DUMATING na ang araw na kanilang pinakahihintay, ang araw nang pagpapakilala kay Evren sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. Abala na ang lahat ng tao sa mansion, marami ng bisita ang dumating, “Cleo, dumating na ba lahat ng bisita?” tanong ni Ryan sa kaniyang secretary. “Not yet, sir,” sagot nito, nang may dumating pa na bisita, at lumapit sa kanila. “Name sir?” tanong ni Cleo rito. “Mr. and Mrs. Dela Cruz.” Sagot nito, “Welcome, Sir!” pagbati ni Cleo rito. Kaya naman pumasok na ito sa loob kung saan naroon ang lahat ng malalapit na kaibigan at associates ni Ronaldo. Agad na pumasok si Ryan sa loob ng mansion at nagtungo sa silid kung saan naroon si Evren at Ronaldo. “They’re here!” anito, nagtinginan ang magtito saka tumango sa isa’t isa. “It’s time,” wika ni Ronaldo sa kaniyang pamangkin. Kaya naman inayos na nila ang kanilang mga sarili at sabay na lumabas ng silid. “GOOD EVENING, everybody!” panimulang pagbati ni Ryan sa mga bisita. Nang makuha na niya ang
“EVREN? I-iyon ang pangalan mo?” tila nais mautal ni Evren sa narinig. “You’re the son of Andrew and Isabella Dela Cruz?” tanong nito sa binatang kaharap, habang nakangiti ito sa kanya. “And mabuti pa bumalik ka na sa mga magulang mo, baka hinahanap ka na nila.” Wika niya rito, ngunit nanatili itong nakatingin sa kaniya. Kaya muli niya itong tinanong, “May problema ba? Hindi ka pa ba nakapunta ng banyo?” nakita niyang umiling ito kaya bahaya siyang natawa. “Halika, sasamahan na kita at baka kung saang silid ka na naman mapasok!” natatawang saad ni Evren dito, kaya sinamahan na niya ito. Ilang saglit lang ay nakatapos na sa paggamit ng banyo si Reece, “Salamat po ulit, pasensya na rin sa abala.” Hingi nito ng paumanhin. “Wala iyon, may kailangan ka pa ba?” tanong ni Evren kay Reece. Tumango naman ito sa kaniya at nagsalita. “Gusto kop o sanang makita ulit yung mga disenyo mo, hilig ko rin po kasi ang gumawa ng mga ganoon, pero ayaw naman ni Daddy, mag-architect daw ako dahi
TULAD nang pangako ni Evren kay Reece, tinuruan niya ito. Dahil nasa Opisina si Evren ng tumawag ang binatilyo sa kaniya, doon na niya ito pinapunta. “Sir Calvin, ito po ang mga samples nang mga nagawa ko.” Wika ni Reece kay Evren, nang ipakita nito ang mga gawa nitong design. Kaya kinuha ito ni Evren at tinignan isa-isa. Napahanga si Evren dito, dahil ang mga design nito ay halos nalalapit sa kaniya. Pareho ng aspeto at kung sususmahin ay wala itong pinagkaiba sa kaniyang ma gawa. “This is so amazing! Sino ang nagturo sa iyo?” tanong niya rito. Ngumiti lang si Reece bago sinagot ang tanong ni Evren. “Hindi naman po sa pagmamayabang, talent ko na po ito simula pa lang noong bata pa ako. I really don’t know pero sobrang hilig ko po ang gumuhit, speacially when the idea just got into my mind. But when my dad saw me making them , he got furious. Kinuha niya ang mga gawa ko at sinunog ang lahat. Sobra ang iyak ko noon. Kaya ngayon kapag gumuguhit ako, itinatago ko itong lahat dahi
NANG maiparada ni Evren ang sasakyan sa harap ng mansyon, nakita niya ang kaniyang tito ryan na palabas ng pintuan. Nang makita siya agad siya nitong binati. “Hey! Kumusta ang lakad mo?” Tanong nito sa kaniya. Ngumiti siya at umakbay dito. “Everyhing’s fine! Lahat ay naa-ayon sa plano at hindi sila maghihinala.” masayang saad nito. “Evren, paalala lang na hindi kasali ang mag-ina sa plano mong paghihiganti kay Andrew, hindi nila alam kung ano ang ginawa nito sa iyo. They’re innocent!” paalala nito sa kaniya. “I know, tito. Pero hindi ko magagawa ang plano kung hindi ako makikipag lapit sa mag-ina. Sila lang ang daan para mapalapit pa ako sa hudas na si Andrew.” Inis na sagot nito. “Evren,mag-iingat ka sa gagawin mo, alam ko na nais mong maghiganti sa ginawa sa iyo nang kaibigan mo, pero isipin mo ang mga taong gagamitin mo para lang magawa ang plano mo.” Muling paalala nito, “susuportahan ka namin ng iyong Uncle Ronald, just make sure to be careful from your actions.” Anit
“SAAN ka galing?” istriktong tanong ni Andrew ng makita ang anak na pumasok ng pintuan. “Dad! I’m sorry.” Hingi nito nang paumanhin sa ama. Alam ni Reece nag alit ito dahil inabot ito ng kaniyang curfew. “Ipaliwanag mo, bakit ngayon ka lang?” galit pa rin tanong ni Andrew sa anak. “Dad, I’m with—“ naputol ang kaniyang sasabihin ng lumitaw si Calvin sa likod ng binata. “He’s with me,” matapang na sambit nito kay Andrew. Tila nagulat naman si Andrew nang makita ito na kasama ang anak. “Sorry, Mr. Dela Cruz, kung ginabi siya ng uwi, galing siya sa bahay, because I invite him to have dinner with me. Medyo na libang kasi si Uncle sa pakikipagkuwentuhan sa kaniya. Kaya nagmalasakit na akong ihatid ang anak mo.” Paliwanag ni Calvin. Agad na nawala ang galit ni Andrew nang makita si Calvin. Kaya naman masaya niya itong binati. “Mr. Del Fierro, naging pasaway ba ang anak ko? mana talaga ito sa nanay niya, matigas ang ulo!” wika ni Andrew. Pasimple siyang tumingin kay Reec
PAGKATULOG ni Annie ay umalis na si Calvin sa bahay ng dalaga. Pagkarating niya sa mansyon, nakita niya si Don Ronaldo na naka-upo sa sofa. Kaya naman nilapitan niya ito at nagbigay galang. “Uncle, bakit gising ka pa, hindi ka na naman ba makatulog?” nag-aalalang tanong niya rito. Tumango ito at ngumiti sa kaniya. “Hindi lang ako makatulog, naiisip ko lang ang binatang si Reece, nakakatuwa ang batang iyon at halatang sabik sa ama, mukhang hindi talaga siya pinagtutuunan ng pansin ni Andrew. Kung ako lang ang papipiliin mas gusto kong ikaw ang ama niya. Dahil mas bagay kayong maging mag-ama.” Anito, napangiti lang si Calvin sa tinuran ng kaniyang uncle, kaya naman tinapik niya ito sa balikat, “Uncle, ang mabuti pa magpahinga ka na, dis-oras na nang gabi ihahatid na kita sa silid mo.” Aniya,kaya naman inalalayan niya ito hanggang sa sild nito, Nang makita na niya itong maayos ay nagpaalam na siya rito at pumasok na sa kaniyang sariling silid.Pagkahubad niya nang kaniyang damit
MAAGANG gumising si Calvin upang bumalik sa bahay ni Annie, pagkarating niya roon nakita niyang nagluluto na ito ng almusal. “Annie,” tawag niya rito. Nang marinig nito ang kaniyang pagtawag agad na nagliwanag ang mukha nito at mabilis na lumapit sa kaniya. “Calvin!” anito, at mahigpit siya nitong niyakap. “I am so happy! Akala ako hindi mo na naman ako babalikan.” Wika nito na may bahid ng pagtatampo. Kaya naman masuyong hinaplos ni Calvin ang pisngi ni Annie at banayad na hinalikan sa labi. “I’m sorry, gusto kong bumawi sa iyo. I want you to dress up and refresh your self, cause we are going out of town.” Aniya, malapad na ngumiti si Annie at mabilis na hinalikan siya sa labi. “Just give me ten minutes,” anito saka muling humalik sa labi ni Calvin at nagmamadaling umakyat ng hagdan. Sinundan lang ito ng tingin ni Calvin at naupo sa sofa. Hindi nagtagal pababa na ito ng hagdanan, naka simple floral dress ito na tinernohan ng flat sandals, inilugay lang niya ang kaniyang l
SA isang hotel muna nanatili ang magkasintahang Calvin at Annie. Dahil napasarap ang kuwentuhan at pakikipag-usap ni Annie kay Isabella, hindi na nila napansin ang oras. Kaya naman nagdesisyin na ang dalawa na doon na magpalipas ng gabi. Kaya naman pagkahatid ni Calvin kay annie sa kanilang hotel room nagpaalam siya rito na lalabas at may bibilhin. Pumayag naman ang dalaga rito, kaya naman bago ito tuluyang makalabas ng silid, humalik muna ito sa labi nang kasintahan. “Bilisan mo, pagbalik mo naka-ready na ako.” Tila nang-aakit na wika nito kay Calvin. Ngumiti lang ito at saka naglakad palabas ng kuwarto. Pagkalabas nito mabilis itong naglakad patungo sa hagdan. Pagkarating niya sa kasunod na floor nakita nito si Isabella kasama si Andrew. Papasok na ang mga ito sa sariling silid nang mapansin siya ni Isabella. Pumasok ito at ilang saglit lang ay nakita niya na palabas na ito ng silid. Agad siya nitong sinundan sa fire exit, kung saan naghihintay si Calvin habang nakaupo sa hagdan. Pa