Share

Epilogue (Part 2)

"Oy, ikaw raw representative para sa Binibini at Ginoong Kalikasan."

Napalingon ako kay Gianna nang sabihin niya iyon. "Ako? Bakit ako?"

"Aba, malay ko!" Gianna shrugged. "Kanina kasi, may teacher na tinawag 'yong ilan nating kaklase, nagtatanong kung sinong representative para sa section natin. Eh ikaw ang tinuro pati si Ashley."

Tipid akong tumango. "Bahala kayo."

Wala naman akong pakialam sa pageant na 'yan. Wala rin akong magagawa dahil no'ng tinanong kami ng adviser namin kung sigurado na ang representative, the whole class shouted yes.

"May practice raw ngayon para sa pre-pageant," tumango ako nang sabihin iyon ni Ashley. Kinuha ko ang bag ko at sabay na kaming pumunta sa isang room kung saan kami magp-practice.

Hindi na ako nagulat nang makita ko si Gwen at Clyde na kasama sa participants ng strand nila. Alam ko namang gusto ni Gwen sa mga ganiyang pageant.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status