Share

Chapter 4

Rinig na rinig sa loob ng kabahayan ang mga impit na d***g ni Kisses at walang ginawa sina Dave at Rick kung hindi ang magtawanan. Masaya sila para sa kaibigan dahil ngayon lamang ito nag uwi ng babae.

Samantalang nagtataka si Xander sa ginawi ng dalawang kaibigan. "Anong nakakatawa?" galit na tanong nito.

"Wala pre! tssk hindi mo naman kami na inform na nag uwi ka pala ng chikababe dito. Hot ba pre!? Pwede ba makita ng mahusgahan.?" panunukso ni Dave.

"Pwede bang maka sideline d'yan pre?" singit ni Rick na siyang ikinagalit ni Xander

"Out!" sigaw nito .

"Ha? Bakit pre?" nagugulumihanang tanong ni Rick.

"She's mine! Mine only! I want her to suffer in my hands. Walang sino man ang pwedeng maglaro sa kanya kung hindi ako naintindihan nyo ba? Ako lang!" sigaw nito sa mukha ni Rick kaya naman agad na inawat ni Dave.

"Mabuti pa pre mag pahulas ka muna at pag isipan mo lahat yang ginagawa mo baka sumosobra kana eh." payo naman ni Dave at saka inalalayan si Rick papalabas ng condo ni Xander.

Nahulasan na si Xander sa sobrang inis na naramdaman, nagtungo siya sa kusina at nagbukas ng ref, kinuha niya ang isang beer in can at tinungga iyon. Papasok na sana siya sa silid ng maalala ang dalaga kaya naman binalikan niya ito at ganoon nalang ang gulat niya ng makitang nakabaluktot ito at tila walang malay hubo't hubad sa gitna ng ulanan.

Bumalik siya sa loob ng bahay at dumiretso sa kanyang silid kinuha niya ang kumot na nakita at tapos nuon ay binalikan ang dalaga binalot niya ito bago ipinasok sa bahay. May isang silid na bakante sa kanyang condo duon niya dinala ang dalaga at marahang inihiga sa kama. kumuha siya ng panibagong kumot at pinalitan ang kumot na nakabalot dito pagkat nabasa iyon.

Pauli uli siya sa paanan nito habang hindi maintindihan ang gagawin paulit ulit niyang tinatampal ang kanyang noo. Sa kaloob looban niya ay may nag bubulong na tama lamang ang kanyang ginawa ngunit may isang bahagi sa puso niya ang nagsasabing mali siya.

Dahan dahan niyang nilapitan ang dalaga ng makitang kumibo ito. Nanginginig ito sa ginaw hinipo niya ang noo nito at tama nga ang hinala niya inaapoy ito ng lagnat kaya naman hininaan niya ang aircon upang maibsan ang lamig na nadarama nito.

Pumasok siya sa banyo at kumuha ng hot towel pinunasan niya ang buong mukha ng dalaga at nakita niya ang gasgas sa makinis nitong mukha maging ang pamamaga ng labi nito ay di nakaligtas sa kanyang paningin.

Muli siyang pumasok sa banyo upang basain ang towel pinunasan niya ang buo nitong katawan at nang matapos ay kumuha siya ng t-shirt niya at panjama binihisan niya ito bago muling binalot ng kumot.

Hindi naman masama si Xander ngunit dala ng matinding galit sa dalaga ay kinakailangan niyang gawin ang ganito. Nais niyang pagbyarin ang babaeng ito sa sakit ng kalooban na ibinigay sa kanilang pamilya.

Dahil narin sa kalasingan ay nakatulog si Xander habang nakaupo sa isang upuan na malapit sa higaan ng dalaga at habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha.

Mdaling araw nagising si Kisses dahil sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam binalot niya ang sarili ng kumot ng bigla niyang maalala ang nangyari kaya naman pinilit niyang bumangon at nakita niya ang lalaki na mahimbing na natutulog napagmasdan rin niya ang kanyang suot.

Pinilit niyang bumangon ng dahan dahan at kinuha lahat ng kanyang kagamitan hindi na niya nagawang mag bihis sa takot na magising ang lalaki at maabutan siya.

Walang sapin ang mga paa na lumabas siya ng condo, maging ang guard ay nakatingin sa kanya ngunit wala siyang pakialam. Pinara niya ang unang taxi na dumaan at saka nagmamadaling sumakay duon. Sa loob ng Taxi ay tahimik siyang umiiyak. Panay ang tingin ng driver sa salamin at sinusulyapan siya. Nagpahatid siya sa kanilang munting bahay, agad na naghanap ng gamot at uminom. Hindi na siya nagpalit ng suot niya nahiga na siya at agad nakatulog.

Kinabukasan ay masakit ang katawan ni Xander ng magising dahil sa pagkakaupo magdamag. Agad hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga ngunit wala ito sa kama. Tumayo siya at lumabas ng silid hinanap niya sa buohan ng bahay ang dalaga ngunit wala ni anino nito.

Ilang araw ang nagdaan hindi nagparamdam si Xander kay Kisses. Walang tawag or text kaya nakampante ang dalaga inisip nalang niya na baka iyon na ang katapusan ng kanyang paghihirap.

Araw na ng paglabas ng kanyang inay sa ospital, dumiretso sila sa bahay at gaya ng dati halinhinang magbantay ang magkapatid. Hindi na muli pang tumuntong sa si Kisses nangako siya sa sarili na hindi na siya tutuntong sa bar na yun. Kaya naman doble kayod siya sa pagtitinda.

Huling araw ng pasukan mag tatlong linggo narin ng sinapit niya ang kalapastanganan sa kamay ni Xander. Pinipilit nalamang niya itong kalimutan. Masaya siyang umuwi mula sa paaralan para ihatid ang magandang balita sa kanyang ina.

"Inay! Inay! Nay narito na po ako. Nay cum laude po ako nay! Aakyat ka po sa stage para sabitan ako ng medalya." masaya at maluha luha niyang balita sa ina.

Dahil sa sobrang saya ay hindi niya napansin ang isang taong titig na titig sa kanya. Agad siyang niyakap ng ina.

"Sinasabi ko na nga ba at hindi mo ko bibiguin anak. Matatapos din lahat ng paghihirap natin at makakahanap ka ng trabaho na maayos ang kita para hindi ka na nahihirapan sa pagtitinda."

"Opo inay! Makakaalis din tayo sa lugar na ito at maibibili ko kayo ng bahay at lupa. Mapapagtapos ko si Kobie at makakabayad tayo sa mga utang natin. Simula na ito nay, pangako ito na po ang simula ng pagbabagong buhay nati------" hindi niya natapos ang sasabihin ng makita si Xander na nakaupo sa isang sulok ng bahay nila at tahimik na nakikinig sa pag uusap nilang mag ina. Tiningnan niya ito ng matalim, "Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong niya sa lalaki

"Ah anak kanina pa siya rito, hindi mo naman kasi nabanggit sa akin na nagwo-working student ka pala at siya pala ang amo mo." saka nito binalingan ang panauhin. "Sir Xander pasensya na po kayo at sa sobrang tuwa ko eh nakalimutan kong nariyan ka nga pala." at muling binalingan ang anak. "Sige anak papasok na muna ako sa kwarto at ako'y parang hinahapo. Asikasuhin mo muna si Sir Xander ha. Sir paaok na ho muna ako." tumango lamang ito ng bahagya atvsaka ngumiti.

Nang makapasok ang ina sa silid ay saka hinarap ni Kisses si Xander. "Anong ginagawa mo dito?"

"Narito ako para maningil. Hindi ka pa tapos magbayad ng iyong utang sa'kin." Komportableng komportable ito sa pagsasalita.

"Huh? Ang lakas din naman ng loob mo magpakita sa akin matapos mo akong babuyi----."

"Bago ka magsalita isipin mo muna kung saan kitang lugar binili. Bayad ka na at sobra sobrang halaga ang ibinayad ko sayo. Kaya wala kang karapatang tumutol sa gusto ko."

"Hanggang kailan mo ba ako gustong mag trabaho saiyo. Hindi ba maaaring hintayin mo munang maka graduate ako ng sa ganoon ay makahanap ako ng magandang trabaho at mabayaran kita ."

"Isang buwan! isang buwan kang titigil sa condo ko at gagawin lahat ng gusto ko pagkatapos nuon ay hindi na kita gagambalain pa." matapos magsalita ay walang lingon likod itong umalis ng bahay nina kisses.

Samantalang hindi maintindihan ni Kisses ang gagawin isang buwan niyang makakasama sa iisang bubong ang taong lumapastangan ng kanyang pagkababae. Kakayanin ba niya at anong gagawin nito sa kanya sa loob ng isang buwan pagpaparausang ng paulit ulit. Biglang tumulo ang masagana niyang luha.

Nagdisisyon siyang papayag na siya at least after ng one month ay wala na siyang poproblemahin pa. Magpapaalam nalamang siya sa kanyang ina na mag tatrabaho.

Sakay na si Xander ng sport car niya ngunit hindi parin siya umaalis sa kinapaparadahan niya.

'Bakit naaawa ako sa kanya? Hindi pwede ito, iisa ang kailangan ko at iyon ay walang iba kung hindi ang paghigantihan siya. Oo tama mahaba haba narin ang isang buwan at isinusumpa ko na gagawin kong impyerno ang bawat araw na makakasama mo ako." bulong nito sa sarili at saka mabilis na pinasibhad ang sasakyan.

Dumating ang araw ng graduation at masayang nakapag tapos si Kisses. Ngunit hindi niya alam na iyon na rin ang araw kung saan maghihiwalay silang mag anak.

Pag uwi na pag uwi nila ay agad kinausap ni Kisses ang ina. Ipinagpaalam niya ang kanyang nabuong desisyon

"Nay isang buwan lang ho ako mawawala kailangan ko lamang makabayad sa utang natin kay sir Xander. Siya po ang gumastos sa operasyon ninyo kaya buhay kayo ngayon at kasama namin ni Kobie." tumayo siya at pumasok sa silid niya muling lumabas dala ang isang may kalakihang alkansya. "Inay ito po ang perang naipon ko gastusin ninyo ni Kobie pambili ng gamot at pagkain kung kulangin po magpapadala ako. Basta ipangako nonyo lang sa akin na hindi na kayo ulit magkakasakit. Mabilis lang po ang isang buwan nay hindi ninyo namamalayan ay narito na ulet ako."

Hindi naman nagdalawang salita si Kisses sa ina agad siyang pinayagan. Umiiyak siyang nag impake ng gamit niya para makapunta na sa condo ni Xander.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status