LOGINMalapit nang magtanghali nang bumalik si Amanda sa art museum. Wala na siyang oras para mananghalian. Pagpasok niya sa opisina, inilapag niya ang bag at agad binuksan ang laptop.
Kanina pa hindi maalis sa isip niya ang fountain pen na nabili niya. Hinanap niya ang serial number nito sa official website ng brand at ilang minuto lang ang lumipas, lumabas ang impormasyon tungkol sa registered owner.
Lana Pascual.
Pamilyar kay Amanda ang pangalan. Si Lana ay isang kilalang socialite at internet personality na madalas makita sa exclusive events sa Manila. Pero mahigit tatlong buwan na ang nakalipas, naging laman siya ng balita matapos matagpuang patay sa sariling bahay dahil sa saksak sa tiyan.
Nahuli rin kalaunan ang pangunahing suspek—si Drake Lumban, ang boyfriend nito.
Kilala si Drake sa alta sociedad bilang anak ng isang mayamang pamilya at isang playboy. Ayon sa mga lumabas na report, sapat ang mga ebidensya laban sa kanya kaya naisampa agad ang kaso. Nakatakda na rin ang unang hearing sa susunod na linggo.
Pero ibang pangalan ang nagpakuha ng atensyon ni Amanda.
Jacob Laxamana.
Siya ang defense lawyer ni Drake.
Napatingin si Amanda sa fountain pen sa kanyang mesa. Kung talagang kay Lana iyon, paano napunta sa isang secondhand shop ang gamit ng isang babaeng tatlong buwan nang patay? At sino ang nagbenta nito?
Kinuha niya ang cellphone para hanapin kung saan maaaring makausap si Jacob, pero bago pa siya makapag-search, may pumasok na mensahe mula sa unknown number.
“Si Jacob Laxamana ay kasalukuyang nasa Manila City Jail para kausapin ang isang kliyente. Huwag kang pumunta roon. Pumunta ka sa Laxamana Law Firm nang alas-kuwatro ng hapon.”
Hindi agad nakagalaw si Amanda.
Hindi lang alam ng sender ang tungkol sa fountain pen. Alam din nitong si Jacob ang hinahanap niya at maging kung nasaan ito ngayon.
Mas lalong gumulo ang isip niya. Sino ba talaga ang nagpapadala ng mga mensaheng ito? At bakit parang alam nito ang susunod niyang gagawin bago pa niya iyon maisip?
Pagsapit ng alas-kuwatro, natapos na ni Amanda ang mahahalagang trabaho niya sa museo. Nagbigay siya ng ilang bilin sa staff bago kinuha ang bag at susi ng kotse.
Hindi nagtagal ay nakarating siya sa Laxamana Law Firm.
Agad siyang nakilala ng receptionist na nakausap niya noong umaga. “Ma’am Amanda, bumalik po kayo. Kung tungkol po ito sa divorce case ninyo, marami pa naman kaming ibang lawyers na puwedeng—”
“Salamat,” magalang na putol ni Amanda. “Pero si Attorney Laxamana pa rin sana ang gusto kong makausap. Nandito na ba siya?”
Nag-alangan ang receptionist. “Kakabalik lang po niya, pero puno talaga ang schedule niya. Mahirap din po siyang makausap nang walang appointment.”
Magpapaliwanag pa sana si Amanda nang biglang mapatingin ang receptionist sa entrance.
“Attorney Laxamana.”
Napalingon si Amanda.
At sa unang pagkakataon, nakita niya nang personal ang lalaking kanina ay sa pictures lamang niya nakita.
Matangkad si Jacob Laxamana at maayos ang tindig. Naka-grayish blue suit ito, puting dress shirt at dark tie. Simple ang suot niya, pero malinis at eleganteng tingnan.
Chinito si Jacob, matangos ang ilong at malinaw ang linya ng panga. Manipis ang dark frame ng salamin niya at halatang bata pa, bagay na hindi agad aasahan sa isang abogadong may ganoong reputasyon.
Mas guwapo pala ito sa personal kaysa sa mga larawan.
Pero iyon din ang tipo ng lalaking mapapaisip ka muna bago lapitan. Hindi siya mukhang masungit, pero may natural na pagiging seryoso at tahimik. Marangal at elegante ang dating, at kahit hindi pa nagsasalita, mukha talagang matalino.
Bahagya lamang siyang tumango nang batiin ng receptionist bago nagpatuloy sa paglalakad.
“Attorney Laxamana.”
Huminto si Jacob at lumingon.
Saglit na nagtama ang kanilang mga mata bago lumapit nang kaunti si Amanda. “May kailangan sana akong ibigay sa inyo. Tungkol ito kay Lana Pascual.”
Bahagyang nagbago ang tingin ni Jacob.
“How are you related to Ms. Lana Pascual?”
“Hindi ko siya kilala,” sagot ni Amanda. “May nakuha lang akong bagay na sa tingin ko ay may kinalaman sa kaso niya. At sa tingin ko, kailangan mo itong makita.”
Ilang segundo siyang pinagmasdan ni Jacob bago bumaba ang tingin nito sa bag na hawak niya.
“Let's talk in my office.”
Sumunod si Amanda sa elevator. Tahimik si Jacob habang paakyat sila at hindi rin siya nagtangkang magtanong. Pagbukas ng elevator, nauna itong lumabas at saka lamang napansin ni Amanda ang nameplate sa p***o ng opisina nito.
JACOB LAXAMANA
MANAGING PARTNERBata pa talaga ito para sa posisyon.
Maluwag at simple ang opisina. Matapos silang dalhan ng assistant ng tsaa, naupo si Jacob sa sofa sa tapat niya at kaswal na tinanggal ang isang butones ng suit jacket.
“Ano ang pangalan mo?”
Ibinigay ni Amanda ang buong pangalan niya bago binuksan ang bag at inilabas ang fountain pen.
“Nabili ko ito kaninang umaga. Limited edition ito at eksklusibong ibinenta noong Valentine’s Day. Nang i-check ko ang serial number, lumabas na si Lana Pascual ang registered owner.”
Nawala ang relaxed na postura ni Jacob.
Kumuha siya ng tissue at maingat na dinampot ang pen bago sinuri ang serial number nito.
“Sigurado kang ito ang lumabas sa record ni Lana?”
“I checked it twice.”
Tinanong siya ni Jacob kung saan niya iyon nabili. Ipinaliwanag ni Amanda na dalawang linggo pa lamang ang pen sa shop at cash transaction lang ang ginawa ng taong nagbenta nito.
Matapos makinig, ibinalik ni Jacob ang pen sa mesa. “Kung naniniwala kang may kinalaman ito sa murder case, bakit hindi mo dinala sa pulis?”
Alam ni Amanda na darating ang tanong na iyon.
“Dahil may kailangan ako sa iyo. Gusto kong ikaw ang humawak ng divorce case ko.”
Saglit silang nagkatitigan bago sumandal si Jacob sa sofa.
“Hindi ako tumatanggap ng divorce cases.”
“Alam ko.”
“Then why are you here?”
Bahagyang ngumiti si Amanda. “Dahil kinausap mo pa rin ako.”
May kung anong dumaan sa mga mata ni Jacob bago ito napatingin muli sa fountain pen. Pagkaraan ng ilang segundo, tinanong siya nito kung bakit niya gustong makipaghiwalay.
“Akala ko hindi ka tumatanggap ng divorce cases.”
“Hindi pa rin. Nagtatanong lang ako.”
Hindi na nakipagtalo si Amanda. “May ibang babae ang asawa ko.”
Tinanong ni Jacob kung may anak sila at umiling siya. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, ilang beses na ring nabanggit ng pamilya ng asawa niya ang pagkakaroon nila ng anak. Pero nang mamatay ang kanyang ina noong nakaraang taon, sa kanya naiwan ang pamamahala ng art museum at doon napunta ang halos lahat ng oras niya.
Ngayon, nagpapasalamat siyang hindi sila nagkaroon ng anak. Kung mayroon, mas marami sanang madadamay sa gulong hindi naman nila ginawa.
“Gaano na kayo katagal na kasal?” tanong ni Jacob.
“Tatlong taon.”
May isinulat ito sa legal pad bago muling nagtanong. “Kumusta ang relasyon ninyo bago mo nalaman ang affair? May matagal na ba kayong problema?”
Napaisip si Amanda. Marami siyang hindi napansin noon—mga gabing late umuwi ang asawa niya, mga tawag na hindi nito sinasagot kapag nasa harap siya, at mga dahilan na hindi niya kailanman pinagdudahan.
“Kailangan ko ring malaman kung may properties kayong magkasama, joint accounts at investments,” dagdag ni Jacob. “Kung gusto mong lumaban nang maayos, hindi sapat na alam nating may affair.”
Napatitig si Amanda. “So tatanggapin mo?”
“Wala akong sinabi.”
“Pero parang ini-interview mo na ako.”
Bahagyang inayos ni Jacob ang salamin niya. “Gusto ko munang malaman kung gaano kagulo ang pinapasok mo.”
Napangiti si Amanda. “Akala ko ba ayaw mong tumanggap ng divorce case?”
Saglit na napunta ang tingin ni Jacob sa fountain pen.
“Akala ko rin wala nang bagong lalabas na ebidensya sa kaso ni Lana Pascual.”
Nawala ang ngiti ni Amanda.
Muling kinuha ni Jacob ang pen at mas matagal iyong sinuri. Maya-maya ay kumunot ang noo nito.
“May problema ba?” tanong ni Amanda.
Hindi ito sumagot. Tumayo si Jacob, pumunta sa desk at may hinanap sa laptop. Pagbalik niya, iniharap niya kay Amanda ang screen.
Isang crime scene photo ang lumitaw.
Kuha iyon sa bahay ni Lana noong gabing pinatay siya. May handbag, cellphone at iba pang gamit na may evidence markers.
Pero isang bagay lang ang nakita ni Amanda.
Isang fountain pen.
Kaparehong-kapareho ng nasa mesa nila.
“Paano…”
Pinalaki ni Jacob ang larawan at itinuro ang maliit na serial number sa gilid ng pen.
Nanlamig si Amanda.
Pareho.
“Ayon sa police inventory,” seryosong sabi ni Jacob, “nakuha ang fountain pen ni Lana sa crime scene noong gabing pinatay siya. Naka-log ito bilang evidence at hindi dapat nakalabas sa police custody.”
Napatingin si Amanda sa pen na dala niya.
Kung nasa kustodiya ng pulis ang fountain pen ni Lana, ano ang hawak nila ngayon?
Biglang tumunog ang cellphone niya.
Unknown number.
Nanlamig ang batok ni Amanda nang buksan ang mensahe.
“Tanungin mo si Jacob kung bakit dalawang fountain pen ang may iisang serial number.”
“Whatever you do, Amanda… don’t show Jacob the next message.”
Huminga nang malalim si Amanda at pilit na ngumiti. “Ma, huwag n’yo pong sisihin si Dominic. Mabuti naman po siya sa akin. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako gaanong nakakakain. Isa pa, hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi.”“Hindi puwede ’yan. Kahit gaano ka ka-busy, dapat unahin mo pa rin ang kalusugan mo,” nag-aalalang sabi ni Julie Araneta.Hinawakan niya ang kamay ni Amanda at inakay ito papasok sa villa. Pagkatapos, tinawag niya ang isang kasambahay.“Dalhin mo rito ang bird’s nest soup na ipinahanda ko para kay Amanda.”Agad na pumunta sa kusina ang kasambahay. Maya-maya, bumalik ito dala ang isang mangkok ng mainit na sopas.Tinanggap iyon ni Amanda. “Salamat po, Ma.”“Walang anuman. Isang mangkok lang naman ’yan. Kung gusto mo, mag-uwi ka pa mamaya para may makain ka sa bahay.”Pagkatapos humigop ng ilang kutsara, ipinakuha ni Amanda sa mga katulong ang mga regalong dala nila. Iniharap niya ang mga iyon kay Julie at ngumiti.“Ma, happy
Sa loob ng maraming taon, ibinigay ni Amanda ang pagmamahal at suporta niya kina Dominic at Julie. Kaya hindi niya maiwasang masaktan sa naging trato ng mga ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, matapos ang lahat ng ginawa niya para sa kanila, parang wala lang iyon sa mga mata nila.Nang marinig niyang nagsara ang pinto sa likuran niya, pinilit niyang pigilan ang mga luha. Mabilis niyang inayos ang mukha para hindi mahalata ni Dominic ang lungkot at sama ng loob niya, pero hindi niya kayang itago ang pait na nararamdaman niya.Lumapit si Dominic nang mapansin ang paninigas ng kanyang katawan.“Anong problema?” tanong nito.Pinahid ni Amanda ang gilid ng mata at nag-isip ng maidadahilan. “Naalala ko lang na kailangan pala nating maghanda ng regalo para kay Papa, kay Tita Shirley, at kay Lucy pagbalik natin bukas. Matagal na rin tayong hindi nakakadalaw sa kanila. Baka may masabi na naman sila kapag wala tayong dalang regalo.”Si Shirley Arboleda ang legal na asawa ni Arnulf
Maagang umalis si Amanda papunta sa The Gallery Art Museum. Dahil malakas ang ulan, inalok siya ni Dominic na ihatid gamit ang kotse nito.Pagdating nila, napansin ni Amanda ang isang puting BMW na nakaparada malapit sa entrance. Bumaba mula roon si Rizelle, ang babaeng kaagaw niya sa asawa na walang kaalam alam na bistado na niya sila.Napahinto si Amanda nang mapansin ang suot nitong kuwintas.Isang sapphire cat’s-eye necklace.Hindi niya iyon puwedeng mapagkamalan. Ganun din mismo ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Dominic noong Valentine’s Day. Halagang mahigit ₱8 million ang kuwintas na iyon, at sinabi pa ni Dominic na espesyal iyon dahil personal niyang pinili para kay Amanda.Pero bakit may kaparehas na kwintas ng sa kanya si Rizelle?“Ang ganda ng kuwintas mo,” komento ni Amanda habang pinipilit panatilihing normal ang tono.Napangiti si Rizelle at hinawakan ang pendant. “Gift sa akin ng boyfriend ko kahapon. Nagustuhan ko agad, kaya sinuot ko ngayon.”Saglit na tumingin si
Nagising si Amanda bandang alas-otso ng umaga kinabukasan. Kahit mahaba ang tulog niya, pagod pa rin ang pakiramdam niya. Sa labas, tuloy-tuloy ang ulan.Pagkatapos mag-almusal, binuksan niya ang laptop at inayos ang mga litrato, video, screenshots, at audio recordings na nakalap niya. Nilagyan niya ang bawat file ng petsa at description bago ipadala ang mga kopya kay Jacob Laxamana, ang lawyer niya.May isa pa siyang gustong itanong.Amanda: Atty., maituturing bang pagsasama ang regular na pag-book ng hotel room ng isang married man para magkita sila ng kabit niya?Makalipas ang ilang minuto, sumagot si Jacob.Jacob: Depende sa facts at ebidensya. Hindi sapat ang regular na hotel bookings para masabing nagsasama na sila bilang mag-asawa. Kailangan nating malaman kung may matagal at tuloy-tuloy silang pagsasama sa paraang kinikilala ng batas.Amanda: Paano kung may records ng bookings nila sa Grandview Hotel, lalo na sa Room 1408?Jacob: Makakatulong iyon para patunayan ang pattern ng
Hindi pa rin maalis sa isip ni Amanda ang nangyari sa restaurant. Kahit nakauwi na siya, paulit-ulit pa rin niyang naaalala ang itsura ni Dominic nang makita siya nito kasama si Rizelle.Ang bilis nitong umalis kasama ang ahas na kaibigan. Nasa gilid siya ng kama nang muling kunin ang cellphone niya. May ilang mensahe pa rin si Dominic, pero wala siyang balak sumagot. Hindi pa siya handang makinig sa mga paliwanag na puro palusot lang naman.Habang tinitingnan niya ang screen, may bagong mensaheng pumasok mula sa anonymous sender na ilang beses nang nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa asawa.Kung gusto mong malaman kung saan talaga pumupunta ang asawa mo at ang kabit nito, bantayan mo ang Grandview Hotel. Room 1408.Napakunot ang noo niya.Hindi iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa dalawa at sa parehas na hotel at kwarto. Ilang beses na siyang binalaan nito tungkol sa mga bagay na hindi niya alam tungkol kay Dominic. Sa una, nagduda siya. Sino ba
“Amanda?”Napalingon si Amanda sa pamilyar na boses. Sa kabilang bahagi ng hallway, nakita niya si Jacob Laxamana, ang kilalang abogado na lihim niyang kinonsulta tungkol sa mga legal niyang opsyon kung sakaling tuluyan nang masira ang pagsasama nila ni Dominic.“Attorney Laxamana,” bati niya, bahagyang nagulat sa hindi inaasahang pagkikita.Bago pa sila makapag-usap, narinig niya ang yabag sa likuran. Lumingon si Dominic at biglang namutla nang makita ang asawa. Nasa tabi pa rin niya si Rizelle, pero mabilis nitong binitawan ang braso niya.“Babe? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Dominic, pilit na itinatago ang pagkabigla.“Dapat ako ang magtanong sa ’yo niyan.” Tiningnan ni Amanda ang asawa nang diretso sa mga mata. “Akala ko ba nasa Montierra City ka?”“I can explain.”“Talaga? Kasi ang sabi mo, may problema sa materials ng project mo. Hindi mo naman nabanggit na may dinner ka pala rito kasama si Rizelle.”Napayuko si Rizelle, ngunit hindi nakaligtas kay Amanda ang mabilis na pag







