“What?!”
Halos napatakip ng tainga si Leandra nang sumigaw si Kara. Kasalukuyan pa rin silang nasa loob ng sasakyan at halos treinta minuto na ang nakakalipas ay naikwento na ni Leandra ang lahat kay Kara. “Hindi mo sinabi sa akin na umalis siya! Ano, all this past months, mag-isa ka sa inyo?!” Tanging tango na lamang ang naisagot ni Leandra sa tanong ng kaniyang kaibigan. Ang galit sa mukha ni Kara ay sapat na upang tumahimik si Leandra at hindi na dagdagan pa ang kuwento. “You should've told me! Sana pinasundan ko siya!” Napabuntonghininga na lamang si Leandra sa kaniyang kaibiga. Si Kara ay mula sa pamilyang Cruz, isa sa kilalang pamilya sa bansa. Halos lahat ata ng gustuhin ni Kara ay kaya niyang makuha. Mula sa pera, gamit o ari-arian. Ngunit isa sa pinaka nagustuhan ni Leandra dito ay hindi lahat ng tao ay alam ang antas nito sa buhay. “Grabe! Hindi naman ganoon ka-gwapo si Reiwon para gawin ‘yan! ‘Tsaka, ano bang nakita nun kay Anastasia?” Hindi niya mapigilan ang mapaisip. Kung kaniyang iisipin, si Anastasia ang tipo ni Reiwon, hindi lang siya, kun‘di ang buong pamilya nito. Mahinhin kumilos, malambot ang poses at tila gatas ang kutis nito. Galing din ito sa kilalang pamilya at nakapagtapos ng kolehiya na may mataas na grado. Malayong malayo sa buhay na kinagisnan niya. Si Leandra ay lumaking bruskong ugali. Matalas ang dila, pala-inom at mabarkda ngunit sa kabila nang lahat ng iyon ay hindi maikakailang isa sa siya pinaka-matalino sa kanilang paaralan. “At ano rin ang sinabi ng nanay no’n na wala kang pinag-aralan?! Eh huminto ka para sa anak nila, tonta!” Mariin na pikit na lamang ang ginawa ni Leandra at hinayaang magsalita ang kaibigan. Napakabilis ng pangyayari para sa kaniya. Ilang bwan niyang hinintay ang pagdating ng kaniyang asawa ngunit sa isang iglap ay nakikipagdeborsyo na ito. Dahan-dahan niyang tinignan ang kaniyang katawan at hindi mapigilan ang mapabuntong hininga matapos maaalalang buong umaga siyang naghanda sa damit na ito para kay Reiwon. “Hays, Leandra. Sumama ka na lang muna sa‘kin sa bahay at bukas na bukas, kunin mo na ang mga gamit ko roon.” Dahil sa panghihina ay hindi na nakipaglaban pa si Leandra at hinayaan na lamang ang kaibigan. Ipinikit ni Leandra ang kaniyang mga mata hanggang sa nagdilim na ang kaniyang paningin ng tuluyan. Hindi mapigilan ni Kara ang maawa para sa kaniyang kaibigan. Pakiramdam niya ay wala man lang siyang kaalam-alam sa pinagdaanan nito samantalang kapag siya ang may problema ay nariyan agad si Leandra. Nang makarating sa kaniyang bahay ay mabilis na nag-park si Kara ng kaniyang sasakyan. Nang lingunin ang kaibigan ay pikit ang mga mata nito at tila ba natutulog. Kahit pikit ay ramdam ni Kara ang lungkot nito at dahilan upang mag-init na naman ang kaniyang ulo. “Leandra, we're here! Wake up, girl!” Mabilis na nagmulat ng mata si Leandra nang maramdaman ang mahinang pagtapik sa kaniyang braso. Bumungad sa kaniya ang nakangiting si Kara. Isang maliit na ngiti lamang ang kaniyang nagawa at bumaba na ng sasakyan. Gaya ng kaniyang inaasahan ay napakalaki ng bahay nito kahit mag-isa lamang siyang nakatira. “May kasama ka ba ritong nakatira, Kara?” tanong niya. Isang sarkatasikong tingin ang ibinigay ni Kara sa kaniya at pabirong umirap. “If I were to have a man, I'd live with him, not here!” Napangiti si Leandra. Mabilis itong lumapit kay Kara at ipinalupot ang kamay sa braso nito. Tila ba may umantig sa puso nito. Sa tagal ng panahon ay pakiramdam niya‘y mag-isa siya. Mukhang nalimutan niyang nariyan si Kara sa tabi niya, palagi. “Tabi tayo matulog mamaya, ha?” pang-aasar pa ni Kara sa kaniya. Ngumiti lamang si Leandra at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya mapigilan ang mamangha. Kahit na tumira siya sa mansyon ni Reiwon ay iba pa rin kapag katulad mo ng gusto ang disenyo ng bahay. Kasalungat ng bahay ni Reiwon, ang bahay ni Kara ay tila ba gawa sa salamin. Dahil nasa bandang tuktok din ito, kapag sumilip ka sa salaming dingding ay matatanaw mo ang buong syudad. Hindi lang iyon dahil sa mismong gitna nang bahay ay may maliit na fireplace, gaya mismo ng pangarap ni Leandra. “Ikaw lahat nag-isip ng design dito?” manghang tanong nito kay Kara. Napangiti lamang ang babae at nagyayabang na tinignan siya. Hindi nito mapigilan ang matawa dahil sa ginawa nito. Sa sobrang pagkamangha ay tila ba nawala sa alaala ni Leandra ang nangyari. Parang batang pabalik-balik sa salas at sa pader upang tignan ang view at ang fireplace. Buo ang ngiti ni Kara, hinahayaan ang kaibigan habang siyang tahimik na naghahanda ng maiinom. “Siguro . . . kung hindi ko pinakasalan si Rei, may ganito rin ako, ‘no?” Natigilan si Kara at napatingin sa kaibigan. Nakaupo ito sa isang sofa, ang dalawan kamay ay nasa hita at dahan-dahang inililibot ang paningin. “Kasalanan ko ba, Kara? Hm? Mali ba ako ng desisyon?” Nakangiti man ang mga labi nito ay kasalungat naman noon ang pinakikita ng kaniyang mga mata. Napabuntong hininga na lamang si Kara nang makitang muli ang pamumuo ng luha sa mata ng kaibigan. Nilapitan niya ito at marahang h******n. “Walang mali sa ginawa mo, Lea. Ang mali ay si Reiwon, okay? Siya mismo ang problema rito.” Sinibukang idaan sa biro ni Kara ngunit kahit ngiti ay walang lumabas sa mukha ng kaibigan. Mugto na ang mga mata nito at kalunos-lunos nang tignan ang itsura. “Lea . . . huwag mo nang isipin an gagong ‘yon. Wala kang mali sa lahat ng ito, alam kong ginawa mo ang lahat, okay? hmm?” Natigilan silang pareho nang may tumunog. Sabay silang napatingin nang marinig ang tunog ng doorbell ni Kara. Kunot noo solang nagkatinginan at magkasamang tumayo upang puntahan iyon. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay tila nanlamig ang buong mukha ni Leandra. Sa kanilang harap ay nakangiti ang isang babae. Balingkintan ang katawan, bagsak ang buhok at tila ba gatas ang kutis. Ang kaniyang mga mata ay tila ba lumiliwanag at nangungusap. “Uhm, hello! I'm Anastasia. Can we talk, Lea?”Nasa bahay ni Kara si Leandra, nakaupo sa malambot na sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Sa tabi niya, abala si Kara sa pag-aayos ng ilang papel sa lamesa—mga lecture notes at reviewer na magagamit ni Leandra para sa kanyang pag-aaral."Okay," sabi ni Kara, inaayos ang kanyang salamin habang tinitingnan ang mga notes. "Alam kong marami kang iniisip ngayon, pero kailangan mong bumalik sa realidad. May exam ka sa isang linggo, at hindi mo pwedeng balewalain 'to."Napabuntong-hininga si Leandra at sumandal sa sofa. "Alam ko. Pero ang hirap mag-focus, lalo na pagkatapos ng nangyari."Tumingin si Kara sa kanya, halatang nababasa ang iniisip niya. "Draven?"Umiling si Leandra, pero halata sa kanya na nagsisinungaling lang siya. Napairap si Kara bago umupo sa tabi niya."Huwag mong lokohin ang sarili mo," sabi ni Kara, sabay kuha ng isang unan at itinapon ito kay Leandra. "Halata naman na iniisip mo pa rin siya. At let me guess—may kinalaman din ang kapatid niya sa kung baki
Nagising si Leandra sa malambot na kama, ramdam pa rin ang panghihina sa kanyang katawan. Ang liwanag ng umaga ay malumanay na pumapasok sa kwarto, bumabalot sa paligid ng mapayapang ambiance. Unti-unting bumalik ang kanyang diwa, at doon niya napansin na hindi siya nag-iisa. Sa tabi ng kama, nakaupo si Kara, nakasuot ng isang simpleng white blouse at jeans, may bahagyang kunot sa noo habang nakatingin sa kanya. “Good morning, sleepyhead,” bati ni Kara, may halong pag-aalala sa boses. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Napasinghap si Leandra at dahan-dahang bumangon, ngunit agad niyang naramdaman ang bahagyang pagkahilo. Mabilis namang inalalayan siya ni Kara. “Easy lang,” sabi ni Kara, maingat na inayos ang unan sa likod niya. “Hindi mo ako puwedeng biglain ng ganyan. Buti na lang tinawagan ako ni Draven, kung hindi, baka napabalikwas ako sa kama sa sobrang gulat.” Bahagyang kumunot ang noo ni Leandra. “Tumawag siya sa’yo?” Tumango si Kara. “Kaninang madaling-araw. Sinabi niyang nan
“Why are you dong this?” mahinang tanong ni Leandra, halos bulong, habang pilit na nilalabanan ang sariling kahinaan. Hindi kumurap si Draven. Ang titig niya’y parang binabasa ang kaluluwa ni Leandra, tila gustong sirain ang mga pader na matagal niyang itinayo. Bago pa siya makapagsalita, isang malutong na boses ang sumingit sa tensyon. “Well, isn’t this a cozy little scene?” Sabay silang napalingon sa pinto, kung saan nakatayo si Mara. Suot nito ang isang cream trench coat at mataas na leather heels, na nagbigay-diin sa kanyang kagalang-galang at elegante niyang itsura. Ang kanyang maayos na nakapusod na buhok ay kumikintab pa sa kaunting ulan. Hawak niya ang ilang mamahaling shopping bag sa isang kamay at ang isang payong na basa pa sa kabila. “Mara,” mahinang sabi ni Draven, ang boses niya’y mababa ngunit kontrolado. Tumayo siya nang tuwid, agad na bumalik ang kanyang awtoridad sa eksena. “Maaga kang nakauwi.” “I don’t recall needing permission to return to my own apartment,”
Pagkatapos ng tensyonadong sandali sa ilalim ng ulan, halos hindi na nag-usap sina Draven at Leandra sa biyahe papunta sa apartment ni Mara. Tahimik ang sasakyan, tanging ang tunog ng wiper na naglilinis ng basang windshield ang maririnig. Paminsan-minsan ay pasimple si Leandra na sumusulyap kay Draven. Basa pa rin ang damit nito, at ang patak ng ulan ay tila nagpapatingkad sa matipunong pangangatawan niya. Ang lalim ng tingin nito habang nagmamaneho ay nagdudulot ng kakaibang init sa dibdib ni Leandra na pilit niyang nilalabanan. “We’re here. This is Mara’s apartment. Ginagamit niya pag may pasok. Help your self out.” Nang makarating sila sa apartment, agad na binuksan ni Draven ang pinto at tumungo sa banyo. Si Leandra naman ay naiwan sa sala, nagbabantay habang pinupunasan ang sarili ng maliit na tuwalya na nakuha niya sa bag. “May mga damit akong pwedeng mahiram kay Mara,” bulong niya sa sarili, ngunit ang isip niya’y abala pa rin sa nangyari kanina. Paulit-ulit na bumabalik s
Naguguluhan ay halos dalawang beses umiling si Leandra. Mariin ang titig niya sa lalaki na para bang sinisisid kung ano ang nasa utak nito.“What?” Bakas sa boses ni Draven ang inis.Tinapunan nito ng masamang tingin si Leandra ngunit para sa babae ay kakaiba ang tingin nito. Tila ba hinihipnotismo nito ang kaniyang kaluluwa. Sa lalim ng tingin nito ay kada segundo’y pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.“Hey, I said get in.” Ang baritonong boses ni Draven ang nakapagbalik sa kaniyang ulirat. Ang kaniyang mga kilay ay mas lalo pang kumunot at mas sumama ang tingin sa kaniya.Napaayos ng tayo si Leandra at napalunok bago muling umiling. “No Sir, we’ve talked about this. Salitan ang pagpunta ko kay Mara dahil may klase rin ako.”Kita ang pagtutol sa mata ni Draven. Tiim bagang itong tumingin sa kaniya at tila ba pinaglalaruan ang dila sa loob ng kaniyang pisngi.“Uuwi ako kay Kara, Sir. Salamat.”Mabilis na tumalikod si Leandra at walang lingunang sumakay sa isang bus. Ang totoo ay
Habang ang mga tahimik na tunog ng mga estudyante sa loob ng klase ay nagiging kabuntot ng mga pag-uusap, nakaupo si Leandra sa likuran ng silid, tahimik na nakikinig sa lektura ng propesor. Ang paksa ng araw na iyon ay tungkol sa mga teorya ng developmental psychology—isang mahalagang aspeto ng kurso na siyang siyang magiging pundasyon ng kanyang mga susunod na pag-aaral. Pinag-aaralan nila ang mga sikolohikal na pagbabago mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda, at paano ito nakakaapekto sa pagbuo ng personalidad.“Sa bawat yugto ng buhay, nagkakaroon tayo ng mga pagbabago,” wika ng propesor, “na humuhubog sa ating pananaw, ugali, at mga reaksyon sa mga nangyayari sa ating paligid. Ang ating mga relasyon sa iba, lalo na sa ating pamilya at mga kaibigan, ay may malaking papel sa ating pag-unlad.”Habang nag-iisip, napansin niyang may babaeng sumulyap sa kanya mula sa gilid ng kanyang mata. Hindi na bago ang mga matang iyon na minsan ay nagmamasid o nagmamasid sa mga kasama sa klase. N
Pagkatapos ng mahabang araw sa mansyon ng mga Rolus, umuwi si Leandra sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan, si Kara. Inabutan niya itong nakaupo sa couch, nakasandal habang iniinom ang paboritong red wine. Kaagad siyang nilapitan ni Kara, bakas ang excitement sa mukha nito. “Hey, you’re home! How was your first day with Mara Rolus?” tanong ni Kara, kasabay ng pagbibigay sa kanya ng isang baso ng tubig. Napaupo si Leandra sa kabilang dulo ng couch at napabuntong-hininga. “It was… a lot,” sagot niya, halatang pagod pero may halong alanganin sa boses. Kumunot ang noo ni Kara. “A lot? I thought you’d be tutoring her. Hindi naman siguro gano’n kahirap magturo, di ba?” Umiling si Leandra, iniwas ang tingin na parang nag-iingat sa mga sasabihin. “It’s not about the lessons. I mean, Mara’s smart. Pero…” Nag-atubili siya, pilit nilalabanan ang pagnanais na magkuwento. “Pero ano?” usisa ni Kara, nakatingin sa kanya nang mabuti. “May something off,” sagot ni Leandra. “Hindi ko maip
Ang tensyon na nararamdaman ni Leandra ay mabilis na napalitan ng bahagyang ginhawa nang may babaeng nagsalita sa kanilang gilid.“Naku, Sir Reiwon! Narito pala kayo, hindi ako nakapaghanda ng kakainin.”Isang matandang naka-daster ang sumalubong sa kanila. Puti na ang taas ng buhok nito at ngiting-ngiti habang nakatingin kay Leandra.“Manang, hindi magtatagal si kuya rito. That's Leandra, my tutor.”Tinapunan ni Leandra ng tingin si Mara, na ngayon ay pabalang na naupo sa isang napakalaking couch. Naka-krus ang mga kamay nito at bored na nakatingin sa kanya.“Mara is right, Manang. Hinatid ko lamang si Leandra. Kayo na po muna ang bahala rito.”Isang tango lamang ang binigay ni Draven sa kanila at tumalikod na ito hanggang sa mawala sa kanilang paningin.Tahimik na naupo si Leandra sa harap ni Mara. Ramdam niya ang bigat ng tingin ng dalaga, ngunit pilit niyang pinanatiling magaan ang kanyang ekspresyon. Sa likod ng pagmamataas ng dalaga ay may halatang tensyon, parang anumang pagkak
Nasa loob ng isang mamahaling sasakyan si Leandra. Tahimik siyang nakaupo sa likuran habang pinipilit pigilan ang kaba na nararamdaman niya. Ang interior ng sasakyan ay hindi katulad ng kahit anong nasakyan niya noon—ito’y isang jet-black Rolls-Royce Phantom. Ang mga leather seats ay kulay cream na malambot at halatang mamahalin, habang ang mga accent ng wood paneling ay parang pinakintab na ginto. Ang ilaw mula sa overhead starlight ceiling ay parang mga kumikislap na bituin sa gabi, nagdadagdag ng kakaibang ambiance.Sa dashboard ay makikita ang touchscreen interface na kumokontrol sa halos lahat ng aspeto ng sasakyan, mula sa temperatura hanggang sa entertainment system. Malinis, moderno, at sobrang elegante—isang sasakyan na nagpapakita ng yaman at kapangyarihan.Tahimik na nagmamaneho si Draven sa harapan, nakasuot pa rin ng kanyang tailored black suit. Wala siyang imik, ngunit ang presensya niya ay napakabigat, halos mapuno ang kabuuan ng sasakyan. Sa gilid niya, naroon ang isan