Nagising na lamang ako na nakahiga ako sa bathtub. Nakita ko ang punit kong damit at nagmadaling lumabas at nagsuot ng mas mahabang damit na ibinigay ni Matt. Kailangan ko nang makaisip ng paraan para makalis dito. Nakakatakot si Rafael baka anong gawin niya sa akin. Hindi pa ako kailanman nagkaboyfriend at ayaw ko makuha ang dangal ko. Biglang may kumatok ng malakas sa aking pinto.
"Are you trying to escape again?"
Pasigaw niyang sinabi. Huminga muna ako ng malalim at hindi dapat ako pahalatang natatakot. Kailangan kong maging matatag dahil wala makakatulong sa akin dito. Binuksan ko ang pinto at humarap sa kanya. Biglang siyang nagulat ng makita ako.
"Akala ko tumakas ka na naman."
"No"
Tinalikuran ko na siya at naglakad pababa ng hagdan.
"Anong pagkain?"
"Ang kapal ng mukha mo na magtanong nang makakain."
"Okay, sanay naman akong magutom."
Naglakad ako palayo sa kanya at kinuha ang isang mansanas. Nagulat siya ng kinagat ko ito.
"What is my punishment?"
"You need to go in the forest."
"Ano?"
"Maglakad ka papunta doon habang nakasunod ako gamit ang kabayo ko. Paalala lang hindi pa ito ang parusa mo. Let's go."
Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. Nakakainis at talagang hindi ako pinakain. Nagbulsa na lang ako ng dalawang mansanas at kumuha ng bottled water. Sumusobra ka na Rafael Jones. Wala kang puso! Naglakad ako ng padabog at nakitang matirik na ang araw. Anong oras na ba? Kinapkap ko ang cellphone ko. Wait naiwan ko ata sa kwarto niya ang phone ko. Akmang babalik ako sa loob ng mabilis niya akong hinila.
"Where do you think you’re going?"
"May nakalimutan lang ako."
"Ano iyon?"
Hindi ako makasagot dahil sigurado kukunin niya ang phone ko.
Pinakita niya ang hawak niyang cellphone.
"Talagang nagawa mo pang itago ito sa akin. Sinong tinawagan mo? yung lalaki mo?"
"I never had a boyfriend. Hindi ako ganong klaseng babae."
"What, another lie?" he smirked and shouted, "Move."
"Ang gwapo sana kaso ang sama naman ng ugali."
"What did you say?"
"Wala po"
Nagsimula na akong maglakad at natuwa ako sa mga ibon dahil kakaiba sila. Marami ding mga puno na napakataas at mga mapupulang bulaklak. Ngayon lang ako muling nakakita ng ganitong mga ibon at puno. Pumikit ako at hinayaan tumama ang sinag ng araw sa akin. Ang sarap naman dito. Hindi naman pala nakakatakot. Pagdilat ko nagtama ang mga mata namin ni Rafael. Ang gwapo niya talaga. Ang tangos ng ilong at kahit medyo mahaba na ang kanyang buhok bagay pa rin sa kanya. Napakaputi pa niya at namumula mula ito dahil sa sinag ng araw. Siguro kapag nagupitan siya mas lalong siyang gwapo. Nakatitig lang kami sa bawat isa ng biglang may umubo sa di kalayuan.
"Matt"
Excited kong nasabi dahil siya lang ang nakakakwentuhan ko kahit suplado din.
"What are you doing here?"
"I just want to remind you about the business meeting in Manila."
"No, you can handle it. Umuwi ka na."
Nagulat ako sa pagtataboy niya kay Matt.
"Teka bakit ganyan ang trato mo sa kaibigan mo?"
"It's none of your business."
"Ang sama mo!"
"Wow, baka nakakalimutan mo kung bakit ka andito. Kahit babae ka I can do whatever I want to do to you."
"Hindi ako natatakot sa iyo."
Maangas kong sagot sa kanya at naglakad na ako ng mabilis. Mabuti na lang at magaling na ang tuhod ko. Narinig ko na lamang ang papalayong sasakyan. Kawawa naman si Matt ginagawa niyang utusan tapos itataboy lang. Biglang may humila sa akin.
"May gusto ka ba kay Matt?"
"Ano?"
Inis kong tanong. Nakidnap na nga ako magkakagusto pa ko sa isa sa kumuha sa akin. Mukhang seryoso ang mukha niya. Nakaisip ako ng ideya.
"Oo, bakit masama ba yun? Single naman ako."
Binuhat niya ako at inangkas sa kabayo niya. Pinatakbo niya ito ng mabilis. Napapikit ako at yumakap sa kanya. Mahal ko ang buhay ko at ayaw kong mahulog. Lalo niya pang pinatakbo ng mabilis ang kabayo niya.
"Ahhhhhhhhh. Ayaw ko pang mamamatay."
Noong naramdaman ko nang huminto ang kabayo nakita ko ang lawa na napakalinis at may kubo sa malapit. Bumaba si Rafael at hinintay kong tutulungan niya akong bumaba pero hindi niya ginawa. Biglang gumalaw ang kabayo at nahulog ako sa damuhan.
"Aray"
Tumama ang pwet ko sa maraming bato buti na lang hindi masyadong matulis ang mga bato. Pinilit kong tumayo at tinignan ang lawa. Nawalan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa ganda ng tanawin dito. Papalapit sa akin si Rafael habang tinatanggal ang suot niyang damit. Umatras ako ng umatras hanggang nahulog ako sa lawa. Tumalim lang ang tingin niya sa akin at tumalon sa lawa. Hindi niya ako nilalapitan at kinakausap. Nilapitan ko siya dahil wala akong makausap.
"Rafael"
Hindi siya kumikibo at nakapikit lang.
"Rafael"
Wala pa ring sagot.
"Raf"
Biglang siyang nagmulat nang mata at tumingin sa akin.
"Ang kulit mo! Anong bang gusto mo?"
"Akala ko bang paparusahan mo ako? Parang hindi naman. Hindi man ako naglakad papunta dito at nakaligo pa ko sa lawa."
Natauhan ako sa aking sinabi at lumayo sa kanya. Ipapahamak pa ako ng madaldal kung bibig.
"Hmmp. wala pala."
Tatalikod na ko sa kanya nang bigla niya akong hinila. Niyakap niya ako ng mahigpit at rinig ko ang hininga niya sa aking tainga. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit niya.
"I want you"
Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Feeling ko anong mang oras mahihimatay na ako. Hindi ako gumalaw at hinintay ang sunod niyang sasabihin.
"I want you to suffer!"
Tinulak niya ako at umahon na siya sa tubig. Nagbihis siya at sumakay sa kabayo. Nakalayo na siyang nang natauhan ako. Napaiyak ako sa sakit ng sinabi niya. Ang dami nang hirap na pinagdaan ko, kulang pa ba lahat ng iyon. Wala man lang akong alam kong ano ba talaga ang ginagawa ko dito. Umahon ako sa lawa dahil giniginaw na ako. Pumasok ako sa kubo at namangha dahil ang ganda sa loob nito. Nakita ko ang isang cabinet at naroon ang larawan ng dalawang bata. Hindi ko na talaga kaya ang ginaw at kinuha ang tuwalya. Nakita kong may mga maluluwang ding damit. Isinuot ko ito pero nanginginig pa din ako. Hindi ko malaman kong sa takot ba o sa lamig ng tubig ng lawa. Umupo ako sa kama at niyakap ang sarili hindi pa rin matanggal ang lamig ko. Hanggang nakatulog ako. Naramdaman kong may taong tumabi sa akin pero hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Guminhawa ang pakiramdaman ko dahil sa init na hatid nito.
Michaela's Point of View Hindi ako makakilos nang marinig ang sinabi ng aking anak at biglang yumakap kay Rafael. Halatang nagulat siya sa narinig at nalito. Mabilis ko hinila si Raffy at pinapasok sa loob ng bahay. Akmang susundan ko ang bata ng tinawag ako ni Rafael. Pilit ako nakikiusap sa kanya na hayaan na niya si ate Diane pero mukhang mabibigo ako. Huminga ako ng malalim at lumuhod sa harap niya upang makiusap pero hinila niya ako patayo. Bago pa niya ako mayakap biglang dumating si Matt at si ate Diane ay yumuko sa harap niya. "Kung anong magiging hatol sa akin tatanggapin ko, Rafael. Marami akong naging kasalanan kay Michaela… at kinausap ko na siya tungkol dito." Sabi ni ate Diane sa pagitan ng mga hikbi niya. Sinalubong niya ang mga matatalim na tingin ni Rafael. "Minahal ko rin nang sobra si James. Patawad kong naging mahina ako at nahulog sa patibong ni Mackenzie." Hindi kumibo si Rafael pero hinawakan siya sa braso ni Matt. "What are you doing here?" Naiirita na sabi
Rafael's Point of ViewPatuloy ako sa pagtakbo at hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Matapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Matt para akong nabunutan ng tinik. Napahinto lang ako ng maalala ang bata, bumigat na naman ang kalooban ko. Tinanaw ko ang villa. Bakit nga ba siya nandito? Sino ba talaga ang batang iyon? Mabagal akong naglakad palapit at tumapat sa gate. Tinanaw ko ang bintana. May mga nagtatawanan sa taas at may boses lalaki rin. Hindi nga ako trinaydor ni Matt pero hindi pa rin maikakaila na may anak na siya. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod."Sino po kayo?" Napalingon ako sa matinis na boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagimbal ako ng makita ang mga mata niya na hugis oval at ang perpektong hugis ng mukha niya. Para kong nakikita ang sarili ko noong bata pa ko. Lumunok ako ng ilang ulit at hindi ko mahanap ang tamang salita. Nananaginip ba ko? Kumurap ako ng ilang ulit at ginaya naman ako ng bata. Lumapit
Rafael's Point of ViewFive years have passed, but the pain in my chest keeps nagging me to find her—the woman who stole my heart. I planned my revenge until I succeeded in abducting her, but in turn out, I fell for her. Sino ka nga ba talaga Michaela Clementon? Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinabi niya. Matapos ng may mangyari sa amin five years ago doon ako kinutuban na hindi nga talaga siya si Diane pero wala pa rin akong lakas ng loob harapin ang katotohanan. Pinili kong tumakas pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng katotohanan. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang business partner ko sa Pilipinas na nahuli na raw si Mackenzie Cruz at kailangan kong umuwi upang sampahan siya ng kaso pagpatay sa kuya ko. Sa wakas makakamit ko na rin ang tagumpay ngunit nagimbal akong makita ang larawan na kasama niya si Diane. She is not the woman I love. The Diane in the picture has long blonde hair with a spoiled brat aura, and the woman I know has an innocent look with gleaming
Yumuko ako at nagmamakaawa kay Macky at ate Diane. "Please, huwag niyong idamay ang anak ko." Pakiusap ko sa kanila. Ngumisi si Macky at tinitigan si Raffy. Akmang lalapitan niya ito ng biglang kinagat ni Raffy ang lalaking may hawak sa kanya at nabitawan siya. Mabilis siyang tumakbo pero si Macky hinila niya ang baril sa tagiliran ng lalaking kasama niya. Hindi na ko nagdalawang isip pa at sinipa sa maselang bahagi ang lalaki may hawak sakin at tumakbo kay Raffy. Kasabay noon ang lakas ng putok ng baril at unti-unting lumabo ang aking paningin. "M-Mommy!" Umalingawngaw ang iyak ni Raffy sa garden at mabilis na dumating ang mga magulang ko. Bago ko pa makita ang buong pangyayari tuluyan nang bumigat ang talukap ng mga mata ko. I can give all for my little angel, even my life; I can surrender it for his safety. —Mabigat ang katawan ko ng magising ako. Lahat sa paligid ay puro puti at naramdaman ang maliit na ulo na nakadagan sa tiyan ko. Pagyuko ko si Raffy pala ang natutulog sa ta
Hindi ako makatingin ng diretso kay ate Diane. Mula ng pagdating niya kagabi hindi na siya umalis. Buti na lang mahaba ang pasensya ni mama at hindi siya pinapatulan pero si papa mukhang punung-puno na."Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong niya kay ate Diane habang tahimik kaming nag-aagahan sa dining room. "Bakit Pa, bawal na akong pumunta sa inyo?" Tumawa siya na ikinagulat ni Raffy at yumakap sakin. Tinaasan siya ng kilay ni Diane. "Hello little kid, you must be Raffy. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang mga Jones?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mas lalo akong nagulat ng makita siyang naluluha na para bang may dinaramdam. "Alis na po ako." Biglang sabi niya at diretsong lumabas ng pinto. "Mukha may problema siya, hon." Sabi ni mama kay papa. Tumikhim lang si papa at umiling. Bumuntong hininga ako habang pinagmasdan si Raffy. Wala ngang duda na kamukha niya si Rafael. "Hayaan na lang natin siya. May tumawag sakin kanina. Naghiwalay na daw sila ng boyfriend n
Hindi ko ubod akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Nakangiti ang mama at papa ko habang nagtatago sa likod ng puno. Akala ko noon hindi na muli silang magkakaayos pero heto ngayon, masaya na muli kami bilang isang buong pamilya. Ngumiti ako hanggang nakita ko ang batang bersyon ni Rafael. Kahit wala na akong narinig tungkol sa kanya umaasa pa rin akong balang araw makikita niya ang anak namin."Granny, I can see you," Matunog na tawa ang binitawan ng aking anak na si Raffaello. Umiling ako. Kung gaano kasungit si Rafael ganon naman ang kabaligtaran ng anak namin. Masayahin siya pero sobrang pilyo. "Mommy! I caught lolo and lola," Masaya niyang sabi habang tumatakbo papunta sakin. Ngumiti ako at niyakap siya."Are you hungry?" Tumango siya. "I want fried chicken!" sigaw niya habang lumulundag."Nakakapagod nang makipaglaro sa apo natin ngayon," bulong ng papa ko sa mama ko pero rinig namin ang mga reklamo niya."Lolo!" maktol sabi ni Raffaello. "Raffy, don't shout to your