Share

Chapter 9

"Bakit nagpasalamat si Kairus sa'yo sa speech niya?"

Napatigil ako sa pag-kain nang itanong sa'kin ni Clyde 'yon. Nag-aya kasi itong kumain daw muna kami sa labas bago ako umuwi. Tulad nga ng sinabi niya, babawi raw siya.

Natatawa nalang ako tuwing sinasabi niya 'yon, eh. Bakit pa ba siya babawi? Pwedeng-pwede naman silang mag-sama ni Gwen. Pagdikitin ko pa sila.

Alam kong medyo tanga na ako sa part na nagpapanggap pa rin akong walang kaalam-alam sa ginagawa nila ni Gwen. Pero, malapit na. Malapit na 'kong bumitaw sa kaniya kasi kaya ko na. Humahanap lang ako ng timing.

"Palagi kasi kaming magkakasama nila Kairus, Astrid at Yvex mula no'ng start ng pageant," pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Tapos, tinutulungan ko rin si Kairus. Baka kaya siya nagpasalamat sa speech niya dahil do'n."

Tumango-tango lamang ito at nagpatuloy na sa pag-kain niya. "Kumusta ka nga pala these past few weeks?"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status