PINANDILIMAN PA NG paningin ni Roscoe ang lalaki nang makita niyang nakatingin ito sa kanya. Hindi inaalis ang mga mata na kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang secretary. Nang sumagot na si Alexis ay lumabas siyang muli ng parking lot para doon ituloy itong kausapin dahil tahimk doon kumpara sa loob.“Alexis, may ipapagawa ako sa’yo. Bilhin mo ang lahat ng shares ng Castro Group sa kahit magkanong halaga at siguraduhin mong—”“Sir, sandali po bago ko sundin ang utos mo ay may sasabihin ako sa inyo.” pag[utol nito na ikinakiling na ng ulo ni Roscoe dahil hindi iyon ugali ng secretary niya; ang putulin siya. “May mas malaking problema po tayong kailangang harapin. Sa tingin ko po ay magiging problema mo ito kaya—”“Ano iyon? Bakit? May nangyari ba habang wala ako?”“Nanggaling dito si Miss Lizzy at tinatanong ang schedule mo ngayong buong araw.” “Tapos?”“Napilitan akong sabihin kung nasaan ka ngayon. Malamang papunta na iyon diyan dahil kailangan ka raw niyang makausap. Pinigila
NILAGPASAN LANG SILA ni Everly na parang walang anumang narinig at dumiretso sa kanyang sasakyan. Tahimik na sinundan ng dalawa ng tingin ang babae. Pinatunog niya ang sasakyan at sinubukan niyang sumakay na dito. Para sa kanya ay walang silbi ang apology ni Lizzy. Blangkong papel na hindi man lang niya kakitaan ng emosyon ng pagsisisi. Saka ano? Dati sila magkaibigan kaya kailangan na kalimutan na lang? Kung si Roscoe ay kaya nitong paikutin sa mga kamay niya, siya ay hindi. Nungkang kausapin niya pa ito. Alam naman niya na basta na lang niyang sinabi iyon dahil naroon si Roscoe at nakikinig o masabing nag-sorry na siya sa kasalanan niya. Hindi niya na dapat pang kinakausap ang mga ganitong klase ng tao.“Everly…” mahinang tawag na din sa kanya ni Roscoe upang kausapin siya.Akmang lalapit pa sana sa sasakyan niya si Roscoe nang hawakan na siya ni Lizzy sa kamay para pigilan. Mapang-asar ang ngiti na nilingon na sila ni Everly nang makita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. As if
KINABUKASAN AY MAAGANG nagising si Everly. Iyong tipong kahit inaantok pa siya ay kinakailangan niya ng bumangon dahil may lakad nga siya. Kasalukuyang nakaharap siya sa salamin at naglalagay ng make-up habang kausap niya sa naka-loudspeaker na cellphone si Monel dahil hindi niya iyon magawang hawakan.“May sampung importanteng orders ang nakalagay sa black market cart natin ngayong umaga, Boss. Interested ka bang malaman kung ano ang kailangan nila?” may kalokohan na sa tono ng boses nito.“Ano?” nakatingin pa rin sa salamin ang mata ni Everly, patapos na siya sa paglalagay ng kanyang lipstick at pinapantay na lang iyon. Ngumiti pa siya sa sarili kung saan lumabas ang natural niyang maputing ngipin.Matingkad na pula ang lipstick niya na hindi niya madalas gamitin dahil fan siya ng light colors lang gaya ng pink, bumagay naman iyon sa mukha niya na mas naging kaakit-akit. Pinapungay niya pa ang mga mata. Ngumisi siya nang matawa sa mga ginagawa niya. Hindi niya iyon sinadyang gawin s
NAGSIMULA NG KUMULO ang dugo ni Everly at uminit ang bunbunan sa dating asawa. Hindi niya maintindihan kung ano pa ang ginagawa nito sa oras na iyon gayong ito naman ang nagmamadaling ma-divorce na sila. Napakamot pa siya sa kanyang leeg, bumalatay na rin sa mukha ang labis niyang inis.“Subukan mo lang talaga na hindi ako siputin sa araw na ito, Roscoe! Malilintikan ka sa akin!”Sampung minuto pa ang lumipas at walang Roscoe na dumating. Bumaba na si Everly ng sasakyan niya. Nagpalakad-lakad na siya sa harap ng tanggapan. Wala na siyang ibang choice kung hindi ang tawagan ang lalaki para alamin kung pupunta pa ba ito o hindi na. Ngunit bago niya ma-dial ang numero ni Roscoe, isang tawag ang rumihistro sa screen ng cellphone niya; ang Lola ni Roscoe, si Donya Kurita De Andrade.“Sa lahat ng araw, bakit ngayon pa siya tatawag? Ang mag-Lola talagang 'to, inuubos ang pasensya ko!” Napahawak na sa dibdib niya si Everly nang mahimasmasan ng ilang sandali. Alam na kaya ng matanda ang magig
LIHIM NA NAGDIWANG ng kalooban niya si Roscoe. Hindi niya batid kung bakit natutuwa pa siya na problemado na ang kaharap na si Everly. Pakiramdam niya, lalo itong gumaganda sa paningin niya kahit na nandidilat na ang mga mata nito at minsan pa ay panay ang irap sa kanya. Parang ang sarap nitong yakapin at lambingin. Bigla siyang napailing. Agad na winaglit sa isipan ang bagay na iyon. Hindi iyon dapat ang laman ng kanyang isipan. Oo, napansin niyang nagbago na talaga ang babae. Sa sobrang laki noon feeling niya ay hindi na ito ang asawa. At hindi iyon dahilan upang magbago ang pagtingin niya.“Ano pang hinihintay mo? Sumakay ka na lang muna.” bukas ni Roscoe ng pintuan ng sasakyan na parang may sariling buhay na bigla na lang gumalaw, “Resolbahin muna natin ang problema kay Lola bago ang sarili nating suliranin. Makakapaghintay naman iyan, si Lola ang hindi na, please lang Everly...”Hindi siya sinunod ni Everly na humalukipkip bilang tugon sa kanya. Pinagtaasan pa siya nito ng isang
MULI LANG SIYANG sinulyapan ni Roscoe gamit ang gilid ng mata ngunit hindi pa rin ito nagkomento dito. Napansin niya pang bagay talaga dito ang makeup. Iyon ang paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang utak. Hindi lang ito maayos sa kanyang sarili noon na simple lang, pero ngayon masasabi niyang para itong artista sa taglay na ganda. Iba kung maka-attract kumpara sa ibang mga babae na nakikita ng kanyang mga mata. Maganda rin naman si Lizzy, pero napuna niyang iba talaga ang ganda ni Everly. Iyong tipong hindi niya pagsasawaang tingnan kahit na anong panahon. Bakit noon lang niya ito napansin? Napansin niyang cute ito noong highschool sila, pero hanggang doon lang. Akala niya normal lang ang hitsura nito.“Kaya dapat iyon ang inuna natin. Maling desisyon talaga ‘to. Kung nakinig ka lang sa akin, pareho na sana tayong malaya ngayon Roscoe, sa legal na paraan. Wala na sana tayong ibang iisipin pa dahil natapos na.” tuloy pa ni Everly na halatang ayaw bitawan ang topic na iyon para ipaalala
HINDI NA MAPIGILAN na maghanap ang mga mata ng mag-asawa kung ano pa bang kulang sa naging alibi nila para tuluyang mapaniwala ang matanda. Pakiramdam nila ay may nakukutuban na sa bawat kilos nila ang matanda. Kailangan nilang mailipat ang kahina-hinala nitong paninitig bago pa sila makaamin.“Walang usok kung walang apoy. Marahil ay nag-file na kayo ng divorce kung kaya maaga kayong umalis.” panghuhuli pa ng matanda nang sa ganun ay mapaamin niya ang dalawa kung totoo ang nalaman niya.“Lola, ako ‘to si Everly. Magsisinungaling ba naman ako sa’yo? Sino po ba ang nagsabi sa inyo noon? Gumagawa lang sila ng kwento. Bakit po ba kayo nagpapaniwala sa mga narinig niyo lang? Hmm?”Nanatili ang tingin ni Roscoe kay Everly na nilalambing-lambing pa ang matanda para maniwala. Close talaga sila at gustong-gusto rin ito ng Lola niya. Hindi niya iyon maitatanggi. Bagay na hindi magawa ng matanda kay Lizzy kahit pa alam nitong siya ang nagligtas sa buhay ng kanyang apo. Si Everly pa rin talaga.
PAGKASABI NOON AY tumayo na ang matanda. Senyales iyon na aalis na ito at tapos na ang sadya sa kanilang dalawa. Tumayo na rin sina Everly at Roscoe upang sumunod sa mabagal na paglabas ng matanda ng kanilang villa. Saglit na huminto si Everly para lang lingunin si Roscoe na agad tumingin naman sa kanya. Binuka niya ang bibig pero walang salita doong kumawala. Tahimik na binasa iyon ni Roscoe.“Pupunta tayo mamaya ng Civil Affairs Bureau,” senyas ni Everly para ipaalala iyon sa dati niyang asawa.Mahirap na, baka nakakalimutan nito ang usapan nila kanina. Gusto na niyang matapos na doon ang lahat nang hindi na siya pabalik-balik. Gusto na niyang kumawala sa anino ng kanyang dating asawa.“Oo na, pupunta tayo mamaya.” maikling sagot ni Roscoe na sapat lang ang lakas para marinig ni Everly.Ngumiti ang matanda sa kanilang dalawa nang marating ang kanyang sasakyan upang magpaalam na. Sinuklian naman iyon ni Everly at Roscoe. Lumapit ang isang bodyguard sa Donya at nagsalita. “Donya Kuri
HINDI MAN LANG sila nilingon ni Everly na dire-diretso lang ang lakad palayo sa kanilang banda. Sinubukan pa ni Roscoe na tanggalin ang pagkakahawak sa kanya ni Lizzy upang habulin lang ang asawa, ngunit hindi iyon pinayagan ng babae.“Narinig mo ba ang sinabi ko, Roscoe? Pinagtulungan nila ako sa birthday ng Lola mo.”Napilitan si Roscoe na harapin na si Lizzy tutal ay wala na rin si Everly at kung hahabulin niya pa ito, hindi niya alam kung aabutin niya pa. Hinarap na niya si Lizzy kung saan ay saka pa lang nito niluwagan ang hawak sa kanyang katawan. “Anong sinabi mo?” tanong ni Roscoe na sinundan na si Lizzy na makapal ang mukhang pinapasok na ang kanyang sarili. “Pinagtulungan nila ako. Maiba ako, pinalitan mo ba ang password ng villa?” pag-iiba niya ng kanilang usapan matapos na ihagis ang kanyang dalang bag sa sofa na akala mo ay pag-aari niya ang villa na iyon, pabagsak ng naupo at humalukipkip. “Ilang beses kong sinubukan kanina pero ayaw nitong magbukas. Tinigilan ko kasi
GUSTO NG MATAWA ni Everly sa tinurang ito ni Roscoe. Ano? After ng divorce nila gusto pa nitong maging magkaibigan sila at magpansinan? May sira na yata ang ulo ng lalaking ito. Walang ganun. Pagkatapos ng mga ginawa nito sa kanya, gusto niya umakto siyang magkaibigan sila? Anong kalokohan iyon ng lalaki? Halatang hindi niya alam ang mga sinasabi niya. Sa loob ng maraming mga taong pagsasama nila, ni wala naman itong magandang nagawa sa kanya. Ang trato nito sa kanya ay parang hangin, tapos ngayon kung makahiling akala mo naman ay naging mabuting asawa ito sa kanya noon. Sa parte ni Roscoe ay kayang-kaya nitong gawin ang nais niya, eh sa part niya? Tinanong ba siya nito kung kaya niya?Si Everly ay labis niyang nasaktan, siniraan at hindi nirespeto ang nararamdaman. Niloko rin siya at ipinagpalit ng asawa niya sa ibang babae noong kasal pa sila, tapos ngayon hinihiling nito na maging civil sila at maging respectable sa mga taong kanilang pinagsamahan? Mukhang nasa malalim na pagtulog
SUMUGAT PA ANG isang nakakalokong ngiti sa labi ni Roscoe nang ilihis na ni Everly ang kanyang paningin sa asawa. Muling sinubukan ni Everly na kumawala ngunit humigpit lang lalo ang hawak ni Roscoe sa kanya. Hindi alintana ang laway ni Everly na hindi namalayan nitong dumikit sa baba kanina sa ginawa nitong pagkagat sa kanya. Walang anu-ano at tinawid ni Roscoe ang ilang pulgada nilang pagitan upang tumama lang ang kanyang labi sa bibig ng asawa. “Ano? Sa tingin mo ba ay panaginip pa rin ito?” Napaawang na ang labi ni Everly na sinabayan pa ng malakas na paghuhuramentado ng kanyang puso sa loob ng dibdib. Sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay ‘di na siya makahinga at mauubusan na doon ng oxygen.“Anong ginagawa mo, Roscoe? Hindi mo ako bibitawan?!” may banta na sa tinig ni Everly na tinaliman na ang mga tinging pinupukol sa kanya. Kung gusto niyang makawala dito, kailangan niyang samaan ng ugali at pagbantaan ito. Iyon ang kanyang natutunan sa ugal
PRENTENG NAUPO NA si Roscoe sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Everly. Hindi niya inalis ang mga mata sa asawa habang ang cellphone nito ay nakadikit pa rin sa kanyang tainga. Walang anu-ano ay parang may sariling buhay na humaplos ang kanyang isang palad sa pisngi ni Everly, marahan lang iyon kung kaya naman hindi ito nagising. Ilang sandali pa ay gumapang na pababa iyon at dumako pa banda sa nakatikom na labi ng kanyang asawa.“Hindi naman kagulat-gulat,” tugon ni Harvey na sinundan pa ng buntong-hininga na hindi nakaligtas sa pandinig ni Roscoe na nagawa pang mas maging masaya ang malapad na ngiti. “Sana alagaan mong mabuti si Everly at—” “Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin iyan dahil alam ko kung ano ang gagawin ko sa asawa ko!” may diin niya pang tugon sa salitang asawa. Lumapad pa ang kanyang ngiti na naguguni ng paniguradong halos mamatay na sa selos ang lalaking kausap niya. “Hindi mo kailangang mag-alala dahil kahit hindi mo sabihin iyan pa rin ang gagawin ko sa k
MAKAILANG BESES PA siyang sinipat ni Alexis sa mukha. Hinahanapan ng dahilan kung bakit siya nagtatanong. Pakiramdam niya ay may mali sa amo. “Ano po ang problema, Mr. De Andrade?”Iniiling ni Roscoe ang kanyang ulo. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip na hindi naman dapat. Napuno pa ng maraming katanungan iyon dahilan upang tuluyan siyang maguluhan. Panaka-naka ang pasok ng liwanag ng mga street lights sa kanilang dinadaanan. Natatanglawan noon ang seryosong mukha ni Roscoe na nakatingin na noon sa kawalan. Mababakas anng labis na pagka-seryoso sa kanyang mukha. Makailang beses niya pang nilingon ang mukha ni Everly. “Alexis, paki-imbestigahan ngang mabuti noong na-kidnapped ako kung sino talaga ang nagligtas sa akin.” Hindi maintindihan ni Alexis kung ano ang nais na palabasin ng kanyang amo. Hindi ba at alam naman na nitong si Lizzy Rivera ang nagligtas sa kanya? Bakit kailangan pa nitong pa-imbestigahan ang bagay na iyon na hindi niya ginawa noon? Tinanggap na lang niton
MAHABA ANG NAGING biyahe nila pauwi. Dala marahil ng pagod ni Everly at side effect na rin ng gamot sa kanyang sugat kung kaya naman hindi sinasadyang biglang nakatulog siya. Naramdaman na lang ni Roscoe ang biglang pagbigat sa kanyang balikat nang walang ulirat na ipatong doon ng asawa ang kanyang ulo. Napalunok na ng sunod-sunod doon si Roscoe. Hindi nakaligtas sa kanya ang suot nitong damit na medyo revealing sa banda ng kanyang dibdib. Kahit na madilim sa loob ng sasakyan, sa mga mata ni Roscoe ay ‘di nakaligtas ang tila kumikinang na balat ni Everly banda dito.‘Ano ba naman ‘to!’ Masusing tahimik na pinagmasdan ni Roscoe ang manipis na kilay ng asawa at ang nakapikit nitong mga mata. Dumako pa ang tingin niya sa labi nito na bigla na lang sumagi sa kanyang isipan na halikan ito. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nagpapadala sa tukso. Pakiramdam niya nag-init ang kanyang lalamunan kasabay ng pag-init ng magkabilang pisngi. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso na para bang
KAILANMAN, BUONG BUHAY niya ay hindi nawalan ng sasabihin at katwiran si Roscoe kapag kinakausap. Nang mga sandali pa lang iyon nangyari at dahil kay Everly. Ilang minutong pinag-aralan niya ang mukha ni Everly na napagtanto niyang maganda sa malapit.“Bakit? Naging mabuti ba ako sa’yo, Everly?”Ginawa lang niya ang gagawin ng isang estranghero sa isang taong nangangailangan ng tulong. Paano nga ba siya naging mabuting asawa kay Everly Golloso?“Ito. Hindi ba ito kabutihan?”Dinilaan pa ni Roscoe ang labi upang basain ng laway. Muli na namang natameme sa katanungan ni Everly.Gaano ba kapangit ng trato niya sa asawa dati at pati itong ginawa niyang pagtulong ay big deal sa kanya?Nakaramdam pa ng kakaiba si Everly sa pananahimik ni Roscoe. Iba talaga ang nararamdaman niya sa mga kinikilos nito. Nagpakaba pa iyon sa kanyang puso lalo na nang muli siyang alalayan at igiya ni Roscoe. Sa siko na lang naman siya nito hinawakan ngayon. “Hindi ito kabutihan at pagmamahal, Everly na kahit na
MALALAKI ANG MGA hakbang na nilagpasan niya si Roscoe upang mabilis na din na makalayo sa asawa. Tahimik namang sumunod si Roscoe habang nasa likod niya ang dalawang kamay. May kakaibang ngiti sa kanyang labi na hindi niya magawang ipaliwanag kung bakit ganun na lang siya kasaya nang makitang hiyang-hiya at namumula ang mukha ng asawa niya.‘What’s wrong with you now, Roscoe? Maligaya ka?’Ang mga lumabas kanina na doctor ay naabutan nilang nasa harap lang ng kinaroroonan nilang silid. Yumukod ang mga ito upang magbigay na ng galang. Napayuko rin nang bahagya si Everly bilang tugon. Ang OA lang talaga ni Roscoe na kinakailangan pa siyang dalhin sa hospital kung pwede naman niyang gamutin na lang ang kanyang sarili sa bahay nila. Marami pa tuloy silang naabala na ‘di naman dapat.“Mrs. De Andrade, narito po ang mga gamot na kailangan niyong i-apply sa mga sugat.” bigay ng doctor ng ointment lang naman, “Hindi man gaanong malalim ang mga sugat kaso nga lang ay ang dami nila. Para na rin
AWTOMATIKONG INIIWAS NA ni Everly ang kanyang mga mata sa mukha ni Roscoe. Itinuro na ng kanyang daliri ang likod. Mabilis namang nagtungo doon si Roscoe. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na bagama’t hindi naman nakatakip ay nakita niyang magiging sagabal iyon. Sa ibabaw ng kanyang tattoo ay may dalawang maliit na piraso ng bubog na nakabaon. Maputi at maselan ang balat ni Everly, at nang tumusok ang fragment sa kanyang balat, agad nang namula ang buong paligid noon. Hindi mapigilan ni Roscoe na itaas ang kanyang kamay. Bumagsak ang nanlalamig niyang mga daliri sa likod ni Everly na nang dumampi ay bahagyang nanginig. Naburo na ang mga mata doon ni Roscoe. Maingat niyang kinuha ang mga fragment, nilinis ang sugat at nilagyan ng hemostatic gauze. Nang tutulungan na sana niya si Everly na tingnan kung may mga fragment pa sa ibang bahagi ng katawan, hindi niya naiwasang tumagal ang mga mata sa tattoo ng babae. Hindi na niya napigilan ang palad na haplusin iyon. Magaspang ang bahagin