Share

Requital of Agony
Requital of Agony
Автор: Rae Aoki

Prologue

"Asan si Clyde?"

Ayon ang kaagad kong itinanong kay Astrid nang makapasok ako sa club na 'to. It was Yvex's birthday. He decided na mag-celebrate sa club. At syempre, hindi ko palalagpasin 'yong birthday ng mokong na 'yon. It was the day of his legality.

I cannot believe na naunang dumating si Clyde rito. He told me na susunduin niya ako, pero nag-chat siya ng last minute na hindi niya na raw ako masusundo dahil nandoon na raw siya.

Astrid suddenly stopped dancing and took a glance on me. "Siya agad ang hanap, ha! Anyway, nasa VIP Room yata siya." She smiled at me. "Wait, I'll just find Yvex. Baba ka rito kapag nakita mo na si Clyde. You should greet him!"

Astrid's boyfriend is Yvex. Since Junior High School, they became together. Halos nasaksihan ko na ang buong love story nila dahil magkaibigan na kami ni Astrid noon pa lang.

"Oo na, oo na." I assured her. "Oh, siya. I'll just find Clyde. See you later!"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil dumiretso na ako sa second floor para tignan ang VIP Rooms. All of the doors were open, except from the other one. I guess, nandoon si Clyde.

Pero ano namang gagawin niya sa VIP Room? Lahat ng tao nandoon sa baba, since this is a birthday party.

I wagged my head and walked towards on the VIP Room. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto ng room na iyon. Napatigil ako sa nakita ko. My lips parted as I saw Clyde and Gwen on the couch, kissing each other.

I didn't move. I was just staring at them. Hindi ko alam ang gagawin ko. My mind was too pre-occupied. I can't believe this. 'Yong puso ko, parang unti-unting nadudurog. Bakit... bakit niya 'to nagawa sa 'kin? Bakit niya ako... niloko?

Napatigil sila nang makita akong nakatingin sa kanilang dalawa. I was holding my tears to stop themselves from falling. Kinuyom ko ang kamao ko at hindi inaalis ang tingin sa kanila.

I thought Clyde will owe me an explanation but instead, he smirked and kissed again Gwen. I bit my lower lip, trying to calm myself. Hindi ba sila nandidiri sa ginagawa nila? For Pete's sake, nandito sa harapan niya ang girlfriend niya! Yet, he was kissing another girl? Tapos sarap na sarap pa silang dalawa?

"Hey, nakita mo ba si Gwen-"

Kairus, Gwen's boyfriend, also saw the two of them kissing in couch. Parehas kaming nakatingin sa kanila ngayon. Funny how the two of us, Kairus, saw our own partners, cheating on us.

Should I be shouting right now? Gusto ba nilang mag-wala ako rito? Minahal ko si Clyde, e. Pero bakit ito ang isusukli niya sa 'kin?

When they stopped kissing, they put a grin on their lips. Nakatingin sila Gwen at Clyde sa 'ming dalawa ni Kairus.

"H-How could you..." My voice broke. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Clyde chuckled and looked at me. "Sorry, Tryze..." Nakaloloko itong ngumiti. "I just played with your heart... at naniwala ka naman doon."

Gwen laughed and looked at me. "Ano? Masakit ba, Tryze? Well, matagal na dapat 'tong nangyari, pero awang-awa sa 'yo 'tong si Clyde." She casually said. "Pero anyway, at least ngayon, alam mo na. And oh, Kairus. You saw it naman, 'di ba? I guess, there's no more explanation?"

"Yeah?" Kairus chuckled. "Well, should me and Tryze owe an explanation too if we did this in front of you?"

Kairus held my chin and kissed my lips slowly. I immediately held his nape and closed my eyes, slowly responding on his kisses. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghalikan, basta no'ng iminulat ko ang mata ko, I saw Gwen and Clyde's faces, shocked.

"Masakit din ba?" I said, mocking Gwen's voice earlier. Natawa ako nang makita ang itsura niya. She seems pissed. I don't care. I'm so done of them. Matagal ko 'tong pinaghandaan. Ang maisampal sa kanila ang sakit na pinaranas nila.

Dahan-dahan akong lumapit kay Clyde at pagak na natawa. "You think, I'm in love?" I gently grabbed the collar on his polo before looking at him straight on the eye. "Baby, I'm not that innocent. Hindi ako tanga para 'di ko malaman na ginagago mo lang ako."

"I guess we'll go, then." Ngumiti ako kay Clyde nang sabihin iyon ni Kairus. Halata sa mukha nina Clyde at Gwen ang pagtataka at pagkagulat. Kairus intertwined his hand against mine and slowly walked away. Tumigil siya sandali at lumingon sa VIP Room kung saan nandoon si Gwen at Clyde. "And oh, Gwen. You saw that too, right? No more explanation, then."

Habang naglalakad kami sa parking lot, ang dami-daming bagay na pumapasok sa isip ko.

We planned this. All of this.

This is just the beginning... Walang-wala 'to sa sakit na dinanas naming dalawa ni Kairus. Ipaparamdam namin sa kanilang dalawa ang mga naranasan namin sa isang bagsakan lamang.

"Bakit ba niya 'to ginawa sa'kin?!" I shouted as loud as I can while my tears are falling from my cheeks. "Putangina... mahal na mahal ko siya, e... pero bakit ganito..."

"I love her too," Kairus was holding his tears. "This is too much. Fuck... anong kasalanan ko? May nagawa ba 'ko para maparusahan ng ganito?"

They don't know the pain Kairus and I experienced before.

"Hanggang kailan nila tayo gagaguhin? Ano 'to, Kairus? Dapat ba tayong magtanga-tangahan? Magkukunwari tayong hindi pa alam ang nangyayari sa kanilang dalawa? We should confront them!"

"I don't know, Tryze! Gusto kong gumanti, okay? Gustong-gusto kong gumanti!"

"A-Ano?" Hindi ko makapaniwalang sambit. "Gusto mong..."

"You heard it," he said, not looking at me. "Gusto kong ibalik sa kanila 'yong sakit na naranasan ko. I want to see them suffer in pain. Now, if you don't want to help, shut the fuck-"

Pero doble ang ibibigay namin sa kanilang sakit.

"Cut the crap," pagputol ko sa sasabihin niya. "I'll... help you."

I smirked while reminiscing their faces earlier. This is the vengeance of the two persons you both treated like a shit.

"Porket maghihiganti, masama agad?" Astrid crossed her arms. "Pwede bang ipaparanas mo lang sa kanila ang sakit na naranasan niyo?"

I swallowed the lump on my throat before I answered. "Pero-"

"No buts, Beatryze," sabi nito. "I'll help you. Hindi pwedeng umiiyak lang kayo at sila roon, nagpapakasarap."

Ang paghihiganting alam kong dapat ko lang na gawin ay ito... ang pagpaparamdam sa inyo ng sakit na mas malala pa sa ginawa niyo sa amin.

As time passes by... both of you will kneel in front of us, asking for apology... telling how much the both of you suffered from the karma.

And that day will come... very soon.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status