Share

Chapter 5

"Congratulations, anak!"

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, confetti kaagad ang bumungad sa akin. May mga handa rin sa dining area na hinala kong luto ni Mommy at Daddy.

"Nag-abala pa kayo, Mom, Dad," I smiled weakly. I tried to act normal. I should act normal. Mabuti at hindi halatang umiyak ako dahil alas-otso na ako umuwi.

Mommy cupped my face. "Of course, sweetie! Kasali ka sa Top 10. We should celebrate it!"

Pumunta na kami sa dining area. Si Daddy pa ang nag-lagay ng pagkain sa plato ko at syempre, mga paborito kong pagkain iyon.

"Kumain ka ng marami, Tryze. We cooked all of these," Dad smiled at me. "You did well earlier, anak."

"Thank you po," nahihiya akong ngumiti at nagsimulang kumain.

Habang nakain ako, pansin kong tingin nang tingin si Mommy sa'kin. "May dumi ba 'ko sa mukha, Mom?"

She smiled before answering. "Wala. Are you okay, Tryze? Parang hindi ka masaya. Is there a problem?"

"Wala po..." Mahina kong sambit. "Pagod lang po. Medyo nakakapagod kasi 'yong pre-pageant kanina."

"Kahit ako, napagod din kache-cheer, eh," sabi ni Daddy. He looked at my Mom. "Baka pagod lang talaga ang anak mo, Elisa."

Mommy sighed. "Yeah. I guess so."

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga naging experience ko sa pre-pageant. Sabi nila, manonood din daw sila sa finals. My Mom and Dad were always busy but they'll always find a way na makasama ako kapag may mga importanteng events.

Nauna akong matapos kumain kaya binuksan ko muna ang phone ko. Hindi na gumagana nang ayos ang phone ko mula pa kanina dahil sa dami ng notifications at messages na nalabas. Puro congratulations lang naman. Hindi pa nga ako nananalo, ganito na agad.

Tinignan ko ang message ni Clyde sa'kin. I bit my lower lip, trying to stop myself from crying again.

Clyde: Hey, baby. Congrats. Sorry hindi na tayo nag-usap kanina, may emergency kasi. I'll treat you once na may free time ako. Love you.

"Tryze?" Bumalik ang atensyon ko sa hapag-kainan nang magsalita si Mommy. "Are you sure that you're really okay? Parang iiyak ka anytime," nag-aalala nitong sagot.

"Ayos... lang po ako," halos hindi na ako makapag-salita nang ayos dahil nangingilid na naman ang mata ko sa luhang namumuo rito. "Huwag niyo po akong alalahanin."

"May problema ba?" Tanong ni Daddy. "Pwede kang mag-kwento sa amin. What happened?"

Nang may luhang lumabas sa mata ko, kaagad akong nagsalita. "Nag-away lang po kami ni Clyde. Maliit na bagay lang naman po... yata..."

"Are you sure?" sambit ni Mommy. "Do you need a hug?"

Tumayo ito at niyakap ako. Mas napahagulhol lang ako sa ginawa niya. Napailing si Daddy at tumayo na rin, sumali sa yakap.

"Ang sakit-sakit, eh..." I said between my sobs. Halos manghina na ang tuhod ko sa kaiiyak. 

Wala akong choice kun'di ikwento sa kanila ang nangyari. I know, this is between me and Clyde but I can't handle the pain anymore. Hindi na 'to basta maliit na away nalang. He cheated... and I need someone to talk to about that. Mula sa hindi niya pagsipot sa mga date namin, sa pagdadahilan niya sa basketball niya, no'ng sinampal niya 'ko sa hallway, no'ng halos kaladkarin na niya ako sa school grounds, at sa nakita ko kanina.

"Oh my god," my Mom exclaimed. "He's hysterical! How can he do this to our daughter, Carlo?!"

Dad clenched his fist before he answered. "Bakit mo itinago sa'min 'to, Tryze? Sana sinabi mo," he said calmly pero bakas sa mukha niya ang galit.

"A-Ayaw ko po kayong abalahin sa trabaho niyo," I wiped my tears using my hand. "Akala ko magbabago siya... akala ko dahil lang 'yon sa stress pero..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla ulit akong umiyak. Sobrang sakit na nang mga nararanasan ko. Halos pigain na ang puso ko sa bawat pag-hagulhol ko.

"I'm sorry, Tryze," my Mom tried to stop her tears. "Maybe we're too busy sa work. I'm sorry... kung palagi kaming nandito, hindi mo sana naranasan 'to..."

Umiling ako. "Mom... wala kang kasalanan," I assured her. "Obligasyon niyo ang kompanya. Kaya ko naman..."

"At obligasyon naming alagaan ka dahil anak ka namin," Daddy said. "I'm sorry, anak. Patawarin mo kami ng Mommy mo kung palagi kaming wala."

Mom wiped my tears using her hand. "Hindi ko 'to palalagpasin. I'll report this immediately to the guidance office. Pwede ko rin siyang ipapulis, 'no!"

"Mom, huwag na–"

"No, Tryze. Hindi magtitino ang lalaking 'yan kung hindi napaparusahan," sabi ni Dad. "Kailan mo 'yan hihiwalayan? He's so disappointing. Sana hindi ko siya pinagkatiwalaan."

Napatungo nalang ako sa sinabi nila. Gusto ko rin na magtino si Clyde. "Hindi ko pa po alam. Pag-iisipan ko."

"As soon as soon you can, break up with him," matabang na sambit ni Mommy. "Gosh. He's so unbelievable."

I pursed my lips and sighed heavily. At some point, gumaan ang pakiramdam ko, pero naroon pa rin ang sakit. Mabuti at sinabi ko kaagad sa kanila na sinasaktan ako ni Clyde. Mabuti rin na nalaman ko kaagad na niloloko niya ako, dahil baka patuloy niya pa rin akong saktan ng pisikal. Baka sa susunod, nasa ospital na ako, nakahiga.

Napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ang notification. Pinunasan ko ang namuong luha sa pisngi ko at pinindot iyon. Nakita ko ang message request ni Kairus sa Messenger. Hindi pa nga pala kami friends sa F******k.

Kairus: Tryze.

I swallowed the lump on my throat and typed my reply.

Beatryze: Bakit?

Kairus: Pwede ka lumabas ngayon?

Tumingin ako kila Mommy at nakita kong may tinatawagan sila. Hindi ko alam kung sino.

Beatryze: Idk, magpapaalam ako kay Mommy. Bakit?

Kairus: Samahan mo 'ko.

Naalala ko kanina 'yong nangyari. Sinamahan niya ako sa classroom hanggang sa huminto ako sa pag-iyak. Siya pa ang nag-hatid sa akin pauwi.

Beatryze: Do you need someone to accompany you?

Kairus: Yeah.

"Mom," I called her. Napalingon naman silang dalawa sa akin. "Pwede po bang... lumabas ako?"

"Why? It's getting late. You have class tomorrow," sabi ni Dad. 

Tumingin ako sa sahig at nagsalita. "I just want to relax myself... may magsusundo at maghahatid naman po sa akin."

"Sino?" Sabay nilang tanong. Tipid akong ngumiti bago sumagot.

"A friend of mine po."

Sandali silang natahimik bago sumagot si Daddy. "Alright. Be safe."

"Are you serious, Carlo?" Angal bigla ni Mommy. "It's late!"

"Your daughter wants to be alone. Hayaan mo na. May pinag-dadaanan 'yong anak mo."

"Argh, fine!" She sighed in defeat. "Umuwi ka bago mag-hatinggabi!"

Tumango ako at nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Pero bago 'yon, sinabi ko kay Kairus na sunduin niya ako.

Suot ko pa rin ang T-shirt, jeans at stiletto na suot ko mula pa kanina. Napa-iling na lamang ako at nagpalit ng damit. I just wore a black T-shirt paired with high waist denim shorts. Nagsuot din ako ng black sandals. Tinanggal ko na ang make-up ko dahil sobrang kalat na ito sa pag-iyak ko at naglagay na lamang ng liptint. Hinayaan kong nakalugay ang buhok kong nakakulot pa rin.

Kinuha ko ang wallet at phone at nagtungo pababa. Pagkalabas ko sa gate, nakita ko si Kairus na nakasandal sa kotse niya. Nang makita niya ako, pinasakay niya ako sa front seat. Sumakay na rin ito sa driver's seat at nag-drive paalis.

"Umiyak ka na naman ba?" Tanong niya nang makita ang namumugto kong mata. Tinignan ko siya at inirapan bago sumagot.

"Obvious ba?" I chuckled when I said those. Napailing na lamang ito at nagpatuloy sa pagd-drive.

Kumunot bigla ang noo ko at tumingin sa kaniya. "Bakit ako lang ang umiiyak ngayon? Bakit hindi ka naiyak?!"

"Dahil nagawa ko na 'yan noon pa," sabi niya sa akin. "Gabi-gabi akong umiyak dahil diyan."

Napalunok ako dahil doon. It must be so hard for him, seeing his girlfriend, having a relationship with someone else. Parehas lang naman kami ng nararamdaman ngayon. Parehas kaming niloko ng mga taong mahal na mahal namin.

"Will you use me para makaganti?" Bigla kong natanong. "Ano? Ako ba gagamitin mo para makaganti kay Clyde? 'Wag ako, gagi! Iba nalang–"

"What the fuck are you saying?" Nakakunot ang noo nito nang sumagot. "Parehas tayong niloko. Kung gaganti man ako, silang dalawa ang gagantihan ko. But, who knows? Maybe isama kita para gantihan sila."

I arched a brow when he said those. "Gaganti ka?"

He just shrugged. Ang tino naman kausap ng lalaking 'to! Napailing na lamang ako at napagdesisyunang i-power off ang phone ko para walang istorbo. Maya-maya pa, huminto kami sa isang open area. Masyadong maraming bundok dito pero may ilaw pa rin na nagmumula sa mga poste. Bumaba na kami sa sasakyan at tinignan ang tanawin. Kitang-kita rito ang mga bundok.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Kairus. Ngumiti ito ng bahagya bago sumagot.

"Para mailabas ang sakit na kinikimkim natin," simpleng sagot niya. Kumunot ang noo ko dahil doon. Anong ibig niyang sabihin?

Nang marealize niyang hindi ako nagsasalita, he chuckled and shouted. "I hate you, Gwen!" Nanlaki ang mata ko sa sigaw niya. "Sabi mo mahal mo ako... pero bakit niloko mo 'ko?"

Tumingin ito sa akin at nagsalita. "That's how you do it. Isigaw mo lang ang kinikimkim ng damdamin mo. Gagaan ang pakiramdam mo."

"O-Okay?" I said, hesitant at first. Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Tangina mo, Clyde! I shouted as loud as I can.

"Fuck you! Fuck you for making me believe on your sugar-coated words! Fuck you for hurting me, physically and emotionally! Tangina mo! Galit na galit ako sa'yo! Ano bang... kasalanan ko?" Ito na naman. Tanginang luha 'to, oh. Puro iyak nalang ba, Tryze?

"Nangako ka sa'kin, eh!" Sigaw ko pa. "Sabi mo hindi mo ako lolokohin... sabi mo ako lang..."

"Bakit ba niya 'to ginawa sa'kin?!" I shouted as loud as I can while my tears are falling from my cheeks. "Putangina... mahal na mahal ko siya, e... pero bakit ganito..."

"I love her too," Kairus was holding his tears. "This is too much. Fuck... anong kasalanan ko? May nagawa ba 'ko para maparusahan ng ganito?"

Napayuko na ako at nagsimulang humagulgol ulit. "Ang sakit sakit, Kairus..." My voice broke. "Hindi ko matanggap, eh... binigay ko sa kaniya lahat. Sobra ko siyang minahal... pero bakit naman ganito..."

Tumingala si Kairus at pinikit ang mga mata upang pigilan ang sarili sa pag-iyak. "This is purely gay shit."

Tumayo ako at pinagpag ang shorts ko. Tumingin ako sa kaniya at hinawalan ang pisngi niya. "You can cry. Men can cry too... Your feelings are valid, Kairus. Huwag mo nang kimkimin 'yan."

In a snap, tears started to fall from his eyes. Sinubukan niya pang tumingin sa ibang direksyon pero niyakap ko na siya nang gawin niya iyon. Naramdaman kong gumagalaw na ang balikat niya, senyales na umiiyak siya. He hugged me back and placed his face on my shoulder.

"Tangina..." He said between his sobs. Pinunasan ko rin ang luhang kumawala sa mata ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko..."

We stayed that for a while hanggang sa gumaan na ang pakiramdam naming dalawa. Somehow, I felt relieved. 

He handed me a bottle of water. "Oh. Inumin mo na."

Tinanggap ko ito at binuksan. "S-Salamat," ngumiti ako at ininom iyon.

May tubig din siyang hawak at uminom siya rito. Nakatingin lang kami sa mga bundok at nagmumuni-muni.

Tumingin ako sa relo ko at nanlaki nang makita ang oras. "Shit, malapit na palang mag 11?"

Tinignan ni Kairus ang orasan ko at maging siya ay nanlaki ang mata. "Tangina. Maaga pa pasok natin bukas."

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sa kaniya. He nodded and went back to the car.

Medyo malayo ang lugar na ito kaya baka alas-dose na ako makauwi sa bahay. Binuksan ko ang phone ko at nagpaalam kay Mommy na pauwi na ako. Hindi ko alam kung makikita nila 'yon dahil baka tulog na sila.

"Kairus," I called him. 

"Yeah?" He said, eyes focused on the road.

Napanguso ako at nagsalita. "Anong gagawin natin?"

Kumunot ang noo nito. "What do you mean?"

Napasapo ako sa aking noo. Ang slow naman nito! "Anong gagawin natin? Makikipag-break na ba tayo sa kanila?"

"Kung anong gusto mo," he said. "Ako, sa susunod na makikipag-break. Ang saya kaya maging harang sa relasyon nila."

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. What the fuck was that? This guy is so unbelievable. Talagang ayon pa ang inisip niya?

Pero dahil sa sinabi niya, napa-isip tuloy ako. Parang nakakatawa ngang tignan na kami ni Kairus ang harang sa relasyon nila. Kung masaktan man ako, okay lang. Bawing-bawi naman ako sa pagiging pader sa relasyon nila.

"Naisip ko lang," bigla ulit akong nagsalita. "What if maghiganti tayo sa kanila?"

Hindi sumagot kaagad si Kairus kaya naman tumawa ako. "Joke lang–"

"Buti naisip mo 'yan," sambit niya. "Gusto ko rin, eh."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Seryoso ka ba, Kairus?"

Hindi ito nagsalita at nagpatuloy pa rin sa pagd-drive. "Hoy! Pansinin mo ako! Seryoso ka ba sa sinabi mo?"

"Joke lang," pag-gaya nito sa sinabi ko. Napairap ako dahil do'n samantalang siya, nakangisi. Nakakainis naman 'to!

"Seryoso nga kasi!" Pangungulit ko sa kaniya. "Kung gusto mo 'yan, gusto mo bang samahan kita?"

He shrugged. "Hindi ko pa 'yan iniisip sa ngayon," aniya. "Masama maghiganti."

May point siya. Ayon ang turo sa'kin ng lola ko, eh. Huwag gaganti kahit gaano kalaki ang ginawang kasalanan sa akin. Pero ngayon? Ewan ko. This is too much. Sana lang, hindi ko maisip na maghiganti sa kanilang dalawa.

Sinabi ko kay Kairus na huminto muna kami sa 7 Eleven dahil bibili ako ng kape. Nang makabili ako, bumalik ako sa kotse at inabot sa kaniya iyong kape na dala ko.

"Ano 'to?" Tanong niya sa'kin. Sumimsim ako sa kape na hawak ko bago sumagot.

"Tae siguro," pamimilosopo ko sa kaniya. "Joke lang. Treat ko lang para sa'yo. Bakit, may angal ka ba?"

He chuckled before answering. "Wala, boss." He sipped on his coffee. "Thank you rito."

"Maliit na bagay, 'no." Sabi ko sa kaniya. "Ako nga dapat ang mag-thank you sa'yo. Palagi mo akong tinutulungan."

He smiled a bit. "Wala 'yon. Maliit na bagay, 'no," pang-gagaya niya na naman sa'kin. Nakakabwisit naman 'to! Akala ko matino kausap 'tong si Kairus, pota. Mas abnormal pa pala sa'kin.

Hinatid na niya ako pauwi at umuwi na rin kaagad siya pagkatapos no'n. Napailing na lamang ako at pumanik sa kwarto ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Pero sa totoo lang, wala ako masyadong tulog. Buong gabi akong nakapikit, kahit gising na gising pa ang diwa ko. Iniisip ko kung anong gagawin ko. Kung hihiwalayan ko ba siya o aakto akong nagpapauto sa kagaguhan nila. Pero nakapili rin naman ako ng gagawin matapos kong pag-isipan 'yon.

Pero dahil sa pagmumuni-muni ko, hindi ko napansin na ala-sais na pala. Dali-dali akong pumasok sa banyo upang maligo. I also did my skincare routine bago mag-blower ng buhok. Sinuot ko na ang school uniform ko at inayos ang bag ko. 

I looked at my watch wrist and it's already 6:40 am. Hindi na ako nakakain ng agahan dahil nagpahatid na ako sa driver namin papuntang school. Wala na si Mommy at Daddy pagkababa ko, pero may text message naman sila sa akin.

Dumaan muna ako sa Starbucks para bumili ng almusal. I just buyed a Caffe Americano and a Ham and Cheese Toastie. Habang nagbabayad, may biglang nagsalita sa likod ko.

"Pasama na rin ng Caffe Latte and Caramel Waffle sa order niya," sambit ng lalaki. Lumingon ako para tignan kung sino iyon at nakita ko si Kairus. Naka-school uniform din ito at naka-gel ang buhok. "Ako na magbabayad."

"Huh? Ako na!" Sambit ko. Pero huli na dahil nag-abot na siya ng isang libo roon sa cashier. Napanguso ako at itinago nalang ang wallet sa bulsa ko.

We waited for a few minutes bago makuha ang order namin. Pina-take out namin ito dahil 6:50 na. Ten minutes nalang, klase na.

"May driver ka?" Tanong nito nang makalabas kami. Tumango lang ako dahil nagmamadali na talaga ako.

"Sabay ka na sa'kin," sabi niya. "Sabihin mo sa driver mo na sasabay ka na sa'kin."

Napatingin ako sa kaniya. "Sigurado ka ba?" He just nodded.

Pumunta ako sa pwesto kung saan nag-park ang driver namin ng sasakyan. "Kuya Cris, sasabay na po ako sa schoolmate ko papuntang school. Pwede na po kayong umuwi," sabi ko.

"Sigurado ka?" Tanong nito sa akin. Tumango ako at ngumiti bilang sagot. "Oh, siya. Sige. Mag-iingat ka."

Nag-drive na ito paalis kaya naman sumakay na ako sa kotse ni Kairus. Medyo malapit na lang din naman ang school mula sa Starbucks kaya nang makarating kami sa school, naglakad na ako nang mabilis. Ang tangkad ni Kairus kaya naabutan niya rin ako kaagad.

"Saan room mo? Hatid na kita," sabi niya sa'kin. 

"Gaga, malalate ka na," pag-pigil ko sa kaniya. "Kaya ko na 'to. Pumunta ka na sa building niyo."

Marahan ko pa itong tinulak. "Salamat sa libre at sa pagsabay sa'kin dito sa school!"

Ngumisi ito bago sumagot. "May bayad 'yan."

Naglakad na ito papunta sa building nila kaya naman halos takbuhin ko na ang hallway. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong wala pa roon ang teacher namin sa first subject.

"Oy, oy! Nandito na 'yong isang kasali sa Top 10, oh!" Narinig ko ang sigaw ni Melissa, iyong isa kong kaklase. Naghiyawan ang mga kaklase ko nang makita ako at nagsabi ng congrats. Mga timang lang.

Umupo na ako sa upuan ko at bahagyang sumimsim sa inorder kong kape. Kumagat din ako sa toasted bread.

"Nalate na yata ng gising?" Tanong ni Astrid sa'kin. "Teka. Napano 'yang mata mo? Parang namamaga nang kaunti."

Napalunok ako at tumingin sa malayo. Uminom ako muli sa kape bago nagsalita. "Baka nakagat ng ipis. Ewan ko."

She just shrugged before uttering a word. "Saan ka nagpunta kagabi? Hindi ka namin mahagilap ni Yvex! After no'ng pageant, nawala ka bigla."

"Hinanap ko si Clyde," sabi ko dahil ayon naman talaga ang totoo. "Sorry, hindi ako nakapag-paalam sa inyo kahapon."

Nagpatuloy lang ako sa pag-kain. Saktong naubos ko ang toastie nang pumasok ang teacher namin. Inubos ko nalang ang kape habang nagtuturo siya.

Walang masyadong ganap sa klase, pero pagkatapos ng klase namin, biglang nagkagulo ang mga kaklase ko.

"Anong meron?" Tanong ko kay Astrid. Ngumiti ito sa akin bago magsalita.

"Gagawin na 'yong costume niyo! Oh my gosh, naeexcite ako!" Nakangiting sabi ni Astrid. "Wait lang, Tryze. CR lang ako."

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Astrid na gagawin na raw ang costume namin. Umalis ito nang magpaalam sa'kin na pupunta raw siya sa rest room.

Nag-hire na si Mommy ng designer para sa costume ko at nagbigay ng design iyong napili niyang designer. Dinala ko 'yong design kahapon sa damit namin ni Vince at ngayon, tinitignan ng mga kaklase ko kung anong gagawin.

"Ang ganda no'ng design!" Sabi ni Xenia. "Vince! Tignan mo, oh! 'Yong costume mo!"

Sandaling tinignan ni Vince ang sketch ng design para sa damit namin. Sabi ko kasi kay Mommy, ipagawa rin ang design para sa costume ni Vince. Wala naman daw problema sa kaniya dahil kaklase ko si Vince.

"Ang ganda," Vince smiled. Tumingin ito sa akin bago magsalita. "Tryze, pakisabi sa Mommy mo, salamat!

"Okay! Makakarating!" I chuckled.

Habang tinitignan ng mga kaklase ko ang materials at ang design, biglang may kumatok sa pintuan namin at ibinungad no'n si Yvex at Astrid. Hingal na hingal ito at parang may hinahanap.

"Excuse me," he said while gasping for air. "Nasaan si Tryze?"

"Hoy, may espiya!" Pagbibiro ni Xenia nang makita si Yvex. "Joke lang, mare! Hehe, ayon si Tryze, oh!"

Itinuro ako ni Xenia at taka ko namang tinignan si Yvex. Sinenyasan ako ni Yvex na lumabas sa room.

"Bakit?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Kinakabahan akong tinignan ni Astrid.

Alangan pa itong nagsalita. "S-Sasabihin ba talaga natin?" Tanong nito kay Yvex.

"Malamang! Ikaw na magsabi! Hindi ko kaya!" Sunod-sunod na sabi ni Yvex. Kumunot ang noo ko sa sinasabi nila.

"Ano bang sasabihin niyo?" Tanong ko. "Dalian niyo! Ayoko ng pabitin. Sasakalin ko kayo."

Huminga ng malalim si Astrid bago magsalita. "A-Ayaw naming makialam sa relasyon niyo ni Clyde, pero... ayaw rin naming gaguhin ka niya..."

"Nakita namin si Clyde, Tryze," mahinahong sambit ni Yvex. "K-Kahalikan niya si Gwen..."

Sandali akong natahimik dahil doon. Hinihintay nila ang reaksyon ko pero sa halip na umiyak ako sa harap nila, nginitian ko lang sila.

"Bakit ka ngumingiti?" Takhang tanong ni Astrid. "Don't tell me, hindi ka naniniwala sa'min? Oh my gosh, Tryze, nakita naming dalawa 'yon–"

"Alam ko na 'yan," sambit ko sa kanilang dalawa na naging dahilan upang matahimik sila. "Kagabi ko pa nalaman pagkatapos ng pre-pageant..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status