Share

Chapter Thirteen

     Isang buwan na ang lumipas, simula ng makalabas ang kaibigan niyang si Ronaldo, madalas siya nitong padalhan ng iba't ibang libro, upang mabasa niya ito at mahasa siya sa pagbabasa. Lahat ng oras niya ay ginugol niya sa pag-aaral nang iba't ibang uri nang asignatura,at sa bawat libro na ipinadadala sa kaniya ay may mga tanong na inilalagay si Ronaldo. Sinasagot ito ng binata at ibinabalik niya ito ng may sagot na.

    Labis na nasisiyahan si Ronaldo sa mabilis na pagkatuto ng binata, habang binabasa niya ang papel na may mga tanong na galing sa kaniya, napapangiti siya, dahil sa maayos na nasasagot ito ng binata. 

     “Magaling, Evren.” aniya, habang abala siya sa pagrebisa ng mga papel, nakarinig siya ng marahan na pagkatok sa pintuan ng kaniyang opisina. “Tuloy!” aniya, marahan na bumukas ang pinto at nakita niyang ang matalik niyang kaibigan ang naroon.

    “Ronaldo, i have a good news!” masayang wika nito sa kaniya. Lumapit ito sa lamesa kung saan naroon ang kaibigan. Inilabas niya ang isang documento at ipinakita ito sa kaibigan, “Read this, sigurado na masisiyahan ka rito,” anito, kaya naman binasa ito ng matanda at habang binabasa bumabakas na rito ang ngiti sa mga labi,

    “Is this true?” nakangiting tanong nito aa kaibigan. Tumango naman ito bilang sagot. “Magaling! Sigurado ako na ikatutuwa niya ito.” tumayo si Ronaldo at kinamayan ang kaibigan bilang pasasalamat. “Ikaw na ang bahala sa lahat.” aniya, sa kaniyang kaibigan.

    “Ronald, hindi naman sa nagingi-alam ako sa mga desisyon mo, dapat ba natin siyang tulungan? you know, murder ang kaso niya, sa tingin mo tama itong gagawin mo?” seryosong tanong nito sa kaibigan. tumayo si Ronaldo mula sa kaniyang pagkakaupo at lumapit sa kaibigan. 

    “Hindi mo kasi nakikita ang tunay na pagkatao niya, may nakita ako sa kaniyang na hindi nakikita ng iba. Nararamdaman ko na malayo ang mararating ng binatang iyon,” ani ronaldo

    Wala na ang kaibigan, ngunit iniisip pa rin ni Ronaldo ang binatang si Evren, “Don’t worry, hindi kita pababayaan. Hangga’t narito ako walang sino man ang maaaring mang-api sa iyo.” aniya, kaya naman muli siyang bumalik sa kaniyang upuan.

    

    “EVREN MORALES! may bisita ka!” sigaw nang isang pulis, kung saan naroon ang binata. Agad naman tumalima si Evren at lumapit dito. “Salamat, Boss!” nakangiting wika ni Evren dito. Kaya naman naglakad na siya patungo sa visiting area, ngunit pinigilan siya ng pulis na tumawag sa kaniya. “Evren, hindi riyan, doon sa opisina ni Warden.” anito, kahit nagtataka sinundan niya ito patungo sa opisina na tinutukoy nito.

    Nang makarating sila roon,Evren, nakaramdam si Evren nang kaba. kaya huminga muna siya ng malalim, bago pumasok sa loob ng opisina. Pagpasok niya nakita niya si Ronaldo at ang kaibigan nito na madalas na nagdadala sa kaniya ng mga libro. 

    “Sir ,,, i mean Tito Ronald!” Masayang bati ni Evren rito. Mabilis siyang lumapit dito at Agad na yumakap. “I am so happy to see you here!” aniya, matapos ay kinamayan naman niya ang kaibigan nito. “Same here, hijo. Kumusta ka naman dito?” tanong nito sa kaniya ng ayain siya nitong maupo, ngumiti muna si Evren saka sinagot ang tanong nito. “maayos naman po.masaya talaga ako na makita kayo!” ani Evren.

    “Well mabalik tayo sa pinunta namn dito,” wika ni Ronaldo, saka bumaling sa warden. “Sabihin n’yo na sa kaniya ang balita.” 

    Nagtataka naman si Evren, kaya nagpapalit-palit ang tingin niya sa tatlong tao na kasama niya. “Ano po ba ang ibig ninyong sabihin?” lumapit sa kaniya ang warden a tumayo sa kaniyang harapan, seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. 

    “Evren,gusto kong malaman mo na …” anito, kinakabahan na ang binata dahil nakikita niya ang seryosong itsura ng mg kasama. “Gusto kong malaman mo na, makakalaya ka na!” masayang hayag nito kasabay ng pagpalakpak ni Ronald at ng kaibigan nitong si Ryan. “Congratulations, hijo! You deserved it.” bati sa kaniya ng warden, “dahil nakagawa ka ng mabuti rito sa loob, at sa tulong ni Don Ronaldo Del Fierro at Attorney Ryan Samaniego, mabilis na naproseso ang paglaya mo. Makakalabas ka na ngayong araw, ito ang release papers mo.” anito, saka iniabot ang isang folder sa binata. Dahil sa nalaman hindi makapagsalita si Evren.  tumingin siya kay Don Ronaldo, ngumiti ito at nag-thumbs up sa kaniya. Tila nais umiyak ni Evren, kaya lumapit siya sa matanda at yumakap. “Maraming salamat, tatanawin ko po itong utang na loob.” aniya, habang may butil ng luha sa mga mata. 

    “Hijo, tinupad ko lang ang pangako ko sa iyo, Ang mabuti pa maghanda ka na, aalis na tayo.” anito, tumango lang si Evren at saka tumalima upang ayusin ang kaniyang mga gamit. 

    

    “Mag-iingat ka Evren, pagpalain ka nang may kapal.” wika ng isa sa kaniyang mga naging kaibigan sa loob ng kulungan. “Huwag mo kaming kalilimutan, kaibigan. narito lang kami kapag kailangan mo ng tulong.” anito, habang nakikipag kamay rito. 

    “Wala naman siguro kayong ibang pupuntahan?” pabirong tanong ni Evren na may kahalong pagtawa. kaya naman natawa na rin ang mga ito. “Magkikita pa tayo, mag-iingat din kayo rito.” ani Evren saka naglakad palabas ng selda. 

    Sa labas nang kulungan, nag-aabang na si Don Ronaldo at Ryan. kaya nang makita siya pinasakay na siya ng sasakyan. pagkasakay nila tinanong siya ng matanda, “Hijo, may gusto ka bang puntahan?” Tumingin si Evren dito at nagwika, “Gusto ko po sanang, dumalaw sa puntod ni Inay.” aniya na may bahid ng lungkot sa tinig. 

   “Sige, Mando! sa sementeryo tayo.” utos nito sa driver. 

    HINDI nagtagal nakarating sila sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang pinakamamahal na ina. Habang papalapit si Evren sa puntod ng kaniyang ina, panay na ang agos ng luha sa kaniyang mga mata, kaya nang siya'y makalapit, hindi na niya napigilan pa ang humagulgol. 

    “Inay, patawarin n'yo po ako kung hindi man lang ako nakapunta sa burol mo, ginawa ko nan ang lahat, nagmakaawa ako sa abugado na bigyan ako ng pagkakataon na madalaw ka pero hindi nila ako punayagan, sobrang sakit sa akin na hindi ron kita naihatid sa huling hantungan mo, patawarin mo ako, inay!” ani Evren habang patuloy ang pag-agis ng luha sa kaniyang pisngi. “Napakaraming nangyari sa loob ng labing anim na taon. Napakarami din nasayang na paghihirap. Ngayon na nakalaya na ako, panahon na para makabawi. Huwag kang mag-alala, inay. Mag-iingat ako tulad ng palagi mong sinasabi sa akin.” aniya, nang mapansin niya ang bulaklak sa gilid ng puntod ng kaniyang ina, sariwa pa ito, at tila kalalagay lang din ng kandila. Naisip niya “marahil ay patuloy pa rin itong binibisita ni isabella.” saad niya sa kaniyang sarili. Kaya naman pinahid niya ang luha sa kaniyang mata at humarap kay Don Ronaldo. 

    “Tito, maari po ba tayong dumaan sa luma naming bahay?” tanong niya rito. 

    “Walang problema, hijo.” sagot nito. Kaya naman nagpaalam na siya sa puntod ng kaniyang ina at muli silang simakay ng sasakyan. 

    Pagdating nila sa dati nilang lugar kapansin-pansin ang laki ng ipinagbago nito. Mas marami ng bahay at marami na rin tao. Nang mapadaan sila sa bahay ng kaniyang kasintahan, pinahinto niya ito sa tapat nito at bumaba roon. Huminga muna siya ng malalim saka pinindot ang doorbell. 

    Nakita niya na isang matandang babae ang lumabas, paglapit nito sa kaniya agad siyang nagtanong dito. “Magandang araw po, nariyan po ba si Isabella Fortalejo?” magalang na tanong nk Evren. Nakita niyang nangunot ang noo ng matanda at nagwika. “Fortalejo, baka ang binabanggit mo ay yung dating nakatira dito, naku hijo! Matagal na silang 'di nakatira rito. Ilang taon na ang nakakalipas, lumipat na sila ng tahanan.” anito, “Maaari ko oo bang malaman kung saan sila lumipat?” tanong ni Evren. 

   “Hindi ko alam kung saan sila lumipat hijo? Kaanu-ano mo ba sila?” seryosong tanong nito. 

    “Kaibigan ko po, maraming salamat po, aalis na po ako.” paalam ni Evren sa matanda. 

   Muli siyang sumakay sa sasakyan at umalis na sila sa lugar na iyon.

   “Saan kaya sila lumipat?” tanong ni Evren sa sarili.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
naiiyak Naman Ako sa kapalaran ni Evren mabuti na lang may tumulong sa kanya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status