"Tan! You're here!" Agad na nangunit noo ni Astrid sa narinig na boses, alam na alam niya kung kaninong boses ang bumati sa asawa niya. "Gising na pala siya?" Bulong ni Astrid sa sarili at sumilip ulit. Tama nga ang naisip niyang si Astria yun sa loob ng kanyang katawan ang bumati sa asawa niya. Mukhang maayos na ang lagay nito, napakalusog ng katawan niya, na para bang hindi ito nawalan ng malay ng ilang linggo. Nakita niyang hinalikan pa nito si Tristan sa pisngi, ngunit ang mas nakapagpabugla sa kanya, ay hindi na pala nito suot ang maskara niya. "Wala siyang suot na maskara? Totoo ba tong nakikita ko??" Bulong niya sa sarili habang pinanood ang dalawa na pumasok na sa loob ng kwarto. "Ibig sabihin ba non, alam ni Tristan na si Astria talaga ang nasa katawan ko?" Napasandal siya sa pader. Kahit na ito ang binabanggit niya ngayon—mas tumatak sa kanya na ang asawa niya ay bumibisita sa ibang babae, at hindi siya na asawa niya na nasa kaparehong floor lang. Ginulo ni A
Tahimik na magkasama si Astrid at Tristan sa labas ng operating room. Wala ni isa sa kanilang nagtangkang umimik. Pinapanood ng mabuti ni Astrid ang cctv footage na sinend sa kanya ni Luigi kanina, hinahanap ang oras ng pangyayari, at ang suspek. Wala si Theo at Luigi dito, at inutusan niyang manatili na lang sila sa kwarto niya. Mamaya naman ay sabay sabay din silang aalis kasama ang kapatid ni Theo. Isang oras na ang nakakalipas, ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga doctor st nurse mula sa loob. "Uy! Si boss andito pala!" Malakas na ani ni Bandit, kasama niya ang kanyang kapatid na si Ban na naglalakad sa pwesto nila Astrid. "Bossing, kamusta panliligaw-uk!" Hindi natapos ang sinasabi ni Bandit nang sikuhin siya ng malakas ng kanyang kapatid. Galit na lumingon si Bandit sa kapatid niya habang hinihimas ang tagiliran niya. "Masakit yun! Bakit ba?!" Napahawak naman si Ban sa sentido niya, at napapikit sa pagiging bulag ng kapatid. "Paganyan-ganyan ka pa, di ka man lang
"Akala ko ba wala kayong alam?" Tanong agad ni Astrid nang maglaho na si Tristan mula sa paningin nila. Nag palinga-linga at sumipol itong si Bandit, para bang wala siyang narinig. Ramdam na ramdam niya ang mabigat na titig ng misis ng kanyang boss, pero pinipili na lang niyang hindi pansinin. Mabagal siyang lumingon kay Ban, at tumitig ng matagal dito-na para bang tahimik itong humihingi ng tulong. Ang kapatid naman niya ay napahinga na lang ng malalim, mukhang kailangan niya nanamang sagipin ang kapatid mula sa sariling katangahan. Pero hindi niya ito tutulungan, wala siyang balak na pagtakpan ito sa katangahan niya. "I don't have any idea about that." Sabay tinaas ang mga balikat niya. Agad na napansin niya na pinandilatan na siya ng kanyang kapatid, habang ang kamao into ay nakabilog na. Nagsisimula na silang magsikuhan at walang balak na makita ni Astrid ang pagrarambulan nila, hindi na lang niya siguro ipipilit. Ngunit may karapatan naman siya na malaman.... O w
Sa isang sulok ng isang bakanteng kwarto sa ospital, may isang tao na nakatayo habang inaantay na sagutin ang kanyang tawag. Matapos ang ilang ring, ay nasagot na ito ng kanyang amo. Mabilis na bigkas niya, habang pinaglalaruan ang daliri niya sa kanto ng lamesa na malapit sa kanya. “May balita po ako tungkol sa assassination ni Timothy Miller.” Isang malakas na lagok ang narinig mula sa tawag bago nag-salita ang nasa kabilang linya. [Why? Wasn’t it successful? Did not Timothy Miller, die?] Puno ng arte na tanong, habang napakumot sa ulo ang utusan. “Hindi po eh.” [Ano?] “Nakita po pala agad siya ng asawa ng kanyang anak, at naitawag ng tulong.” Nanginginig pang pagbibigay niya ng impormasyon, at pumikit dahil alam niyang sisigawan siya ng kanyang amo. [I see.] Agad na napamulat siya ng mata nang wala siyang natanggap na sigaw mula dito. [Thanks for reporting useless information, siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli ng mga tauhan ko, at baka hindi mo na makita ang susunod
Tahimik ang lahat sa loob ng van, hindi mawari kung ang katahimikan ba na ito ay komportable, o mabigat na klase. Nasa likod ang mag-kapatid na si Ban, at Bandit, at Luigi na mukhang nababadtrip na sa likot ni Bandit. Nasa harap na upuan naman nila na magkatabi si Astrid at Theo sa gitna, nasa harapan naman ang kuya nito, at ang kasama niya na hindi naman dapat. Si Astrid Guevarra, o mas makikilala kung nakikita man ang kaluluwa ng isang tao—na ang tunay na Astria Santiago. Hindi maiwasan ni Astrid maaalala ang pangyayari kanina lamang bago sila umalis. Nang makarating na si Astrid, kasama ang mag-kapatid sa van na sasakyan nila papunta sa party na binanggit ni Tristan sa kanya. Ayon sa lalaki, sa Palawan ito gaganapin. Ni isa sa kanila ay hindi na nakapag-impake ng kani-kanilang susuotin at wala nang oras gawa ng lahat ng nangyari sa buong linggo na yon. Mas mabuti nang bumili na lang sila doon sa kanilang pupuntahan ng mga damit, ang kanilang mga magagastos ay kakaltasin na l
“Oo naman. Naeexcite na ako, lalo na at may kapwa kong babae pala na kasama!” Sagot ni Astrid pabalik. Nakangiti lang ito sa kanya, hindi na sumagot ulit.‘Akala siguro nito hindi ko siya kakausapin. Hmph. Akala mo lang yun.’Hindi maiwasan ni Astrid na hindi titigan pabalik ito, at tinaasan niya ito ng kilay. ‘Ano, mag staring contest na lang ba tayo dito?’ Nagulat na lang si Astrid nang bigla itong tumayo sa pwesto niya, hindi na inisip na baka malaglag ang taong nakahiga sa hita o ang magpagewang-gewang ang van.Ang mahalaga lang sa kanya ay ang mahawakan kamay ni Astrid.“Alam mo ba, I really wanted to meet you! Buti na lang at napilit ko si Tan na isama ako! I'm super duper happy to meet you!” Hindi alam ni Astrid kung ano ang huling kinain nito, at sobra ang pagiging hyper nito.Hindi alam ni Astrid kung ano ba dapat niyang sagutin sa sinabi nito sa kanya, hindi ito ang inaaasahan niyang reaksyon na makukuha niya mula sa dalaga.Hindi man lang niya tinapunan ng ni isang tingin
Inabot ng halos tatlong oras ang naging byahe mula bulacan papunta sa National Airport. Kung bbyahe lamang sila ng van, aabutin sila ng humigit kulang pa sa isang araw upang marating ang Palawan.Iniisip palang ni Astrid ang magiging byahe kung nag-van sila, baka hindi na natapos ang kanyang mga kasama sa kakareklamo sa kung saan mang parte ng katawan ang masakit o nangangawit na kakaupo. Lalo pa at traffc ang tatahakin na kailangang mga daanan.Kung siya lang, siguro ay ayos lang sa kanya at sanay naman siya sa mahahabang oras na byahe. Ngunit iba nga pala ang mga ito sa kanya, ‘Buti na lang din at mayaman si Tristan. First time kong makakasakay ng eroplano. Matutupad na pangarap ko simula nung bata ako.’ Napangiti si Astrid ng maisip niya ito.Sa gitna ng byahe, inakala niyang magiging tahimik at awkward ang lahat ngunit nagkamali siya, ito ay puno pala ng tawanan, chismis at bangayan buong byahe. Lalo na ang pagkakakilala niya sa bago niyang naging kasama, si Astria. May pag-aa
“How many of them are following?” Diretso lang ang tingin niya, nasa harap niya ang dalawang babae na kasama nila at ang nakababatang kapatid nito.Kasama nila si Luigi at Ban sa magkabilang gilid nila na alertong nakamasid sa paligid.Sinwerte lamang sila kanina at nakakotse sila, mabilis ang makaalis agad kaya hindi nila kinakailangan na gumawa ng paraan para siguraduhin na hindi sila sinusundan.“Nasa lima ang nakikita ko, boss.” Sagot ni Bandit.“Dalawa sa likod, tig isa sa magkabilang gilid natin, at dalawa sa harap nila Luigi na nauuna.”“Hayaan niyo lang. Hangga't hindi sila nauuna, hindi tayo gagalaw. Mas importante na wala tayong mapahamak na sibilyan, at ang ating mga kasama.” Tumango si Bandit, at hinigpitan ang hawak sa suit case niya habang palabas na sila ng airport para tunguhin ang eroplanong sasakyan nila.Habang si Ban, at Luigi ay tumango rin, narinig ang sinabi ng kanilang boss sa earpiece na gamit nila.Manghang-mangha si Astrid sa laki ng eroplano na kanilang sas
ANG MGA PANGYAYARI BAGO MAG-TAPAT SI BANDIT AT ZANE.Hindi pa sila kalayuan mula sa venue nang makaramdam si G na may nakasunod sa kanila.Bahagya siyang tumigil at inikot ang mga mata niya sa kanilang paligid.At dahil maraming mga puno sa paligid, sigurado si G na ginagamit ng mga taong ito ang mga puno para makapag-tago at patuloy na sundan sila.Hindi maaring mangyari yun.Kailangan niyang gawan ng paraan ang mga taong nasunod sa kanila.Dahil palpak ang naging misyon ng mga naunang utusan ni Julia, kailangan niyang maperfect niya ito.Hindi pupwedeng matulad sila sa mga palpak na tauhan ng kanilang boss.Kailangan may ipagmalaki ang babae, kaya dapat lang na matapos nila ang kanilang misyon ng problema.Naramdaman ni Zane na hindi na sumunod ang kanyang partner, at wala nang nakikinig sa kanyang mga kwento kaya lumingon siya.Tama nga ang naramdaman nito ng makita ang napakalaking agwat ng distansya ni G mula sa kanya.'He must've stopped earlier to have this much distance betwee
"I didn't have any choice. I'm sorry la..." Agad na pag-hingi ni Lucas ng tawad, hindi inaaangat ang tingin.Hindi magawang umimik ng nakakatanda, inaaantay na lamang ang susunod na sasabihin nito.Habang si Astrid ay hindi makapaniwala sa sinabi nito.Ibig sabihin ba non, alam na pala nito matagal na ang totoo?Kumuyom ang kamay niya sa taas ng lamesa, nanginginig sa galit na nararamdaman ni Astrid.Napabalikwas siya ng tayo at dinabog ang nakakuyom niyang kamay. "Kaya mo ba kaming nagawang sagipin nung araw na yun? Dahil isa yun sa mga plano niyo ni Mrs. Guevarra?!" "Inutusan niya lang ako nung araw na yun na sagipin ang taong makikidnap sa lugar na yun. I didn't have any idea that it was you, and Tristan's little brother. Much different from her usual orders na patayin ang isang tao at dalhin ang bangkay sa kanya." Walang emosyong paliwanag nito, habang nandiri si Astrid sa kanyang narinig.'Bangkay?! Saan niya naman ginagamit yun?!'"So she uses offerings?" Sabat ng Lola nito, at
Naging tahimik ang byahe nila papunta sa dome, na naging rason ng pangangamba ni Astria. 'It's too peaceful.... Why can't I shake off this bad feeling?' Hindi lang siya ang nag-iisip nito, pati na rin ang dalawang mag-kapatid na nasa harapan ngunit mas pinipili lamang nila na maging kalmado. Walang mangyayaring maganda sa kanila kung ipapakita nila na kadabo rin sila sa mga magiging susunod na pangyayari. Lumipas ang ilang segundo na tahimik ang lahat, nang maramdaman ni Astria na may humigit ng dulo ng kanyang damit, alam niya kung sino kaya hindi na siya nagulat, at tinignan ang batang katabi niya. May mga luha na nangingilid sa kanyang mata, at nanginginig ang labi, dahang-dahan ito yumakap sa nakakatanda, at sinubsob ang sarili dito. Mahigpit ang yakap "Ate... When can we see my Kuya?"Narinig ito ng dalawang mag-kapatid, at parehong nilingon ang bata mula sa kanilang mga upuan sa harapan."Lil dude-""Theo-" Sabay na usal ng mag-kapatid ngunit napatigil din sila ng makita
Nang marinig ni Tristan na darating ang kanyang tatay, wala na siyang sinayang oras para abangan ito sa labas. At dahil nanggaling ang balita mula sa kanyang lola, may tiwala siya dito na totoo ang sinasabi nito, lalo na at nababasa naman niya ang mga susunod na maaaring mangyari. Ngunit may isang katagang nakatatak sa kanya na sinabi pa ng kanyang lola, "Keep in mind that it could be your father, your ally, or an enemy. The future constantly shifts, so I can't tell which one of the three would likely come." Kaya sinisigurado ni Tristan na alerto pa rin siya, limang bodyguard kasama na si Luigi sa limang yun. Nakapaikot silang lima kay Tristan habang inaaabangan nila kung sino man ang dadating sa gabing ito. Panay ang lakad niya pabalik-balik sa kaliwa't-kanan, habang tahimik na pinapanood lang siya ni Luigi at nang iba pa niyang bodyguard na kasama. "Baka sila Bandit ang dadating boss. Diba nag-missed call yung mag-kapatid sayo kanina?" Napahinto siya, at nag-kibit balika
Nang binaliktad na isa-isa ang mga card, hindi muna umimik ang nakakatanda. Matapos niyang makita ang mga ito, tumaas ang parehong kilay niya, at hindi alam ni Astrid kung dahil ba sa gulat, o intriga ba ito? Nang tignan ni Astrid ang mga card, ang unang napansin niya ay ang card na may demonyo, at isang tao na nakalambitin. Nanlamig siya at mabilis na kiniskis ang balat niya. 'Gabi na nga pala, kaya nilamig ako. Oo ganon nga, hindi dahil kinilabutan ako sa mga cards.' Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili dahil hindi pa naman niya alam kung ano ang ibig sabihin ng bawat card na lumabas. Inaboy mg humigit na tatlong minuto ang matanda sa pag-aanalyze ng card bago pinaliwanag kay Astrid ang ibig sabihin ng mga ito. Una niyang ginawa ay binanggit ito isa-isa. "The Devil" "The Hanged Man" "The Wheel of Fortune" "Queen of Wands" "7 of Swords" "These cards are interesting, and I already see why this happened to you." Tahimik na nakikinig si Astrid, gusto lamang
"Ano pong ibig mong sabihin?" Puno ng pag-tataka ang tono ng boses ni Astrid. Inaaantay ang susunod na sagot ng matanda. Nakita niyang tumango ito, at nilahad ang kamay niya sa isang bodyguard na papalapit sa kanila, may hawak-hawak upang ibigay dito. Agad na isinalansan at binalasa niya ng umabot na tatlong beses gaya ng mga typical na baraha. Pag-tapos na isalansan ng mabuti, pinag-hati niya na ito sa gitna at sprinead out niya ito ng pa u-shape sa lamesa, ang mga likuran ng mga bahara ang tanging nakikita. "Before I start, and answer you question, I'm if I didn't do any of my rituals today, or even did a proper cleansing, with where we are and the urgent situation. I thought it wouldn't be logical to do that." Tumango si Astrid bilang sagot, ayos lang sa kanya. Gusto lang din niya malaman na ang katotohanan, ayun lamang ang naiiisip niyang mahalaga sa kanya ngayon. "I thought you already knew the truth from the true Astria. Hasn't she told you anything?" Umiling si As
Agad na nag-iwas ng tingin ng lalaki, at umalis sa kanyang table. 'Hindi ako pwede mag-kamali. Siya nga yun! Ano nga ulit ang pangalan nung lalaking yun?' 'Kamag-anak pala sila ni Tristan? Pero bakit hindi siya kilala nito??' Maraming katanungan na naman ang pumasok sa maliit na kokote ni Astrid, at alam niyang ang makakasagot lang nito ay ang lalaki, kaya napag-isipan na niyang sundan ito at kausapin. Mula sa kanyang likuran, hindi pa niya napapansin ang nalalapit na lola ng kanyang asawa, kaya nung nakita nito na pag-tayo ng dalaga, binilisan ng matanda ang pag-lapit sa kanya. Bago pa makalayo si Astrid, kinalabit na agad niya ang dalaga, kaya napalingon ito sa likuran niya, at laking gulat niya nang makita ang lola pala ito ng lalaking kasama niya. "Hello, Mrs. Miller!" Agad na bati niya, at ngumiti ang matanda."Oh please, you can just call me however you want. Even mom is good. I'm sure you didn't have anyone to call one, so you can call me that." Matamis ang ngiti ng pinaki
Inangat agad ni Astrid ang sarili sa pagkakayuko, at inayos ang postura niya. "There. You look gorgeous, and a woman like you should be confident." At nginitian si Astrid, natutuwa na makitang paano nito iprisenta ang sarili. Kung kanina ay kabadong-kabado pa siya, tila nag-laho agad na parang bula yun. Dahil sa mga salitang nanggaling sa nakakatanda. 'Kailangan kong ipakita sa kanya ang gusto niya makita, kung gusto kong tumagal sa pag-papanggap ko bilang asawa nito. Lalo pa't ang iilang katanungan ko ay alam kong siya ang makakasagot.' "Thank you so much for the kind words. I almost forgot to show that I am confident due to the beautiful people I've met today." Mga bulungan ay biglang nag-bunga mula sa likod ng nakakatanda. Ngunit hindi siya nag-patinag, nanatili lang siyang tuwid ang likod, chin up, may ngiti sa mukha at nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito. Maging si Tristan ay nagulat sa mabilis na pag-babago nito, na gawa ng ilang salitang pag-pupuri na nan
"Of course, Tristan! Enjoy yourselves!" Malaking ngiti na sabi ng nakakatanda, at tumango si Tristan. Sinabit ni Tristan ang kamay ni Astrid sa elbow ni Tristan. Mabilis na tinalikuran nila ang dalawa, at tinungo ang side kung nasaan ang mga pagkain. "Are you okay?" Bulong ni Tristan sa kanya, tahimik na tumango si Astrid. "Oo, thank you. Hindi ko alam ano dapat sasabihin kanina." "It's fine. Hindi rin sila matatapos kakatanong kung ikaw yung mag-sasalita kanina." "Edi wag na lang ako mag-sasalita buong party?" Napabuntong hininga si Tristan sa sinabi nito. "Of course not. Pipi ka ba para di mag-salita?" "Hindi. Pero ang hirap naman kasi pakisamahan ng mga tao dito." Tumango si Tristan sa sinabi nito, "That I could agree with at least." "Edi-" Hindi natapos ang sinabi ni Astrid nang sumabat agad ang kanyang asawa. "But that doesn't mean you won't talk." Sumimangot si Astrid sa nakuha niyang sagot, kaya bumitaw na si Astrid sa pagkakahawak niya sa braso ni Tristan,