Home / Romance / Rekindled Romance After Divorce / Chapter 16.3: Dating Magkaibigan

Share

Chapter 16.3: Dating Magkaibigan

last update Huling Na-update: 2025-03-27 17:52:36

PINANDILIMAN PA NG paningin ni Roscoe ang lalaki nang makita niyang nakatingin ito sa kanya. Hindi inaalis ang mga mata na kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang secretary. Nang sumagot na si Alexis ay lumabas siyang muli ng parking lot para doon ituloy itong kausapin dahil tahimk doon kumpara sa loob.

“Alexis, may ipapagawa ako sa’yo. Bilhin mo ang lahat ng shares ng Castro Group sa kahit magkanong halaga at siguraduhin mong—”

“Sir, sandali po bago ko sundin ang utos mo ay may sasabihin ako sa inyo.” pag[utol nito na ikinakiling na ng ulo ni Roscoe dahil hindi iyon ugali ng secretary niya; ang putulin siya. “May mas malaking problema po tayong kailangang harapin. Sa tingin ko po ay magiging problema mo ito kaya—”

“Ano iyon? Bakit? May nangyari ba habang wala ako?”

“Nanggaling dito si Miss Lizzy at tinatanong ang schedule mo ngayong buong araw.”

“Tapos?”

“Napilitan akong sabihin kung nasaan ka ngayon. Malamang papunta na iyon diyan dahil kailangan ka raw niyang makausap. Pinigila
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Ano bang gagawin natin dito kay Roscoe na 'to? HAHAHAHAHA
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Ano ba hitsura niya? HAHAHAHA
goodnovel comment avatar
Noime Divina
pati nadin tong Roscoe NATO na uto uto,,lage nlang nagpapaniwala SA kasinungalingan ni lizzy
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 66.1: Rescue

    NAPATINGALA NA RIN si Everly kagaya ng ilang mga tao na nakatunghay kung nasaan ang babae na itinuturo nila. Nandilat na sa gulat ang mga mata ni Everly nang makilala na ang babae. Iyon ang asawa ng lalaking nakaaway niya. Walang pag-aalinlangan na tumakbo na siya paakyat. Kailangan niyang kumbinsihin ang babaeng bumaba doon bago pa man may mangyaring masama. The desire to survive in her eyes was so strong that she was not even afraid of being beaten by the man and secretly came to the hospital for treatment. How could she jump off the building? Hindi kaya naroon na naman ang lalaki at hinahadlangan na naman siya sa gusto niya? Marami ng mga tao sa rooftop nang makaakyat si Everly. Ang iba ay nakikiusyuso, ang iba ay gustong kumbinsihin siya at ang iba naman ay nagvi-video. May mga doctor rin ang naroroon. Sinusubukan na kumbinsihin ang babae kahit na alam nilang mahirap ng pigilan ang gusto nito. “Kaya natin solusyunan ang problema mo, don’t do anything stupid please?!” sigaw ng kan

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 65.3: Stomachache

    NAPATAAS NA ANG isang kilay ni Harvey nang marinig niya ang sinabi ni Everly. Itinukod niya ang kanyang isang kamay sa ibabaw ng mesa at ipinatong na ang kanyang baba sa likod ng palad. May kakaibang ngiti na sa kanyang labi ng mga sandaling ito na parang may iniisip na masama.“Everly, alam mo bang may sekreto ang pamilya Rivera? Gusto mong malaman kung ano iyon?”Napainom na ng tubig si Everly. Sekreto ng pamilya ng mga Rivera? Ano iyon? “Saan mo narinig? Baka mamaya rumor lang iyan ha?” “May nagsasabi na may proof ito, kaya hindi lang basta rumor. Totoo. Kaya nga secret nila eh.” “Ano ba iyon?” ani Everly na hindi naman masyadong intersado itong marinig. “Actually, si Lizzy ay—” Naputol ang sasabihin ni Harvey nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Sabay silang napatingin sa screen noon dahil nakalagay lang naman iyon nang malaya sa kanilang table. Ang ama iyon ng lalaki. Tawag na ‘di niya pwedeng basta na lang balewalain dahil sa pinag-uusapan.“Pasensya na, sasagutin k

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 65.2: Pasalubong

    HINAHAGOD ANG LEEG ni Everly habang papalabas siya ng pintuan ng hospital noon. Napagod siya buong maghapon dahil sinamahan niya sa loob ng operation room si Doctor Santibaniez. Hiniling nitong sumama siya at i-assist niya siya na di niya natanggihan. Sa mga sandaling iyon ay nais na niyang bumulagta sa kama at ipikit ang kanyang mga mata. Dama niya ang panghihingi na ng pahinga ng katawan na ilang araw na niyang pinapagod nang sobra at hindi binibigyan ng maayos na pahinga. Saglit na natigilan si Everly sa kanyang paglalakad nang may matanaw na pamilyar na sasakyan.“Everly!” Itinaas pa ng lalaking may-ari noon ang kanyang kamay upang kumaway lang sa kanya. Kinurap-kurap ni Everly ang kanyang mga mata upang sipatin lang kung sino iyon. Si Harvey. Matingkad na ang ngiti ng lalaki sa kanya. Sabagay, matagal na rin noong huli silang nagkitang dalawa. Hindi na rin niya ito magawang makumusta pa. As usual naka-tuxedo pa rin ang lalaki noon na halatang galing sa mahalagang meeting o okasy

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 65.1: Patient

    PAMARTSA NA SILANG iniwan ni Everly na ilang segundong tiningnan ng tahimik si Lizzy na hindi na makatingin sa kanya nang diretso, nang makita naman iyon ni Lorenzo ay agad na itong tumayo upang sundan lang ang babae. Nagpang-abot sila sa labas na ng VIP room ni Lizzy. Hindi siya napansin ni Everly na nakasunod, napapitlag na lang ito nang bigla na lang tawagin ni Lorenzo ang kanyang pangalan.“Everly!” Nilingon siya ni Everly na puno na ng katanungan ang mga mata. The atmosphere between the two of them was a little subtle, as if they were confronting each other silently. Hinintay niya ang karugtong na sasabihin ni Lorenzo na alam niyang mayroon pa kaya siya tinawag.“Pwede bang layu-layuan mo na ang kapatid ko? Hindi naman na kayo magkaibigan di ba? Malamang kaya siya nagkakaganyan ay nang dahil sa’yo. Tell me, anong ginawa mo kay Lizzy?!” lantarang akusasyon pa ng lalaki na akala mo ay alam nito ang buong katotohanan.Hindi makapaniwalang napaawang na ang bibig ni Everly. Pareho n

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 64.3: Anxiety

    GAYA NG KANYANG anunsyo ng umaga sa mga kasama, binisita ni Everly sa kanyang silid si Lizzy bandang tanghali. Suot pa rin niya ang kanyang white coat. Magalang na kumatok siya sa pintuan ng silid. Hindi siya basta pumasok doon dahil naisip niya na malamang ay baka may bantay ang babae ng sandaling iyon. “Tuloy…” boses iyon ng lalaki mula sa loob. Binuksan ni Everly ang pintuan matapos na ayusin niya ang kanyang sarili. Tumambad sa kanyang mga mata kung sino ang kasama ni Lizzy doon, si Lorenzo na may iba ng tingin agad.“Nabalitaan ko kung ano ang nangyari kay Lizzy nang nagdaang gabi—” Tumayo na si Lorenzo at sinalubong na si Everly. Alam niyang hindi sila good terms ng kapatid. “Hindi porket nabalitaan mo ay pwede mo na siyang bisitahin dito kung kailan mo gusto.” “Bakit? Masama ba? Narinig ko sa usap-usapan na binabanggit niya ang pangalan ko noong unconscious siya, kaya naisip ko na baka sakaling makatulong ako sa kanya kung sakaling—” “Please leave.” malamig ay may diin na

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 64.2: Laki ng Inggit

    KULANG NA LANG ay lumuwa ang mga mata ni Lizzy nang makita niyang maputla ang mukha ni Everly na parang naaagnas, iyong tipong nangingitim na iyon. Basa ang buhok nito at hindi lang ang damit. Mukha siyang nakakatakot. Bumangon ba si Everly sa tubig? Paano siya nakatakas? Minumulto na ba siya nito dahil alam nitong siya ang nagpatumba sa kanya? Imposble rin iyon! Wala ng patay ang bumabalik para lang konsensyahin ang may gawa noon sa kanya at takutin.“Lizzy, give me back my life. Alam kong ikaw ang may kagagawan nito kung bakit ako namatay. Bakit mo ako kailangang ipadukot at ipatumba? Hindi ka na naawa. Makikipag-divorce naman ako, hindi mo kailangang gawin sa akin ang bagay na ito. Alam mong marami pa akong pangarap hindi ba? Paano na iyon ngayon, Lizzy? Paano na?” ini-unat pa ni Everly ang kanyang kamay, tila inaabot niya si Lizzy na sa mga sandaling iyon ay bakas na sa mukha ang labis na takot sa kanya.“H-Hindi, hindi ako ‘yun Everly…” nanginginig ang boses na sambit ni Lizzy na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status