Share

Chapter 17

Iyak ng iyak si Kisses habang pinagmamasdan ang anak niyang nasa NICU. Naka upo siya sa wheelchair at nakasilip sa malinaw na salamin. Mula sa labas ay kitang kita niya ang mamula mulang kutis ng anak. May dextrose, may oxygen at may ilaw na nakatutok rito. Alam niyang delikado ang lagay ng anak dahil nsa ika pitong buwan palamang ito. Ang tanging dasal nalamang niya ay huwag itong sumuko, huwag kunin ng panginoon sa kanya ang kaisa isang bagay na kahit masakit ay pinilit niyang tanggapin at mahalin.

"Tama na, hwag ka nang umiyak, ang lakas lakas kaya ng baby mo. Sabi ng pedia sa lahat ng inianak ng premature yang baby mo ang pinaka malakas, aba kinukuha palang daw sa tiyan mo eh makulit na iyak na agad ng iyak." natatawang kwento ni Irene kay Kisses.

"Hi mommy, good evening pasok po kayo at para mapa dede ninyo po ang baby ninyo, dito po kayo sa lactating area." turo ng nurse sa isang parte ng Nicu na may sofa at may pintong bubog.

"Nurse pwede rin ba akong sumama? Sige na please!!!"
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status