LOGINMATTEO YVERICK ZAMORAS "You're mine. Everything you own is mine. Your body, your soul, your mind, and even you... are mine. Only mine." KAKAI BAUTISTA 'Kung pagmamay-ari niya ako, paano na ako? Pati ba naman kalayaan ko, kukunin pa niya?' Isang boss na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Isang sekretarya na hindi marunong sumunod nang walang reklamo. When Matteo Yverick Zamoras decides that Kakai Bautista belongs to him, he expects nothing less than complete obedience. Unfortunately, he has chosen the wrong woman. Dahil kung may isang bagay na hindi kayang bilhin ng kahit gaano kalaking pera, iyon ay ang bibig at katigasan ng ulo ni Kakai Bautista.
View MoreKakai
Hala! Baha pa rin sa labas. Paano ako makakapasok sa trabaho nito? Patay talaga ako sa boss kong dragon. Siguradong raratratin na naman niya ako ng bunganga niya na akala mo naman talaga ay sobrang perfect niya. Ang sarap na ngang sabihin na 'Perfect ka, sir? Eh di ikaw na lang magtrabaho lahat!' Kairita! Pero siyempre kailangan kong magpa-good shot dahil masyadong malaki ang sahod ko, baka bigla akong tanggalin. Isa pa at malapit na ang christmas kaya kailangan kong magpakabait pa lalo. Hehehehe Puwede ko kayang sabihin na pass muna ako sa trabaho ngayong araw? Wow, na parang umiinom lang ah? Napapadyak ako sa inis dahil maganda pa naman ang outfit ko today tapos biglang bumaha. Kung bumalik na lang kaya ako sa kwarto, tapos ay kalimutan ko na ang trabaho ko? "And forget about your salary too!" Napailing ako nang marinig ko ang boses ng demonyong 'yon sa isipan ko. Nakakakilabot. Kahit nasa boarding house ako, naririnig ko ang malamig na boses ng napakasungit kong boss. Para siyang babaeng may regla, laging galit kahit wala naman akong ginagawa. Kapag may ginagawa naman ako, laging palpak sa paningin niya. Anong gagawin ko? Mag-isip ka nga, Kakai! Kung hindi ikaw ang kakatayin ng lalaking 'yon! Pabalik-balik ang lakad ko habang nasa sala at iniisip kung ano bang gagawin ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko muna bago ko sinagot. Nakahinga ako nang makita kong si Nichole iyon—isa sa mga kasamahan ko sa trabaho. Sinagot ko agad. "Nics, baka naman pakisabi sa dragon nating boss na ma-late ako o baka hindi ako makapasok dahil baha pa rin sa area namin." Mabilis kong sinabi; hindi ko na hinintay na magsalita siya. "You're coming here, or you're fired!" Huminto ang mundo ko nang mapagtanto kong hindi si Nichole ang kausap ko kundi ang dragon kong boss. Natutop ko ang aking labi. Agad kong pinatay ang tawag. "Oh em gee!" sigaw ko at madramang naupo sa sahig. Patay. Kaya naman, kahit na sobrang taas ng baha sa may boarding house, sumakay ako sa salbabida na ino-offer ng taga-doon saka nagbayad nang makarating na sa dulo kung saan ay wala nang baha. Pero lintik, dahil pagkababa ko pa lang mula sa salbabida ay bigla akong nadapa at nahulog dahil pagtapak ko ng aking heels sa may lupa ay nalibing iyon kaya sa huli ay nabasa rin ang aking puting sando sa ilalim na pinatungan ko ng beige na cardigan tapos skirt na maong. Napapikit na lamang ako sa inis. Great, kung may award lang talaga ang pinakamalas na tao sa buong mundo baka ako na ang panalo. Huli na para sisisihin ko ang kung sino dahil kasalanan ko naman talaga. Nilingon ko ang sa likod ko. Malayo na rito ang boarding house ko. At kapag bumalik pa ako, siguradong mas lalo lamang na magagalit si Sir Matteo sa akin. ANONG GAGAWIN KO NGAYON? ~SA PENTHOUSE NI MATTEO~ Hindi nga ako nagkamali dahil pag-akyat ko pa lang sa kanyang opisina dito sa kanyang napakalaking penthouse ay agad na niya akong binato ng folder na tumama sa sahig. Tiningnan ko iyon. "You're 1 hour late and show up with a wet dress!" Asik niya. Huminga ako nang malalim. Kailangan mong kalmahan ang sarili mo, Kakai. Boss mo siya. Pinapasahod ka niya. Kapag wala siya. Ano na lang ang ibibigay mong pera para sa mga magulang mo na matanda na at sa may sakit mong kapatid, di ba? Kaya kumalma ka. Kailangan mo ang pera ng boss mo. Pinulot ko iyon at naglakad patungo sa kanya kahit para na akong basang sisiw. "Ano pong kailangan niyo, sir, at pinapamadali niyo akong papuntahin dito?" mahinahon kong tanong saka inilapag ang folder na binato niya sa kanyang table. "Nothing." Mariin niyang sagot. Biglang pumantig ang tenga ko nang marinig ang sagot niyang iyon. ANO RAW?! "Ano?" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata, pero saglit lang iyon na parang hindi ko nakita. Wala na akong pakialam kung magalit siya sa akin. Mas galit ako ngayon! Tumiim ang aking bagang, parang kakatayin ko siya ng buhay sa tingin. Tumingin ako sa basa kong sapatos, at nanginginig kong katawan dahil sa lamig dahil nabasa ako kanina tapos... "Lumusong ako sa baha para lang mapuntahan ka dito dahil ang buong akala ko ay may importanteng bagay kang ipapagawa sa akin tapos sasagutin mo ako ng 'nothing'?" Nilakihan ko ang aking mga mata para malaman niya na galit ako. Napakurap siya. Hindi ko siya kailanman sinisigawan dahil ayokong mawalan ng trabaho. Pero dahil sumosobra na siya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Alam ba niya kung anong ginawa ko para lang makapunta dito? ALAM BA NIYA? HINDI!!! Umuusok na ang ilong ko habang matalim ang tingin sa kanya. Kaso lang, dahil dragon siya, hindi siya nagpapatalo sa akin. Tumayo siya at marahas na naglakad patungo sa akin. Para akong nahimasmasan sa sandaling iyon dahil agad akong napalunok. Halos ilang inches na lang ang layo ng mukha naming dalawa. Pinigilan ko ang sarili kong huminga habang nilalaban ang kanyang mariin na titig. Pero hindi maitatago no'n ang malakas na tibok ng puso ko, parang may nagkakarera. "Did you just yell at me, Miss Kakai?" Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay parang kutsilyo na animo'y nakatutok sa aking leeg. Mahigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking palda, at talagang hindi inalis ang matalim kong tingin sa kanya. Hindi ako uurong. I leaned closer to him. Hindi niya ata inaasahan iyon kaya bahagya siyang napaatras. "Sir, hindi po kayo naging makatarungan." "I'm your boss," napangiwi ako sa sagot niya. Palagi namang ganyan ang sinasabi niya. Kinuyom ko ang aking kamao sa gilid ko. "Wala—" "I'll cut your salary if you dare to talk back to me again." May pagbabanta sa tono ng kanyang boses. Kaya naman, agad din akong umatras pahakbang at saka ngumiti nang matamis tapos ay nagpapuppy eyes pa. "Ikaw naman, sir, hindi talaga mabiro—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad na siyang sumigaw sa mukha ko. "So," marahan niyang sinabi sa may pilyong ngiti, hilaw akong napangisi pero agad ding dumilim ang kanyang mukha. "Get the fvcking out of here, or I'll fire you, Kakai." Malamig pa sa yelo niyang sinabi. Ako naman ay nagkukumahog na umalis, halos nagsitapon pa iyong mga dokumento, pero wala na akong nagawa dahil para na siyang dragon sa paningin ko. "I SAID GET OUT!" Sigaw niya na nag-e-echo sa loob ng kanyang opisina.Matteo I didn't know that a woman could be this troublesome. Una, pumasok siya sa kumpanya ko na basa ang buong damit at kita na ang lingerie niya, kaya ako nagalit. Hindi ko maintindihan dahil may epekto siya sa akin. Pangalawa, binato niya ako ng kumpol na papel at hindi man lang siya humingi ng tawad. At may gana pa siyang hamunin ako sa sarili kong kumpanya. The nerve, right! And now, she had nearly poisoned me with her sauce. Napailing ako. Hindi ako makapaniwala na hindi ko pa siya sinesante. Dapat ay pinaalis ko na siya. But somehow... I couldn't. Parang may bumubulong sa akin na huwag ko siyang paalisin sa hindi ko malamang dahilan. So, I didn't. But of course, I'll make her suffer in every single way. Sa paraan na alam kong pagsisisihan niya na binagga niya ako. Pero somehow, she's getting on my nerves talaga. "Cold coffee for rain? Talaga ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya. I saw her lips twist; she was trying to hold back the
Kakai Tinitigan ko lang ang lobster at king crab na nasa harapan ko. Anong gagawin ko sa mga 'yan? Malamang lulutuin! Boba din talaga ako minsan. Minsan lang naman. Napapikit ako sa inis. Kung hindi ka ba naman kasi isang loka-loka, Kakai. Eh di sana ay wala ka sa sitwasyon na ito. Sanay ako sa pag-aayos ng dokumento, pag-a-arrange ng schedule ni Sir Matteo, at pagsunod sa lahat ng utos niya nang hindi nagrereklamo basta hindi niya inaagrabiyado ang pagkatao ko. Pero ito? Napailing ako habang naiiyak na pinagmamasdan ang mga iyon sa harapan ko. Para silang buhay na kumakaway sa akin upang lutuin ko. Napangiwi ako. "Manood ka na lang ng tutorial," offer sa akin ni Kael na nakaupo lang sa may unahan. Parang supervisor. "Kung ikaw kaya magluto dito," asik ko, pero nagkibitbalikat lang siya. Hindi naman niya ako puwedeng tulungan at baka biglang sumulpot ang dragon na demonyo kong boss. At baka mas malala pa dito ang ipagawa sa akin. Huminga ako na
Kakai Hinawakan niya ang kanyang ilong na may dugo, matalim ang tingin sa akin. Hala! Hala, ang 100,000 ko! Patay. Halos maubusan na ako ng hangin sa kakapigil-hininga habang nakatingin sa kanya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na lumuhod. Wala akong sinayang na oras at humingi ng tawad sa kanya. "S-sir, s-sorry po," mabilis kong sinabi kahit na nauutal na. "Patawarin niyo po talaga ako, Sir!" Wala siyang sinabi. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Ako naman ay nakaluhod lang at kaharap ang sahig habang mariin na pinipikit ang aking mga mata. Ano ba kasing nakain ko at bigla-bigla ko na lang siyang binato? Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin maintindihan ang tibok ng puso ko. Parang binabayo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Paano na ang sahod ko? Paano na ang future ko? Ang mga vitamins nina lola? Gusto kong kutusan ang sarili ko pero kailangan ko munang humin
Kakai "Napagalitan ka na naman ba?" "Bakit may bago ba?" patanong kong sagot kay Kael, assistant ng boss kong may dalawang D—dragon at demonyo. Huminga ako nang malalim pero hindi pa ako tapos nang matalim na mata ng boss ko ang sumalubong sa akin. "Get into my office." Nalaglag ang panga ko. Gusto ko pang magkape! Pero itinikom ko ang aking bibig at agad na sumunod sa kanya sa loob. Diyos ko, masisiraan na yata ako ng bait sa lalaking ito. Pumasok ako sa loob ng kanyang opisina. Madalas ay sa penthouse niya siya nagpapahinga, mabuti, at naisipan niyang bumisita sa kanyang kumpanya. "Where is my coffee?" Kumunot ang noo ko. Nag-angat ang tingin niya sa akin. Agad na nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay, at umigting ang mga panga nang makita akong naguguluhan. "You've been working for me for three years, yet you still didn't know my routine?" Sarkastiko niyang tanong. Gusto ko siyang sagutin. "Baka naman gusto mong bawasan ko ang s
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)











Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.