Lahat ng sinabi ni Rafael tungkol sa relasyon ng ate ko at kuya niya ay totoo pero may kinalaman ba talaga ang ate ko sa pagkamatay ng kuya niya? Natapos ko nang linisin ang buong bahay ni Rafael pero hindi pa rin ako mapalagay sa aking nakita dahil ang alam ko lang na boyfriend ni ate ay si Macky Cruz. Laging siya ang pumupunta sa bahay namin at halos 5 years na din sila. Kailangan kong malaman ang totoo. Inabangan ko ang pagdating ni Rafael pero 6:00 pm na, wala pa siya. Biglang tumunog ang tiyan ko at hindi ko na matiis ang gutom ko. Kumain na lamang ako. Biglang narinig ko ang tunog ng isang sasakyan. Nagmadali akong pumunta at nakita ko si Matt.
"You look disappointed. Are you waiting for Rafael?"
"No,"
Nakakanosebleed namang kausap ito.
"Can I ask you something?"
"Sure"
"Are you foreigner?"
"Not really I just live in United States for 10 years but I am pure Pilipino. Rafael is half American. Do you know that his name is Rafael Jones?"
Namutla ako sa sinabi niya dahil kilala ang mga Jones sa pinakamayaman sa America.
"His father is American while his mother is half Filipina. Pero mas marunong pa siya sa aking magtagalog."
Marunong naman palang magtagalog ito pinahirapan pa ako pero ang cute pakinggan ng tagalog niya. May accent ng american talaga. Natuwa ako kay Matt at nakipagkwentuhan sa kanya. Pinakain ko na rin siya at pinakita niya ang mga binili niyang damit para sa akin. Napasimangot ako dahil pang matanda ang mga binili niya puro mahahabang palda at jogging pants. Ang mga damit naman puro may manggas at wala man lang sleeveless.
"Mukhang ba akong nanay kaya ganyan ang mga binili mo?"
"Oh I'm sorry about that. Rafael sends the photos of the dress and shirt that he wants for you."
Bwisit talaga iyon so ibig sabihin papahirapan niya talaga ako dito kahit wala naman akong kasalanan.
"May alam ka ba tungkol sa kuya niya?"
Tumawa siya at napatingin sa akin.
"Hindi ba naging boyfriend mo ang kuya niya?"
"Hindi"
"What?"
"Hindi naman kasi talaga ako si Diane."
"Don’t fool me."
"I am not. Sinasabi ko lang ang totoo at hindi ko alam paano nila ako nakuha. Ang alam ko kasama ko ang ate ko at ang boyfriend niya sa isang party. Tapos umiinom lang ako ng juice sa isang sulok then paggising ko nasa bahay na ko ni Rafael."
"Look I am kind to you but you can't fool me."
Ayaw talaga nilang maniwala sa akin.
"Hindi ako sinungaling pero naiintindihan kita. Lahat naman ng tao hindi naniniwala sa akin dahil puro si ate lang naman ang tama."
"What is the name of your ate?"
"Diane"
Nagulat ako sa sinabi ko at nakatitig lang sa akin si Matt. Sasabihin ko sanang huwag niyang sasabihin kay Rafael nang biglang may mga yabag ng kabayo. Lumabas kami at nakita ko si Rafael na nakasakay sa puting kabayo. Tinanggal niya ang damit niya at ibinaba ang mga dala niyang gulay at prutas. Napalunok ako dahil ang ganda ng katawan niya may maputing siyang balat at may pandesal pa. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko namalayan na tinatawag niya pala ako.
"Hey, are you deaf?"
"Hindi"
"Buhatin mo ito."
"Seryoso ka?"
"Mukhang ba akong nagbibiro."
Matalim na naman ang tingin niya sa akin at iniwan ko na si Matt. Nagmadali akong buhatin ito. Ang bigat naman nito buti na lang sanay ako sa mabibigat na dalahin.
"Rafael, can we talk?"
Narinig ko ang sinabi ni Matt at sinadya kung mahulog ang mga prutas sa sahig.
"Ouch"
Agad namang tumakbo palapit sa akin ang dalawa at nakita kong nanlisik na naman ang mga mata ni Rafael. Iniwan niya kami at sinarado padabog ang pinto ng kanyang kwarto. Pinulot namin ang mga prutas ni Matt.
"Please huwag mong sasabihin kay Rafael na ate ko si Diane ayaw ko siyang mapahamak."
"What? So okay lang na ikaw ang magdusa sa ginawa niya."
"Hindi ko pa naman alam ang lahat eh, baka gusto mong sabihin sa akin?"
"I don't trust you."
Bigla siyang tumayo at pumunta sa kwarto sa itaas. Ilang oras lamang bumalik siya at pinuntahan ako sa kusina.
"Here look at this"
Nagulat ako sa ibinigay sa akin ni Matt. Larawan ito ng sirang sasakyan at halatang matindi ang pagkakabangga nito sa ikalawang papel naman nakita ang isang wire na sinadyang putulin.
"Anong ibig sabihin nito?"
"Sinadya ang pagkakaaksidente ni James."
"James ang pangalan ng kuya ni Rafael?"
"Oo."
Biglang akong kinabahan dahil sa pagkakatanda ko narinig ko si Macky at Ate naguusap tungkol sa pangalang James pero hindi ko narinig ang buong paguusap nila.
"Kaya kung may alam ka sabihin mo na."
"Wala akong alam."
"I don't think so. Kung hindi ikaw si Diane at siya ang ate mo it means you might know something about it."
"Wala nga akong alam."
"It means you are Diane."
Hinablot niya sa akin ang papel at umakyat ulit. Pagbaba niya dala na niya ang mga gamit niya.
"Saan ka pupunta?"
"Your punishment will start soon. I don't want to see it."
"Wait"
"What?"
"Pwedeng sumama?"
"You must be crazy"
Umiling ito at umalis. Natatakot na ako sa maaaring gawin sa akin ni Rafael. Inayos ko na lamang ang mga prutas at gulay. Pagkatapos nagmadali akong umakyat ngunit biglang may humila sa akin at dinala ako sa madilim na kwarto.
"Diane"
Naamoy ko kay Rafael ang alak.
"Hindi ako si Diane"
"Huwag mo nga akong lokohin. Kung si Matt mapapaniwala mo ako hindi."
Lumapit siya ng lumapit sa akin tanging ang computer lang naka bukas ang tanging nagbibigay liwanag sa silid. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero nakikita kong papalapit siya sa akin. Umurong ako ng umurong hanggang nasa dulo nako ng kama. Napahiga ako at hindi ako makagalaw dahil lumapit siya sa akin. Bigla siyang naglakad palayo nakahinga ako ng maluwag at akmang tatayo na ako ng bigla niya akong hilain pababa.
"You’re beautiful but I will never fall for you"
Tinanggal niya ang aking damit pero mabilis ko siyang tinulak. Mukhang marami na siyang nainom na alak dahil agad siyang natumba nagmadali ako tumayo at tumakbo sa may pinto. Gusto ko nang tumakas pero natatakot ako. Nagmadali na lamang akong umakyat sa silid ko at nilock ang pinto. Nagkulong ako sa banyo at hindi ko mapigilang mapaluha.
Michaela's Point of View Hindi ako makakilos nang marinig ang sinabi ng aking anak at biglang yumakap kay Rafael. Halatang nagulat siya sa narinig at nalito. Mabilis ko hinila si Raffy at pinapasok sa loob ng bahay. Akmang susundan ko ang bata ng tinawag ako ni Rafael. Pilit ako nakikiusap sa kanya na hayaan na niya si ate Diane pero mukhang mabibigo ako. Huminga ako ng malalim at lumuhod sa harap niya upang makiusap pero hinila niya ako patayo. Bago pa niya ako mayakap biglang dumating si Matt at si ate Diane ay yumuko sa harap niya. "Kung anong magiging hatol sa akin tatanggapin ko, Rafael. Marami akong naging kasalanan kay Michaela… at kinausap ko na siya tungkol dito." Sabi ni ate Diane sa pagitan ng mga hikbi niya. Sinalubong niya ang mga matatalim na tingin ni Rafael. "Minahal ko rin nang sobra si James. Patawad kong naging mahina ako at nahulog sa patibong ni Mackenzie." Hindi kumibo si Rafael pero hinawakan siya sa braso ni Matt. "What are you doing here?" Naiirita na sabi
Rafael's Point of ViewPatuloy ako sa pagtakbo at hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Matapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Matt para akong nabunutan ng tinik. Napahinto lang ako ng maalala ang bata, bumigat na naman ang kalooban ko. Tinanaw ko ang villa. Bakit nga ba siya nandito? Sino ba talaga ang batang iyon? Mabagal akong naglakad palapit at tumapat sa gate. Tinanaw ko ang bintana. May mga nagtatawanan sa taas at may boses lalaki rin. Hindi nga ako trinaydor ni Matt pero hindi pa rin maikakaila na may anak na siya. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod."Sino po kayo?" Napalingon ako sa matinis na boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagimbal ako ng makita ang mga mata niya na hugis oval at ang perpektong hugis ng mukha niya. Para kong nakikita ang sarili ko noong bata pa ko. Lumunok ako ng ilang ulit at hindi ko mahanap ang tamang salita. Nananaginip ba ko? Kumurap ako ng ilang ulit at ginaya naman ako ng bata. Lumapit
Rafael's Point of ViewFive years have passed, but the pain in my chest keeps nagging me to find her—the woman who stole my heart. I planned my revenge until I succeeded in abducting her, but in turn out, I fell for her. Sino ka nga ba talaga Michaela Clementon? Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinabi niya. Matapos ng may mangyari sa amin five years ago doon ako kinutuban na hindi nga talaga siya si Diane pero wala pa rin akong lakas ng loob harapin ang katotohanan. Pinili kong tumakas pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng katotohanan. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang business partner ko sa Pilipinas na nahuli na raw si Mackenzie Cruz at kailangan kong umuwi upang sampahan siya ng kaso pagpatay sa kuya ko. Sa wakas makakamit ko na rin ang tagumpay ngunit nagimbal akong makita ang larawan na kasama niya si Diane. She is not the woman I love. The Diane in the picture has long blonde hair with a spoiled brat aura, and the woman I know has an innocent look with gleaming
Yumuko ako at nagmamakaawa kay Macky at ate Diane. "Please, huwag niyong idamay ang anak ko." Pakiusap ko sa kanila. Ngumisi si Macky at tinitigan si Raffy. Akmang lalapitan niya ito ng biglang kinagat ni Raffy ang lalaking may hawak sa kanya at nabitawan siya. Mabilis siyang tumakbo pero si Macky hinila niya ang baril sa tagiliran ng lalaking kasama niya. Hindi na ko nagdalawang isip pa at sinipa sa maselang bahagi ang lalaki may hawak sakin at tumakbo kay Raffy. Kasabay noon ang lakas ng putok ng baril at unti-unting lumabo ang aking paningin. "M-Mommy!" Umalingawngaw ang iyak ni Raffy sa garden at mabilis na dumating ang mga magulang ko. Bago ko pa makita ang buong pangyayari tuluyan nang bumigat ang talukap ng mga mata ko. I can give all for my little angel, even my life; I can surrender it for his safety. —Mabigat ang katawan ko ng magising ako. Lahat sa paligid ay puro puti at naramdaman ang maliit na ulo na nakadagan sa tiyan ko. Pagyuko ko si Raffy pala ang natutulog sa ta
Hindi ako makatingin ng diretso kay ate Diane. Mula ng pagdating niya kagabi hindi na siya umalis. Buti na lang mahaba ang pasensya ni mama at hindi siya pinapatulan pero si papa mukhang punung-puno na."Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong niya kay ate Diane habang tahimik kaming nag-aagahan sa dining room. "Bakit Pa, bawal na akong pumunta sa inyo?" Tumawa siya na ikinagulat ni Raffy at yumakap sakin. Tinaasan siya ng kilay ni Diane. "Hello little kid, you must be Raffy. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang mga Jones?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mas lalo akong nagulat ng makita siyang naluluha na para bang may dinaramdam. "Alis na po ako." Biglang sabi niya at diretsong lumabas ng pinto. "Mukha may problema siya, hon." Sabi ni mama kay papa. Tumikhim lang si papa at umiling. Bumuntong hininga ako habang pinagmasdan si Raffy. Wala ngang duda na kamukha niya si Rafael. "Hayaan na lang natin siya. May tumawag sakin kanina. Naghiwalay na daw sila ng boyfriend n
Hindi ko ubod akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Nakangiti ang mama at papa ko habang nagtatago sa likod ng puno. Akala ko noon hindi na muli silang magkakaayos pero heto ngayon, masaya na muli kami bilang isang buong pamilya. Ngumiti ako hanggang nakita ko ang batang bersyon ni Rafael. Kahit wala na akong narinig tungkol sa kanya umaasa pa rin akong balang araw makikita niya ang anak namin."Granny, I can see you," Matunog na tawa ang binitawan ng aking anak na si Raffaello. Umiling ako. Kung gaano kasungit si Rafael ganon naman ang kabaligtaran ng anak namin. Masayahin siya pero sobrang pilyo. "Mommy! I caught lolo and lola," Masaya niyang sabi habang tumatakbo papunta sakin. Ngumiti ako at niyakap siya."Are you hungry?" Tumango siya. "I want fried chicken!" sigaw niya habang lumulundag."Nakakapagod nang makipaglaro sa apo natin ngayon," bulong ng papa ko sa mama ko pero rinig namin ang mga reklamo niya."Lolo!" maktol sabi ni Raffaello. "Raffy, don't shout to your
Halos dalawang linggo akong nananatili sa ospital dahil na rin sa request ni mama. Minsan natatawag ko pa rin siyang Ginang Letisha at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Dapat kasi pinilit ko na lang na operahan na lang ang braso ko at taihan para magaling na agad. "Ang lalim ng iniisip mo." Bulong ni Rica sakin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siya."Ano sa tingin mo?" Nagkibit balikat siya at kinuha ang bag sa kama."Sa tingin ko. Magpagaling ka muna bago mag-isip ng kung ano-ano. Tignan mo nga may sling pa rin ang braso mo. Kailangan mo pa daw magpahinga pero bakit ganun?" Kumunot ang noo ko sa biglang pagtataka niya."Anong ibig mong sabihin?" Lumapit siya sakin at tinignan ang braso ko."Di ba naka schedule ka para maoperahan. Bakit iniba nila kahapon? Bilin pa ng doktor na dapat hayaan na lang daw maghilom tapos dapat puro gulay at prutas na lang ang kainin mo. Pati mga gamot mo tinanggal." Lalo akong napaisip sa sinabi niya. Bago
Bumigat ang pakiramdam ko at hindi makatingin kay ate Diane. Ang mga tingin niya ay makahulugan at nanonoot parang may alam siya na napakahalaga. "Bakit hindi ka makasagot?" Taas kilay na sabi niya. "Alam mo bang na-kidnap ako?" Tanong ko. Nawala ang ngiti niya sa labi at tumingin sa malayo. "Bakit ikaw naman ngayon ang hindi makasagot?" Umiling siya at lumapit sakin. "Sa huling balita ko tungkol sayo, nag-enjoy ka naman dito." Tumawa siya ng malakas. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko. "What?" Sita niya ng hindi ako makasagot. "Michaela, thank you." Dagdag niya at tuluyan ng naglakad papunta sa kotse nila. Nakatitig lang ako sa kanila at pinaandar na nila ang kotse. Ilang pulgada palang ang layo nila sakin ng biglang may dumating na mga pulis at hinarang sila. "Diane at Mildred Clementon, iniimbitahan namin kayo sa prisinto. May karapatan kayong manahimik at kumuha ng inyong abogado. Lahat ng sasabihin niyo ay maaaring gamitin laban sa
Tahimik lang ako nakamasid sa bintana habang tahimik na nagmamaneho si Lance. Nadaanan namin ang karatula ng villa Letisha at hindi ko mapigilan maluha. Hindi man lang ba ako magpapaalam kay Rica at Ginang Letisha?"Lance," Tumingin sa rearview mirror si Lance. "Pwede ba muna akong magpaalam sa kaibigan kong si Rica." Huminga siya ng malalim at hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Lumingon siya sakin."Saan ba siya nakatira? Akala ko bang magkasama kayo sa bahay na yun? Bakit lalaki ang kasama mo roon?" Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin. Ngayon ko lang napansin ang gamit niya sa passenger seat. "Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Huwag mong sabihin sakin matapos mo akong makausap kahapon agad ka nang nag-book ng flight pabalik dito sa Pilipinas?""Hindi pa ba obvious. Kausap pa lang kita kahapon agad na akong nag-book ng flight. Lalo na delikado ang buhay mo." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi pero malinaw ko pa rin itong naintindihan."Anong alam mo?" t