LOGIN“Okay.”
Tumayo si Amanda at kinuha ang bag niya. Bago tuluyang umalis, napatingin siya sa fountain pen na naiwan sa mesa. Hindi na niya iyon binawi. Kung may silbi iyon sa kaso ni Lana Pascual, mas mabuting manatili muna kay Jacob.
“Mag-ingat ka,” sabi nito bago siya tuluyang lumabas.
Naiwan si Jacob sa opisina. Saglit niyang sinundan ng tingin ang nakasarang p***o. Naiwan sa hangin ang mahinang amoy ng perfume ni Amanda, magaan at hindi matapang.
Sa unang tingin, mukha itong kalmado at mahinhin, pero sa naging pag-uusap nila, malinaw kay Jacob na hindi iyon babaeng madaling umatras kapag nakapagdesisyon na.
Hindi na niya iyon pinag-isipan pa. Kinuha niya ang fountain pen at bumalik sa desk. Binuksan niya ang official website ng manufacturer at inilagay ang serial number.
Ilang segundo lang ang lumipas nang lumabas ang pangalan.
Lana Pascual.
Tama ang sinabi ni Amanda.
Napakunot ang noo ni Jacob habang muling ikinukumpara ang serial number sa fountain pen at ang nakalagay sa screen.
Maya-maya, pumasok ang assistant niya dala ang dalawang folders. Kinuha ni Jacob ang mga iyon, pero bago ito makalabas ay pinigilan niya.
“May ipapagawa ako. I-check mo ang background ni Mrs. Amanda Arboleda. Basic information muna. Gusto kong malaman kung sino siya.”
Bahagyang napatingin ang assistant sa fountain pen na hawak niya, pero hindi na nagtanong at agad ding umalis.
Nang mapag-isa, muling tumingin si Jacob sa pangalan ni Lana Pascual sa screen.
Kung nagsasabi ng totoo si Amanda, kailangan niyang malaman kung paano napunta sa kamay nito ang fountain pen ng isang babaeng tatlong buwan nang patay.
Samantala, paglabas ni Amanda sa Laxamana Law Firm, halos palubog na ang araw. Malapit nang mag-alas-sais nang makarating siya sa kotse.
Kakaupo pa lang niya sa driver’s seat nang tumunog ang cellphone.
Unknown number.
Agad niya iyong binuksan.
Mahaba ang mensahe. Nakalista roon ang liquid assets ng asawa niya na nakadeposito sa ilang bangko, stocks at investments, shares sa iba’t ibang kumpanya, properties, sasakyan at credit cards. Kasama rin ang impormasyon tungkol sa pinagsamang assets nila bilang mag-asawa.
Napabasa nang dalawang beses si Amanda.
Ito mismo ang mga impormasyong sinabi ni Jacob na kailangan niyang malaman.
Pero mas nagpahinto sa kanya ang huling bahagi ng mensahe.
Noong nakaraang buwan, sa birthday ng mistress nito, binilhan ito ng asawa niya ng isang luxury car.
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.
Hindi sapat ang anonymous message para magamit bilang ebidensya, pero kahit paano, alam na niya ngayon kung ano ang hahanapin. Kailangan niyang kunin ang bank records at transactions na maaari niyang makuha nang legal. Kung may mga binili ang asawa niya para sa babae gamit ang pera nilang mag-asawa, kailangan niya ng totoong dokumentong magpapatunay niyon.
Pinatay ni Amanda ang screen at pinaandar ang kotse.
Madilim na nang makauwi siya. Pagpasok sa garahe, agad niyang napansin na wala pa ang sasakyan ng asawa niya. Hindi na niya ito tinawagan para itanong kung nasaan at dumiretso na lamang siya sa loob.
“Ma’am, nandito na po kayo,” bati ng kasambahay nang makita siya. “Maghahanda na po ba kami ng dinner?”
Tumango si Amanda. Nang tanungin kung maghahanda rin ba para sa asawa niya, saglit siyang natahimik bago sumagot, “Gaya na lang ng dati. Maghanda pa rin kayo.”
Umakyat siya para maligo at magpalit ng komportableng damit. Pagbaba niya, nakahanda na ang hapunan.
Kakasimula pa lamang niyang kumain nang marinig ang tunog ng sasakyan sa labas. Maya-maya, bumukas ang p***o at pumasok ang asawa niya na may dalang puting paper bag sa isang kamay habang nakasabit naman sa kabilang braso ang coat nito.
Napatingin si Amanda sa mukha nito.
Iyon din ang lalaking nakita niyang humahalik sa ibang babae kaninang umaga. Pero nang makita siya nito sa dining area, agad itong ngumiti na parang ordinaryong araw lang ang lumipas.
“Maaga ka ngayon. Akala ko mag-o-overtime ka.”
“Medyo pagod ako kaya umuwi ako nang maaga,” sagot ni Amanda.
Lumapit ang asawa niya at inilapag ang paper bag sa mesa. Nang mapansin ang mukha niya, marahan nitong hinawakan ang pisngi niya.
“Pumapayat ka yata. Hindi ka na naman kumakain nang maayos.”
Hindi umiwas si Amanda. Pinanood lamang niya ito habang binubuksan ang paper bag at isa-isang inilalabas ang laman.
“Dumaan ako sa Casa Amalia sa Dapitan,” sabi nito. “Binilhan kita ng mga paborito mo.”
Napatingin si Amanda sa pagkain.
Casa Amalia ang isa sa madalas nilang kainan noong college, ilang minuto lang mula sa university nila. Kahit marami nang bagong restaurant sa paligid, hinahanap-hanap pa rin niya ang lasa ng mga pagkaing nakasanayan niya roon.
At alam iyon ng asawa niya.
Hindi rin iyon ang unang pagkakataong nag-effort ito para sa kanya. Noong magkasintahan pa sila, sapat nang mabanggit niyang nami-miss niya ang pagkain sa Casa Amalia para gumawa ito ng paraan na makadaan doon. Kahit malayo pa ang pinanggalingan nito, madalas ay umuuwi itong may dalang pagkain, bulaklak o maliit na bagay na alam nitong magugustuhan niya.
Anim na taon niyang nakasanayan ang ganoong pag-aalaga.
Kaya ngayon, habang pinagmamasdan niya itong maingat na inilalabas ang mga paborito niyang pagkain, isang bagay ang hindi niya maintindihan.
Kung nagagawa pa rin nitong alalahanin ang maliliit na bagay tungkol sa kanya, paano nito nagawang magkaroon ng ibang babae?
“Ang layo pa ng pinuntahan mo,” sabi ni Amanda. “Hindi mo na sana ginawa. Pagod lang talaga ako nitong mga nakaraang araw.”
“Okay lang. Alam kong gusto mo ’to.”
Kinuha nito ang isang container at hinawakan ang ilalim. Nang mapansing malamig na iyon, sinabi nitong iinitin muna niya.
“Hayaan mo na si Ate,” sagot ni Amanda. “Ang tagal mong nag-drive. Maghugas ka na lang ng kamay para makakain na tayo.”
Ngumiti ito bago tumalikod at naglakad patungo sa banyo.
Ilang sandali matapos itong umalis, tumunog ang cellphone ni Amanda.
Unknown number na naman.
Binuksan niya ang mensahe.
“Bago siya umuwi, pumunta siya sa condo ng mistress niya. Nagpunta siya sa Dapitan dahil nagpabili sa kanya ang babae ng paborito nitong dessert sa Casa Amalia.”
Napatigil si Amanda.
Dahan-dahang napunta ang tingin niya sa paper bag at sa mga pagkaing nakalatag sa mesa.
Kaya pala napunta roon ang asawa niya.
Hindi siya ang dahilan ng mahabang biyahe.
Nadaanan lang pala ang paborito niyang restaurant.
Pinatay niya ang screen at tumayo. Mas mabuting umakyat muna siya bago bumalik ang asawa niya at mapansin ang pagbabago sa mukha niya.
Ngunit paglapit niya sa hagdan, may narinig siyang mahinang boses mula sa bandang banyo sa unang palapag.
Huminto siya.
Boses iyon ng asawa niya.
Hindi malinaw ang unang sinabi nito dahil sarado ang p***o, pero may isang tawag na malinaw na umabot sa kanya.
“Baby…”
Hindi na itinuloy ni Amanda ang pag-akyat.
Maya-maya ay muling nagsalita ang asawa niya, mahina ang boses na para bang sinisiguradong walang ibang makaririnig.
“Sige na, baby. Naiintindihan ko. Maghanap ka na lang muna ng magpapanggap na ikaw. Hindi naman siya maghihinala. Sasamahan kita bukas, okay?”
Dahan-dahang inilabas ni Amanda ang cellphone.
Naalala niya ang sinabi ni Jacob kanina. Kulang ang mga litratong hawak niya. Kailangan niya ng mas maraming ebidensya.
Binuksan niya ang voice recorder at nanatili sa gilid ng hallway.
May sinabi ang babae sa kabilang linya na hindi niya marinig. Sumunod ang mahinang tawa ng asawa niya bago muli itong nagsalita.
“Sige na. Huwag ka nang magtampo.”
Pamilyar kay Amanda ang tono nito. Ganoon ito magsalita kapag sinusuyo siya noon, kapag may tampo siya o kapag gusto nitong mapangiti siya.
Ngayon, ibang babae na ang kausap nito sa parehong paraan.
Tahimik na tumatakbo ang recording sa cellphone niya.
Hindi siya umalis.
Hindi rin niya pinatay iyon.
Mula sa loob ng banyo, muling narinig ang malambing na boses ng asawa niya.
“Bukas, pangako. Sasamahan kita.”
Mahigpit na hinawakan ni Amanda ang cellphone.
Kanina lamang, sinabi ni Jacob na kailangan niya ng mas matibay na ebidensya.
Hindi niya inakalang sa mismong gabi ring iyon, ang asawa niya mismo ang magbibigay niyon sa kanya.
Huminga nang malalim si Amanda at pilit na ngumiti. “Ma, huwag n’yo pong sisihin si Dominic. Mabuti naman po siya sa akin. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako gaanong nakakakain. Isa pa, hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi.”“Hindi puwede ’yan. Kahit gaano ka ka-busy, dapat unahin mo pa rin ang kalusugan mo,” nag-aalalang sabi ni Julie Araneta.Hinawakan niya ang kamay ni Amanda at inakay ito papasok sa villa. Pagkatapos, tinawag niya ang isang kasambahay.“Dalhin mo rito ang bird’s nest soup na ipinahanda ko para kay Amanda.”Agad na pumunta sa kusina ang kasambahay. Maya-maya, bumalik ito dala ang isang mangkok ng mainit na sopas.Tinanggap iyon ni Amanda. “Salamat po, Ma.”“Walang anuman. Isang mangkok lang naman ’yan. Kung gusto mo, mag-uwi ka pa mamaya para may makain ka sa bahay.”Pagkatapos humigop ng ilang kutsara, ipinakuha ni Amanda sa mga katulong ang mga regalong dala nila. Iniharap niya ang mga iyon kay Julie at ngumiti.“Ma, happy
Sa loob ng maraming taon, ibinigay ni Amanda ang pagmamahal at suporta niya kina Dominic at Julie. Kaya hindi niya maiwasang masaktan sa naging trato ng mga ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, matapos ang lahat ng ginawa niya para sa kanila, parang wala lang iyon sa mga mata nila.Nang marinig niyang nagsara ang pinto sa likuran niya, pinilit niyang pigilan ang mga luha. Mabilis niyang inayos ang mukha para hindi mahalata ni Dominic ang lungkot at sama ng loob niya, pero hindi niya kayang itago ang pait na nararamdaman niya.Lumapit si Dominic nang mapansin ang paninigas ng kanyang katawan.“Anong problema?” tanong nito.Pinahid ni Amanda ang gilid ng mata at nag-isip ng maidadahilan. “Naalala ko lang na kailangan pala nating maghanda ng regalo para kay Papa, kay Tita Shirley, at kay Lucy pagbalik natin bukas. Matagal na rin tayong hindi nakakadalaw sa kanila. Baka may masabi na naman sila kapag wala tayong dalang regalo.”Si Shirley Arboleda ang legal na asawa ni Arnulf
Maagang umalis si Amanda papunta sa The Gallery Art Museum. Dahil malakas ang ulan, inalok siya ni Dominic na ihatid gamit ang kotse nito.Pagdating nila, napansin ni Amanda ang isang puting BMW na nakaparada malapit sa entrance. Bumaba mula roon si Rizelle, ang babaeng kaagaw niya sa asawa na walang kaalam alam na bistado na niya sila.Napahinto si Amanda nang mapansin ang suot nitong kuwintas.Isang sapphire cat’s-eye necklace.Hindi niya iyon puwedeng mapagkamalan. Ganun din mismo ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Dominic noong Valentine’s Day. Halagang mahigit ₱8 million ang kuwintas na iyon, at sinabi pa ni Dominic na espesyal iyon dahil personal niyang pinili para kay Amanda.Pero bakit may kaparehas na kwintas ng sa kanya si Rizelle?“Ang ganda ng kuwintas mo,” komento ni Amanda habang pinipilit panatilihing normal ang tono.Napangiti si Rizelle at hinawakan ang pendant. “Gift sa akin ng boyfriend ko kahapon. Nagustuhan ko agad, kaya sinuot ko ngayon.”Saglit na tumingin si
Nagising si Amanda bandang alas-otso ng umaga kinabukasan. Kahit mahaba ang tulog niya, pagod pa rin ang pakiramdam niya. Sa labas, tuloy-tuloy ang ulan.Pagkatapos mag-almusal, binuksan niya ang laptop at inayos ang mga litrato, video, screenshots, at audio recordings na nakalap niya. Nilagyan niya ang bawat file ng petsa at description bago ipadala ang mga kopya kay Jacob Laxamana, ang lawyer niya.May isa pa siyang gustong itanong.Amanda: Atty., maituturing bang pagsasama ang regular na pag-book ng hotel room ng isang married man para magkita sila ng kabit niya?Makalipas ang ilang minuto, sumagot si Jacob.Jacob: Depende sa facts at ebidensya. Hindi sapat ang regular na hotel bookings para masabing nagsasama na sila bilang mag-asawa. Kailangan nating malaman kung may matagal at tuloy-tuloy silang pagsasama sa paraang kinikilala ng batas.Amanda: Paano kung may records ng bookings nila sa Grandview Hotel, lalo na sa Room 1408?Jacob: Makakatulong iyon para patunayan ang pattern ng
Hindi pa rin maalis sa isip ni Amanda ang nangyari sa restaurant. Kahit nakauwi na siya, paulit-ulit pa rin niyang naaalala ang itsura ni Dominic nang makita siya nito kasama si Rizelle.Ang bilis nitong umalis kasama ang ahas na kaibigan. Nasa gilid siya ng kama nang muling kunin ang cellphone niya. May ilang mensahe pa rin si Dominic, pero wala siyang balak sumagot. Hindi pa siya handang makinig sa mga paliwanag na puro palusot lang naman.Habang tinitingnan niya ang screen, may bagong mensaheng pumasok mula sa anonymous sender na ilang beses nang nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa asawa.Kung gusto mong malaman kung saan talaga pumupunta ang asawa mo at ang kabit nito, bantayan mo ang Grandview Hotel. Room 1408.Napakunot ang noo niya.Hindi iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa dalawa at sa parehas na hotel at kwarto. Ilang beses na siyang binalaan nito tungkol sa mga bagay na hindi niya alam tungkol kay Dominic. Sa una, nagduda siya. Sino ba
“Amanda?”Napalingon si Amanda sa pamilyar na boses. Sa kabilang bahagi ng hallway, nakita niya si Jacob Laxamana, ang kilalang abogado na lihim niyang kinonsulta tungkol sa mga legal niyang opsyon kung sakaling tuluyan nang masira ang pagsasama nila ni Dominic.“Attorney Laxamana,” bati niya, bahagyang nagulat sa hindi inaasahang pagkikita.Bago pa sila makapag-usap, narinig niya ang yabag sa likuran. Lumingon si Dominic at biglang namutla nang makita ang asawa. Nasa tabi pa rin niya si Rizelle, pero mabilis nitong binitawan ang braso niya.“Babe? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Dominic, pilit na itinatago ang pagkabigla.“Dapat ako ang magtanong sa ’yo niyan.” Tiningnan ni Amanda ang asawa nang diretso sa mga mata. “Akala ko ba nasa Montierra City ka?”“I can explain.”“Talaga? Kasi ang sabi mo, may problema sa materials ng project mo. Hindi mo naman nabanggit na may dinner ka pala rito kasama si Rizelle.”Napayuko si Rizelle, ngunit hindi nakaligtas kay Amanda ang mabilis na pag







