisyal na magkarelasyon ni Denver noon, ay dinala ng papa niya ang pangalawang asawa nito na si Aurora sa mansyon ng mga Victorillo kasama ang ampon nito— na kalaunan ay malalaman naming ang kapatid kong matagal na naming hinanap na si Monica.

Kinamumuhian ni Denver sina Aurora at Monica nang mga panahong iyon. Pero parang aso itong si Monica na laging nakabuntot kay Denver. Laging siyang nagrereklamo sa akin na naiinis siya kay Monica gaya ng pagkainis niya kay Aurora.

Oo, kay Monica naiinis at nandidiri si Denver noon. Pero paano ba bumaliktad ang lahat at ako na iton kinamumuhian niya?

Tatlong taon na ang nakalipas— iyon ang gabi ng aming engagement ni Denver. Nang gabi ring iyon ay nanumbalik ang lahat ng alaala ni Monica at doon namin nalaman lahat na siya pala ang nawawala kong kapatid.

Napuno ng ligaya ang buong gabi naming iyon dahil sa wakas ay nakasama na namin si Monica. Inisip ko pa na doble pala ang selebrasyon na iyon— engagement party namin ni Denver at ang pagbabalik sa amin ni Monica.

Pero mali pala ako nang naisip.

Dahil iyon pala ang gabi kung saan magbabago na ang lahat sa buhay ko, na tapos na ang aking maliligayang sandali at malalagyan na ng tuldok ang inakala kong perpekto kong buhay.

Biglang lumuhod sa harapan ko si Monica nang gabing iyon at nagbitiw ng mga salitang parang bombang biglang sumabog. Hinawakan niya ang laylayan ng aking damit habang umiiyak. "A-Ate... bakit mo naman ako niloko ng gabing iyon para lumabas? Ay pagkatapos ay tinulak mo ako sa ilog..."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 253 - Ang Malupit Na Tao Ay May Malupit Na Pinagdaanan

    Sinuri ni Edmund ang sahig na basang-basa ng dugo, sobrang dilim ng kanyang mukha. Bagama’t hindi rin niya gusto ang pamilya Vargaz, matapos ang lahat, matagal na rin silang nasa ilalim ng kanyang pangangalaga—pero tinrato nila ito na parang walang silbing bagay.Kahit may pagkamuhi, pamilya pa rin sila.“Ganito mo ba nililinis ang tradisyon ng pamilya?” malamig na tanong ni Edmund.Kalmadong sagot ni Vicento,“Ano, biyenan, hindi pa ba ninyo ito nakikita noon? Aba, ngayon nakita na ninyo.”Kasabay nito, muling bumagsak ang kutsilyo—mabilis at walang pag-aalinlangan. Nakatuon pa rin ang atensyon ng lahat kay Edmund, walang nakaakalang aatake si Vicento muli sa sandaling iyon.“Ah!”Nawalan ng malay ang panganay na tiyuhin dahil sa sakit. Galit na galit si Edmund.“Vicento, ito ang bahay ng pamilya Canlas!”“Alam ko,” sagot ni Vicento.“Dahil hindi ninyo napigilan ang grupong ito ng walang pusong kamag-anak sa loob ng maraming taon, tutulungan ko kayo. Para hindi na sila basta-basta gu

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 252 - Masarap Sa Mata

    Malusog pa rin si Lolo at hindi siya nawalan ng malay dahil sa galit. Mahigpit niyang hinawakan ang dibdib niya.“Baliw ka na! Isang beses lang niyang sinampal si Ria, tapos pinutol mo ang daliri niya!”“Mali ka riyan, Mr. Vargaz,” malamig na sagot ni Vicento.“Una, hindi ko lang pinutol ang isang daliri—puputulin ko ang lima, isa-isa, para mas maramdaman niya ang dobleng takot at sakit.”Pinunasan ni Vicento ang itak gamit ang tuwalya at parang walang pakialam na nagpatuloy, “Pangalawa, isang kamay lang ang nawala sa kanya, samantalang ang asawa ko ay sinampal.”Nabigla ang lahat ng naroon. Nagkamali ba kami ng narinig Mas mabigat pa ba ang sampal ng tiyuhin kaysa sa ibinigay niya sa akin?Lahat ay nagduda na baka nagkamali siya ng sinabi, ngunit nanatiling seryoso si Vicento, walang bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha.Buong-buo at may kumpiyansa niyang pinaniniwalaan na ako ang pinakamahalaga, ang pinaka-mahalagang tao sa kanyang puso—isang taong hindi niya hahayaang tapakan

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 251 - Ang Kalupitan ni Vicento

    Kakatapos ko lang ihatid ang nanay ko pabalik sa kanyang silid nang marinig ko ang isang matinis na sigaw ng lalaki. Tiyak na boses iyon ng tiyuhin ko.Ano na naman ang ginawa ni Vicento sa kanya? Nanigas ang katawan ng nanay ko nang marinig ang sigaw.“Ria, ang tiyuhin mo—”Hinarangan ko ang daanan niya.“Ma, buong buhay kang sinamantala ng pamilya Vargaz. Gusto mo bang magpatuloy na pinagsasamantalahan? Tinuring mo silang pamilya, pero tinatrato ka lang nila bilang cash cow. Kailangan pa ba talagang kilalanin ang ganitong pamilya?”“Ako—” Natahimik ang nanay ko.“Noon, tiniis mo lahat para kay Lola. Nailipat na ni Vicento si Lola sa ligtas na lugar, kaya wala ka nang tali sa kanila. Huwag mong kalimutan kung sino ang nagdala ng lahat ng kamalasan sa buhay mo. Kung hindi ko siya pinigilan kanina, binugbog ka na sana ng tinatawag mong ama—ikaw na buntis.”“Paano naging ganito kalala ang diskriminasyon? Dahil babae ka lang, kailangan mo bang magdusa nang ganito? Siya ang nagbigay sa’yo

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 250 - Maruming Kamay ng mga Vargaz

    Sa sandaling lumitaw si Vicento, hawak ko ang buhok ng tiyahin ko gamit ang isang kamay, at sa kabilang kamay ay ang matalim na piraso ng porselana na nakatutok sa kanyang mukha. Dahil sa sobrang lakas ng pagkakahawak ko, may hiwa na ang kanyang mukha.Sa totoo lang, hindi rin ako gaanong maayos—ang palad kong humahawak sa piraso ng porselana ay may hiwa rin. Dumadaloy ang dugo pababa sa basag na porselana.Katatulak lang sa akin ng pamilya Vargaz, magulo ang buhok ko at mukha akong kawawa.Mag-isa ako, pero hindi nabawasan ang tapang ng loob ko.Ngunit sa sandaling nakita ko si Vicento, biglang naglaho ang yabang ko, at isang matinding hinanakit ang umapaw sa dibdib ko.“Vicento...” mahina kong bulong, binanggit ang kanyang pangalan.Pinagulong ni Vicento ang wheelchair niya papalapit sa akin, at agad na humakbang si Jason sa aking harapan.“Madam, bitawan mo muna siya. Ako na ang bahala sa iba.”Binuksan ko ang palad ko—puno ito ng dugo.Binitiwan ko ang tiyahin ko na lubos na nangi

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 249 - Pinagtulungan

    Seryoso ang mukha ni Officer Ramirez. “Kahit hindi mahulaan ang mga pangyayari sa mundo, posible ang kahit ano.”Doon lamang tuluyang natauhan si Papa.“Sino… sino ang maaaring maging ganoon kalupit? Ang anak kong lalaki at babae ay namatay sa misteryosong mga pangyayari, at ngayon ay tina-target na ang buong pamilyang De Leon! Officer Ramirez, tulungan ninyo kami! Hanapin ninyo agad ang taong ito!”“Mr. De Leon, pakalmahin po ninyo ang sarili ninyo. Lahat ng mga bakas na nakuha namin sa kaso ni Miss Ria De Leon ay naputol na. Malaki ang posibilidad na ang pumatay sa kanya rin ang siyang nagplano ng lahat ng ito sa likod ng mga pangyayari. Kaya umaasa akong makikipagtulungan kayo sa imbestigasyon.”“Sige, makikipagtulungan kami. Lubos kaming makikipagtulungan.”“Kailangan ninyong lahat na bumalik sa istasyon ng pulis upang tumulong sa imbestigasyon.”Pagkatapos, tumingin si Officer Ramirez sa akin. “Anong ginagawa rito ni Mrs. Victorillo?”“Nabalitaan ko ang sinapit na kamalasan ng pa

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 248 - Parehong Ruta

    Kinabukasan.Ngayon ay bisperas ng Bagong Taon— isang araw para sa pagsasama-sama ng pamilya.Babalik kami sa bahay ng pamilyang Victorillo para sa hapunan mamayang gabi, at maaga akong tinawagan ng aking ina ngayong umaga upang sabihing dumaan muna ako sa bahay ng pamilyang Canlas pagsapit ng tanghali.Kumalat na ang balita tungkol sa aksidente sa sasakyan ng pamilyang De Leon, kaya pumunta ako upang dalawin sila bilang kinatawan ng pamilyang Victorillo.Ayos naman ang kalagayan ng lahat, ngunit si Mama Sandy ay nasa napakasamang kondisyon ng pag-iisip. Marahil ay dahil sa sunod-sunod na kamalasan na nangyari sa kanilang pamilya, at ngayon ay siya naman ang nadamay—tila tuluyan siyang wala sa sarili.Pagdating ko, hinahabol siya ng nurse upang turukan.Pagbukas ko ng pinto, nakita kong nakatayo si Mama Sandy nang nakayapak sa kama, ang mga mata’y maingat na sinusuri ang mga tao sa paligid, tila may pakiramdam siyang may nagbabalak laban sa kanya.“Ma'am Sandy, bumaba po kayo.”“Asawa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status