分享

CHAPTER 7

作者: Bhie Anne
last update publish date: 2026-10-22 22:38:27

Dali daling itinabi ni Amanda ang cellphone niya. Ngunit natigilan siya sa sumunod na tanong ni Jacob.

“Kumusta naman ang intimacy ninyo bilang mag-asawa? Regular pa rin ba?”

Bahagyang kumurap si Amanda. “A-ano?”

Alam niyang malinaw naman niyang narinig iyon. Hindi lang niya inasahang ganoon ka-personal ang susunod na tanong ng lalaking ngayon niya lang nakilala.

Mas lalo siyang nailang nang hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Jacob. Kalmado lang itong nakaupo sa tapat niya, seryoso ang mukha sa likod ng manipis na salamin.

“Ilang beses sa isang linggo?” dagdag nito.

Napatingin nang diretso si Amanda sa kanya. Hindi naman siya mahiyain, pero hindi rin normal para sa kanya na pag-usapan ang pribadong bahagi ng marriage niya sa isang estranghero—lalo na sa isang lalaking mas guwapo pa sa personal kaysa sa mga litrato nito online.

“May kinalaman ba talaga iyon sa divorce case ko?”

“Meron.” Bahagyang sumandal si Jacob. “Kailangan kong malaman kung matagal nang may problema sa marriage ninyo o kung biglaan lang ang desisyon mong makipaghiwalay dahil nahuli mo siyang may ibang babae.”

Doon naintindihan ni Amanda ang dahilan.

Marami na palang nakitang ganitong kaso si Jacob. May mga asawang galit na galit sa unang pagkakatuklas ng affair, handang magsampa ng kaso at makipaghiwalay, pero nagbabago rin ang isip kapag nagsimulang humingi ng tawad ang asawa.

At ayaw nitong mag-aksaya ng oras sa kasong hindi rin itutuloy.

Pero sigurado si Amanda sa desisyon niya.

Anim na taon niyang minahal ang asawa niya. Tatlong taon silang kasal. Sa buong panahong iyon, naniwala siyang kahit hindi perpekto ang relasyon nila, may isang bagay silang hindi kailangang pagdudahan—ang katapatan sa isa’t isa.

Kung text message lang ang natanggap niya tungkol sa affair, baka hindi siya naniwala.

Baka ipinagtanggol pa niya ang asawa niya.

Pero nakita niya mismo.

At iyon ang hindi niya kayang kalimutan.

Humigpit ang mga daliri ni Amanda sa kanyang kandungan. “Gusto ko ng divorce. Hindi ito dahil galit lang ako ngayon. At kung may pera, property o kahit anong binigay niya sa babaeng iyon gamit ang pinaghirapan naming dalawa, gusto kong mabawi lahat.”

Tahimik siyang pinagmasdan ni Jacob.

Saglit na bumaba ang tingin nito sa kaliwang kamay niya. Doon lamang napansin ni Amanda ang maputlang marka sa palasingsingan niya.

Kaninang umaga lang niya hinubad ang wedding ring na tatlong taon niyang halos hindi inalis.

“May ebidensya ka ba ng affair?” tanong ni Jacob.

“Meron.”

Kinuha ni Amanda ang cellphone mula sa bag at binuksan ang gallery. Pero nang lumitaw ang mga litratong kinuha niya kaninang umaga, parang may muling dumagan sa dibdib niya.

Magkayakap ang asawa niya at ang babae.

Nakahawak ang kamay nito sa likod ng ulo ng babae habang naghahalikan sila.

Mas malinaw pala ang litrato kaysa sa naaalala niya.

Mabilis na umiwas ng tingin si Amanda nang maramdaman niyang tumulo ang luha niya. Pinunasan niya iyon gamit ang kamay bago iniabot kay Jacob ang cellphone.

“Medyo malayo ang kuha, pero makikilala pa rin silang dalawa.”

Hindi agad kinuha ni Jacob ang cellphone. Sa halip, kumuha muna ito ng tissue at iniabot sa kanya.

Natigilan si Amanda.

Nang tumingala siya, nagtama ang kanilang mga mata.

Seryoso pa rin ang mukha ni Jacob, pero nawala ang dating sobrang lamig nitong tingin. Walang awa o panghuhusga roon. Tahimik lang.

“Salamat,” mahina niyang sabi.

Saka lamang tiningnan ni Jacob ang mga larawan.

Ilang segundo nitong pinag-aralan ang bawat isa bago ibinalik ang cellphone.

“Ito lang ang meron ka?”

Tumango si Amanda. “Sa ngayon.”

“Hindi pa sapat.”

Napahigpit ang hawak niya sa tissue.

Ipinaliwanag ni Jacob na makakatulong ang mga litrato, pero kung gusto niyang malaman kung may marital assets na napunta sa mistress, kailangan nila ng mas matibay na trail—messages, bank transfers, receipts, hotel bookings, expensive gifts, properties o anumang transaction na maaaring maiugnay sa relasyon ng dalawa.

Sa pagbanggit nito sa hotel bookings, biglang may naalala si Amanda.

Ngayong taon, mas dumalas ang business trips ng asawa niya.

May mga pagkakataong halos isang linggo itong wala. Minsan naman, ilang araw lang pagkatapos makauwi ay may panibagong biyahe na naman.

Noon, hindi niya iyon pinagdudahan.

Bakit naman niya pagdududahan ang taong anim na taon niyang minahal?

Pero ngayon, bawat alaala ay parang nagkaroon ng ibang kahulugan.

Ilan ba sa mga business trip na iyon ang totoo?

At ilan ang ginamit lang na dahilan para makasama ang babae?

Bumaon ang mga kuko ni Amanda sa kanyang palad.

“Kung makuha natin ang mga ebidensyang iyon, posible bang halos wala siyang makuha sa divorce?”

Hindi siya binigyan ni Jacob ng agarang sagot.

“May prenuptial agreement kayo?”

“Meron.”

Pareho silang may sariling assets bago pa ikasal. Dahil malaking halaga ang involved sa magkabilang pamilya, naging praktikal ang paggawa nila ng prenup kahit pareho nilang inakalang hindi naman nila iyon kakailanganin.

Pero habang tumatagal ang marriage, naging magulo rin ang ibang finances nila.

May joint investments. May funds na pareho nilang nilalagyan. May properties at iba pang assets na hindi na nila pinag-uusapan kung kanino nanggaling ang pera.

Noon, hindi mahalaga kay Amanda kung alin ang kanya at alin ang sa asawa niya.

Mag-asawa sila.

Akala niya habang-buhay na ganoon.

“Dalhin mo sa akin ang prenup,” sabi ni Jacob. “Pati records ng joint accounts, investments, properties at major transactions na legally accessible sa iyo. Kailangan nating makita kung may assets na itinago o inilipat.”

“Sa tingin mo ginawa niya iyon?”

“Hindi ko alam.”

Diretso ang sagot ni Jacob.

“Pero kung nagawa niyang itago sa iyo ang ibang babae, hindi magandang idea na basta maniwala na wala na siyang ibang itinago.”

Natigilan si Amanda.

Masakit iyong marinig.

Pero tama siya.

Ngayong nalaman niyang kayang magsinungaling ng asawa niya tungkol sa pinakamahalagang bahagi ng kanilang marriage, wala na siyang dahilan para basta maniwala sa iba pang sinasabi nito.

Mahigit isang oras din ang lumipas bago natapos ang usapan nila.

Nang tumayo si Amanda at kunin ang bag, saka niya naisip na wala pala siyang direktang paraan para makontak si Jacob.

“Attorney Laxamana, puwede ko bang makuha ang number mo? Para kung may kailangan akong itanong, hindi ko na kailangang pumunta rito.”

Tiningnan siya ni Jacob nang ilang segundo bago kumuha ng business card mula sa mesa at iniabot iyon.

“Office at direct line ko. Tawagan mo ako kung may importante kang kailangan.”

Tinanggap ni Amanda ang card at napangiti nang bahagya. “Salamat. Mukhang madalas kitang maaabala pagkatapos nito.”

Hindi sumagot si Jacob. Napunta ang tingin nito sa fountain pen na nasa mesa.

“About this,” sabi nito. “Kung mapapatunayang may koneksyon ito sa kaso ni Lana Pascual, kailangan ko itong i-turn over through the proper legal process. Posibleng hindi na ito maibalik sa iyo.”

Hindi iyon problema kay Amanda.

Sa simula pa lang, hindi naman talaga ang fountain pen ang gusto niya.

Kailangan lang niya iyon para makalapit kay Jacob—eksakto sa sinabi ng misteryosong sender.

“Ikaw na ang bahala. Wala naman akong balak bawiin.”

Tumango si Jacob.

Kinuha ni Amanda ang bag at naglakad patungo sa p***o.

Akma na niyang hahawakan ang doorknob nang tumunog ang cellphone niya.

Napahinto siya.

Unknown number.

Binuksan niya ang mensahe.

“Magaling. Nakuha mo na ang contact ni Jacob Laxamana.”

Kumunot ang noo ni Amanda.

May sumunod agad.

“Ngayon, umalis ka na sa opisina.”

Mas lalong lumakas ang kaba niya.

Pero hindi pa pala tapos.

May pangatlong mensaheng pumasok.

“Bago ka umalis, tingnan mo ang fountain pen.”

Dahan-dahang napalingon si Amanda.

Nasa mesa pa rin iyon.

Pero ngayon, hawak na ni Jacob.

May maliit itong pinipihit sa ilalim ng pen—isang bahaging hindi napansin ni Amanda kahit ilang beses na niya iyong nahawakan.

Biglang bumukas ang pinakadulo nito.

At may nahulog na maliit na bagay sa palad ni Jacob.

Pareho silang natigilan.

Hindi iyon bahagi ng fountain pen.

Isang napakaliit na memory card.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Jacob.

“Amanda,” malamig nitong tanong, “saan mo talaga nakuha ang pen na ito?”

Bago pa siya makasagot, muling nag-vibrate ang cellphone niya.

Isang huling mensahe.

At sa pagkakataong iyon, parang tumigil ang tibok ng puso niya.

“Huwag mong hayaang buksan ni Jacob ang memory card.”

“Kapag nakita niya ang laman niyan, may mamamatay.”

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 18

    Huminga nang malalim si Amanda at pilit na ngumiti. “Ma, huwag n’yo pong sisihin si Dominic. Mabuti naman po siya sa akin. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako gaanong nakakakain. Isa pa, hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi.”“Hindi puwede ’yan. Kahit gaano ka ka-busy, dapat unahin mo pa rin ang kalusugan mo,” nag-aalalang sabi ni Julie Araneta.Hinawakan niya ang kamay ni Amanda at inakay ito papasok sa villa. Pagkatapos, tinawag niya ang isang kasambahay.“Dalhin mo rito ang bird’s nest soup na ipinahanda ko para kay Amanda.”Agad na pumunta sa kusina ang kasambahay. Maya-maya, bumalik ito dala ang isang mangkok ng mainit na sopas.Tinanggap iyon ni Amanda. “Salamat po, Ma.”“Walang anuman. Isang mangkok lang naman ’yan. Kung gusto mo, mag-uwi ka pa mamaya para may makain ka sa bahay.”Pagkatapos humigop ng ilang kutsara, ipinakuha ni Amanda sa mga katulong ang mga regalong dala nila. Iniharap niya ang mga iyon kay Julie at ngumiti.“Ma, happy

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 18

    Sa loob ng maraming taon, ibinigay ni Amanda ang pagmamahal at suporta niya kina Dominic at Julie. Kaya hindi niya maiwasang masaktan sa naging trato ng mga ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, matapos ang lahat ng ginawa niya para sa kanila, parang wala lang iyon sa mga mata nila.Nang marinig niyang nagsara ang pinto sa likuran niya, pinilit niyang pigilan ang mga luha. Mabilis niyang inayos ang mukha para hindi mahalata ni Dominic ang lungkot at sama ng loob niya, pero hindi niya kayang itago ang pait na nararamdaman niya.Lumapit si Dominic nang mapansin ang paninigas ng kanyang katawan.“Anong problema?” tanong nito.Pinahid ni Amanda ang gilid ng mata at nag-isip ng maidadahilan. “Naalala ko lang na kailangan pala nating maghanda ng regalo para kay Papa, kay Tita Shirley, at kay Lucy pagbalik natin bukas. Matagal na rin tayong hindi nakakadalaw sa kanila. Baka may masabi na naman sila kapag wala tayong dalang regalo.”Si Shirley Arboleda ang legal na asawa ni Arnulf

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 16

    Maagang umalis si Amanda papunta sa The Gallery Art Museum. Dahil malakas ang ulan, inalok siya ni Dominic na ihatid gamit ang kotse nito.Pagdating nila, napansin ni Amanda ang isang puting BMW na nakaparada malapit sa entrance. Bumaba mula roon si Rizelle, ang babaeng kaagaw niya sa asawa na walang kaalam alam na bistado na niya sila.Napahinto si Amanda nang mapansin ang suot nitong kuwintas.Isang sapphire cat’s-eye necklace.Hindi niya iyon puwedeng mapagkamalan. Ganun din mismo ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Dominic noong Valentine’s Day. Halagang mahigit ₱8 million ang kuwintas na iyon, at sinabi pa ni Dominic na espesyal iyon dahil personal niyang pinili para kay Amanda.Pero bakit may kaparehas na kwintas ng sa kanya si Rizelle?“Ang ganda ng kuwintas mo,” komento ni Amanda habang pinipilit panatilihing normal ang tono.Napangiti si Rizelle at hinawakan ang pendant. “Gift sa akin ng boyfriend ko kahapon. Nagustuhan ko agad, kaya sinuot ko ngayon.”Saglit na tumingin si

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 15

    Nagising si Amanda bandang alas-otso ng umaga kinabukasan. Kahit mahaba ang tulog niya, pagod pa rin ang pakiramdam niya. Sa labas, tuloy-tuloy ang ulan.Pagkatapos mag-almusal, binuksan niya ang laptop at inayos ang mga litrato, video, screenshots, at audio recordings na nakalap niya. Nilagyan niya ang bawat file ng petsa at description bago ipadala ang mga kopya kay Jacob Laxamana, ang lawyer niya.May isa pa siyang gustong itanong.Amanda: Atty., maituturing bang pagsasama ang regular na pag-book ng hotel room ng isang married man para magkita sila ng kabit niya?Makalipas ang ilang minuto, sumagot si Jacob.Jacob: Depende sa facts at ebidensya. Hindi sapat ang regular na hotel bookings para masabing nagsasama na sila bilang mag-asawa. Kailangan nating malaman kung may matagal at tuloy-tuloy silang pagsasama sa paraang kinikilala ng batas.Amanda: Paano kung may records ng bookings nila sa Grandview Hotel, lalo na sa Room 1408?Jacob: Makakatulong iyon para patunayan ang pattern ng

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 14

    Hindi pa rin maalis sa isip ni Amanda ang nangyari sa restaurant. Kahit nakauwi na siya, paulit-ulit pa rin niyang naaalala ang itsura ni Dominic nang makita siya nito kasama si Rizelle.Ang bilis nitong umalis kasama ang ahas na kaibigan. Nasa gilid siya ng kama nang muling kunin ang cellphone niya. May ilang mensahe pa rin si Dominic, pero wala siyang balak sumagot. Hindi pa siya handang makinig sa mga paliwanag na puro palusot lang naman.Habang tinitingnan niya ang screen, may bagong mensaheng pumasok mula sa anonymous sender na ilang beses nang nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa asawa.Kung gusto mong malaman kung saan talaga pumupunta ang asawa mo at ang kabit nito, bantayan mo ang Grandview Hotel. Room 1408.Napakunot ang noo niya.Hindi iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa dalawa at sa parehas na hotel at kwarto. Ilang beses na siyang binalaan nito tungkol sa mga bagay na hindi niya alam tungkol kay Dominic. Sa una, nagduda siya. Sino ba

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 13

    “Amanda?”Napalingon si Amanda sa pamilyar na boses. Sa kabilang bahagi ng hallway, nakita niya si Jacob Laxamana, ang kilalang abogado na lihim niyang kinonsulta tungkol sa mga legal niyang opsyon kung sakaling tuluyan nang masira ang pagsasama nila ni Dominic.“Attorney Laxamana,” bati niya, bahagyang nagulat sa hindi inaasahang pagkikita.Bago pa sila makapag-usap, narinig niya ang yabag sa likuran. Lumingon si Dominic at biglang namutla nang makita ang asawa. Nasa tabi pa rin niya si Rizelle, pero mabilis nitong binitawan ang braso niya.“Babe? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Dominic, pilit na itinatago ang pagkabigla.“Dapat ako ang magtanong sa ’yo niyan.” Tiningnan ni Amanda ang asawa nang diretso sa mga mata. “Akala ko ba nasa Montierra City ka?”“I can explain.”“Talaga? Kasi ang sabi mo, may problema sa materials ng project mo. Hindi mo naman nabanggit na may dinner ka pala rito kasama si Rizelle.”Napayuko si Rizelle, ngunit hindi nakaligtas kay Amanda ang mabilis na pag

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status