Share

Chapter Twelve

ARAW-ARAW na tinuturuan ni Ronald si Evren, simula sa pagsusulat at maayos na pagbabasa, buong araw nila itong ginagawa kahit na mayroon silang ginagawa sa loob ng kulungan, patuloy pa din siyang tinuturuan ng matanda. mathematics, history, at iba pang maaring maituro sa binata.

        Dahil determinado si Evren na matuto, nakikinig siya ng maigi sa mga itinuturo sa kaniya ni Ronaldo, kaya isang linggo pa lang ay hasa na siya sa pagbabasa ng tagalog at ingles. tuwing dumadalaw ang matalik na kaibigan ni Ronaldo sa kaniya, nagpapadala siya ng iba't ibang libro na maaring ituro at ipabasa kay Evren. marami pa itong bagay na itinuro rito, 

Habang nakahiga, at bago matulog, binabasa ni Evren ang mga libro na ipinahiram sa kaniya ng matanda. Isinasaulo niya ang lahat ng mga ito, at kinabukasan, tinatanong siya ni Ronaldo ukol sa libro na kaniyang nabasa. 

       "Magaling, Evren." Masayang wika ni Ronaldo sa kaniya. Abala pa sila sa pag-aaral ng tawagin siya ng isang pulis, 

        "Del Fierro, May dalaw ka!" Sigaw nito sa kaniya kaya nagpaalam muna siya kay Evren at naglakad na patungo sa gate kung saan naroon sa kabila ang mga bumibisita sa kanila. 

Pagkalabas niya nakita niyang naroon ang matalik niyang kaibigan na si Ryan, nakita niyang masaya ito, kaya naman nang lumapit siya rito agad siyang kinamayan, na kaniya namang ipinagtaka.

      "Why, what's going on?" Tanong niya rito. 

     "Ronald, iniurong nila ang kaso laban sa iyo, nalaman namin na peke ang lahat ng mga documento na ipinakita nila bilang ebidensya laban sa iyo, nag-back fire sa kanilang yung mga kalokohang ginawa nila. Kaya bukas makakalaya ka na inaayos ko na ang mga papeles and after that your getting out of here." Masayang wika nito sa kaibigan.

       "That's good, thank you Ryan!" Anito,

       Mahaba pa ang pinag-usapan ni Ronaldo at Ryan bago ito nagpaalam sa kaniya. Kaya ng makapasok siyang muli sa loob ng selda, masaya siyang lumapit kay Evren at sinabi ang magandang balita. Ngumiti lang si Evren, ngunit bakas dito ang kalungkutan. Kaya naman inakbayan niya ang binata at kina-usap. 

       "Bakit naman malungkot ka, makakalaya na ako," anito, 

       "Masaya naman po ako na makakalaya na kayo, pero sigurado na babalik na naman ako sa dati, malungkot, at nag-iisa." Wika ni Evren dito, ngumiti si Ronaldo sa kaniya at nagwika. 

        "Evren, hijo. Kapag nakalabas ako, tutulungan kitang makalaya, pangako ko iyan sa iyo." Saad nito na ikinangiti ng binata. 

       "Talaga po, magiging malaking utang na loob ko po sa inyo kung magagawa ninyong ako'y makalaya." Masayang aniya ni Evren.

        "Gagawin ko iyon Evren, ang pangako ay dapat matupad. Just wait for me, i'll do everything to get you out of here." Aniya no Ronald. 

       "I'll wait for you, Sir." nakangiting sagot ni Evren. Natuwa naman si Ronaldo dahil nakakaintindi at nakakapagsalita na ang binata ng wikang ingles.

      "Habang hinihintay mo ako, iiwan ko ang mga ito sa iyo" ang tinutukoy nito ay ang mga libro. "basahin mong muli ang lahat ng ito," bilin nito sa kaniya. 

      "Opo, sir." Aniya, ngunit natawa ito sa kaniya. 

       "Huwag mo na akong tawaging Sir, tito Ronald na lang." Wika nito. Kaya naman tumango si Evren sa matanda. 

      "RONALDO DEL FIERRO, oras na!" Wika ng isang guwardiya. Lalabas na ito ng kulungan kaya nagpaalam na ito kay Evren, iniwan niya ang mga libro kasama ang pangako niyang gagawa ito ng paraan na makalaya ang binata. Nagyakap silang dalawa bago ito lumabas. 

      "Mag-iingat po kayo," Wika ni Evren sa matanda, tumango ito sa kaniya at tuluyan na itong lumisan.

      Walang ibang ginawa si Evren kundi ang basahin at pag-aralan ang mga libro na ipinahiram sa kaniya ng matanda. 

       "Kaibigan!" Tawag sa kaniya ng isa sa kaniyang kasamahan. "Evren! Baka naman tumalino ka na masyado niyan." Sigaw nito sa kaniya, nagtawanan lang ang mga ito. Tumawa na lang din si Evren. At itinuloy ang kaniyang binabasa.

     Habang abala sa kaniyang ginagawa, narinig niya ang pagtawag ng warden sa kaniya. "Evren, hijo. May bisita ka!" Anito, kaya naman nagtaka siya labing anim na taon na ang lumipas ng huli siyang makatanggap ng bisita. Kaya naman napapa-isip siya sino kaya ang bibisita sa kaniya. Kaya naman naglakad na siya palabas ng selda at sumunod sa warden. Nang makarating sila sa lugar kung saan tumatanggap sila ng mga bisita. Nakita niyang si attorney Alvarez ito, kaya naman nakangiti niyang nilapitan ito. 

     "Attorney Alvarez, masaya po akong makita kayo,". Aniya, nakipagkamay siya rito at inalok na umupo. "Ano po ba ang meron at napadalaw kayo, ang huling naaalala ko binalitaan n'yo ako, tungkol kay Isabella, matapos nuon ay hindi na kayo bumalik. So anong masamang hangin ang nagdala sa inyo?" Tanong ni Evren na may kalakip na pagtatampo.

        "I'm really sorry, hijo. Talagang kinakamusta kita rito. Pasensya na kung ngayon na lang ako napadalaw, dahil sa abroad na ako nakatira. Umuwi lang ako dito sa pilipinas dahil nagkaroon lang ako ng meeting dito. So, kumusta nakikita kong maayos ka naman dito at salamat sa diyos." Nakangiting saad nito sa kaniya.

      "Maayos naman po ako rito. At salamat sa mga tao na narito, kahit mamatay na ako sa lungkot hindi nila ako pinababayaan." Wika ni Evren. Nakita niyang napayuko ang matandang attorney, 

       "Evren, nararamdaman ko na masama pa rin ang loob mo, pero hijo, believed me, Ginawa ko ang lahat para mapasawalang sala ka pero dahil sa dami ng ebidensya na ipinakita nila, tinanggap iyon ng korte nang walang masusing pag-iimbestiga. Marami sa kanila na halatang gawa na lang ang mga testimonya. Evren, maniwala ka hijo, gusto ka talaga nilang idiin sa kaso. Umapila ako sa paratang nila at gumawa ako ng sulat pero na decline ang mga sulat ko." Paliwanag ng matandang attorney. Bumuntong hininga lang si Evren at tumayo mula sa upuan.

       "Mananagot sa akin ang lahat ng tao na may kinalaman dito." Aniya, "salamat sa pagdalaw attorney, i appreciate your concern." At saka siya muling naglakad papasok ng selda. Naiwan namang nakatigalgal ang matanda. 

       Pagpasok niya sa loob ng kaniyang selda, muli niyang binasa ang naiwang libro. Ngunit wala na roon ang kaniyang isip. 

      "Kapag nakalaya ako rito, gagawin ko ang lahat upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ni Mr. Martinez, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya. Kaya naman sa halip na magbasa ipinikit niya ang kaniyang mata at pinilit na matulog. 

       "Attorney, kumusta si Evren?" Tinig ng isang babae.

        "He's fine. Mukhang masama pa din ang loob niya kahit labing anim na taon na ang lumipas." Anito, nang makapasok sa loob ng sasakyan. "Pero hija, ang Evren na nakita ko kanina ay iba sa Evren na nakita ko noon, malaki ang pinagbago niya." Saad niya. 

       "Paano n'yo nasabi na malaki ang pinagbago niya?" Tanong nito.

       "Isabella, basta ibang Evren na ang nakita ko kanina. Ang mabuti pa umalis na tayo bago pa malaman ng asawa mo na pumunta ka rito." Kaya naman agad na pinaandar ang sasakyan palayo sa kulungan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
SI Andrew siguro Ang pinakasalan ni Isabella
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status